CHAPTER 10

1548 Words
Chapter Ten - Elise Hope Ilang buwan narin ang nakalipas noong nangyaring engkwentro sa pier ng San Luis. Simula noon, wala na silang narinig o hindi kaya ay naengkwentrong tauhan ng ama ni Margarita. Kahit ilang buwan man ang lumipas ay hindi sila nagpakampante sapagkat marami-rami naring tao ang mga dumadaan sa kanilang bahay na ipinagtataka nila. Hapong-hapo ni Margarita ang tiyan habang paulit-ulit itong naglakad sa napakahabang pasilyo. Pagkatapos naman, babalik siya ulit at liliko sa silid pahingahan papunta sa alfresco. Iniinda niya ang bigat ng tiyan sapagkat lumalaki na ito. Lumabas ito papuntang alfresco para huminga ng sariwang hangin. Tanaw niya ang nalinisan ng bakod, mga nakapalibot na naglalakihang puno, at ang sikat ng araw na papalubog. Humugot ito ng malalim na hininga at umupo sa isang espesyal na upoang yari sa rattan. Ipinikit niya ang kanyang mata at dinama ang kanyang paligid. Ilang buwan narin ang lumipas at walang mapagsisidlan ang kanyang pasensya sapagkat, hindi na siya makapag-antay sa araw na kanyang panganganak. Ngayong buwan ang antay ng kanyang panganganak noong minsang pumunta ang isang ob-gyn na kilala ni Ronald. Ilang oras na siyang nakaupo sa labas habang nagpapahinga. Hindi nito batid na unti-unting sinasakop ng kadiliman ang liwanag na araw. Naaliw ito sa pag-iisip ng mga bagay-bagay kapag darating na ang anak nito. "Mahal?" tawag ni Victor. "Gumagabi na! Pumasok ka na dito sa loob," sigaw nito. Nagulat si Margarita at napatingin sa kanyang paligid na unti-unti nang dumidilim. Mabilis na isinuot ni Margarita ang kanyang mga tsinelas at tumayo na para makapasok. Hinila niya ang kanyang suot na blazer nung madama nito ang lamig ng hangin. Paika-ika itong naglakad habang papasok ng bahay. Nagkabati na sila simula noong gabing sinuyo siya ni Victor. Kaya simula noon hanggang ngayon, kahit nag-aaway sila ay nagkakasundo rin kalaunan. Sapagkat, epektibo ang taktika na ginagamit ni Victor para suyuin ang asawa. Bago pa marating ni Margarita ang silid-pahingahan ay bigla itong sumigaw. Nagulat sila Victor sa narinig nilang pagsigaw. Dali-dali silang tumakbo papunta kay Margarita para tingnan kung ano ang nangyayari. "Victor! Ang sakit ng tiyan ko. Manganganak na ata ako," sigaw ulit ni Margarita. "Ano? Uhh-uhm-" natigil si Victor sa pagsasalita. "Upo ka muna Margarita," singit ni Ronald habang dali-daling inalalayan si Margarita sa upoang sofa. Dali-daling hinanap ni Ronald ang kanyang telepono at tinawagan nito ang kakilalang doktor. Abala naman si Victor sa pag-aasikaso sa asawang namimilipit sa sakit. Hindi mapakali ang mga kalalakihan sapagkat hindi nila alam kung ano ang gagawin pagdating sa ganitong bagay. "Ano? Hindi ka makakapunta? Wala ka bang kasamahan sa ospital na pwedeng magpaanak kay Margarita?" natatarantang sabi ni Victor. "Sige! Tatawag nalang ako sa ospital. Maraming salamat doktora," sabi nito at nilipat ang tawag sa numero ng ospital na ibinigay ng ob-gyn. "Ho! Mahal hindi ko na kaya," hinihingal na tugon ni Margarita. "Hintayin muna natin mahal, kasi-" kinakabahang sagot ni Victor. Mas maputla pa ang mukha ni Victor kaysa sa asawa nitong buntis. "Anong hintay ka diyan! Sasabihan ko anak nating 'huwag muna lumabas habang inaantay natin ang midwife' ganoon?" galit nitong tugon sa asawa. "Hello? May manganganak dito sa-" naputol si Ronald sa kanyang sasabihin. "... Oo ito nga iyon..." "Ah! Pinagsabihan ka ni doktora?" sagot nito sa kabilang linya. "... mga ilang minuto kaya?" "Sige sige! Pakibilisan nalang kasi malapit ng manganganak," at tinapos ni Ronald ang tawag. Bumaling si Ronald sa mag-asawang hindi rin mapakali sa kanilang sitwasyon. Kung hindi lang sila tinutugis ng ama ni Margarita, malaya silang makakapunta ng ospital ngunit hindi. Napabuntong-hininga nalang si Ronald at pumunta sa mag-asawa. "Mga labinlimang minuto bago dumating iyong tinawagan kong midwife. Pumasok ka nalang muna sa kwarto para dire-diretso na mamaya pagkadating ng midwife," ani Ronald habang kinakausap si Margarita. Inalalayan nila si Margarita papasok ng kwarto. Namimilipit na ito sa sakit sapagkat ramdam na nitong malapit na siyang manganganak. Nabigla sila noong biglang umihi si Margarita. Ngunit, tubig lamang ang mga pumapatak sa sahig. Dali-dali nila itong kinarga papasok ng kwarto sapagkat manganganak na ito. Limang minuto palang ang lumipas kaya wala pa ang midwife. Kinakabahan na sila baka tuluyang manganganak si Margarita tapos wala silang kamuwang-muwang kung ano ang susunod na gagawin. "Malapit na ako," ani ni Margarita. Tagaktak na ang mga pawis sa mga noo nito. Nagkatinginan sila Ronald at Victor. Nabigla sila noong nakarinig sila ng katok sa labas ng pintuan. "Ang midwife na siguro iyon," ani ni Victor kaya dali-dali itong lumabas ng kwarto. Mabilis itong tumakbo papunta sa sala. Pagbukas nito sa pinto, mag-isa lamang ang midwife at may mga dala itong kagamitan. Tinulongan nitong bitbitin ni Victor ang mga kagamitan habang papunta na sila sa kwarto. "Ha! Ho!" buga ng hangin ni Margarita nung buksan nila ni Victor ang pintuan. Dali-daling nagpunta ang midwife kay Margarita. Hinanda nito ang mga kagamitang gagamitin para sa panganganak. Hindi natiis nila Victor na tingnan ito kaya lumabas muna sila. Pagkaupo nila ay narinig nila ang pagsigaw ni Margarita. Hindi mapakali si Victor at paulit-ulit itong naglalakad pabalik-balik ng silid-pahingahan. Si Ronald naman ay nakadungong nakaupo habang nilalaro ang paa para ibsan ang kaba. Ilang minutong paghiyaw ang kanilang narinig galing sa kwarto ay tumigil na. Napatayo sila at hindi na makapag-antay pa kaya pumasok na sila sa loob ng kwarto. Bumungad sa kanila ang isang sanggol na umiiyak habang karga ito ni Margarita. Napaluha si Victor ng makita ang anak nito. Dali-dali itong naglakad papunta sa asawa. Tumabi ito sa asawa at hinalikan ang noo nito. "Maraming salamat at maayos ang lahat mahal. Babae ba o lalaki?" hindi napigilang tanong ni Victor. Napangiti si Margarita sa kanyang asawa. " Babae mahal," sagot nito. "Anong ipapangalan natin mahal?" "Elise Hope. Elise Hope Marcellus mahal," masayang pahayag ni Margarita Tinanguan ito ni Victor bilang pagsang-ayon. Nakangiting nakatingin si Ronald sa mag-asawang masayang-masaya. Lumapit narin ito para tingnan ang mag-asawa. "Lalabas muna ako. Huhugasan ko lang itong mga kagamitan," ani ng midwife. Tinanguan lamang ito ni Ronald. "Naku! Manang-mana sa akin," biro ni Ronald. "Paano naging sayo kung anak namin ito?" nakakunot na tugon ni Victor. Natawa rin ito ng kaunti sapagkat tama naman si Ronald. May nanalantay na dugo rin ni Ronald sa bata dahil parang apo