Chapter Twenty Four – Dalampasigan ng San Juan
Simot na simot ni Margarita ang kanyang kinakaing pananghapunan na adobo. Ngayon lang niya napunan ang kanyang gutom na tiyan. Mahina niya itong hinahagud sapagkat napasobra ang kain niya at sumakit ang tiyan. Nagpahinga muna siya bago niya inumin ang kanyang mga gamot. Sumasakit kasi ito kapag kaunting kilos ang kanyang ginagawa. Mga ilang minuto ang lumipas, malaskas siyang dumighay na kanyang ikinatawa. Ininom niya kaagad ang kanyang mga gamot noong guminhawa na ang loob ng kanyang tiyan.
“Ubos naman pala agad.”
Nabulunan siya noong nagsalita si Franco. Napaubo siya ng malakas at mabilis na hinahabol ang hininga na para bang hinihingal. Hindi niya napansin ang kanyang presensya noong pumasok ito. Mabuti nalang ay nainom na niya kanina ang gamot baka mabulunan siya at tuloyang malagutan ng hininga. Itinabi niya agad ang kanyang pinagkainan at tumayo na ito dala ang mga plato at baso.
“Ilagay mo na lang iyan diyan!” ani ni Victor na ikinatigil niya. “Kukunin naman iyan ni manang mamaya. Kaya huwag ka ng mag-abala pang pagurin ang iyong sarili.”
“Kaya ko naman po sir! Hindi naman ako baldado upang hindi magawa ang gannitong kasimple na trabaho. At saka po sir! Hindi naman nakakapagod ang bumuhat ng pinggan papuntang kusina,” ani niya.
Naingayan si Franco noong narinig niya ito. Para bang may kampana sa kanyang mga tainga na nakakabinging pakinggan. Umakto pa itong umiwas ng kaunti ang mukha tanda na naiingayan ito kahit na hindi naman sumigaw si Margarita.
“Huwag mo na akong tawaging sir. Franco nalang,” ani nito habang inilalahad ang kanang kamay.
Biglang niyang nabitawan ang kanyang dala na mga pinggan. Malakas itong umingay noong bumagsak ito sa sahig. Nagkalat ang mga ito at tumalsik ang ibang basag na mga pinggan at baso papunta sa paa ni Margarita. Nagsisimula ng dumugo ang mga ito ngunit tulala paring nakatingin si Margarita kay Franco.
Hindi ito makapaniwalang Franco ang pangalan nito. Hindi siya makagalaw sapagkat para siyang minumulto ng nakaraan. Iyong mga panahong nakilala niya rin iyong Franco na akala niya ay mapagkakatiwalaan ngunit, isang taksil pala. Nagsimula siyang humakbang noong humakbang si Franco papunta sa kanya. Ikinatigil ito ni Franco sapagkat wala naman siyang ginawang mali.
“Huwag kang gagalaw! Masusugatan ka lang,” paalala ni Franco.
“Huwag kang lumapit sa akin!” sagot naman nito noong humakbang ulit si Franco.
Tinawag ni Franco ang katulong sapagkat wala na siyang magagawa pang iba. Mabilis naman na dumating ang katulong at inalalayan si Margarita papunta ulit sa kanyang kama. Nilisan ni Franco ang silid sapagkat nag-uunahan na ang mga luha ni Margarita sa pagpatak.
Biglang nanginig si Margarita habang niyayakap niya ang kanyang mga tuhod sa ibabaw ng kama. Para siyang nababaliw sapagkat maraming pumapasok sa kanyang isipan. Kinagat-kagat nito ang kanyang mga kamay habang nakatanaw ito sa kumikidlat na kalangitan.
“Huwag po kayong matakot kay sir Franco, ma’am! Mabait po siyang tao–“
“Iwan mo muna ako manang. Maraming salamat,” ani nito sa mababang tinig. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng katulong at lumisan ito kasabay ng pagsara ng pintuan.
Pinunasan niya ang kanyang mata at pisngi. Naisip niyang wala rin namang mangyayari kung parati niyang didibdibin ang mga pangyayari. Bumuntong-hininga siya. Umalis siya sa kanyang inuupoang kama at napagdesisyunang lumabas.
Binuksan nito ang sliding door kung saan palagi siyang nakatingin sa magandang tanawin. Huminga siya ng malalim upang namnamin ang sariwang hangin para pagaanin ang loob. Lumakad ito sa tablang veranda at umapak sa bermoda na naka-paa. Madilim na sa labas ngunit may mga ilaw na nanggagaling sa mga halaman kaya nakikita parin niya ang kanyang dinadaanan.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang nakalabas na ito sa maliit na tarangkahan. Nilakad nito ang buhangin habang umiihip ang malamig na hangin. Nagpapadala ito sa kanyang paa kung saan siya nito dalhin. Ilaw lamang galing sa mga bahay na nasa tabi-tabi upang makita nito ang dinadaanan.
Ilang minuto na ang kanyang nilalakad ngunit ngayon lang siya tumigil sa paglalakad. Unti-unti niyang naalala ang lugar na kanyang nilalakaran. Tiningnan niya ang mga bahay ilang metro ang layo at tama nga siya. Nasa San Juan na nga siya. Ang lugar kung saan siya nanggaling. Kung saan makikita ulit niya ang kanyang ama.
Tumalikod ito upang bumalik sa kanyang nilalakaran ngunit, nagulat siya noong mabangga sa isang malapad na dibdib. Napatigil siya at tiningala ang tao sa kanyang harapan. Hindi niya ito masyadong maaninag dahil walang ilaw malapit sa kanya. Napa-atras siya ngunit mabilis na nahawakan ang kanyang kamay.
“Saan ka naman pupunta? Bakit ka hindi nagpapaalala,” baritonong tanong ng lalaki.
“Bitawan mo nga ako! Wala akong balak umalis. Gusto ko lang magliwaliw," sagot naman nito ang binawi abgn kanyang kamay.
“Kung gusto mong magliwaliw, magpaalam ka man lang kay manang!”
“Bakit ka sumisigaw? Hindi mo ako responsibilidad kaya huwag ka mag-aalala kung ano man ang mangyari sa akin!”
“Nakatira ka sa bahay kaya responsibilidad kita. Ako ang may-ari kaya ako ang masusunod!” hingal nitonng sabi. “Kung matapang ka naman palang umalis, alis na!” Napakunot ang kanyang noo noong marinig ito. Hindi niya ito maintindihan kung sapagkat pinapalayas na siya ngayon. Samantalang, pinigilan siya kanina noong humakbang na ito paalis.
Naisip niyang wala pa siyang mapupuntahan sa ngayon kaya hindi nalang siya sumagot. Sinundan niya ang umaalis na si Franco. Napailing nalang siya sapagkat patingin-tingin naman ito sa kanya. Mahina siyang naglalakad kaya humina din ang lakad ni Franco.
"Mauna ka na! Huwag ka mag-aalala. Uuwi ako!" Sigaw niya ilang metro ang layo kay Franco.
Ngunit tumigil si Franco sa paglalakad. Binalewala niya ito at nagpatuloy siya sa paglalakad. Palapit na siya kay Franco at hindi niya alam kung ano ang iniisip nito kung bakit ito tumigil.
"San Juan na pala ito?"
"Bakit mo alam?"
Ipinagkibit niya ito ng balikit. Nagkapantay na sila ng paglalakad at hindi na nasundan pa ang pag-uusap. Tahimik nilang binabaybay ang dalampasigang hinahampas ng alon. Ang alon lamang ang nag-iingay sa napakatahimik na lugar.
Malapit na sila sa bahay ni Franco at may mga ilaw na nakasindi sa labas nito. Kitang-kita niya na may mga bantay na dito at ang katulong na nag-aantay ay makikitaan ng pag-aalala sa mukha.
Panay naman ang tingin ni Franco na ikinapansin niya. Hindi nagpakampante si Margarita at binagalan ang kanyang paglalakad. Ngunit, hindi niya inasahan ang susunod na gagawin sa kanya ni Franco.
Mabilis na tumilapon sa kanya ang mga buhangin kaya napatakip siya ng mata. Ginamit ni Franco ang kanyang paa upang itapon sa kanya ang buhangin na ikinagulat niya. Hindi niya inaasahang may plano pala itong patayin siya. Hindi siya nagpakampante at mas naging alerto. Mabilis niyang nailagan ang mga buhanging itinapon ni Franco ngunit hindi niya inasahan ang kabilang paa nito na tatama sa kanyang tagiliran.
