CHAPTER 3

2298 Words
Chapter Three "Hello po? Opo nandito na sila sa bahay ko. Nasa kwarto na sila at nagpapahinga na," ani ng lalaki. "Very good! Bantayan mong maigi ang mag-asawa. Ikaw ang magiging mata at tainga ko kaya huwag mong iwala ang iyong atensiyon sa pagbantay sa mag-asawa. At kung may kailangan ka tawagan mo ako. Maliwanag?!" Sagot ng kabilang linya. "Opo! Naiintindihan ko po!" Ani ng lalaki at pinatay na ang telepono. Kinabukasan ay napagdesisyunan nilang kausapin ang may ari ng kanilang inuupahan. Nagpakilala sila at nag usap narin  sa mga bayarin ng upa at agad naman sila nagbayad rito. "Pareng Ronald may pakiusap sana kami saiyo at sana ay manatiling pribado ito." pakiusap ni Victor. "Oo naman pareng Victor! Ano yun?" sagot ni Ronald. "Sana ay walang makaka-alam sa tunay naming mga pangalan. At kung may magtatanong kung kilala mo kami, maari sana ay sabihin mong di mo kami kilala. Okay lang ba pare?" paniniguro ni Victor. "Bakit pare? May naghahanap ba sa inyo? Hinahanap na kayo ng pinagkakautangan niyo? haha" biro ni Ronald sa mag-asawa. "Haha!” natawa ito, “hindi naman Ronald! Ano kasi- ahh-," biting sabi ni Margarita. "Honeymoon! Honeymoon kasi namin pare kaya ayaw namin ng may istorbo hihi. Mahilig pa namang maghanap yong mga mokong kong kaibigan baka maantala yung honeymoon namin ng misis ko," kabang sabi ni Victor. "Oo honeymoon namin! Kasi nung una naming honeymoon nabitin kami kasi pinuntahan talaga kami para isturbohin lamang," segunda naman ni Margarita. "Ahh! iyon ba? Sige walang problema! Sisiguraduhin kong hindi maantala ang inyong honeymoon. At saka babantayan ko ang bahay baka looban tayo ng magnanakaw. Kaya no problem! Kayo talaga akala ko naman kung ano na, ang seseryoso niyo na," aning Ronald. Nagtawanan silang lahat dahil sa biro ni Ronald. Kaya napagdesisyunan nang mag asawang magpaalam ni Ronald at nang makapunta na sila sa palengke. Alas sais palang nang naghanda na sila.  Tapos na sila maligo at balot na balot sila para walang makakilala nila patungong palengke. Habang gumayak na ang mag-asawa palabas ng bahay ay may tinawagan si Ronald. "Hello? Report, papunta na sila ng palengke ngayon. Kailangan ko ng isang tauhan dito para bantayan ang bahay kailangan ko sundan yung mag-asawa." ani Ronald. "Copy! Sasabihan ko si Boss!" aning lalaki sa kabilang linya. "Sige! Maraming salamat," sagot ni Ronald. Habang naglalakad ang mag-asawa papuntang palengke ay napahinto sila sa isang poste. Nakapaskil ang mga larawan nito sa papel. Sa ibabaw ng larawan ay nakasulat ang ‘wanted’ at sa ibaba nito ay may pabuyang limang milyon kung sino man ang makakahanap nito. Sampong milyon naman kung dadalhin ito kay Don Miguel. Kinuha ito ni Margarita at pinunit, nagpatuloy na sila papuntang palengke. Habang papasok palang sila ay usap-usapan na ang nawawalang anak ng donyo at ang pabuya. Nagmadali silang mamili ng kakailanganing pagkain. Dinamihan narin nila ng bili para makapag imbak narin at maiwasan ang paglalabas ng inuupahan. "Isang libo't limang daan lahat ineng! Hinay-hinay sa pagdala nito, ang bibigat pa naman nito. Magkasama ba kayo ng lalaki sa tagiliran mo?" tanong ng tindera. "Opo nay! Asawa ko po. Ito na ho ang bayad," sagot ni Margarita.  "Ito na iho oh! Hinay hinay lang mabigat yan. Teka lang! Bago ba kayo dito? Ang dami na talagang dayuhan sa bayan na ito," aning tindera. Kinabahang tumango ang mag asawa at nagmadaling lumabas sa palengke. Napabuga ng hangin si Victor nang nakalabas na sila. Habang nagmamadaling naglakad ang mag asawa ay di sinasadyang nakabangga ito ng lalaki sa palikong eskinita. Nagkalaglagan at nagkalat sa daan ang kanilang binili kaya dali dali nilang pinulot ang mga nalaglag sa daan. "Pagpasensyahan mo na pare hindi ko sinasadyang mabangga ka." paghihinging tawad ng lalaki habang tinutulungan ang mag asawa. "Okay lang pare! Pagpasensyahan mo na din ako kung nabangga kita," sagot ni Mark. "Tutulungan ko nalang kayo pare para makabawi naman ako ang dami niyo pang dala," aning lalaki. "Ahh okay lang kuya! Kami nalang ng asawa ko. Huwag ka na mag abala baka mahuli kapa sa lakad mo," kabang sagot ni Margarita. "Sige na maam! Tutulungan ko na kayo at wala naman po akong lakad. Naglakad lakad lang naman ako dito para makapag-ehersisyo." pilit na sabi ng lalaki. "Doon nalang sa susunod na eskinita pare! Diyan lang naman ang bahay namin. Salamat ah?" kabang sagot ni Victor. Nagkatinginan ang mag-asawa sa kaba. Ayaw pa naman nilang may makasalamuhang ibang tao baka mamukhaan pa sila. Dumating na nga sila sa eskinitang sinasabi ni Victor. "Andito na pala tayo pare? Asan ba bahay niyo rito?" usisang tanong ng lalaki. "Ahh yun pare! Iyon! Iyong maliit na bahay!" panic na sabi ni Victor. "Ahh sige sige! Mauna na ako sa inyo baka hinahanap na ako sa bahay. Pasensya na nga pala kanina?" paalam ng lalaki. "Sige pare! Okay lang walang problema! Maraming salamat na din sa pagtulong!" aning Victor. Nawala nadin ang kaba sa dibdib ng mag asawa nang lumisan na ang lalaki. Mabilis na tumakbo ang lalaki pauwi sa bahay nila. At nagsimula naring maglakad ang mag asawa papuwi sa inuupahan. "San ka ba galing at di ka dumiretso sa bahay? Bat ngayon ka palang? At nabangga mo pa ang mag asawa?" hingal na sabi ni Ronald. "Hindi naman siguro kalapitan ang lugar na ito. At saka wala pang sasakyan sa oras na ito. Ang aga aga pa,” pamimilosopo ng lalaki. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok na ang mag asawa. Bakas sa mukha ang gulat nito sapagkat ito ang lalaking nakabangga nila kanina. Nagtagpo ang mga mata ng mag asawa na puno ng katanungan. "Diba ikaw yung tumulong sa amin kanina?" tanong ni Margarita. "Ahh! Kapatid ko nga pala si Densio. Pagpasensyahan niyo nang hindi ko naipakilala sa inyo kanina matagal kasi gumising ang batang toh! At huwag narin kayo mag alala pagsasabihan ko narin siya tungkol sa honeymoon niyo." sagot ni Ronald "Bakit pawis na pawis ka Ronald? San ka ba galing? "usisang tanong ni Margarita. "May ipapakuha sana ako sa batang ito tapos wala na pala sa kwarto niya" sabay hampas sa likod ni Densio. Napaubo naman si Densio sa ginawang paghampas ni Ronald. "Densio! Tulungan mo naman sila. Di mo ba nakikitang madami ang dala nila?" aning Ronald. "Maraming salamat pala sa pagtulong kanina Densio ha? Mabigat pa naman itong dala namin," pasasalamat ni Margarita. "Walang ano man po yun." tipid na sagot ni Densio. "Kumain na ba kayo? Para naman may kasama nadin kaming kumain?" aning Victor. "Huwag na kayong mag-abala pare! Kakakain lang namin ng agahan ni Densio," sagot ni Ronald. "Ganoon bha? Sige pasok muna kami sa kwarto namin." paalam ni Victor. "Bakit mo tinanggihan? Gutom na gutom na ako!" bulong ni Densio. "Ano ka ba? Bumili ka nalang sa tindahan ng makakain. Ipagbili mo nalang din ako, " aning Ronald at napailing si Densio. Ganoon lamang ang mga kaganapan araw-araw. Lumipas ang ilang buwan at lumalaki na ang tiyan ni Margarita. Hindi din madali ang pagbubuntis nito. Naging masilan ang pagbubuntis ni Margarita kaya ingat na ingat si Victor na alagaan ang asawa. Noong mga unang buwan ay palaging napapagalitan si Victor nang kanyang asawa. Papalit-palit ang mga pagkaing gusto nito. Pinagseselosan siya nito kung bakit matagal kung may lakad. Nagsusuka din si Margarita kapag di niya gusto ang nalalanghap na amoy. Pero ngayon na nasa kalahating buwang pagbubuntis ay di na ito gaanong nagseselos at nagsusuka.  Naroon naman sila Ronald at Densio para tulungan ang mag asawa kung may ipabibili ito. Nagdaan ang mga araw at humupa narin ang paghahanap sa anak ni Don Miguel. Nagpapasalamat ang mag-asawa at di na ganoon ka ugong ang usapan sa nawawalang anak ng donyo. "Mahal? Kailangan na nating umalis dito!" nagmamadaling pasok ni Victor sa kanilang kwarto. "Bakit mahal? Ano ba ang nangyari at dapat nating umalis dito?" gulat na tugon ni Margarita. "Kaya pala pinahinto ang paghahanap sa iyo dahil natuntun na tayo ng mga tauhan ng iyong papa!" aning Victor. "Ano? Saan mo nakuha ang impormasyong yan? Sigurado ka? Di nga ako lumalabas sa bahay at kung lalabas man ay binabalot naman natin ang ating mga mukha?” takang tugon ng babae. "Kina Ronald at Densio. Napansin kasi nilang may umaaligid sa bahay tuwing gabi kaya sinabihan niya ako kung kilala ba natin?" aning lalaki. "Saan naman tayo patungo nito?" stress na sabi ng buntis. "Mayroon pa daw'ng isang bahay si Ronald na malayo dito sa sentro at pwede daw tayong manirahan doon." aning lalaki. "Kailan naman tayo tatakas? Baka mauunahan tayo ng mga tauhan ni papa?" natatarantang tanong ni Margarita. "Napagdesisyunan naming tatakas tayo mamaya ng di pa magbubukang liwayway para masigurong tulog pa yung mga tauhan ng papa." aning lalaki. Nagsimula na silang mag impake para sa paglalayas mamaya. Habang nagiimpake sila ay ipinaalam ni Ronald sa amo ang planong pagtakas ng mag asawa. Sa labas naman ng bahay ay ang mga mga tauhan ni Don Miguel na nagbabantay. "Hello bossing! Nandito na kami sa tapat ng inuupahan nila. Wala pa naman silang ginawang hakbang. Opo! Di po nila alam." aning lalaki. "Bantayan niyo ng maigi yan! Kung maaaring idaan sa dahas para lang maiuwi ang anak ko dito, gawin niyo! Dalhin niyo pati ulo ng lalaking yon! Maliwanag?" ani sa kabilang linya. "Huwag ka mag-aalala bossing malinis kami magtrabaho. Basta ihanda mo na ang pera (toot* toot* toot*) abat pinatayan pa ako. Kung di lang talaga maraming pera," pagtitimpi ng lalaki. Alas tres ng maaga ay nagising na ang mag-asawa. Handa narin si Ronald at Densio para sa gagawin. Maingat silang naglakad patungo sa sala. Binuhat nila ang lamesa at nilagay katabi ng pintuan. Kinuha nila ang nakatakip na tela sa sahig at makikita ang kwadradong plywood na may lock. Sinusian ito ni Densio at ito ay iniangat. Napagdesisyunan nilang sa underground dadaan para safe silang makalabas ng bahay. Tinahak nila ang makipot na daan at tanging lampara lamang ang nagbibigay ilaw sa daan. Maingat silang naglakad ng malapit na sila sa b****a. Ang bukanang ito ay papunta sa eskinita ng kanilang bahay. Sinusian ni Densio ang lock at maingat na iniangat ang takip. Pigil hininga nilang inangat ang kanilang katawan pataas sa kalsada. Nang tapos na sila ay sinirado na ito ni Ronald. Nagsimula na sila ng paglalakad ng natamaan ang paa ni Ronald. "Ahh!" impit na sigaw ni Ronald. "Plano niyo pa talagang takasan kami? Hoy! magsigising kayo! Bilis nasa eskinita na sila!" Paggising ng lalaki sa mga kasamang natulog sa kalsada. "Sige iwan niyo na ako, ako na ang bahala dito. Mark, susi iyan ng bahay basta ang palatandaan ng bahay na sinasabi ko nakasulat sa papel." Aning Ronald habang iniinda ang tama sa paa. "Hindi ko magagawang iwan ka dito! Sige na Mark! Kami na ang bahala dito para makatakas na kayo! Sige na!" aning Densio. Mabilis na naglakad ang asawa at hindi na nilingon ang kasamahang naiwan. Mabigat ito sa kanila sapagkat napamahal nadin sila nito. Tanaw ni Densio ang mag asawang gumayak na. Nagtanguan si Densio at si Ronald para pigilan ang mga lalaki. Lima laban sa dalawa ang labanan at isa lamang sa kalaban ang may hawak na baril. Pinalibutan sila ng mga kalaban at alerto ang mga mata sa mga galaw. Nagsimulang umatake ang kalaban ngunit nahuli ito ng tamaan ng paa ang tiyan nito. Nagsilabasan ang dugo nito sa bibig at sa tiyan. Ang mga sapatos na gamit ni Densio ay may mga kutsilyo kaya madali nitong napatay ang isa. Apat nalang ang natira sa mga kalaban. Naninimbang ang mga mata kung sino ang mauuna. Binaril nito si Ronald ngunit nakailag ito at ang kasamang kalaban ang natamaan sa bala. Maingat parin si Ronald dahil sa iniindang tama sa paa. Tatlo nalang ngayon ang natira sa mga kalaban. Sinipa si Ronald kaya ito napaluhod ngunit nahawakan din niya ang paa nito. Siniko niya ang paa nito at napasigaw sa sakit. Sinikmura ito ni Ronald at uppercut sa mukha. Sumuka ito ng maraming dugo kaya sinuntok ito ni Ronald sa leeg at tuluyan na ngang namatay. Umambang bumaril ang kalaban ngunit nahawakan ni Ronald ang paa nito kaya walang natamaan sa kanila. Sinikmuraan ito ni Ronald ngunit hindi ito natamaan. Si Densio naman ay nakipaglaban din sa natirang kalaban. Nahawakan ng kalaban kamay ni Ronald kaya hinila niya ito at pinatungan. Itinutok ito sa ulo ni Ronald ngunit ng makabig nito ang pindutan ay tumama ito sa balikat ni Densio. Napadaing si Densio at ngayon ay hinawakan ito ng kalaban at pinadapa sa lupa. Walang nagawa si Densio dahil inda niya ang natamaang balikat. Pareho na sila ngayong hawak ng kalaban, Tinuhod ni Ronald ang p*********i ng kalaban at ito ay napadaing. Naagaw nito ang baril at kanyang ipinutok sa ulo ng nakadagan ni Densio. Sinipa ni Ronald ang kalaban na nakadagan sa kanya at ito'y binaril. Hingal na hingal ang dalawa at iniinda ang mga natamong baril. "Naitakas na po namin ang mag-asawa ngunit hindi po kami magkasama. Nagkaroon kasi ng problema pero nasolusyunan naman po namin." tawag ni Roland sa telepono. "Kung gayon, nasaan ang mag-asawa pumunta?" tanong sa kabilang linya. "Huwag po kayong mag-alala nasa isang bahay niyo po siya." sagot ni Roland. "Ano? Ang mga gamit ko doon? Baka malaman nila kung sino ang tumutulong sa kanila? Baka layuan pa tayo? " Kabang sagot sa kabilang linya. "Huwag kang mag-alala boss. Nalinis na po namin ang iyong bahay." paniniguro ni Ronald. "Sige umuwi muna kayo dito at may pag-uusapan tayo." ani sa kabilang linya. Magbubukang-liwayway na ng marating nang mag-asawa ang sinasabi na bahay ni Ronald. Ngunit, napatigil si Margarita nang tignan ang kabuoan ng bahay. Pamilyar ito sa kanya na tila'y nakita niya na ito noon pa. Mula sa kulay ng bahay, mga materyales na ginamit sa dingding, mga naglalakihang bintana, ang dambuhalang pwertahan, at ang porch nitong hugis dambana ang bubong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD