BILLIE "I was about to scold you for coming out of your house wearing these tiny clothings. But since, I enjoyed that kiss, I think I would let it pass," nakangising turan niya nang maghiwalay ang aming mga labi. Lahat ng tapang at lakas ng loob na inipon ko upang gawin ang bagay na ito ay tila biglang naglaho na parang bula. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa kahihiyan. "I-I didn't mean to do that," pagdadahilan ko. Ngunit sa halip na maging maayos ang lahat ay tila mas lalo itong lumala nang makita ko ang biglaang pagdidilim ng kanyang mukha dahil sa aking sinabi. "I-I mean—" Bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay mabilis na niyang nasakop muli ang aking mga labi. Marahas niya akong isinandal sa kanyang sasakyan saka mas lalong pinalalim ang kanyang mga halik

