Chapter 7 - Hiwalayan
Walong kalalakihan na tumutugis sa kanila ang dapat nilang kakalabanin. Kahit ilang metro ang layo ng mga ito ay walang magagawa ang mag-asawa. Wala silang mga dalang gamit kahit man lang proteksyon sa kanilang mga sarili.
Nabigla si Victor ng sumugod ang isa sa limang lalaki na may hawak na pamalo sa kanilang harapan. Nakailag siya galing sa tama nito kaya sinipa niya ang likuran nito at napasubsub ang mukha nito sa kalsada. Mabilis ding rumesbak ang lalaking may hawak na kutsilyo sa likuran ni Margarita. Ngunit, mabilis niyang nakuha si Margarita kaya ang braso nito ang nasugatan.
Malakas na tumawa ang lalaki nung makitang nasaktan nito si Victor. Ang mga kasamahan naman nito ay tuwang-tuwa pa sa kanilang napapanood. Hindi nakaligtas sa kanya ang panlalait ng mga ito kaya mas nagalit si Victor nito.
Nakita niya ang kamay nitong nakabenda. Naalala niyang nabaril ito ng mga pulis kanina, na mga kasamahan pala nito. Wala siyang maisip na ibang paraan kaya sinugod niya ito.
Ang sugatang kamay ang target niya ngayon upang mailayo nito ang baril. Ito lamang ang nakikita niyang magiging kahinaan ng lalaki. Kaya susugal muna siya kahit patuloy na dumudugo ang braso nito.
Pasimple niya itong sinuntok ngunit binawi niya ito kaagad. Mabilis na lumipad ang kanyang paa upang sipain ang sugatan nitong kamay. Napagtagumpayan niyang tamaan ang kamay nito at nailayo nito ang baril na hawak.
Sinuntok ni Victor ang mukha nito kaya umikot ang mukha nito papuntang likuran. Sinipa nito kaagad ang ulo para masiguro nitong hindi na ito manlaban. Bago ito mapasubsub sa kasada ay binalian niya ito ng mga braso at sinipa ang mga paa nito. Napasubsub rin ito sa kalsada at napaungol habang iniinda ang sakit.
Nabigla si Margarita nung biglang nagkamalay at bumangon iyong lalaking napatumba ng kanyang asawa kanina. Bago pa ito makatayo ng lubusan, ay malakas niyang sinipa ang likod nito. Hindi rin nito napigilang napasigaw ng tamaan ni Margarita ang mga pasa nito.
Nagulat nalang si Victor nung biglang sumigaw si Margarita. Napabaling siya nito at nakita niyang nakahawak ang kamay ng nakahandusay na lalaki sa paa nito. Tatakbo na sana ito papaunta sa asawa ngunit nahuli ito ng mga pulis na may dalang mga baril.
Tinambangan siya ng mga ito kaya malapit siyang napasubsub. Tinamaan rin ang kanyang ulo kaya bigla niyang naramdaman na unti-unting nawawala ang kanyang lakas. Pagkatapos ay napaluhod ito nung sipain ang kanyang mga binti.
"Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin," ani ng pulis. "Ang gusto lang naman ng Donyo ay maiuwi ang kanyang anak," dagdag nito habang hawak ang ulo ni Victor at nakatutok ang mga baril nito.
"Hindi pwede. Ipaglalaban ko si Margarita," ani Victor.
"Ano ang magagawa niyan kung parati mong nasasaktan ang buntis mong asawa? Hindi mo ba nakikita ang sutwasyon mo ngayon? Marami ng nadadamay dahil sa inyo!" sigaw ng lalaki.
Hindi naiwasang manginig ng kamao ni Victor ng narinig nito ang sinabi. Naalala niya naman kung gaano niya pinagsisihan ang kanyang desisyon na ayain ang kanyang asawa. Hindi niya naisip na hahantong ito hanggang sa may mga madadamay at mamamatay.
Kitang-kita ni Margarita kung gaano kahirap ang sitwasyon para kay Victor. Naalala nito kung ilang beses na nagbuwis ng buhay ang kanyang asawa para sa kanya. Kung gaano siya nito pinahahalagahan ng sobra.
"Victor..." mahinang tawag nito sa asawa. Napabaling naman ito sa kanya, "sa tingin ko, kailangan ko ng magpaalam sa iyo," sabi nito at nagsimulang maguunahan ang mga luha nito.
"Anong pinagsasabi mo Margarita? Ipaglalaban kita!" Diin nitong sabi kay Margarita.
"Hindi eh..." natigil ito sa pagsasalita at humikbi. "hindi mo ba nakikita Victor? Madami ng nadadamay dahil lang dito."
"Lang? Tingnan mo naman lahat ng pinagdaanan natin Margarita. Lahat ng sakripisyo natin, lahat ng tumulong para lang makatakas tayo sa iyong ama. Nakalimutan mo na ba lahat ng iyon?"
Tanong ni Victor na ikinatigil ni Margarita sa pagsasalita. Napapikit ito ng mata at mas lalong humagulhol ng iyak. Hindi niya nagawang tumutol sapagkat naalala niya lahat ng iyon.
Pero kinakailangan. Siya ang dahilan ng lahat ng ito kaya siya rin ang tatapos nito. Kahit mabigat sa loob nito kailangan niyang gawin ito. Ipinahid nito ang braso sa basa nitong pisngi.
"Dahil sa iyo! Mga desisyon mong padalos-dalos maraming nadadamay. Maraming namamatay. Tama nga sila..."patango-tangong sabi ni Margarita habang tinitingnan ang mga kalalakihang nakapalibot sa kanila. "... oras na para naman isipin natin ang mga taong madadamay. Hindi ito ang tamang panahon para maging makasarili tayo."
"Aabot na naman tayo diyan Mahal? Uulit na naman tayo? Ipaglalaban kita! Kaya ko sila," nahihibang na sagot ni Victor habang tuliro ang mga matang tumingin sa mukha ng asawa.
"Kailan mo ba iisipin ang iba Victor? Kapag patay na sila?"
"Makasarili ako Margarita!" sigaw nito. "Kung kinakailangan kong ibuhis ang buhay nila para lang protektahan ka, gagawin ko. Hindi baleng maraming kasal-anan akong babayaran basta lang ligtas ka..." nanghihina nitong sabi sa asawa.
Nanlaban si Victor para makalapit ito sa kanyang asawa. "Nagmamakaawa ako," sabi nito at lumuhod sa harapan ni Margarita. "Huwag naman ganito mahal. Huwag mo akong iwan," mga katagang kailanman hindi niya gagawin pero sa huli kailangan. "Please..." dagdag nito.
"Huwag niyo lang saktan si Victor. Maayos akong sasama sa inyo," sabi ni Margarita habang tinitingnan ang mga pulis na nasa likuran nito.
"Ano? Margarita! Hindi ako papayag!" protesta ni Victor habang mahigpit na hinahawakan ang mga braso ng asawa.
"Nasasaktan ako Victor!" sigaw nitong nagpakalas sa mga kamay nito.
"Pagpasensyahan mo na mahal," pagmamakaawa nito. "magagawan ko ito ng paraan-"
"Bitawan mo na siya!" sabi ng kalaban at sinipa ang tagiliran ni Victor.
Malakas na napadaing si Victor ng patuloy na natatamaan ang kanyang tagiliran. "Huwag niyo siyang saktan!" sigaw ni Margarita na nagpatigil sa kanila.
"Umalis na tayo," sabi ni Margarita.
Para silang mga robot. Madali silang napapasunod sa isang salita lamang ni Margarita. Pinagbuksan ng mga ito ng pintuan si Margarita.
"Mahal huwag mo akong iiwan. Nagmamakaawa ako," paulit-ulit nitong sabi habang nakaluhod parin. Nakakapit ang mga kamay ni Victor sa sinusuot na damit ng asawa nito.
Kahit mabigat man ito sa loob ni Margarita ay hindi niya ito tiningnan. Patuloy parin siyang naglalakad kahit na sumusunod ang kanyang asawa. Hindi alintana ang dumudugong tuhod nito na ginamit sa paglalakad.
Tumigil ito sa paglalakad. "Victor," tawag nito, "... sa tingin ko, kailangang kalimutan na natin ang isat-isa. Huwag kang mag-alala, kilalanin ka parin ng anak mo bilang ama," sabi nito habang tinitingnan ang asawa.
Walang nasabi si Victor. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagtitimpi. Ang mga nanlilisik nitong mga mata, ang galit nitong mukha at ang panga nitong paulit-ulit na nagtagis.
Gusto niyang manuntok. Nakahanda na ang mga kamao nito para suntokin at gibain lahat ng matatamaan nito. Gusto niyang mailabas lahat ng poot at galit na nagsisimulang mabuo sa kanyang puso. Ngunit, pinipigilan niya lahat ng ito dahil sa babaeng nasa harapin nito, ang kanyang asawa.
"Ito ba talaga ang gusto mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Victor.
"Oo..." napatigil si Margarita sa pagsasalita nung nagsimulang lumandas ang mga luha sa pisngi nito. Dali-dali nitong inalis ang luha sa mga mata nito, "... ito ang gusto ko," dugtong nito.
Hindi talaga makapaniwala si Victor sa mga naririnig . Natatawa nalang ito sa mga salitang lumalabas sa labi nito.
"Gusto mo talaga!" biglang sigaw ni Victor.
"Oo!" sigaw din pabalik ni Margarita. Kahit nabigla siya sa pagsigaw ng asawa ay nagawa parin nitong sagutin din ng sigaw. Kailangan niyang panindigan ang mga salitang nasabi niya.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Victor sa kanyang likuran. "Pinapalaya na kita," mga katagang kanina niya pa gustong marinig. Ngunit, hindi niya napigilang mabigla at masaktan sa mga katagang lumabas mismo sa bibig ng asawa.
Napakagat ito ng labi. Pumasok siya ng sasakyan na hindi nililingon ang asawa sa kanyang likuran. Tulad ng pagasara ng mga pintuan, nawalan narin ng pag-asa si Margarita para bawiin ang sinabi nito kanina. Pag-asang makita pa si Victor ay kasing labo na rin ng salitang walang hanggan.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan habang tinatanaw ni Victor ang papalayong sasakyan. Napasuntok nalang ito sa kalsadang unti-unting nababasa ng ulan. Wala itong pakealam kung mababasa ito o hindi kaya ay masasagasaan.
Mabilis siyang napalingon nung makarinig ito ng rumaragasang gulong ng sasakyan. Unti-unti niyang naaninag ang sasakyan ni Ronald na papalapit sa kanya. Dali-dali itong tumayo galing sa pagkakaluhod.
"Pumasok ka na dito!" sigaw ni Ronald kay Victor. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Nasaan si Margarita, Victor?" natatarantang tanong ni Ronald.
"Sumama siya sa mga tauhan ng kanyang ama," matamlay nitong tugon habang nakatingin sa labas ng bintana.
Napatahimik si Ronald dahil sa bigla. Hindi niya aakalaing nagkakaganito na ang kanyang kaibigan. Napaisip siya kung ano nga ba talaga ang nangyari kanina.
"Suotin mo muna ito," sabi nito at binigyan si Victor ng damit. "Saan ba sila papunta?"
"Papunta doon sa Pier," sagot naman nito.
Mabilis na kinalikot ni Ronald ang kanyang telepono. Maririnig ang tunog na may tinatawagan ito sa kabilang linya.
"Ano ang sinasakyan nila Victor?" tanong ni Ronald.
"Sasakyan ng pulis," sagot nito.
"Bantayang mabuti kung may sasakyang pulis diyan sa pier. May kasama silang babae. Siguraduhin niyo lang na hindi masasktan ang babae. Maliwanag?" ma awtoridad nitong sabi sa kabilang linya.
Nabigla si Victor sa kanyang narinig. Hindi niya aakalaing aaksyonan ito kaagad ni Ronald. Nabuhayan siya ng loob para makuha niya si Margarita.
"Maraming salamat Ronald!" masaya nitong sabi.
"Lahat gagawin ko para kay Margarita," sabi nito habang nakangiti. Tumingin ito kay Victor na para bang nanghahamon
"Ano?" napakunot naman ang noo nito. "Ano ang ibig mong sabihin pare?" dagdag nitong sabi habang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.