niya na rin ito. Napailing nalang si Margarita habang tinitingnan ang dalawa. Ibinaling nito ang mukha sa kanyang mala-anghel na anak. Walang mapaglalagyan ang kaligayahan nito sapagkat bayad na lahat ng mga sakripisyo nila. "Sunog! May sunog!" Narinig nilang sigaw sa labas ng kanilang kwarto. Dali-dali itong pinuntahan ni Ronald para tingnan ang nangyayari. Nadatnan nito ang kisame ng bahay na unti-unting sinasakop ng apoy. Nanggagaling ang apoy sa sala at malapit na abutan ang kisame ng kwarto kaya dali-daling pinuntahan ito. "Lumabas na kayo. May sunog!" sigaw ni Ronald. Dali-daling ipinasok ng midwife ang dala nitong gamit sa kanyang lalagyan. Lumapit ito sa mag-asawa para tulungang bitbitin ang bata. "Ako na po ang magbitbit ma'am para hindi na kayo mahirapan," ani nito. Hindi nag-alinlangan si Margarita sapagkat pagod parin ito galing sa panganganak. Naunang lumabas ang midwife kasama ang anak nila Margarita. May putukang naganap sa labas ng bahay ang narinig nila Margarita. Agad inalalayan ni Victor ang asawa para makalabas na doon. Nakita nila si Ronald na nakigbarilan sa mga taong nagpapaputok galing sa labas. Nabigla sila noong narinig nila ang sigaw ng midwife. Nakita nila ang kisame nitong gumuho dahil sa apoy. Hindi na nila nakita ang midwife dala ang kanilang anak sapagkat natupok na ng apoy ang buong silid-pahingahan na siyang dinaanan ng midwife. Isang pamalot ang kanyang nakita habang nakatingin sa nasusunog na bahay. Napaluhod nalang si Margarita sapagkat hindi niya matatanggap na mawawala sa kanya ang kanyang anak. Lumapit siya sa nasusunog na pamalot ngunit pinigilan ito ni Victor. Kay bilis ng mga pangyayari, narinig nila ang daing na nanggagaling kay Ronald. Natumba ito at maraming dugo ang lumabas sa tama nito. May pinindot ito at biglang may bumukas sa dingding na malapit kay Margarita. Mabilis na ipinasok si Margarita ng kanyang asawa roon para makatakas. Ngunit, napasigaw ito noong biglang sumuka ito ng dugo sa bibig nito. Hindi na alam ni Margarita kung ano pa ang gagawin. Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit habang inaalo ito. May tama ito sa likuran noong makapa niya ang likuran nito. "Mahal! Huwag naman ganito. Mahal! Gising," sabi nito at humahagulgol ng iyak. "Ma-mahal," tawag nito habang nauutal. "Huwag ka munang magsalita mahal. Pupunta tayo ng ospital," ani nito at hinahalik-halikan ang mukha ng asawa. "Hi-hindi mahal. Mayroon ka-kang dapat ma-malaman," ani nito habang hinahaplos ang mukha ni Margarita. Nakangiti parin ito kahit na marami ng dugo ang lumalabas sa bibig nito. Mas napahagulhol si Margarita nung makitang papikit-pikit ito. "Si Ro-ronald," turo nito, "ti-tito-" natigil ito sa pagsasalita at binawian ng hininga. Walang nagawa si Margarita habang tinitingnan nito ang asawa sa kanyang mga bisig. Napatingin ito sa paligid na nasusunog, kay Ronald na nakahandusay sa sahig, sa anak niyang hindi niya alam kung buhay pa ba ito, at balik sa asawa nito. Para siyang nawalan ng lakas habang tiningnan ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Dama niya ang pagod nang lumapat ang kanyang likuran sa isang metal na kahon. Walang lakas niyang pinindot ang pulang ilaw at tulad ng kanyang pagpikit ay bumaba rin ang kahon palayo sa nakakabangungot na pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD