PALABAN

1399 Words
Kumurap ako ng ilang beses nang isunod niyang hubarin ang kanyang pantalon. Ngumisi siya sa akin nang brief nalang ang naiwan sa kanya. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang malaking bukol sa kanyang harapan. “Ang…laki!” Mahinang sambit ko at gulat na gulat. “Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo, Marian?” pilyomg tanong nito sa akin sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. “Ah!” Napasigaw ako sa sobrang gulat ng magkalapit na ang mga mukha namin. Hindi ko manlang napansin kung paano siya nakalapit sa akin ng ganoon kabilis. Hinawakan ko siya sa kanyang dibdib at buong pwersang itulak ito palayo sa akin. “Umalis ka nga!” Sigaw ko pa habang tinutulak siya. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha habang titig na titig sa akin. Kahit ubusin ko pa ang lakas ko, wala pa rin silbi iyon para mapaalis siya. “Ano bang gagawin ko para makapasok sa panlasa mo?” Seryosong tanong nito. Nagkasalubong naman ang aking mga kilay. “Ano na naman ba ang ginagawa mo sa akin Sir Jacyd? Mamaya pumasok pa bigla ang Mama mo at makita ang posisyon natin magwawala na naman iyon.” Ang kanyang dalawang kamay ay nakatukod sa kama at ako naman ay nasa gitna niya. Saktong sakto ang katawan ko sa katawan niya. Isang maling kilos ko lang, magkakahalikan na kami. Naamoy ko rin ang mabango nitong hininga na nunuot sa kaibuturan ko. Ginalaw ko ang aking mga paa nang sa ganoon ay matulak ko siya, pero naramdaman ko na may nasagi ang paa ko na isang matigas na matigas na bagay. Napapikit nalang ako dahil sa hiya, alam kong naramdaman rin niya ang pagsagi ko sa kanyang private part. “Jacyd! Open the door! Jacyd!” Malakas na sigaw ni Madam Merce mula sa labas ng pintuan. Agad akong napapitlag at nagkatinginan kami ni Sir Jacyd. “Calm down, I will take care of it!” Aniya. Tumango ako sa kanya at nanatili lang sa inuupuan ko. Lumapit si Sir Jacyd, sa pintuan at pinagbuksan ang nagwawala niyang Ina. Naalala ko sa kanya si Tiyang noon, kung gaano kalupit sa akin si Tiyang ganoon din siya. Mapahirap man o mayaman, pareho lang talaga ang mga ugali ng tao. Mayroong mapanakit, at mayroong mababait. “What, mom?! Stop distructing me! Cant you see we doing something here?!” Inis na bulyaw sa kanya ni Sir Jacyd. Syempre hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya kasi English. Taas baba ang tingin sa kanya ni Madam Merce. “Oh my God, Jacyd, that woman is a trash! I can't believe this! I can't believe this!” Nakita kong napahilot si Madam Merce sa kanyang sentido. “Mom, please! Bakit ba kayo ganyan?! Hindi naman kayo ganyan dati, ah! I'm too old enough to decide for myself. Please, respetuhin mo naman kung ao ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa mo!” Giit pa ni Sir Jacyd. Tumingin si Madam Merce sa akin, at isang masakit na tingin ang ipinukol nito. Napayuko ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Padabog na tinalikuran ni Madam Merce si Sir Jacyd kaya kaagad naman nitong isinara ang pinto. Tumingin si Sir Jacyd sa akin at ngumiti. “Bakit parang mas lalo siyang nagalit?” tanong ko. “Wala iyon, basta ako na ang bahala sa'yo. Aalis tayo ngayon, pupunta ako sa Kompanya, at Ikaw sasamahan mo ako.” Pinisil niya ang aking ilong at kumindat siya sa akin. “Kailangan ko pa bang magbihis?” Muli kong tanong. Tumango siya habang nakangiti. “Oo. Alangan naman na sasama ka sa Kompanya na naka uniporme ng katulong,” sagot nito. “Sige, punta lang ako sa baba para makapag bihis.” Paalam ko sa kanya. Kaagad akong lumabas sa kwarto niya para magbihis. Nang pababa ako sa hagdan, narinig ko sina Madam Merce at Aling Yolly na nag-uusap. Sa boses palang ni Madam Merce halatado nang galit na galit siya. “Hindi ba pinagsabihan na kita Yolly na Ang ipapasok mong katulong ay iyong pangit at hindi malandi?! Saan mo ba nakuha ang babaeng iyon? Sobrang