Chapter Six - Engkwentro
Magdadapit-hapon na noong nakita ulit ni Margarita ang mga nagtatayugang mga imprastraktura ng siyudad. Naamoy niya ulit ang mausok at maalat na hangin habang nakasakay sila sa sasakyan ni Ronald. Papunta sila ngayon ng palengke upang bumili ng mga pagkain at importanteng gamit na kakailanganin.
Habang papalapit na sila sa palengke ay hindi maiwasang kabahan ni Margarita sapagkat parang nakapain ang kanyang sarili kapag lalabas siya ng sasakyan. Hindi alam kung may mga nakabantay, magmamasid sa kanyang mga kilos, at dalhin siya sa kanyang ama. Natatakot siyang umapak sa kalsada at lumabas sa kanyang sinasakyan baka ito ang magiging hantungan niya.
Napabaling siya kay Victor ng maramdaman nitong hinahaplos ang kanyang kamay. Mga ngiti sa labi ang nakapaskil sa mukha nito na may malulungkot na mata. Pilit na ngumingiti upang gumaan ang kanyang pakiramdam.
"Huwag kang matakot mahal. Sasamahan naman kita," bulong niya at hinalikan ang asawang nanginginig sa kaba.
"Pagpasensyahan niyo na pare kung hindi ko kayo masasamahan," ani Ronald.
"Okay lang pare. Malaking tulong na itong paghatid sa amin kahit na masakit pa ang mga sugat mo," sagot naman ni Victor.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang kainan. Napag-usapan nilang bababa sa kabilang bahagi ng palengke, hindi mismo sa harap ng daungan baka may makakakilala sa kanila roon. At para rin mas masisiguro nila ang kanilang kaligtasan ay nagsuot ng bandana si Margarita, habang si Victor naman ay nagsuot ng itim na mask at sumbrero.
"Mag-iingat kayo pare," paalala ni Ronald, "... kapag may problema bumalik kayo dito agad," dagdag nito.
"Sige Ronald. Mag-iingat ka din," sabi ni Margarita at lumabas na ng sasakyan.
Saktong pagbaba nila ay kulay pula ang traffic light. Habang hinihintay nilang maging kulay berde ang traffic light, hindi maiwasang manginig ni Margarita. Hinawakan niya ang kamay ni Victor upang maibsan ang nararamdaman niyang kaba. Naramdaman niyang hinigpitan ni Victor ang paghawak sa kanyang kamay.
"Alam mo na ba kung saan sila?" asik ng lalaki sa kanilang tabi.
"Hindi pa ngunit hihintayin muna natin ang iba."
Dinig ni Margarita sa mga lalaking nagbubulong-bulongan sa kaniyang tabi. Pangkaraniwang damit lamang ang mga soot nito. Ngunit, nakasumbrero ang mga ito katulad ni Victor.
Biglang tumunog ang telepono ng lalaki na ikinatigil ng kanilang pag-uusap. Kinuha agad nito sa kanyang bulsa ang telepono at binasa ang mensahe. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkabigla at pag-aalala.
"Pare," bigla itong tumigil sa pagsasalita at napatingin sa kasamahan, "... Nagalit raw ang Donyo kaya pinapabalik tayo ngayon. Itigil daw muna natin ang paghahanap sa kanyang anak."
Bigla siyang napakagat sa kanyang labi at niyuko ang kanyang ulo. Gusto man niyang tingnan ang mga ito sapagkat natatakot siya baka mamumukhaan siya ng mga ito. Binalingan niya na lang ang kanyang asawa ngunit, nakatingin lamang ito sa paubos na oras ng kulay pulang makikita sa itaas. Hindi alintana nito ang mga naririnig ng asawa.
Isiniksik niya na lang ang kanyang sarili at mas mahigpit na hinawakan ang kamay ng asawa. Hindi niya nalang muna sasabihin sa kanyang asawa ang narinig sapagkat delikado kapag marinig pa sila ng mga ito. Nakinig nalang muna siya ngunit hindi na ito nagsasalita pa. Nagsimula na siyang kabahan. Ramdam nito na parang may tumatama sa kanyang manggas kaya dahan-dahan niyang inilayo ito.
Naging kulay berde ang isa sa mga bilog ng traffic hudyat na pwede ng tumawid, ngunit hindi muna ito naglakad. Nahila pabalik si Victor ng magsisimula na itong maglakad. Tiningnan niya ang mga lalaking dumaan lamang sa kanya at tumawid na papunta sa kabila.