Tumilapon siya papunta sa dagat. Narinig niya ang paghiyaw ng katulong at pagpapatigil kay Franco. Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy ito papunta kay Margarita. Hindi tumayo si Margarita kahit papalapit na si Franco. Hingal na hingal parin ito habang iniinda ang sakit sa kanyang tagiliran.
Ilang hakbang nalang at naabutan siya ni Franco. Lumuhod ito sa kanyang harapan habang galit na nakatingin sa kanya. Hahawakan na sana siya noong mabilis siyang kumuha ng buhangin at isinaboy ito sa mukha ng lalaki. Nakita niyang hindi ito nakailag habang umuungol. Mabilis na tumayo si Margarita para makatakbo paalis doon. Ngunit, nabigla siya noong nadapa siya at napasubsub ang kanya mukha sa buhangin.
Nahawakan ni Franco ang kanyang mga paa kaya hindi siya nakatakbo. Mabilis siyang itinayo ni Franco habang hawak nito ang kanyang kamay sa likuran.
"Hindi pa kita napapakinabangan. Hindi kita tinulungan ng libre. Ngunit!" Tumigil si Franco sa pagbulong. Hingal na hingal silang dalawa. "Kailangan mong magtrabaho muna sa akin para pagbayaran mo ang pagligtas ko sa iyo," dagdag nito. "Ako ang masusunod dito. Kaya! Dapat kang sumunod sa mga palatuntunin ko dito. Maliwanag?"
Idiniin nito ang pagkakahawak sa kamay kaya napaungol si Margarita. "At saka, wala akong pakialam kung wala kang tiwala sa akin pero, tingnan mo ang mga taong nag-aalala dito. Dahil sa iyo, napagod sila kakasuyod sa iyo sa loob ng bahay para mahanap ka!" Napatingin din si Margarita dito. "Kung gusto mong tulungan kita? Get yourself together! Act like one young woman if you want to take revenge. Being impulsive will not help you at all. It will just crash you more into pieces."
Napaungol si Margarita dahil sa malakas nitong paghawak sa kanyang mga kamay. Napadiin din ang kanyang mga pasa at sugat na hindi pa naghilom. Agad itong pinakawalan ni Franco at umalis na papunta sa bahay. Nilapitan ito ng katulong ngunit hindi ito tumigil noong may sasabihin ito.
Napabuga si Margarita ng hangin habang iniinda ang mga sakit sa kanyang katawan. Nagsisimula na naman itong sumsakit na parang tinutusok.
Nilapitan narin siya ng matanda upang tulungan. "Kaya mo pa bang maglakad papunta sa silid ma'am?" Nahihintakutan nitong saad sa kanya.
"Okay lang ako. Kaya ko pa naman."
Mabilis siyang naglakad papunta sa silid. Tinahak niya ulit ang daan kung saan siya dumaan kanina. Nakasunod naman ang katulong sa kanya at ito narin ang nagsasarado sa mga pintuan.
"Pwede po makahingi ng gamot? Sumasakit po kasi ang mga sugat ko," mababang ani nito.
Mabilis na kinuha ng katulong ang mga gamot at ibinigay ito kay Margarita. Ininom niya kaagad ito at kinuha ang tubig na ibinigay ng katulong. Ininom niya ito at ibinigay pabalik sa katulong.
"Marami pong salamat. Okay na po ako pwede niyo na po akong iwan," ani nito ng hindi tumitingin sa katulong.
"Sige po ma'am. Good night!"
"Pasensya na pala kung pinag-alala ko kayo. Huwag po kayong mag-aalala, hindi na kayo papagalitan ng iyong amo dahil sa akin," paghihingi niya ng paumanhin.
"Hindi naman po kami pinagalitan ni sir, ma'am. Gusto ka lang niya kamustahin ngunit wala ka sa kwarto mo noong tingnan ko kaya nag-alala kami. Mabuti nalang nahanap ka ni sir, ma'am."
Tumango nalang si Margarita bilang sagot. "Magpapahinga na po ako. Good night din po," ani niya at humiga na sa kama. Humarap ito sa salamin na dingding kung saan kita kalangitan na kumikidlat. Narinig niya ang pagsara ng pintuan kaya nagpasya narin siyang patayin ang lamp shade malapit sa kanya. Napahikab siya at unti-unting bumigat ang kanyang talukap habang iniisip nito ang mga pangyayari kanina.