BILLIE MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Panay lamang ang titig kong numero ni Damian na nakasave sa cellphone na ibinigay niya sa akin. Kanina pa ako nakikipagtalo sa aking sarili kung tatawagan ko ba siya upang kumustahin. Lalo na matapos ang nangyari sa amin kanina. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin matapos ang mamasakit na salitang sinabi ko kanina. May hinala akong ako ang dahilan nang biglaan niyang pagsugod kay John. Kaya naman pakiramdam ko ay may parte ako sa nangyaring eskandalo sa kanyang kompanya. Marami nang inaaskiso si Damian. At hindi ko mapigilang makonsensya sa tuwing maaalala ko kung paano ko siya sinampal at sinigawan kanina. "Billie, make up your mind!" pagalit ko sa aking sarili. Kanina pa ako parang baliw na paikot-ikot sa aking

