Chapter Fifty-five - First Day "Let's go Margarita!" Katok ni Franco sa kanyang pintuan. Kinuha niya ang kanyang mga dadalhing gamit para sa unang araw ng kanyang training. Kinakabahan siya sa unang araw niya sa trabaho. Marami narin ang lumipas na taon noong namuno siya sa kompanya ng kanyang ama. Idinadasal niya na sana maging maayos ang unang araw niya bilang isang manager na ite-train pa. Dali-dali siyang sumunod kay Franco na pininndut na ang pindutan ng elevator para mababa na sila. Naninibago man siya ngunit kailangan na niyang sanayin ang kanyang sarili sapagkat simula ngayong araw na ito, ganito na ang magiging routine ng kanyang buhay. Napatingin siya sa kanyang soot na damit at ang soot na suit and tie ni Franco. Malalaman mo talagang si Franco iyong boss at isa lamang siyan

