Chapter Fifty-four – Eavesdropping Nagising siya ilang oras ang dumaan noong nakatulog siya dahil sa kanyang pagkahilo. Napatingin siya sa kanyang paligid at nasa loob parin sila ng barko habang nakasakay sa sasakyan ni Franco. Napabaling naman sa kanya si Franco na my nag-aalalang mukha. "Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Franco. Umayos naman siya ng upo para ayusin ang kanyang sarili. Tinanguan niya ito dahil okay naman ang pakiramdam niya noong maigalaw ang kanyang sarili. "Nagugutom ka ba? Ito!" bigay ni Franco noong binili niyang pagkain bago sila sumakay ng barko. "Maraming salamat Franco," ani niya at tinanggap ang pagkain na ibinigay ni Franco. "Mabuti naman at naisipan mong kausapin ako? Kung hindi siguro ako nagkaganito hindi mo ako papansinin hanggang sa maging empleyado

