Chapter Fifty-eight – Fishing Naalala niya noon noong patingin-tingin siya sa kanyang paligid para maghanap ng masisilungan upang magmunimuni para malaya niyang maipahayag ang kanyang sarili. Napadako naman ang kanyang mga paningin sa lugar kung saan siya lumabas noong pangyayaring gabing iyon. Naroon parin ang metal na kahon na kanyang sinasakyan. Nakaawang ito habang pinapalibutan ito ng mga damo kaya hindi ganoong pansin. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at nilapitan niya ito para tingnan. Hinawi niya ang damong tumutubo sa paligid nito ngunit mabilis itong natanggal sapagkat nilagay lamang ang mga ito. Nakita niya ang lupang gumuho sa dadaanan ng kahon kaya hindi na ito gagana pa. Ang kahon naman ay nagkasira-sira. Mas lalo siyang nagtataka sapagkat sino pa ang sisira nito. Hab

