Chapter Sixty-four - So Near "We'll resume the presentation after the thirty minutes break. Thank you," ani ng presentor at nagkaroon ng ilaw ang madilim na paligid. Nagsitayuan ang mga tao at inunat ang mga braso nito. Ang iba naman ay abala sa kanilang mga telepono; ang iba may kausap, may nanunood, at ang iba naman ay naglalaro.Nag-uusap lang naman ang mga katabi ni Margarita habang siya ay nakatikom lamang ang bibig na nakikinig sa kanila. Patuloy paring pinag-uusapan ng kanilang grupo ang magiging proyekto nila. "Are you hungry? Kukunan nalang kita?" Tumingin naman ito sa kanilang likuran. "Hindi pa naman ako gutom, Franco. Maraming salamat! Papunta narin naman ang magdidistribute ng mga pagkain," ani niya at ito ay kanyang nginitian. "By the way, magkakaroon tayo ng meeting mama