Nakakunot ang noo ni Victor ng balingan ang asawa. Nagtataka ito sapagkat tumigil ito gayong pwede namang tumawid. Tiningnan niya itong tumitingin lamang sa mga tumatawid na para bang tulala.
"Mahal! Okay ka lang?" tanong niya sa kanyang asawa.
Bumaling sa kanya si Margarita at tinanguan lamang ito bilang sagot. Hindi malaman ni Victor kung ano ang nangyayari sa asawa sapagkat mata lamang ang makikita sa nakabalot na mukha nito. Nagpadala nalang siya sa kanyang asawa nang magsimula na itong tumawid.
Tinitingnan ni Margarita ang mga lalaking papunta rin ng palengke. Hindi niya pa nasabi kay Victor ang tungkol dito. Ngunit, hindi naman sila makakabili kung uurong sila ngayon dahil sa takot nito.
Pinakalma nito ang sarili at pumasok na ng palengke. Tanaw niya ang mga tauhan ng kanyang ama na bumibili ilang metro ang layo sa kanila. Ang kailangan lamang niyang gawin ay maging alerto sa pupuntahan nila, at kung maari ay iwasang magkatagpo.
"Mahal? Dito ka nalang muna. May bibilhin lang ako," pagpapaalam ng asawa sa kanya.
Gusto niyang tumutol ngunit nakalayo na ito papunta sa isang hardware. Tiningnan niya naman ulit ang mga lalaki at nandoon parin ito sa binibilhan nitong tindahan. Pumunta nalang ito sa malapit na tindahan at namili ng mga isda at karneng baboy.
"Ilan po lahat nay?" pabulong na tanong ni Margarita sa tindera.
"Limang daan at apat napo't siyam na piso ineng," sagot naman ng tindera.
Ibinigay nito ang perang pambayad sa tindera. Ngunit nabigla ito noong may humila sa kanya galing likuran. Dali-dali itong hinarap ni Margarita upang itulak ito ngunit natigil siya na si Victor ito. Hingal na hingal ito at tagaktak na ang mga pawis sa noo nito.
"Anong nangyayari?" tanong ni Margarita.
Tiningnan ni Victor ang mga taong nakapalibot sa kanila. Nagbulong-bulongan ang mga ito at nakakunot ang mga noong tinitingnan sila. Binalingan niya uli si Margarita na naghihintay ng sagot.
"Nandito ang mga tauhan ng iyong ama," mabilis na bigkas ni Victor.
"Nakita ka nila?" tanong ni Margarita na ikinabigla ni Victor.
"Anong..." tumigil sa pagsasalita. Hindi makapaniwala sa isinagot ng asawa. "Alam mo? Kailan mo lang nalaman?" ma-awtoridad nitong bigkas.
"Tabi-tabi! Nagmamadali!" Dali-daling nabigyan ng daan ang isang lalaking nagsusumigaw. "Bantayan niyo ang daanan sa labas ng palengke papuntang pantalan baka diyan sila papunta."
Dinig nila Margarita na ikinabaling nila bigla sa tindahang pinagbilhan. Nakikita nila ang lalaking dali-daling tumakbo papalayo sa kanila. Kaya mabilis na hinawakan ni Victor ang braso nito para makaalis na sa palengke.
"Teka ineng! Itong bayad mo!" sigaw naman ng tindera na nakatawag ng atensyon sa mga tao.
Bumaling lahat ng mga tao sa kanila. Pati narin ang lalaking naghahanap sa kanila. Mabilis silang tumakbo papunta sa labasan ng palengke kung saan sila pumasok kanina.
"Nasa kabilang sila papunta!" sigaw ng lalaki sa mga kasamahan nito.
Kahit makipot ang daanan sapagkat mdaning taong bumibili ay pinipilit nila ang kanilang sarili para dumaan. Iyong iba nababangga na nila at ang masama pa ay nababangga ni Victor ang mga dala ng ibang bumibili. Si Margarita naman ay nakasunod lamang sa likuran ng asawa nito.
Isang lalaki ang humarang sa kanila na ikinatigil nilang bigla. May baril itong hawak kaya hindi pwedeng padalos-dalos sila sa kanilang gagawin. Pero, hindi rin pwede na magtatagal sila baka dumami at mapapalibutan sila ng mga ito.
Dali-daling pinoprotektahan ni Victor ang asawa sa likod nito. Tumingin ito sa mga tinitindang nakalatag sa kanilang gilid. Napangiti si Victor habang nakatingin sa mga itinitinda.
Mabilis niyang isinaboy ang nakuha niyang harina sa harap ng lalaki. Kasing bilis rin pumutok ng baril ngunit tumama ito sa bubong ng palengke dahil sinipa ito kaagad ni Victor. Sinikmuraan niya ito at napalakas ang sipa. Hindi niya inaakalang mapunta ito sa lamesang may nakabitin na ibat-ibang itak at malalaking kutsilyo. Natamaan ang lalaki nito at madaming dugo ang lumabas sa bibig nito. Tumakbo sila kaagad pagkatapos nilang masaksihan ang isang hindi karumal-dumal na pangyayari.
"Victor! Tulong!" sigaw ni Margarita na ikinabigla ni Victor.
Paglingon niya hawak ng kalaban ang isang kutsilyo habang nakalagay ito sa harap ng leeg. Dinig niya ang pagsusumamo ng kanyang asawa na humihingi ng tulong. Hindi niya inakalang mahuhuli nito ang kanyang asawa.
"Pare, nagmamakaawa ako..."sabi nito, "...pakawalan mo ag aking asawa," dagdag nito.
"Bakit ko naman pakakawalan kung nandito na sa harap ko ang pabuya?" ani ng lalaki.
"Nagmamakaawa ako..." sabi ni Victor habang papalapit ito.
"Huwag kang lalapit!" sabi ng lalaki at itinuro nito ang bitbit na kutsilyo kay Victor.
Nakahanap agad si Margarita nang oportunidad upang makawala sa pagkakahawak ng lalaki. Malakas niyang inapakan ang paa ng lalaki. Pagkatapos, mabilis niyang hinawakan ng kanyang kanang kamay ang braso kung saan nakahawak ng kutsilyo at malakas na siniko ang ulo nito. Malakas ang pagkakatama ng siko ni Margarita kaya ito napaatras ito. Dali-daling tumakbo si Margarita papunta sa kanyang asawa ngunit naabutan ng kutsilyo ang kanyang braso kaya nasugatan ito.
Napatawa ang lalaking nakayuko habang dahan-dahang iniangat ang ulo nito. "Gusto ang ganyang mga babae! Palaban!" sigaw nito habang pinapahid ang dumudugong ilong sa kanyang braso.
Patuloy namang dumudugo ang kanang braso ni Margarita habang nasa likod ni Victor. Mabilis kinuha ni Victor ang suot nitong bandana at pinagpag. Ginawa niya itong pangbenda upang matigil ang pagdurugo ng braso nito.
"Hali ka na Margarita..." malumanay na sabi ng lalaki habang papalapit sa kanila.
"Anong kaguluhan ito!" sigaw ng pulis na nasa likuran ng lalaki. "Walang kikilos!" dagdag nito.
Nakatutok na ngayon ang baril ng pulis kaya walang nagawa ang lalaki kaya dahan-dahan nitong binaba ang kutsilyo. Dali-dali itong nilapitan ng mga pulis para pusasan ngunit hindi nila inakalang manlaban ito at iwinasiwas nito ang dalang kutsilyo sa mga taong nakapalibot.
Mabilis na pumutok ang baril at tumama ito sa kamay ng lalaki kaya nalaglag ang dala nitong kutsilyo. Ginawa itong oportunidad ni Victor para makatakas kaya hinila niya kaagad si Margarita paalis doon.
"Hoy! Saan kayo pupunta!" dinig nilang sigaw ng pulis habang patuloy silang tumatakbo palabas ng palengke.
Hingal na hingal silang nakalabas ng palengke ngunit natigil sila na may limang lalaki ang nakaharang sa daanan. Wala itong mga dalang mga baril ngunit may mga pamalo ito. Mas lalong walang nagawa si Victor ng dumating ang mga pulis at ang lalaking sugatan.
"Sinabi ko naman sa inyong sila iyon!" sigaw ng sugatang lalaki sa mga kasamang pulis.
Pinapalibutan na sila ngayon ng mga humahabol sa kanila. Hindi nila aakalain na magkasabwat pala sila ng mga pulis. Para silang mga criminal na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad.