Chapter Twenty Two – Traumatized
Nahati ng tuluyan ang sinasakyang yate ni Margarita. Ang katawan naman niya ay nakahilata sa sahig habang wala na itong malay. Unti-unti itong nalulunod sa kailaliman ng dagat habang patuloy paring nasusunog ang kalahati ng yate.
Napansin ito ng mangingisda ilang metro ang layo galing sa kanila. Kitang-kita nito ang paglisan ng dalawang lalaki habang nasusunog at nahahati ang sasakyang yate. Lingid sa kanyang kaalaman na mayroon pang naiwan dito kaya, hindi niya ito pinansin.
Dumaan sa kanyang harapan ang dalawang lalaki habang tuliro nilang kinakabig ang bangka. Seryoso itong nag-uusap tungkol sa pangalan ng isang babae na hindi niya maintindihan. Ilang segundo ang lumipas, ngayon lang niya napagtantong may babaeng naiwan sa yate.
"Bilisan mo! Huwag mong sasabihin sa Donyo ang nangyaring ito. Huwag mong babanggitin na nakita natin si Margarita!" galit nitong ani sa kasama.
"Paano natin maipapaliwanag ang ibinigay niyang yate? Alam mo din naman na bukambibig niya palagi si Margarita."
Dali-daling kinabig ng mangingisda ang kanyang de-makinang bangka papunta sa nasusunog na yate. Unti-unti ng nalulunod ang kalahati nito habang ang nabanggang kalahati naman ay patuloy na nasusunog. Ilang kabig pa ang kanyang ginawa bago marating ang dulo ng yate na nalulunod. Agad nitong hinanap ang sinasabi noong mga lalaki na babae. Inikot nito ang kanyang baka upang tingnan kung may tao pa dito. Narating nito ang gitna at nakita niya ang nakahigang katawan ng babae.
Unti-unting nalulunod ang nakababad nitong katawan habang ang mukha at buhok nito ay nasusunog. Agad siya kumuha ng damit at binuhosan ng dalang tubig. Dali-dali niya itong itinakip sa ulo upang maapula ang nasusunog nitong kaliwang pisngi at anit.
Ang sunog nitong mukha, nakalbong ulo, walang saplot na katawan, puro pasa na katawan, at puno ng pakete na ipinagbabawal na gamot ang nakalutang sa paligid nito. Naawa siya sa kalagayan ng dalaga kahit hindi niya ito kilala. Napakahayop ng mga gumawa nito sa kanya sapagkat hindi pa sila naawa at iniwan ito.
Dahan-dahan niya itong inangat at mabuti nalang ay maayos niya itong nailapag. Binihisan niya ito kaagad sapagkat dama niya ang nanlalamig nitong katawan. Hinawakan nito ang kanyang kamay at tiningnan ang pulso. Tumitibok ito ngunit kay hina nito. Kailangan niya itong dalhin upang mapatignan sa bayan.
Kinabig niya ang sinasakyang bangka at mabilis na binuhay ang makina. Ngunit, hindi ito gumana. Ilan pang subok ang kanyang ginawa ngunit hindi talaga ito nabuhay. Mabilis niyang kinuha ang mga sagwan at binilisan ang pagkabig nito.
Palipat-lipat ang kanyang atensyon sa kanyang pagsagwan at sa nanginginig na katawan ni Margarita. Parati niyang tinitingnan ang pulso nito kung buhay pa ito sapagkat kay lamiig na nito. Kahit nagsisimula ng mangatog ang kanyang mga braso ay mas pinag-igihan nito ang pagsagwan.
Walang katao-tao ang dalampasigan noong marating ito ng mangingisda. Karga niya ang magaang katawan ni Margarita habang humihingi ng tulong. Magbubukang-liwayway pa kaya wala pang gising na mga tao. Wala din siyang pera upang panggamot kay Margarita kung baka sakaling dadalhin niya ito sa ospital. Kaya, dinala niya ito sa beach house ng mga Del Mundo sapagkat sila lamang ang may kaya sa nayong iyon.
"Tao po! Tulong!" sigaw nito sa harap ng malaking tarangkahan. Wala siyang nakuhang sagot kaya sumigaw ito ulit. Tiningnan niya ulit ang pulso nito at tumitibok parin ng mahina. Bumukas ang malaking tarangkahan at lumabas ang katulong.
"Sino ka? Bakit ang ingay mo?" Kinukusot nito ang mata habang humihikab.
"Tulungan mo ako baka bawian ng buhay ang babaeng ito," sagot naman ng mangingisda.
Nabigla ang katulong sa kanyang narinig at nabuhayan ang kanyang diwa. Binuksan niya ang malaking tarangkahan. Pinapasok niya ang mangingisda at tinuro ang daan papunta sa kwarto ng mga katulong kung saan may guest room.
"Sir! Tulungan niyo po siya. Nagmamakaawa ako." Pagmamakaawa niya sa harapan ng may-ari.
"Kaano-ano mo ba siya?" Nakakunot nitong tanong.
"Hindi ko po siya kilala ngunit nasusunog po ang sinasakyan niyang yate habang iniwan noong mga kasamahan na lalaki."
"May mga kasamahan pala ito bakit mo pa dinala dito?"
"Iniwan po siya. Wala itong saplot ng datnan ko, nasusunog ang mukha, at madaming pasa sa katawan," pagmamakaawa niya.
"Baka may atraso ang babaeng ito kaya nila iniwan?"
"Sa tingin ko wala po kasi may mga nakalutang na mga pakete ng bawal na gamot, baka ginamit nila iyon habang ginagahasa ang babae."
"Paano ka naman nakakasiguro?"
Hindi naka-imik ang mangingisda. Hindi rin kasi siya sigurado kung ano ang katotohanan. Ngunit, naawa na siya dito.
"Dinig kong dinukot nila ito sapagkat hindi daw nila ipapaalam. Narinig ko ang pangakang Margarita, baka pangalan niya. Pwede nating hanapin ang pamilya niya habang pinapagamot. Nagmamakaawa po ako sir!" Biglang nagbago ang timpla ng mukha nang may-ari. "Sige," ani nitong ikinatuwa ng mangingisda.
Dali-dali niyang binuhat si Margarita at nilagay sa bath tub. Gamit ang shower, mahina niya itong itinapat sa mga nalapnos na balat habang kandong ito. Mga kinse minutos din ang tagal noon bago niya ito tinigilan. Inihiga niya ito ulit sa kama upang mabihisan ng katulong.
Mga ilang minuto rin ay lumabas na ang katulong. Pumasok siya upang tingnan si Margarita. Hinawakan nito ang kamay upang tingnan ito. Bumalik na sa normal ang temperatura nito. Tinakpan niya ito nang maluwag na sterile nonstick bandage at inilagay sa nalapnos na balat gamit ang gauze o tape. Dinagdagan pa niya ng isang unan ang higaan nito. Ipinatawag nito ang isang doktor para tingnan at gamutin si Margarita.
"Maraming salamat talaga sir! Utang na loob ko po ito sa inyo. Huwag kayong mag-aalala sir, kapag okay naman po siya dadalhin ko po siya sa bahay," ani nito ng nakangiti.
"Huwag na!"
Mabilis nitong sagot na ikinagulat ng matanda. "Ang ibig kong sabihin, dito na muna siya baka kailangan niyang matignan ng mabuti. Ako na ang bahala sa kanya huwag kang mag-aalala." Ani nitong ikinatuwa ng matanda.
"Mabuti naman kung ganoon sapagkat baka hindi ko rin siya matutulan kasi kami lang ng asawa ko ang nasa bahay. Maraming salamat po talaga sir Franco."
Tinanguan ito ng may-ari at mabilis na umalis ang mangingisda. Napatingin ang may-ari sa babaeng nakahiga sa kama. Lumapit ito at tiningnang mabuti ang nasusunog nitong mukha.
"Nandito na po ang doktor," paalam ng katulong.
Lumapit ang doktor at tiningnan si Margarita. Ine-examine nito ang kanyang mga pasa, nalapnos nitong mukha, ang ulo nitong nakalbo, at kung ano-ano pa ang tiningnan nito upang masuri ang katawan niya.
"Hindi naman delikado ang pagkakalapnos ng kanyang balat at mga pasa nito ngunit kailangan parin tugonan ito ng pansin. It is a second degree burn parin at mabuti narin na nalapatan niyo na ito kaagad ng paunang lunas," tango nito. "For now, magpe-prescribe ako ng antibiotics at pain medications. Just call me if there would be any problems," ani nito habang nagsusulat sa papel na resita.
"Doc, bakit hindi po siya nagigising hanggang ngayon?"
"For now let her sleep. Her body is exhausted and she needs a lot of rest," ani ng doctor.
Tinanguan niya ito. "Thank you so much Doc! Tatawag nalang ako if ever there is a problem," dagdag nito habang kinuha ang inabot na resita.
Tumango ang doktor at nagpaalam na rito. Nilapitan niya ito at nilagyan ng kumot. Tumingin siya sa labas at mataas na ang sikat na ang araw. Marami pa siyang gagawin kaya iniwan niya ito at pinabantayan ng katulong.
"Sir! Binangungot po si ma'am," bungad sa kanya ng katulong noong nakauwi ito galing sa trabaho.
Agad niya itong pinuntahan para matingnan. Nadatnan niya itong pawisan habang hindi mapakali ang ulo. Binangungot nga ata ito. Ipinatawag nito ang doktor para ipakonsulta.
"Hindi ba siya nagising kanina manang?" Tanong niya sa mga katulong.
"Hindi po," sagot naman nito.
Ilang minuto ang dumaan dumating narin ang doktor at tiningnan si Margarita. Tiningnan nito ang t***k ng kanyang puso, ang mga pasa, at sugat nito.
"Well, okay naman ang kanyang mga vital signs. Pulse rate, temperature, respiratory rate, at blood pressure are all normal. For now, let's just sapagkat hindi pa siya nagigising. Maybe she's suffering from a traumatic experience kaya siya binabangungot."
"Thanks doc," ani nito.
"My pleasure!"
"Kumain ka na po ba ng hapunan?"
"Oo tapos na akong kumain. Maraming salamat!"
"Okay just call if ever you need something."
"Okay," sagot ng doktor.
"Gising na po siya," dinig niya at tumingin ito sa taong nakatayo at may suot na puting uniporme.
"Nasaan ako?" Naguguluhan siya habang tiningnan ang mga taong nakapalibot sa kanya. "Anong ginawa niyo sa akin? Huwag kang lumapit sa akin," ani niya noong lumapit ang katulong.
"Kalma lang po miss. You are safe here. You
were saved by a fisherman," ani ng doktor.
"Anong ibig niyong sabihin?"
Tiningala niya ang kalangitang nagliliwanag. Sa huling pagkakataon, humingi siya ng tulong sa Diyos bago siya nagpaubaya sa mga kamay nito.
Biglang tumilapon silang tatlo noong nabunggo ang yate. Kitang-kita nila kung paano nag-iba ang harapan ng yati at nahati ito sa gitna. Nagsimula na itong masunog na ikinababahala ng dalawang lalaki.
Naalala na niya naman ang mga nangyayari. Itinakip nito ang mga kamay ngunit benda ang kanyang nahawakan. Hinawakan nito ang kanyang ulo ngunit puno ito ng benda.
"Anong nangyari sa akin?" Nagulat ito sa kanyang nadama habang naghihisterya.
"Nalapnos po ang iyong kaliwang pisngi at anit miss. Kaya kailangan naming ilagay iyan upang hindi ma-contaminate ang mga sugat mo baka ma infected pa."
"Huwag! Huwag kayong lumapit sa akin," tigil niya dito habang humihikbi.
Hinagkan siya ni Franco habang hinawakan siya ng lalaki para hindi siya makapiglas. Amoy niyang amoy alak ang mga ito. Unti-unti nilang pinunit ang soot nito habang hinihimas ang kanyang katawan.
Wala siyang boses na mailabas sapagkat takip-takip nila ang kanyang bibig. Puro ungol lamang ang lumalabas sa bibig niya habang nasarapan ang mga kalalakihang naririnig ito. Dama niya ang matigas nitong p*********i bawat binti nito. Nagpupumiglas siya ngunit sinuntok siya ng malakas sa tiyan na nagpahina sa kanya. Nilaro nila ang kanyang dibdib at p********e nito. Parang nawala na ito sa ulirat sapagkat parang nag-iinit narin ang katawan nito.
"Sige pa! Singhutin mo iyan," bulong ni Franco.
Wala na nga siyang lakas sapagkat napapasunod na siya sa mga utos nito. Binaboy nila ang kanyang katawan habang paulit-ulit na sinasaktan. Alam niya ang mga nangyayari ngunit wala na siyang nagagawa dahil iba na ang komokontrol sa kanya.
Napasigaw siya noong biglaang ipinasok ni Franco ang kanyang p*********i. Lumandas ang kanyang luha sa mga pisngi niya. Gusto niya itong labanan ngunit ang mga kamay nito ay nawalan narin ng lakas. Hinahagkan naman ng isa ang kanyang dibdib. Wala itong mga hiyang binaboy ang kanyang katawan.
"Magbabayad sila!" Sigaw niya bigla na ikinagulat nila. At umiyak ito ulit habang niyayakap niya angn kanyang sarili