CHAPTER 8

1606 Words
Chapter Eight - Pamangkin "Ano ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Victor. Kasing lamig ng panahon ang pagkakabigkas ng mga salitang iyon. Tiningnan ni Ronald ang reaksyon nito ngunit tumingin lamang ito sa labas ng bintana. Nakakunot ang mga makakapal nitong kilay habang ang mukha naman ay nananatiling kalmado. "Pamangkin ko si Margarita," ani ni Ronald sa isang mahinang boses. Napabaling kaagad si Victor sa kanyang kaliwa. Bakas ang pagkakagulat sa mukha nito. Ang kaninang galit na mukha nito ay napalitan ng kuryosidad. "Paano?" isang salita lamang ang nabigkas nito. Gulong-gulo ngayon ang isipan ni Victor at tila hindi niya kayang hubaran ang misteryo. Napaisip itong nagbibiro lamang ito sapagkat wala siyang nakilalang pinsan na ipinakilala ni Margarita sa kanya. "Huwag kang magbiro pare," natatawa nitong bigkas. "Kailanman ay walang pinakilala sa aking pinsan si Margarita dahil wala naman itong pinsan," tumbok nito. Napabuntong-hininga si Ronald habang hawak-hawak ang manobela ng sasakyan nito. Ipinikit nito ang mga mata habang iniisip kung magkukwento ito kay Victor. Pero hindi niya na kayang bitbitin ang mga sekretong noon pa man ay birbit niya. "Magkapatid kami ng namayapa niyang ina..." Naalimpungatan si Ronald ng marinig nito ang mumunting ingay sa kanilang bahay dahilan para ito ay lumabas sa kwarto. Dumungaw ito sa kanilang malawak na bulwagan para tingnan kung sino ang mga naroroon. Nakikita nito ang ama at ina sa iisang sofa habang sa kabilang sofa naman, nakaupo ang kanyang kapatid na babae na may dalang bulaklak at may kasama itong lalaki. Ilang buwan ang lumipas, nagkaroon ng selebrasyon para ipagdiwang ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng kanyang kapatid at ni Miguel. Dobleng selebrasyon narin iyon sapagkat buntis ang kanyang ate Flordeliza. Ngunit, nakikita niya sa mga mata ng kapatid ang kalungkutan. Dumating ang araw na umuwi ang kanyang kapatid at labis ang iyak nito. Nagulat ang kaniyang magulang sapagkat gabi na at buntis pa itong umuwi na mag-isa. Nalaman nilang nag-iba ang nakilala nilang Miguel. Naging basagulero, palainom, at adik sa sugal ang asawa ng kanyang kapatid. Kahit na alam na ng magulang nila ay hindi nila ito ginawan ng aksyon. Ipinagkasundo sila ulit nito para sa reputasyon nila bilang mga mayayaman at para narin sa mga kompanya nilang tinataguyod. Walang nagawa ang kanyang kapatid kaya napilitan itong makisama nalang sa asawa. Araw ng linggo, may pagsasalong naganap sa bulwagan ng mga Gonzales. Ngayong araw ginanap ang binyag sa nag-iisang anak na babae ni Flordeliza. Maraming bisita ang kanilang inimbita. Ibat-ibang mayayaman na nanggagaling pa sa ibat-ibang lungsod. Nakaupo naman sa sofa ang bunso anak ng Gonzales na si Ronald. Tanaw nito ang mga bisitang pumapasok at lumalabas ng kanilang bahay. Habang kumakain ito ay napansin nitong wala sa bulwagan ang isa niya pang nakakatandang babae na kapatid. Tumayo ito upang hanapin ang kanyang kapatid ngunit, tumigil ito nung lapitan ito ng kanyang ama. "Anak? Saan ka papunta?" tanong nito sa bunsong anak. "Pa? Nasaan po si ate Flordeluna?" inosenteng tanong nito. "Alam mo naman ang ate mong iyon anak. Parati iyong hindi pumupunta sa mga ganitong espesyal na mga okasyon," sagot ng kanyang ama. Napatingin sila sa kapapasok palang na mga importanteng panauhin na kanina pa nila inaantay. Papasok ngayon ang pinakamayamang angkan ng buong San Luis, ang mga Villacruz. Inimbita ito ni Miguel para mas makilala ng kanilang lungsod ang tinataguyod nitong kompanya. "Magandang tanghali sa inyo, Mr. and Mrs. Villacruz," bati naman ni Flordeliza sa mga panauhin. "Maraming salamat sapagkat pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon," dagdag nito. "Ikinalulugod namin," sagot naman ng babaeng Villacruz. Naupo na ang mga Villacruz pati narin ang mga kasama nitong mga katulong. Dala rin nila ang kanilang anak na kasing edad rin ng anak ni Flordeliza. Maraming mga panauhin ang nakatingin sa napakarangyang pamilya sa lungsod ng San Luis. Pumunta si Ronald sa mga katulong na ngayon ay bitbit ang mga sanggol. Maraming tao ang nakapalibot nito para tingnan ang anak ng Gonzales at Villacruz. Magkapareho halos lahat ng features na makikita sa mukha ng mga sanggol. Ang mukha nito, mga mata, ilong, at labi. Pati narin ang suot nitong damit. "Ilagay niyo na ang mga bata dahil pagod na sila," basag ng babaeng Gonzales. Biglang nagdilim ang buong paligid bago pa nila mailagay ang mga sanggol. Umingay ang buong paligid dahil sa paghiyaw ng mga tao. Nagtutulakan narin iyong iba palabas ng bulwagan dahil takot sa dilim. Ilang segundo ang lumipas at sumindi na ang mga ilaw. Humingi ng paumanhin ang pamilya Gonzales sa mga bisita dahil sa nangyari. Maayos namang naibalik ang mga sanggol sa magkapareho ring stroller. Isang napakahabang araw iyon ng mga Gonzales. Pagod na pagod ang lahat ngunit nagawa parin ng kanyang kapatid na umuwi. Nakakapanghinayang man pero nagmamadali ang asawa ng kanyang kapatid dahil may trabaho na tatapusin. "Simula noon, hindi na bumalik ang aking kapatid sa bahay. Ang ipinagtataka namin ay hindi na namin magawang tawagan man ito," ani nito at malakas na hinampas ang manubela ng sasakyan. "Tapos, maririnig namin na patay na siya?" dagdag nito. "Kung hindi niyo ito nakausap at nakita man lang simula noon, sigurado ba kayong patay na talaga ito?" "Buhay si ate Liza. Buhay ang aking kapatid," bigkas ni Ronald. Bawat bigkas ng mga titik ay sigurado. Hindi ito nagbibiro kaya nagtataka ng lubos si Victor. Hindi niya mapagtagpi-tagpi lahat ng mga pangyayari. "Paano? Hindi ko naintindihan," naguguluhang tanong ni Victor. "Ang ate Flordeluna ang pinatay ni Miguel! Ang isa ko pang nakakatandang kapatid na babae!" ani nito. "Bakit siya napagkamalang ina ni Margarita kung tita niya pala iyon?" "Dahil kambal silang dalawa. Noon pa man hindi nakilala ni kuya Miguel si ate Luna. Mahilig itong mamayagpag sa ibat-ibang bansa kaya parating wala ang ate luna ko. Hindi ito nababanggit ng pamilya namin sapagkat hindi nito gusto na pag-uusapan." Hindi makapaniwala si Victor sa mga nalalaman. Naalala niyang pumunta pa sila ni Margarita sa puntod ng namayapang ina nito. Gayong, tita niya pala ang nakaburol doon. "Sinasabi mong hindi pa patay ang ina ni Margarita?" "Oo! At isusumpa kong ipaghihiganti namin ang pagkamatay ng aking ate Luna. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya," Sabi nito sa isang malalim na boses. Napatango si Victor sa sinabi ni Ronald. Hindi niya aakalaing ganito pala kasama ang manugang niya. Nagawa niya ang mga ganitong mga karumal-dumal na bagay, tulad ng naranasan nila. "Nakuha napo namin ang sinasabi niyong babae. Ligtas po siya, huwag kayong mag-aalala," rinig nilang nagsasalita sa kabilang linya ng telepono ni Ronald. "Kumusta ang mga pulis at ang mga kasamahan nito?" "Nakatakas ang mga pulis habang ang tatlong natitira ay wala ng mga malay." "Sige itapon niyo na ang mga iyan," ani ni Ronald sa nakakakilabot na boses. "Papunta na kami diyan. Bantayan maigi ang babae," dagdag niya. Mabilis na pinaharurot ni Ronald ang sasakyan papunta sa kanyang pamangkin. Hindi siya makakapayag na mauulit muli ang mga bangungot dahil sa kagagawan ng kanyang kuya Miguel. Gagawin niya ang lahat, kahit ano mang kabayaran para lang mailigtas ang mga minamahal nito sa buhay. Napakapit naman ng malakas si Victor dahil sa pagharurot ng sasakyan. Tumila narin ang kaninang malakas na ulan kaya mas nakikita na nila ng malinaw ang kalsada. Pagkarating nila ng pier ay mabilis nilang nakita si Margarita. Nakasuot na ito ng puting robang panligo habang nag-aantau sa kanila. Tumigil naman ang sasakyan ni Ronald sa tapat nito. Agad bumaba ng sasakyan si Ronald at pumunta kay Margarita. Kitang-kita niya ang pag-aalala nito sa pamangkin. Walang nagawa si Victor kaya napasuntok nalang ito kanyang paa. Kahit hindi pa niya naiintindihan lahat ng mga pangyayari, mabigat pa sa kanyang damdamin ang nangyari kanina. Nagawa ng kanyang asawang iwan ito sa gitna ng kalsada habang umuulan. Dama nitong wala itong tiwala sa kanya na malulutasan nito ang mga problema kanina. Ibinaba nito ang kanyang bintana at lumanghap ng hangin. Gusto niya munang magpahinga. Ipahinga ang kanyang katawang pagod na pagod na, ang isip niyang gulong-gulo at ang puso niyang nasasaktan. Bumaling si Ronald sa sasakyan sapagkat hindi bumaba si Victor. Hindi kita kung ano ang ginagawa nito sapagkat tinted ang sasakyan at ang pwesto nito ay nasa kabilang bahagi. Bumaling nalang ito ulit at nagpaalam na pupunta saglit sa sasakyan nito. Napabaling si Victor sa harapan sapagkat nakita nitong paparating na si Ronald. Isinarado nito ang binuksang bintana. Pumuwesto ito ng maayos at pinagpag ang sarili. Nagkunwari itong tulog para hindi gisingin ni Ronald. Nabigla si Victor nung kumatok ng malakas ito. Pinagbuksan niya ito ng bintana habang nakapikit ang mga mata. Narinig niyang tumawa ito kaya binuksan nito ang mga mata at tiningnan ito. "Kunwari ka pa," ani nito sa kanya. "Huwag mo munang sabihin kay Margarita lahat ng sinabi ko sa iyo," biglang naging seryoso ang pananalita nito. Tinanguan ito ni Victor sapagkat naiintindihan nito ang gusto nitong sabihin. "Hindi mo ba pupuntahan ang asawa mo?" "Anong asawa? Sabi niya kalimutan na raw namin ang isat-isa," pagmamaktol nito. "Childish," bulong nito. "Anong sabi mo?" tanong nitong may bahid na galit. "Mag-usap muna kayo. Hindi mo ba pupuntahan?" tumigil ito sa pagsasalita at ngumiti. "Bakit may paiyak-iyak ka pa kanina?" At humalakhak ito ng malakas. Huminga naman ng malalim si Victor bago pa ito masuntok. Dumilat ito at sinadyang banggain ng pintuan nung lumabas. "Aray!" sigaw ni Ronald, "ingat naman pare," natatawa parin nitong bigkas. Hindi nagpahiwatig ng kahit anong emosyon ang mukha ni Victor nung maglakad ito papunta kay Margarita. Si Margarita naman ay nakatungo lamang habang hinhintay nito ang paglapit. Kahit mabigat sa damdamin nito ay kailangan niyang puntahan ito at kausapin. "Hali ka na," anyaya ni Victor. Isang tango ang nakuhang sagot ni Victor kaya inalalayan niya si Margarita hanggang makapasok ng sasakyan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD