Ikasiyam na Kabanata - The Sea and Seashore
Nabibingi na sa katahimikan si Ronald habang minamaneho ang sasakyan nito. Palipat-lipat ang mga mata sa kalsada at rear view mirror. Tinitingnan ng paulit-ulit ang mag-asawang hindi nag-iimikan sa isa't-isa.
Habang nasa daan sila ay napadaan ito sa isang kainan. Gabi narin noong nakauwi sila galing sa pier. Kaya, ipinarada ni Ronald ang sasakyan sa tapat ng kainan kung saan may bakanteng lote.
"Kain muna tayo," anyaya niya sa mag-asawa.
Tango lamang ang kanyang nakuhang sagot galing kay Margarita. Wala namang imik si Victor na nakatingin lamang sa bintana. Napailing nalang si Ronald dahil sa mga inasta nito.
Naunang bumaba si Ronald kaya naiwan ang mag-asawa sa loob. Walang nangahas na nagsalita sa kanilang dalawa kahit dinig nilang umiingay na ang tiyan nila sa gutom. Hindi naman sila makababa sapagkat inaantay lang nila kung sino ang mauuna.
"Labas na tayo," basag ni Victor sa katahimikan nila. "Kanina pa iyon nag-aantay," ani nitong hindi tumitingin.
Wala itong sagot na narinig galing kay Margarita. Binuksan nalang nito ang pintuan para umalis. Ngunit, bigla itong napatigil sa pag-alis. Nakahawak ang kamay ni Margarita sa bisig nito na nagpatigil sa kanya.
Umupo ito ulit kahit na nakalabas na ang kalahating katawan nito. Nakatalikod ito ngunit handa ang kanyang tenga kung ano man ang pag-uusapan nila ni Victor. Kahit ayaw niya munang makipag-usap ay nabali ito noong hinawakan siya ni Margarita.
"Patawarin mo ako," ani ni Margarita sa isang malumanay na boses.
Napapikit ang mga mata ni Victor dahil sa narinig. Gusto niya itong sumbatan ngunit iniintindi niya muna ito. Humugot ito ng malalim na hininga at ibinuga ito ng dahan-dahan.
"Mamaya na natin pag-usapan iyan," ani ni Victor at lumabas agad ng sasakyan.
Walang nagawa si Margarita para pigilan siya. Dama nito ang panlalamig at ang pagkadisgusto ng asawa sa kanya. Kumawala ang isang luhang lumandas sa pisngi nito ngunit, pinunasan nito agad ang luha. Kinalma nito ang sarili at minabuti nalang na lumabas. Bumungad sa kanya ang malamig na hangin nung buksan ang pintuan ng sasakyan.
Napakapit siya ng mahigpit sa kanyang suot na roba at sumunod agad kay Victor. Tanaw nito ang isang malaking kubo na restaurant. Nababalotan ang mga haligi nito ng mga dilaw na bombilyang maliliit - na mas nakapagbibigay ganda sa buong paligid nito.
Hindi masyadong madami ang mga taong kumakain pagdating nila Margarita. Tama lang din ang distansya ng mga upoan para malayang makadaan sila. Mayroon ding tatlong scented candles ang nakalagay sa isang maliit na pasong makikita sa gitna ng lamesa.
Inilibot ni Margarita ang kanyang paningin sa buong paligid. Napakakomportable nitong tignan sapagkat hindi masyadong malakas ang pagkakasindi ng mga ilaw. Nagbibigay ito ng ibat-ibang accent sa mga gamit na nakabitin sa kisame nito. Hindi mo rin masyadong maaaninag ang mga mukha ng mga tao kaya pakiramdam niya ay komportable ang lugar na ito para sa kanila.
Tumigil sila saglit para hanapin si Ronald kung saan ito umupo. Sakto namang napatingin si Margarita sa labas at nakita niyang may kumakaway. Tinuro nito ni Margarita para makita ni Victor kung nasaan ito. Agad silang pumunta kung nasaan naroroon ang kaibigan.
Napangiti si Margarita pagkarating roon sapagkat may alfresco ang restaurant na ito. Hindi niya inaasahang kay ganda ng napili ni Ronald dahil nakaharap ito sa isang malalim na bangin papunta sa malawak na dagat. Sa dulo ng dagat makikita ang napakalaking buwan na nagbigay liwanag sa paligid at nagpapakintab sa bawat alon na sumasayaw sa ibabaw ng dagat.
Napangiti ito at naupo sa harap. Nahihiya itong tumingin sa mga nakaupo sa harap kaya nakatungo nalang ito. Mayroon ng nakahandang pagkain kaya hindi na ito nag-abalang tumingin sa menu.
"Okay ka lang ba Margarita?" ani Ronald.
Natigil ito sa pagkain at ninguya ng maayos bago nagsalita, "oo okay lang ako. Ikaw?"
"Wala naman akong ginawa," natawa nitong tugon. "Pero kumusta ang sugat mo? Hindi ba masakit?"
"Okay lang talaga," at ngumiti ito, "salamat pala sa pagligtas sa akin kanina."
Tumikhim naman si Victor kaya napabaling sina Ronald at Margarita sa kanya. Pasimple itong ngumunguya pero nakaangat naman ang mga kilay nito. Nakatingin lang din ito sa kanyang kinakain.
"Ikaw Victor? Masakit pa ba ang sugat mo?"
"Ang sakit," tumigil ito sa pagsasalita. Tumingin ito kay Ronald at tinuro nito ang kanyang dibdib kung nasaan narooon ang puso. "Ang sakit dito," ani nito na parang nasasaktan.
"May sugat ka ba diyan?" gulat na gulat si Ronald.
"Oo..." madrama itong tumango, "ang sakit sakit ng puso ko."
Natawa ng malakas si Ronald dahil sa sinabi at inasta nito. Nabigla ito sapagkat pinapakita nito ang kanyang palabirong sarili. Napailing nalang ito at nagpatuloy nalang sa pagkain.
"Iyong isa kasi diyan..." parinig nito, "nananakit," patuloy nitong sabi.
Binitawan ni Margarita ang kanyang kutsara at tinidor. Kanina pa siya nagtitimpi para hindi sumabog sa galit. Ngunit, sukdulan na ang ginagawa ni Victor para hindi na nito pigilan ang sarili.
"Diba hiningi ko ang kapatawaran mo? Hindi pa ba sapat iyon?" dahan-dahan ngunit may diin bawat silaba. Damang-dama niya ang bigat ng kanyang mga sinasabi. Imbes na pumutok sa galit ay dinaan niya lahat ng pagtitimpi niya sa kanyang mga salita.
Napatikom naman ng bibig si Victor dahil sa kanyang narinig. Hindi pa niya nakita o narinig man lang sa tanang buhay niya ang ganoong Margarita. Napayuko ito sapagkat hindi niya pa ata kilala ng lubusan ang kanyang napapangasawa.
Hindi naman napigilan ni Margarita ang kanyang emosyon kaya tumingala ito para pawiin ang nga nagbabadyang luha. Paulit-ulit niyang pinipikit ang kanyang mga talukap habang humihinga ng malalim. Tumungo ito ulit ngunit nawalan na ito ng ganang kumain.
Tumingin nalang ito sa magandang tanawin na makikita sa kanilang gilid. Malamig na hangin, mga punong nagsasayawan, at ang mga alon na naghahampasan. Naalala niya ang kanyang sarili kung gaano ito nasasaktan sa nga nangyayari, ang isip nito na tuliro sa lahat ng bagay, at ang damdamin nitong hindi mapalagay tulad ng mga alon.
"Tapusin mo na iyan Margarita. Maraming nagugutom ngayon na hindi nabigyan ng prebilihiyong makakain ng ganito kasatap na pagkain," pukaw ni Ronald sa isang seryosong boses.
Napatungo si Margarita sapagkat naiintindihan niya ang sinabi ni Ronald. Tinapos nito ang kinain at ininom ang inihandang alak sa gilid nito.
Hindi nagtagal ay natapos narin silang kumain. Nilagay ni Ronald ang bayad sa lamesa at nilisan ang restaurant. Nakasunod naman sina Victor at si Margarita na tipsy na dahil napainom ng maraming alak.
Mabilis na pinaharurot ni Ronald ang kanyang sasakyan pauwi ng bahay. Binuksan ni Margarita ang kanyang bintana habang dinadama nito ang malamig na simoy ng hangin. Gusto niyang masuka ngunit minabuti niyang pagdating nalang sa bahay.
Parang isang pitik lang ng daliri nung dumating sina Margarita. Nagulat pa ito sapagkat kay dali naman nilang nakauwi. Panay naman ang talak nito sapagkat natamaan na talaga ito ng espirito ng alak.
"Victor," nang-aakit nitong tawag, "kausapin mo naman ako," pagmamakaawa nito at kumapit sa mga bisig nito.
Dali-dali naman itong sinalo ni Victor dahil muntik nang matumba ito. Panay naman ang salita ni Margarita kahit hindi na ito maintindihan. Napabuntong-hininga nalang si Victor at inalalayan ang asawa sa pagtayo ng maayos.
"Ikaw na bahala niyan pare. Usap kayo," ani ni Ronald sa isang namamanyak na boses.
Napailing nalang si Victor at tinanguan ang kaibigan. Tanaw nitong dali-daling naglakad si Ronald papunta sa kanyang kwarto at iniwan sila. Wala na itong mahihingian ng tulong gayong matutulog na ito. Napakamot nalang ito sa ulo dahil may asawa pa itong aasikasuhin.
Napahiyaw si Margarita nang kargahin ito ni Victor na parang bigas. Panay ang suntok nito sa likuran dahil gusto nitong bumaba. Ngunit, hindi ito pinapayagan ni Victor at nagpatuloy lang sa paglalakad. Binalibag niya ito sa kama nung nakapasok na sila sa kwarto.
Ikinagalit naman ito ni Margarita kaya tumayo ito para sapakin ang asawa. Panay ilag ang ginawa ni Victor para hindi matamaan ang sugat nito. Ngunit, patuloy parin itong sinasapak ni Margarita.
"Tama na Margarita!" sigaw nitong ikinatigil niya. "Hindi pa iyon sapat sa lahat ng ginawang pag-iwan mo sakin!"
"Ayan lumabas rin! Kanina ko pa hinihintay iyan. Saktan mo ako kung gusto mo. Iyan naman ang gusto mo diba? Gusto mong makabawi!" Sigaw nito.
"Victor naman! Ginawa ko lahat ng iyon, hindi para sa aking sarili kung hindi para sa kapakanan mo, sa mga tao, sa atin..." hikbi nito. "Kaya ko ginawa iyon dahil ayaw kong nakikitang nasasaktan ka dahil sa akin. Ako naman ang puno't dulo sa lahat ng mga nangyayari sa atin kaya ako rin ang puputol," tuluyan na itong umiyak.
"Alam ko iyon Margarita kaya nagagalit ako sa iyo! Nakakagalit dahil wala kang tiwala sa akin. Nakakagalit dahil wala ako sa mga desisyon mo. Nakakagalit sapagkat asawa mo ako ngunit hindi mo ako nagawang pakinggan o hayaang ipaglaban ka man lang?"
"Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon natin kanina Victor?"
"Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan Margarita?"ani nito sa malamig na boses.
"Ano? Gusto mong mamatay at iwan ako? Hindi ko kayang mawala ka! Hindi ko kayang mabuhay ng ilang araw na wala ka sa aling katabi. Sino nalang ang magmamahal sa akin ng tatapat sayo? May iba pa bang magmamahal sa akin na hihigit pa sa iyo?"
Napatahimik si Victor. Wala itong masabi dahil siya rin mismo ayaw niyang mang-iwan o iiwan ang mga mahal niya sa buhay.
"Patawad mahal," iyon lamang ang kanyang nasabi. Ngunit, ito ang mga katagang kanina pa niyang pinipigilan dahil sa pangmamataas nito. Pero ngayon pinipili niyang magpakumbaba para sa ikakaayos nilang dalawa.
"No," pigil ni Margarita. "Patawad kasi naging makasarili ako. Hindi ako nagtiwala sayo, bilang asawa man lang sana ay nakinig ako-" natigil ito sa pagsasalita.
"Tahan na mahal. Let's just forgive each other. Huwag na nating saktan pa ang mga sarili natin," bulong nito at hinalikan ang noo ni Margarita.
Dahan-dahang bumaba ang mga halik ni Victor papunta sa mga labi ni Margarita. Galing sa maliliit na halik ay naging agresibo ang kanilang mga halik. Ang mga malilikot nitong mga kamay ay umaabot saan-saan. Dinadama bawat umbok at inaalis ang lahat ng mga sagabal. Mapusok ang bawat halik na binibitawan. Bawat isa ay nalunod na sa bawat handog nilang pagpapaligaya.
They lay in bed together like the sea crashing the seashore. The whispers of the wind tingled the pleasure within . The cold breeze that envelopes the whole surrounding cannot withstand the tension of a burning sensation. Driven by love and compassion, waves of emotion were freed and just like a rampaging typhoon gone, the ocean calmed.
He envelopes his whole body to cover her. He kissed her passionately before pulling the blanket up. His coziness is like a lullaby that put his baby to sleep deeply.