kati niya! Paaawayin ba naman kami ng anak ko!” Galit na singhal nito kay Aling Yolly. “Madam, pasensiya na po! Pagsasabihan ko nalang po si Marian na lumayo siya kay Sir Jacyd. Ako na po ang bahala sa kanya.” Mahinahon na sabi pa ni Aling Yolly. “Iyan nalang palagi ang naririnig ko sa'yo, Yolly! Kasalanan mo ito ‘e, ngayon binigyan mo pa ako ng konsumisyon. Marami na nga ang babae ni Jacyd, idadagdag niya pa ang Marian na iyan. Paano kung pukpok pala iyan sa Probinsiya at my sakit siya tapos mahawa ang anak ko?!” Aniya. Napakuyom ako ng aking kamao at bumaba para harapin si Madam Merce. Naroon rin pala si Sir Fernando pero tahimik lang ito habang nagkakape. Parang walang pakialam sa mga pinagsasabi ng asawa niya. Napatingin sa akin si Aling Yolly at Madam Merce nang makita nila ako. “Madam, mawalang galang na po. Hindi ko naman nilalandi ang anak ninyo-” Napatawa siya. “Ah, hindi? Eh, anong tawag doon sa ginagawa mo?!” Sigaw nito sa akin. Taas noo akong humarap sa kanya at nakipagtitigan ako dito. Sumosobra na siya. Ang sabi ni Jacyd sa akin siya rin naman ang magpapasahod sa akin kaya wala na akong pakialam kung magalit siya. “Grabi naman po kayo kung makapag salita sa akin. Tao rin po ako, ah! Nasasaktan! Wala naman po kayong alam sa mga pinagdadaanan ko sa buhay pero kung maka judge kayo sa akin, wagas?” Nakita kong tumingin sa akin si Sir Fernando at napatawa. “Hindi po ako pukpok sa Probinsiya. At wala po akong sakit!” “Kapal ng mukha mong sumagot sagot sa akin!” Parang maputol ang ugat ni Madam Merce sa kanyang leeg dahil sa lakas ng pagkasigaw niya. “Marian, humingi ka ng tawad kay, Madam!” Galit na sabi naman ni Aling Yolly sa akin. “Bakit naman ako hihingi ng tawad? Denidepensahan ko lang naman ang sarili ko, ah! At kung iniisip ninyo na nilalandi ko ang anak ninyo? Hindi ko iyon magagawa. Hindi ko naman gusto ang anak ninyo ‘e, masyadong chicksboy! Ayaw kong ma stress sa ganyang lalaki, Madam. Kaya huwag kayong mag-alala gagawin ko ng mabuti ang trabaho ko para maasikaso ang anak ninyo!” Sabi ko pa. “Marian!” Madiin na bigkas ni Aling Yolly sa pangalan ko sabay yugyog sa aking kamay. “Hayaan mo na siya kung sumagot Yolly. Ikaw naman Merce, sumosobra kana! Tama na nga iyan! Malaki na ang anak mo kaya alam na niya ang kanyang ginagawa. Kung gusto niya si Marian, hayaan mo siya. Pero Marian, kung sakaling may magawa sa'yong mali si Jacyd, huwag kang manisisi, ah! Nasa iyo na rin iyan kung magpapabiktima ka sa anak ko.” Nakangiting sabi ni Sir Fernando. Kung gaano kabait si Sir Fernando, napakasama naman ng ugali ni Madam Merce. “So, iyan lang ang sasabihin mo Fernando?! Palibhasa, manang mana sa'yo ang anak mo na malakas mambabae!” Sigaw ni Madam kay Sir. “Hay! Kahit mambabae man ako sa'yo naman ako umuuwi, ah! Ang sinasabi ko lang, hayaan mo na Jacyd na makapag desisyon para sa sarili niya. Masyado ka ng nakikialam sa bagay na gusto ng anak mo. Hindi na iyan bata. Alam ko na concern sa anak natin, pero sumobra naman ata? Hindi na iyan concern, kundi pangingialam na!” Ani ni Sir. Sinampal ni Madam Merce si Sir Fernando kaya nagulat kami ni Aling Yolly. Yumuko si AligYolly at iyon din ang ginawa ko. “How dare you para ipahiya ako!” Mangiyak ngiyak na sabi ni Madam Merce. “Hindi kita pinapahiya, Merce-” “Tama na iyan! Shut up!” Nanlilisik ang mga mata ni Madam Merce habang nakatingin kay Sir Fernando. “Fine! Kung galit ka sa akin bahala ka! Doon nalang ako tutulog sa babae ko, kay Krishia. At least sa kanya, hindi niya ako sinisigawan at lalong hindi sinasaktan.” Inis na inilapag ni Sir Fernando ang magazine na hawak niya sa itaas ng mesa at tinadyakan iyon. Natapon ang kape na naroon sabay padabog nitong umalis sa bahay. “Sige! Pumunta ka sa kanya! Doon ka!” Sigaw ni Madam Merce at humagulgol sa iyak sabay pabagsak na naupo sa itaas ng sofa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD