CHAPTER 2

2404 Words
Chapter Two Pagkababa ko ay bukas naman pala ang pintuan. Napahinto ako bigla ng nakita ang sasakyan. Kapareha nito ang hummer ng aking ama. Balisa ako sapagkat gusto kong pagsarhan ito ng pintuan ngunit tumigil ito sa tapat ng portiko. Wala akong nagawa kundi ang tignan ito sa maliliit na bintana katabi ng pintuan. Lumabas sa sasakyan ang isang nakabarong na lalaki. Napabuntong hininga ako dahil mali ang akala ko. Sa tingin koy kaedaran lang kami at magandang lalaki naman. Lumabas na ako para tanungin ito. "Nandito ba si Victor miss?" "Nasa loob naliligo pa. Sige tatawagin ko muna baka tapos na din iyon," "Huwag nalang miss baka bababa na iyon. Daniel pala, you are?" Nakipagkamay siya kaya kinamayan ko na din ito. "Margarita pala-" "Ahermm!" Binitawan ko kaagad ang kamay ni Daniel. "Daniel? Nandito ka na pala, sana nagtext ka man lang para masalubong kita." sarkastikong sambit ni Victor nito. " Okay lang pare nandito naman si Margarita." " Hmm~" " Nagseselos ka ba pare? Haha! Hindi naman ako naparito para agawin ang iyong nobya, nandito ako kasi ako ang magiging opisyales para sa inyung civil wedding." " Anong civil wedding? Victor? Ikakasal tayo ngayon?" Gulat na gulat ako. Di ko aakalaing totohanin ni Victor yung sinabi niya kanina. "Sana'y sinabihan mo man lang ako Victor para makapaghanda naman ako." " Huwag na. Ang ganda mo na kaya. Bagay na bagay sayo ang damit." " Really Victor? Communion ba pupuntahan ko?" Natawa kami tas niyakap niya akong galing likuran para bang sinasabi niya kay Daniel na 'akin to kaya back off' parang ganern. Tinawanan nalang kami ni Daniel. Si Victor kasi napakaseloso di ko naman tipo si Daniel. Siya lang naman ang mahal ko. Pumunta na kami sa likod ng bahay kung saan gaganapin ang seremonya. Nabighani ako sa aking nakita. Ang ganda ng bakuran nila dahil napapalibutan ang paligid ng mga halaman. Tas sa gitna may round na kubo at may mga nakasabit na mga ilaw galing sa gitna ng kubo hanggang sa wall ng bakuran. May mga lobo sa bubong ng kubo tas larawan namin ang nakasabit sa tali nito. "Maganda ba?" "Ikaw ba ang naghanda lahat nito Victor?" " Hindi naman. Yang mga balloon lang tas pic natin." " Pag-ibig nga naman, 'hahamakin ang lahat, masunod ka lamang'. Diba Victor?" " Ang dami mong satsat sige na simulan na natin!" Natawa ako sa magkaibigang ito. Nagsimula na ang seremonya ng aming kasal. Kami lang at ang opisyales ang nandito sa kasal ngunit masaya naman kami. "I hereby declare you as lawfully husband and wife. Mr. Victor Marcellus, you may now kiss your bride." " Sa wakas asawa na kita yun nga lang judge pa lang. Someday, ikakasal din tayo sa harap ng altar." Ang saya-saya ko ngayon sapagkat nagpakasal kami ni Victor kahit maaga pa. Alam kong hindi biro ang buhay-mag-asawa pero alam ko din, na malalagpasan namin ang mga pagsubok sa buhay habang magkasama. "Mmmmm! Ang ganda naman ng asawa ko" "Victor! Nakikiliti ako dyan." "Ilang buwan naba ang baby natin mahal?" "Isang buwan pa naman mahal," Inangat ako ni Victor at pinakandong sa kanyang balakang. Damang-dama ko ang kanyang kasabikan sapagkat naramdaman ko ang kanyang katigasan. "Victor? Baka nasa baba pa si Daniel,” "Wala! Umalis na 'yon." Nagpatuloy sa paghalik si Victor. Mapusok ngunit maingat ang kanyang mga halik. Para bang babasagin na dapat ay ingatan ng todo. Pareho na kaming walang saplit sa ibabaw ng kama. Ipinaglapat ni Victor ang aming kamay at pinsagsaluhan ang gabi. Nagising ako kinabukasan na may humahaplos sa aking buhok. "Good morning mahal" Napakalalim ng tinig nito tsaka may garalgal din. "Good morning din mahal." Niyakap niya ako't ipinatong ang aking kamay sa kanyang dibdib. Hinaplos ko ang kanyang dibdib na may maninipis na balahibo. "Good morning breakfast ba 'yan?" "Haha! Di ka ba napagod kagabi Victor?" "Nakapag-recharge naman tayo so ready na?" " Anong ready ka dyan? Tseh!" " Ito naman nanlalambing lang." Tumalikod ako ngunit hinila niya ako't niyakap. Damang dama ko ang kanyang dibdib, ang mga nagtitigasan niyang abs, tsaka yung baba niya. Hindi ako makaimik. Ninanamnam ko ang sandaling ito sapagkat alam kong hindi araw-araw ganito. Hindi namin alam kung kailan kami matutuntun ni papa, kung kailan matatapos ang aming pagtatago. "Victor? Magluluto na ako ng agahan natin." " Mamaya na mahal, maaga pa naman." Nagpaubaya nalang ako sa gusto ni Victor. Mag-iisang linggo na din akong naninirahan sa bahay ni Victor. Usual lang din naman ang mga nangyayari bawat araw. Masaya ako, I find peace in Victor and I feel contended living a life like this. Mapayapa ditong tirhan at nagagawa ko ang mga gusto ko. "Mahal? Aalis muna ako. Bibili lang ako sa bayan. Promise sandali lang ako." Hinalikan niya ako bago lumakad. "Sige mahal, mag-iingat ka!" Napabuntong-hininga ako sapagkat magdadapit-hapon na tapos lumakad pa si Victor papuntang palengke. Inabala ko nalang ang aking sarili sa mga gawaing bahay. Habang akoy abala sa paghuhugas ng pinggan ay inantok ako bigla. Binilisan ko nalang ang paghugas para makapagpahinga na ako. Makulimlim narin ang kalangitan kaya kinuha ko na ang mga isinampay na damit. "Ang tagal naman ni Victor? Baka maabutan pa siya ng ulan. Di pa naman yun nagdala ng payong." Pagod na pagod ako kaya nagmadali akong pumunta sa kwarto. Nag-unat ako at saka humiga na at nagpahila sa pagtulog. "Margarita? Gising!" Nagising ako bigla nang tawagin ni Victor ang aking pangalan. Pawis na pawis ito't habol ang hininga habang tuliro ang mga mata. Napaluha nalang ako ng maalala  ang mga masasakit na tagpong iyon. Hindi ko aakalaing hahantong si papa sa p*****n. Hingal na hingal kami ng dumating na kami sa sinasabing dalampasigan ni Victor. May maliliit na bangka akong nakikita na nakatali sa daungan nito. "Ito ba ang bangkang sasakyan natin papuntang San Luis?" "Oo mahal, halika na!" Hinigit ni Victor ang aking kamay papuntang daungan. Dahan-dahan ang pag-alalay nito sakin ng nakasakay na kami. First time kung makasakay nito kaya natakot ako ng umaalog ito. "Ayon! Nandoon sila pasakay na ng bangka!" Nagulat kami ng nagpaputok ito ng mga baril. Pinaupo ako bigla ni Victor at dali-daling binuhay ang makina ng bangka. Nagpaulan ng mga baril ang mga ito kaya napamura si Victor na prinotektahan ako. Mabuti nalang ay bumilis na ang pagtakbo ng makina at kami ay napalaayo na rito. "Patay tayo nito kay Don Miguel!" Narinig kong sambit ng mga tauhan ni Papa. "Okay ka lang ba? Di kaba natamaan?" "Paano ako matatamaan Victor kung prinotektahan mo ako? Ikaw? Kumusta ka? Wala ka bang tama?" Pinatalikod ko siya para tingnan kong may sugat ba. Wala naman akong nakitang tama sa katawan niya pero sa bangka namin meron. "Kailangan nating magmadali papuntang San Luis, malamang pinasundan na tayo ngayon ng iyong ama." Pinatulog ako ni Victor kaya nagpahila ako kasi antok na rin ako. Nagising ako sa maingay na sigawan. Gumising ako at nilibot ang aking paningin sa paligid. Mga bangkang puno ng mga isda ang aking nakikita. Mga naglalakihang katawan na nagbubuhat ng mga container papunta doon sa babaeng may hawak na listahan. "Mahal nandito na tayo." "Mahal? Saan naman tayo ngayon tutuloy?  Wala naman tayong kakilala dito?" "Huwag kang mag aalala mahal. Mangungupahan muna tayo rito. May sapat naman akong perang dala rito para sa pang-araw-araw na pagkain at buwanang upa. Sa ngayon maghahanap muna tayo ng mauupahan para makapagpahinga na tayo." Bumaba na kami sa sinasakyan naming bangka. Umaalog-alog pa ito ng bumaba ako kaya kumapit ako sa bisig ni Victor. "Kumapit ka lang sa akin baka mawala kapa." " Ano? Anong tingin mo sa akin Victor, bata? Iniinis mo ba ako?" " Haha! Hindi naman mahal. Ang ibig ko sabihin hindi ka sanay sa ganitong lugar. Tingnan mo ang daming tao sa daungan na ito. Mga bago tayo baka pagdiskitahan ka nila." Hindi nalang ako nagsalita baka saan pato hahantong. "Ale? Pwede po ba kaming magtanong?" Ito yung matandang babae kanina na may dalang listahan. Siguro dealer ito ng isda sa palengke. "Ano iyon iho? Sige! Huy kayo! Bilisan niyo diyan!" " May alam po ba kayong pwede naming uupahan?" " Nako iho, pagpasensyahan mo na wala akong alam. Magtanong nalang kayo sa mga tindera diyan sa may stall." " Ganoon po ba?" Asan na kami pupunta nito? Di pa naman namin kabisado ang mga lugar. Baka sa kalye nalang talaga kami matutulog nito. "Anong problema dito manang Gloria?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita sapagkat napakalalim ng boses nito. Natulala ako ng tingnan ang lalaki. Wala itong saplot habang binubuhat ang malaking container ng isda. "Ay sir! Nagtanong po kasi sila kung may alam ba akong mauupahan dito." Nagising ako sa aking ulirat ng magsalita yung ale. "May alam ako. Pwede kayong sumama sa akin. Tapos naman rin ako dito." Sinasabi niya iyon sa akin habang tagos ang mga tingin. Nabigla ako ng niyakap ako ni Victor galing likuran. "May alam ka pare? Sige hihintayin ka namin. Salamat ha?" Natunogan ko ang pagiging sarkastiko ni Victor. Nilipat ng lalaki ang kaniyang tingin at nagpaalam sa amin. "Bakit mo siya tinitingnan?" "Huh?' "Anong 'huh' ka diyan? Kunwari pa kung makatingin sa malaking tiyan nung lalaki parang kakainin. Tsk!" " Huy Victor! Maghunos-dili ka nga? Anong kakainin ka diyan? Nabigla lang kasi ako. Alam mo namang di ako sanay na makakita ng ganoon." "Kung gusto mo pala bakit hindi mo tingnan yung akin?" "So sinasabing malaki ang tiyan mo? Haha" "Anong malaki ka diyan? Hindi mo ba nafeel? Ano? Malaki ba?" Hindi ako nakaimik kasi naninigas ako nang yakapin ako ng mahigpit ni Victor. Nadama ko yung matigas niyang abs tsaka yung malaki niyang ano. Sheet ka Victor napakalandi mo. "Ano ba Victor! Ang daming tao tigilan mo nga ako." Kumalas ako sa yakap niya. " Sige mauna na ako manang Gloria," narinig kong sambit nung lalaking nakahubad kanina na ngayong nakadamit na. "Sorry pare natagalan ako." "Okay lang pare, walang problema" Sumunod kami sa lalaki at tumigil sa isang pick-up. Hyundai's Santa Cruz ata to. Not sure. Pinagbuksan niya kami ng pintuan. "Pumasok na kayo, mag-aalas otso na baka inaantok na kayo? Wait, did you already eat?" "Oo pare kumain na kami." Ano? Di pa kaya kami kumakain. Victor naman nakalimutan mo atang dalawa kaming kakain. Pumasok na ako sa loob dahil sa inis. Nawala rin ang aking inis nang nakapasok na ako. Ang ganda talaga nitong sasakyan. Namiss ko bigla ang buhay namin noon. Kung noon, ako ang nagpapasakay sa mga taong nadadaanan ko, ngayon naman, ako na ang sumasakay. Well, this is my new life, siguro masasanay rin ako definitely. "Taga saan ba kayo pare?" Nagkatinginan kami ni Victor. "Taga San Juan pare." "Welcome pala dito! Sana ay masiyahan kayo dito sa San Luis." Pinatakbo niya na ang sasakyan. Tumingin ako sa labas at makikita ang mga taong nagsiksikan sa merkado. Well, hindi naman siguro ako mabobore dito madami namang tao at mga naglalakihang building. Mahaba-habang byahe din ito dahil mga thirty minutes na siguro kaming nakaupo tas mga puno na ang nakikita ko sa paligid. Akala ko pa naman sa siyudad kami. Humilig nalang ako kay Victor at pinagsiklob ko ang kamay namin. Dumating na kami sa sinasabi nitong uupahan namin. Isang ordinaryo na bahay lamang ito. "Well, not bad." Marami namang bahay dito pero mga ilang metro din ang layo. At least, di naman siguro ako mabobore kasi may mga motor at mga taong dumadaan. Pinasok namin ang bahay nito at hindi ko aakalaing maganda ang loob nito. Kung titingnan sa labas wala sa itsura nito na napakaganda ng loob. Pagpasok mo reception ang bubungad sa iyo. Tapos both sides ay lounge area. Tas may daan sa left meron din sa right papuntang kwarto. "Sana magustohan niyo ang pagstay niyo dito. Tsaka pala, ito ang magiging kwarto niyo pero may sala, kainan, kwarto, kusina at cr, kumbaga complete set narin."  Pumasok kami. Tama nga siya mabuti nalang may ganito dito sa loob. "Pare? Bukas nalang natin pag-usapan yung bayad baka inaantok na kayo." "Sige maraming salamat pare ha? Buti nalang nandoon ka kung hindi wala kaming matutulogan." "Maraming salamat talaga" Sambit ko nito. Nagpaalam na siya sa amin. "Mabuti nalang may awa ang Diyos sa atin." "Victor?" "Ano?" Biglang umingay ang aking tiyan tanda na gutom na talaga ako. "Dalawa kami Victor di mo naalala? Tsk! Di ka ba nagugutom? Kanina pa tayo lakad-takbo" "Sorry na mahal. Nahihiya kasi ako, di bale ako na ang magluluto ng hapunan natin. Okay?" "Kaya mo pa ba? Baka pagod ka? Ako nalang?" "Huwag na Margarita. Ang importante makapagpahinga ka para nadin kay baby. Okay?" Tumango nalang ako. Tinawag na ako ni Victor para makapaghapunan na kami. Walang usapang naganap habang kumakain dahil siguro sa gutom. Si Victor na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Nahiga na ako sa kama habang hinihintay ito. Pinatay na nito ang sala't kusina hudyat na tapos na ito. Pumasok na siya sa kwarto at naghubad ng damit. "Victor? Ito na ba ang magiging buhay natin?" Napabuntong-hininga ito. "Margarita, pansamantala lamang ito. Pupuntahan natin ang iyong ama para itigil niya na ang paghahanap sa atin. Promise hindi kita iiwan ano man ang mangyayari. Sa ngayon huwag mo muna isipin yan, matulog kana diyan baka mapuyat kapa kakaisip sa mga problema." Napabuntong-hininga na rin ako. Sana ay matanggap kami ni papa. Pinatay nito ang ilaw sa kwarto at tanging lampshade nalang ang natira. Humiga na ito sa kama na walang saplot. "Victor? Hindi kaba nagiginawan?" "Makapal naman tong comforter nila tas tabi naman tayo." Pa-inosente nitong sagot. "Bakit ba? Wala naman akong gagawin sayo." sabay halakhak. "Di ako naniniwala. Bakit ka tumatawa diyan?" "Wala! Hali ka nga dito." "Ayaw ko!" Nagmatigas ako kaya siya na ang lumapit sa akin. "Ito naman nanlalambing lang talaga ako." Niyakap niya ako't pinaharap sa kanya. Nakakulong ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. Ang tigas nito tas ang init ng kanyang katawan. "Ganito na talaga ang buhay ng isang 20 year old woman at 22 year old man? Married life at a young age huh?" "Masasanay ka rin naman. Di naman natin araw-arawin baka magsawa ka." Sinapak ko na ito pero ako ata ang napatigil dahil sa matigas nitong dibdib. "Haha! Blushing huh?" "Blushing ka diyan! Naiinitan lang ako nuh!" "Oo na matutulog na tayo." Pinatay na nito ang lampshade at niyakap ako ulit. Ang sarap matulog kapag may kayakap. Narinig ko ang maliit na hilik ni Victor. Hinalikan ko ito at mapayapang natulog sa kanyang mga bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD