Chapter Sixty-Five - Pagpapanggap "Don Miguel!" Dinig niyang bati ng mga matatandang lalaki sa kanyang ama. Biglang nagkagulo ang kanilang lamesa dahil tumayo ang mga ito upang makipagkamay sa kanyang ama. Napatayo siya bigla dahil kinaladkad siya ng isang lalaki palabas ng ball room. Tinakpan nito ang kanyang mga bibig kaya hindi siya makasigaw para tawagin si Franco. Gulat na bumaling sa kanya si Franco ngunit, napabuga lamang ito ng hangin at bumaling ulit sa kanyang ama. Nagtaka siya dahil hindi man lang nag-atubiling tulungan siya nito. Hingal na hingal siyang lumingon sa lalaking kumaladkad sa kanya. Sinuntok niya ito kaagad ngunit nahawakan nito ang kanyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na hininga at masama itong tiningnan. Nagpupumiglas siya upang bawiin ang kanyang kamay

