CHAPTER 23

1157 Words
Chapter Twenty Three – Magpakamatay “Iwan niyo muna ako,” ani ni Margarita sa katulong at doctor. Magtatatlong araw na noong nasagip siya ngunit gusto parin niyang mapag-isa. Palagi itong tuliro, hindi kumakain, at minsan ay biglang umiiyak. Ginawa ng doctor ang kanyang makakaya para lang makakain man lang ito. Ngunit palagi itong nakikiusap na kailangan niya munang mapag-isa sapagkat, gusto niyang i-absorb lahat ng kanyang pinagdaanan. Gusto niyang isaalala lahat ng mga nangyayari upang mas madali niya ito matanggap lahat. Hindi niya nabigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili upang ang sarili naman niya ang kanyang iisipin. Palagi lang niyang iniisip ang pagkamatay at kung paano niya maipaghihiganti ang kanyang anak, asawa, at mga kaibigan. Hindi niya naisip ang kanyang sariling pagod na pagod sa lahat ng pagtakbo, pagtago, pakikipaglaban, at sa lahat ng kanyang pinagdaanan. May sarili din siyang damdamin na kailangan niyang isipin – na kailangan niyang papahingahin kung ito ay napapagod. Humiga siya ulit sa malambot na puting kama habang nakatingin sa mahabang puti na buhangin. Ang salamin na dingding ay nagbibigay sa kanya ng magagandang tanawin kung saan nakikita nito ang landscape sa labas na kanyang tinutuluyang silid. Napakapayapa nitong tingnan kung paano ang mga halaman, puno, maputing buhangin, at ang kulay asul na dagat ay nakikibagay sa bawat isa. Kung nakatingin siya rito, nakakalimutan niya kung gaano ka masaalimoot ang kanyang isipan. Walang pumapasok sa kanyang isipan habang nakatulala ito sa kung saan na para bang nawawala siya sa mundo. Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa kisame na kung saan mabagal na umikot ang bentilador habang may nakasabit na chandelier dito. Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata dahil gusto na nitong pagtoonan ng pansin ang sarili upang mas matugunan nito kung ano ba talaga ang kanyang kinakailangan. Napabuntong-hininga siya at umupo nalang sa kama sapagkat wala talagang pumapasok sa kanyang isipan. Para bang nakalimutan niya ang kanyang isipan kaya wala siyang maisip na matino. Bigla siyang nakaramdam ng pag-ihi kaya nagpunta siya ng palikuran. Napahinto siya noong tingnan nito ang kanyang sarili na balot ng benda at maraming pasa. Hinawakan nito ang kanyang mukhang binalot na kung saan ang ilong at bibig lamang ang makikita. Mayroon paring pasa sa kanyang mga braso at marka ng kanyang pagkakatali. Napasinghap siya sapagkat naramdaman niya ang nerbyos nung damhin ang mga marka. Mabilis niyang ibinaling ang kanyang mukha at tumuloy na sa palikuran. Dahan-dahan siyang umupo sa malamig na inidoro habang ininda niya ang pasa sa kanyang mga paa. Tiningnan niya ito at kanya itong hinagod upang ibsan ang sakit na nararamdaman. Isa rin ang pag-iihi sa mga problema niya sapagkat nagkaroon ng laceration ang kanyang p********e kaya humahapdi ito. Pumikit ito habang tinitiis niya ang pagdaloy ng kanyang ihi na siyang nagpapahapdi sa kanyang p********e. Mabilis niya itong binuhusan ng tubig sapagkat hindi na niya kaya pang indahin ang hapdi. Gumaan ang kanyang nararamdaman at mabilis na isinoot ang kanyang pang-ibabang damit. Nadatnan niya ulit ang vanity mirror at matagal niya itong tinitigan. Hinawi nito ang damit na soot at nakita niya ang napakalaking pasa sa tiyan dahil sa suntok na kanyang natamo. Ibinaba na niya ito noong hindi na niya masikmura pang makita ang kanyang kalagayan. Hinanap nito ang mga gamot na kailangan para sa mga sugat at pasa nito. Nakita niya ito sa lamesa nakalagay malapit sa kanyang higaan. Agad niya itong kinuha at binuksan ang bote ng gamot. Inilahad nito ang isang kamay at binuhos ang limang tableta. Kanya itong inilagay sa bibig ng walang tubig pagkatapos ay nagdagdag pa ito noong mailagay na lahat sa kanyang bibig. “Anong ginagawa mo!” Tumilapon ang mga gamot at bote noong hinawi ito ni Franco. “Balak mo pa talagang magpakamatay? Wala na ba talagang halaga sa iyo ang iyong buhay? Paano ka maghihigante sa mga gumawa nito sa iyo kung magpapakamatay ka?” Mabilis na inalalayan ng katulong si Margarita papunta sa kanyang higaan. Mabuti nalang ay naabutan ito ni Franco at tumilapon rin ang mga gamot na kanyang nilagay sa bibig. Mabilis ang hininga ni Margarita habang masama itong tumingin kay Franco. Kumuyom ang kanyang kamay habang mahigpit na hinawakan ang kanyang hinihigaang bed sheet. “Anong paki mo? Buhay ko ito! Para na akong masisiraan ng bait kung patuloy kung nakikita ang aking sarili na ganito. Gusto ko nalang mawala na parang bula para hindi ko na maramdaman ang litseng buhay na ito!” Malakas itong sumagot kay Franco habang nagngingitngit sa galit. Gustong sumabat ni Franco ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Huminga ito ng malalim at mas piniling intindihin si Margarita. Mabilis na humiga si Margarita at tinalikuran sila. “Gusto mong gumanti diba?” ani ni Franco. “Tutulungan kita.” Biglang napatingin si Margarita sa kanya. “Ngunit! Paano mo magagawa kung palagi kang ganyan? Paano mo magagawang ipaglaban ang iyong sarili kung manantili kang walang kain at mahina? Sa tingin mo ba, madali lang ang paghihiganti? Hindi Margarita! Hindi ito isang mahika na kapag gusto mo masusunod agad. Kailangan mong gumugol ng maraming oras para mag-imbestiga, pagpaplano ng mabuti, at pagkondisyon sa katawan upang magawa mong mapagtagumpayan ang iyong gustong gawin.” Hindi naka-imik si Margarita habang naririnig nito ang mahabang litanya sa kanya. Wala pa siyang nakilala dito kahit ang katulong na palaging tumutulong sa kanya. Humugot siya ng malalim na hinihinga at tumingin nalang sa labas. Nakatulala siya ulit habang nalulunod na naman sa sarili nitong isipan. “Pakikuha ng pagkain manang at ilagay mo nalang dito sa kanyang mesa. At kayo na po ang bahala sa pagpapainom ng gamot. Huwag niyo pong ibigay sa kanya ang bote ng gamot,” mahabang paalala ni Franco sa kanyang katulong. Napahinga siya noong narinig niya ang pagsarado ng kanyang pintuan. Biglang tumulo ang kanyang luha habang nakahiga ito sa kama. Naguguluhan siya kung ano nga ba ang kanyang gagawin. Natatakot na siyang magtiwala pa sa kung sino. Ayaw na niyang bigyan pa ang kanyang sarili para umasang tutulungan pa siya. Kaya hindi niya magawang tanggapin agad ang inaalok ng lalaki sa kanya. Dumating na ang pagkaing iniutos ni Franco. Inilapag ito ng katulong sa lamesang malapit sa kanyang hinihigaan. Naamoy nito ang pagkaing dala ng katulong at biglang tumunog ang kanyang tiyan "Kumain na po kayo ma'am," imbita sa kanya ng katulong. "Maraming salamat po," sagot ni Margarita. Hindi alam ng katulong kung kakain ba ito o hindi kay nilagay nalang rin niya ang kanyang iinuming gamot sa gilid ng baso. Lumabas muna ang katulong para bigyan si Margarita ng oras para makakain. Mabilis na napatingin si Margarita sa pagkain na nasa lamesa. Tiningnan niya ito para kumpirmahin ang kanyang naamoy na pagkain. Tama nga siya ang paborito niyang adobo ang inihain ng katulong. Mabilis siyang tumayo galing sa kanyang pagkakahiga at lumapit sa pagkaing nakahain. Hindi na siya nag-antay pa at nilantakan niya ang pagkain. Gutom na gutom na siya kaya hindi na niya piniral ang kanyang hiya at pangmamalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD