Chapter Twenty-One - Miracle
"Okay ka lang mahal?" tanong ni Victor sa kanyang asawa. Mapapansin ang pagkaputla ng mukha at labi nito. Nag-aalala si Victor sapagkat maselan pa naman ang pagbububtis.
Nginitian ni Margarita ang asawa upang maibsan ang pag-aalala nito. Hinawakan nito ang mga maiinit na kamay na humahaplos sa kanyang mukha. "Okay lang ako mahal," sabi nito bilang pampalubag ng loob. Ibinaling ni Margarita ang mukha sa harap ng bahay, "Pamilyar ako sa bahay na ito," ani nito habang nakakunot ang mga noo.
"Para bang..." natigil ito sa pagsasalita. Tila bang may inaalala ito ngunit hindi niya na maalala. "Nanggaling na ako dito noon?" sabi nito. Ngunit, hindi ito sigurado sapagkat pamilyar lang ito sa bahay dahil sa mga disenyo nito.
Ipinagkibit ito ng balikat ni Margarita at bumaling sa asawa. Binuklat nito ang papel na ibinigay ni Ronald. Makikita dito ang palatandaan kung saan mahahanap nila ang bahay na tinutukoy dito. "Magkapareho ang mga palatandaan mahal," sabi nito sa asawa habang binibigay ang papel.
"Pearl in blossom," sabi ni Victor habang binabasa ang mga salitang nakasulat sa papel at sa palatandaan.
Bago sa kanilang pandinig ang mga katagang nakaukit sa isang maliit na pader na kasunod ng tarangkahan. 'Perlas na namumukadkad' literal na pag-iisip ni Margarita. Hindi lubos-maisip ni Margarita kung ano ang gustong ipahiwatig ng mga nakaukit. Napakamisteryoso ng mga kataga na kinakailangan ng mabusising pag-iisip upang lubos na maintindihan. Napaisip si Margarita na may dahilan sina Ronald kung bakit nila ito ginamit.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin sa buong paligid. Napapikit si Margarita ng dinampian ang kanyang mukha. Ang lamig nito ay nanunuot sa kanyang balat kaya napahawak siya sa kanyang braso at hinaplos ito. Umihip ulit ang napakasariwang pang-umagang hangin na nanggagaling sa mga punong nakapalibot sa paligid.
Isang hikbi ang namutawi sa loob ng kusina. Ngunit, anong pigil niya sa kanyang nga hikbi, napahagulhol ito ng takpan niya ang kanyang bibig.Mahihinang hikbi na punong-puno ng sakit, kawalan ng pag-asa, at pighati sa mga masasamang nangyari sa kanilang buhay.
Damang-dama nito ang paninikip ng dibdib - nabibigatan na ito sa lahat ng mga problemang iniinda. Napatingin ito sa itaas ng kisame upang maibsan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Dama nitong kay hina na ng kanyang ulo para man lang tingnan ang kisame. Sa lahat ng mga taong nadadamay, dama nito ang awa at hiya. Gusto niyang pigilan ang nararamdaman sapagkat walang-wala ito sa mga taong nadamay - sa mga taong nasaktan. Kahit katiting hindi tutumbas ang nararamdaman niya. Nanlulumo ang kanyang puso, nanghihina ang kanyang katawan, at ang isip nito ay gulong-gulo.
"Sana ay ako nalang iyong namatay, kaysa ang mabuhay pero kapalit naman ang ibang buhay," bigkas nito bigla.
Wala na itong masabing iba sapagkat dama nito ang kawalan ng pag-asa. Ngunit, napasinghap ito ng madama ang mga bisig na yumakap galing sa likuran. Ang mainit na mga bisig na nagpapagaan sa kanyang magulong damdamin. Dama nito ang malambot nitong pagyakap tanda ng pag-iingat at pagmamahal para sa asawa.
Ang hinahanap-hanap at ang kinakailangan niya sa mga panahong kailangan niya ng karamay, ay nandito na nakayapos na sa kanya. Hindi niya napigilan at niyakap niya ito nang kay higpit. Wala itong masabing iba kung hindi 'patawad'.
"Tahan na aking mahal..." bulong ni Victor sa kanyang asawa. Hindi narin napigilan nito at napaluha narin.
"Okay lang kayo? Parang..." tumigil si Ronald sa pagsasalita at ngumiti, "may nakaligtaan akong magandang pangyayari?" sabi nito at humalakhak.
"Hindi naman. Just comforting my wife," ani Victor.
Ngumiti si Ronald, "Margarita, huwag mong aakuin lahat ng problema..." ngumiti ito sa mag-asawa, "nandito kami. Para tulungan kayo. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil kami - kami ang may gusto, kami ang gumagawa at gagawa. Kaya huwag ka nang umiyak diyan. Nandito lang kami palagi sa iyong tabi."
Napangiti si Margarita habang nakikinig sa mga magagandang kataga na lumalabas sa bibig ni Ronald. Katulad ito ng huni ng mga ibon - pinaadpad lahat ng iyong pag-aalinlangan at lahat na matitira ay ang kapayapaan.
"Pagpasensyahan niyo na," sabi ni Margarita at nagpunas na mga natitirang luha. "Hindi ko pa naihanda ang agahan natin," dagdag nito at natawa.
"Walang problema. Okay lang, hindi pa naman ako gutom. Gusto mo..." at tumingin kay Victor, "tulongan nalang kita?" suhestiyon ni Ronald.
"Naku pare!" singit ni Victor, "ako na ang tutulong sa asawa ko," dagdag nito at natawa.
"Kayo talagang mga kabataan ngayon, ang init nuh?" sabi ni Ronald at nakitawa narin.
"Ilang taon ka na ba Ronald? Hindi ka pa naman ata matanda? O may asawa kana?" ani Margarita na ikinatawa ni Victor.
Hindi kaagad nakasagot si Ronald sapagkat natawa ito sa reaksyon ni Victor. Pabiro niyang sinuntok ang braso nito. "Bente-singko pa naman Margarita."
"Asawa pare?" tukso ni Victor.
"Wala pa pare," sagot nito habang naniningkit ang mata na tumingin.
"Naku! Ang laki naman pala ng problema mo pare. Baka maabutan ka na ng kalendaryo?" tukso ni Victor at humalakhak ng kay lakas.
"Huwag mo nang isipin iyan Ronald. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko gutom lang iyan kaya ganyan," ani Margarita.
Nagtawanan silang tatlo sa dahil sa sinabi ni Margarita. Ang buong bahay ay napuno ng halakhak. Napangiti nalang si Margarita sa kanyang nakikita. Tumingin ito sa labas at humiling sa mga kalangitan na sana'y parati ganito kasaya ang buhay nila.
Nabibingi na sa katahimikan si Ronald habang minamaneho ang sasakyan nito. Palipat-lipat ang mga mata sa kalsada at rear view mirror. Tinitingnan ng paulit-ulit ang mag-asawang hindi nag-iimikan sa isa't-isa.
Habang nasa daan sila ay napadaan ito sa isang kainan. Gabi narin noong nakauwi sila galing sa pier. Kaya, ipinarada ni Ronald ang sasakyan sa tapat ng kainan kung saan may bakanteng lote.
"Kain muna tayo," anyaya niya sa mag-asawa.
Tango lamang ang kanyang nakuhang sagot galing kay Margarita. Wala namang imik si Victor na nakatingin lamang sa bintana. Napailing nalang si Ronald dahil sa mga inasta nito.
Naunang bumaba si Ronald kaya naiwan ang mag-asawa sa loob. Walang nangahas na nagsalita sa kanilang dalawa kahit dinig nilang umiingay na ang tiyan nila sa gutom. Hindi naman sila makababa sapagkat inaantay lang nila kung sino ang mauuna.
Napahiyaw si Margarita nang kargahin ito ni Victor na parang bigas. Panay ang suntok nito sa likuran dahil gusto nitong bumaba. Ngunit, hindi ito pinapayagan ni Victor at nagpatuloy lang sa paglalakad. Binalibag niya ito sa kama nung nakapasok na sila sa kwarto.
Ikinagalit naman ito ni Margarita kaya tumayo ito para sapakin ang asawa. Panay ilag ang ginawa ni Victor para hindi matamaan ang sugat nito. Ngunit, patuloy parin itong sinasapak ni Margarita.
"Tama na Margarita!" sigaw nitong ikinatigil niya. "Hindi pa iyon sapat sa lahat ng ginawang pag-iwan mo sakin!"
"Ayan lumabas rin! Kanina ko pa hinihintay iyan. Saktan mo ako kung gusto mo. Iyan naman ang gusto mo diba? Gusto mong makabawi!" Sigaw nito.
"Victor naman! Ginawa ko lahat ng iyon, hindi para sa aking sarili kung hindi para sa kapakanan mo, sa mga tao, sa atin..." hikbi nito. "Kaya ko ginawa iyon dahil ayaw kong nakikitang nasasaktan ka dahil sa akin. Ako naman ang puno't dulo sa lahat ng mga nangyayari sa atin kaya ako rin ang puputol," tuluyan na itong umiyak.
"Alam ko iyon Margarita kaya nagagalit ako sa iyo! Nakakagalit dahil wala kang tiwala sa akin. Nakakagalit dahil wala ako sa mga desisyon mo. Nakakagalit sapagkat asawa mo ako ngunit hindi mo ako nagawang pakinggan o hayaang ipaglaban ka man lang?"
"Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon natin kanina Victor?"
"Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan Margarita?"ani nito sa malamig na boses.
"Ano? Gusto mong mamatay at iwan ako? Hindi ko kayang mawala ka! Hindi ko kayang mabuhay ng ilang araw na wala ka sa aling katabi. Sino nalang ang magmamahal sa akin ng tatapat sayo? May iba pa bang magmamahal sa akin na hihigit pa sa iyo?"
Napatahimik si Victor. Wala itong masabi dahil siya rin mismo ayaw niyang mang-iwan o iiwan ang mga mahal niya sa buhay.
"Patawad mahal," iyon lamang ang kanyang nasabi. Ngunit, ito ang mga katagang kanina pa niyang pinipigilan dahil sa pangmamataas nito. Pero ngayon pinipili niyang magpakumbaba para sa ikakaayos nilang dalawa.
"No," pigil ni Margarita. "Patawad kasi naging makasarili ako. Hindi ako nagtiwala sayo, bilang asawa man lang sana ay nakinig ako-" natigil ito sa pagsasalita.
"Tahan na mahal. Let's just forgive each other. Huwag na nating saktan pa ang mga sarili natin," bulong nito at hinalikan ang noo ni Margarita.
Dahan-dahang bumaba ang mga halik ni Victor papunta sa mga labi ni Margarita. Galing sa maliliit na halik ay naging agresibo ang kanilang mga halik. Ang mga malilikot nitong mga kamay ay umaabot saan-saan. Dinadama bawat umbok at inaalis ang lahat ng mga sagabal. Mapusok ang bawat halik na binibitawan. Bawat isa ay nalunod na sa bawat handog nilang pagpapaligaya.
They lay in bed together like the sea crashing the seashore. The whispers of the wind tingled the pleasure within . The cold breeze that envelopes the whole surrounding cannot withstand the tension of a burning sensation. Driven by love and compassion, waves of emotion were freed and just like a rampaging typhoon gone, the ocean calmed.
He envelopes his whole body to cover her. He kissed her passionately before pulling the blanket up. His coziness is like a lullaby that put his baby to sleep deeply.
Nabigla sila Victor sa narinig nilang pagsigaw. Dali-dali silang tumakbo papunta kay Margarita para tingnan kung ano ang nangyayari.
"Victor! Ang sakit ng tiyan ko. Manganganak na ata ako," sigaw ulit ni Margarita.
"Ano? Uhh-uhm-" natigil si Victor sa pagsasalita.
"Upo ka muna Margarita," singit ni Ronald habang dali-daling inalalayan si Margarita sa upoang sofa.
Dali-daling hinanap ni Ronald ang kanyang telepono at tinawagan nito ang kakilalang doktor. Abala naman si Victor sa pag-aasikaso sa asawang namimilipit sa sakit. Hindi mapakali ang mga kalalakihan sapagkat hindi nila alam kung ano ang gagawin pagdating sa ganitong bagay.
"Ano? Hindi ka makakapunta? Wala ka bang kasamahan sa ospital na pwedeng magpaanak kay Margarita?" natatarantang sabi ni Victor.
"Sige! Tatawag nalang ako sa ospital. Maraming salamat doktora," sabi nito at nilipat ang tawag sa numero ng ospital na ibinigay ng ob-gyn.
"Ho! Mahal hindi ko na kaya," hinihingal na tugon ni Margarita.
"Hintayin muna natin mahal, kasi-" kinakabahang sagot ni Victor. Mas maputla pa ang mukha ni Victor kaysa sa asawa nitong buntis.
"Anong hintay ka diyan! Sasabihan ko anak nating 'huwag muna lumabas habang inaantay natin ang midwife' ganoon?" galit nitong tugon sa asawa.
"Hello? May manganganak dito sa-" naputol si Ronald sa kanyang sasabihin. "... Oo ito nga iyon..."
"Ah! Pinagsabihan ka ni doktora?" sagot nito sa kabilang linya. "... mga ilang minuto kaya?"
"Sige sige! Pakibilisan nalang kasi malapit ng manganganak," at tinapos ni Ronald ang tawag.
Ilang minutong paghiyaw ang kanilang narinig galing sa kwarto ay tumigil na. Napatayo sila at hindi na makapag-antay pa kaya pumasok na sila sa loob ng kwarto. Bumungad sa kanila ang isang sanggol na umiiyak habang karga ito ni Margarita.
Napaluha si Victor ng makita ang anak nito. Dali-dali itong naglakad papunta sa asawa. Tumabi ito sa asawa at hinalikan ang noo nito.
"Maraming salamat at maayos ang lahat mahal. Babae ba o lalaki?" hindi napigilang tanong ni Victor.
Napangiti si Margarita sa kanyang asawa. " Babae mahal," sagot nito.
"Anong ipapangalan natin mahal?"
"Elise Hope. Elise Hope Marcellus mahal," masayang pahayag ni Margarita
Tinanguan ito ni Victor bilang pagsang-ayon. Nakangiting nakatingin si Ronald sa mag-asawang masayang-masaya. Lumapit narin ito para tingnan ang mag-asawa.
"Lalabas muna ako. Huhugasan ko lang itong mga kagamitan," ani ng midwife.
Tinanguan lamang ito ni Ronald.
"Naku! Manang-mana sa akin," biro ni Ronald.
"Paano naging sayo kung anak namin ito?" nakakunot na tugon ni Victor. Natawa rin ito ng kaunti sapagkat tama naman si Ronald. May nanalantay na dugo rin ni Ronald sa bata dahil parang apo niya na rin ito.
Napailing nalang si Margarita habang tinitingnan ang dalawa. Ibinaling nito ang mukha sa kanyang mala-anghel na anak. Walang mapaglalagyan ang kaligayahan nito sapagkat bayad na lahat ng mga sakripisyo nila.
Napatakip siya ng kanyang mga mata dahil sa liwanag na kanyang nakikita. Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata at idinilat ito ulit. Inilibot niya ang kanyang buong paningin. Nakikita niya ang magandang tanawin sa labas sapagkat gawa sa salamin ang dingding nito. Sa kabila naman ay ang sementadong dingding na may nakasabit na ibat-ibang pintura. Ang kisame nito ay kulay beige at may chandelier na nakasabit sa gitna nito. Dinama niya ang malambot na kama at napahawak siya sa kanyang ulo na may benda.
"Gising na po siya," dinig niya at tumingin ito sa taong nakatayo at may suot na puting uniporme.