Chapter Sixty-six - Calling Card Pumalakpak si Margarita kasabay ng iba pang naroroon pagkatapos ng presentasyon. Nagpasalamat naman ito sa mga sponsor kabilang na ang kanyang ama na hindi niya ikinagulat. Kita niya ang pagtayo ng kanilang CEO upang makipagkamayan sa mga sponsor ng kanilang proyekto. "Mag-aayos na muna ako Franco," paalam niya dito. Abala naman lahat ng tao kaya alam niyang hindi siya makikita ng kanyang ama. Agad siyang tumayo upang magpunta ng powder room. Tumayo siya na hindi tumitingin sa kanyang harapan kaya hindi niya sinadyang may makabangga siya. Napabaling siya dito at ito ay si Felicity. "I'm sorry! Hindi ko sinasadya," agaran nitong paghihingi ng paumanhin. "Okay lang," ngiti nito. "Mauuna na ako," malumanay ang boses nitong sabi habang nakalahad ang kamay.

