Chapter Fifty-nine – Assigned Area Nginitian niya ang mga interior designers noong napadaan siya sa opisina ng mga ito. Tumingin at ngumiti lamang sila sa kanya sapagkat kasama niya ang bise-presidente ng kompanya. Tinanguan niya ito at sumunod siya kay Mark na nagmamadali papunta sa kung saan mang area siya ilalagay ngayong araw. Napadaan siya sa ibat-ibang opisina na naroon at hindi man nakayuko ang mga empleyado ay pasimple naman itong tumitingin sa kanya na pansin niyang masyado. Tumigil sila sa panghuling opisina at napatingin siya sa labas ng salaming pintuan kung saan may nakatatak na ‘Architects’. Abala ang mga tao nung tingnan niya ito at nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa kanilang ginawa. Wala man lang nangahas na tumingin sa kanya noong iwan siya ng kanyang trainer sa lo

