Sinundan ako ni Aling Yolly hanggang sa kwarto. Panay pa rin siya talak sa akin dahil sa pagsagot ko kay Madam Merce. Ang ikinasasakot lang ng loob ko dahil hindi manlang ako pinagtanggol ni Aling Yolly nang tinawag ako ni Madam Merce na isang pukpok.
“Hindi kapa talaga nadadala, Marian?! Hihintayin mo pa bang itapon ni Madam Merce ang bangkay mo sa ilog bago ka sumunod sa mga gusto niya?!” Galit na saway nito sa akin.
Tumingin ako kay Aling Yolly. “Alangan naman na okay lang sa akin noong sinabihan niya akong pukpok?! Masakit iyon para sa akin Aling Yolly. Ikaw mismo ang nakakaalam kung ano ang ipinagdaanan ko noong nakatira pa ako kay Tiyang, tapos hindi mo manlang ako kinampihan?!” sagot ko.
Halos maiyak na ako pero pinipigilan ko lang. Wala ba akong karapatan na magalit pagkatapos pagsabihan ng ganoon ni Madam Merce? Nasaan ang hustiya kung ganoon?! Ipinagtangggol ko lang ang aking sarili, bagay na hindi ko nagawa noong nakatira pa ako kina Tiyang.
“Marian, hindi mo kasi naiintindihan ‘e!” Giit naman nito.
“Ano ba ang dapat kong iintindihin, Aling Yolly? Sila mayaman at tayo mga mahirap at utusan lang kaya wala tayong karapatan na ipagtanggol ang sarili natin dahil isa lamang tayong basura? Katulong at kung anu pa ang itawag nila sa atin?! Ganoon ba iyon?” Umiiyak na sagot ko sa kanya.
Natahimik si Aling Yolly at umupo sa folding bed na hinihigaan namin. Napakamot siya sa kanyang sentido habang nakatingin sa akin.
“Pasensiya na po kayo sa inaasal ko.” Mahinang sabi ko pa.
Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit. “Sorry talaga kung dahil sa akin nadadamay ka. Huwag kang mag-alala maghahanap lang po ako ng bagong trabaho at aalis na ako dito para hindi kana pag-initan ni Madam Merce dahil sa akin.”
“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Marian. Alam mo naman na hindi ko hahayaan na mapaalis ka niya dito ang gusto ko lang ay sana humingi ka ng pasensiya kay Madam Merce.” Mahinahon na pakiusap niya sa akin.
Napatango naman ako kay Aling Yolly. Ayoko rin naman isipin niya na wala akong utang na loob sa kanya. Kaagad akong nagbihis dahil may pupuntahan kami ni Sir Jacyd. Pagkatapos kong magbihis ay wala na si Madam Merce sa sofa na inuupuan niya kanina. Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko siya nakita.
“Kawawa naman si Madam Merce, harap harapan na talaga siyang sinasaktan ni Sir Fernando.” Narinig kong sabi ni Marites kay Kate.
“Oo nga ‘e, wala naman choice si Sir Fernando kundi sustentuhan ang babae niya kasi nabuntis.” Sagot naman ni Kate.
Napalunok ako ng marinig ko iyon. May pinagdadaanan pala si Madam Merce, kaya siya ganoon ka strikta.
“Tigilan niyo na nga ang kakachismis diyan mamaya marinig pa tayo ni Madam Merce at sa atin ibunton ang galit niya.” Napasulyap sa akin si Maricar. “Alam ninyo naman may sipsip na nakikinig dito.” Aniya at ang tinutukoy ay ako.
“Sinabi mo pa, Maricar. Dagdag stress talaga siya kay Madam Merce. Ayun na naman si Madam, umiinom ng alak sa garden habang umiiyak para mailabas ang sama ng loob niya.” Sagot uli ni Kate.
Hindi ko na sila pinatulan at tinungo ang garden. Dahan-dahan lang ako sa aking paglalakad. Malawak ang garden kaya hindi ko kaagad natagpuan si Madam Merce. Sa likod ng makapal na bulaklak, may narinig akong tumatangis kaya sumilip ako doon. Nakita ko si Madam, na nakaupo sa damuhan habang nilalaklak ang isang bote ng alak. Humahagulgol siya sa iyak. Panay rin ang sipa at suntok niya sa damuhan. May nakita rin akong kaunting dugo sa kanyang kamay. Siguro, nasugatan iyon mula sa mga damu at hindi niya napansin.
“M-Madam.” Nauutal na sabi ko habang dahan-dahan na lumalapit sa kanya.
Napatingin siya sa akin at tumigil sa pag-iyak sabay punas niya ng kanyang mga luha. “Ano ang ginagawa mo ditong babae ka?!” Galit at mataray na sabi nito sa akin.
Yumuko ako. “Gusto ko lang po humingi ng sorry dahil sinagot kita kanina.”
Napatawa siya ng palak. “Sorry? What is the use of your sorry if the damage has been done?! Hah?!” Sigaw pa nito sa akin pagkatapos ay timungga ulit ng alak.
Umupo ako sa tabi ni Madam Merce kahit na masakit ang titig niya sa akin. “Hindi ko manlang inintindi na may pinagdadaanan pala kayo-”
“Ano bang alam mo sa pinagdadaanan ko?! Haha?! Ikaw na babae ka masyado kang pakialamera sa buhay namin lalong lalo na sa buhay ng anak ko. Akala mo ba natutuwa ako sa ginagawa mo?!” Tinaasan niya ako ng kilay. “Wala naman kayong pakialam sa pinagdadaanan ko hindi ba? Kaya stop being concern with me, alam ko na ginagawa mo iyan para maging malakas ka sa akin nang sa ganoon ay mapalapit ka rin sa anak ko!” Dagdag nito.
“Hindi po totoo iyan, Madam. Hindi naman lahat ng babae ay interesado sa anak ninyo ‘e. Trabaho po ang pinunta ko dito at hindi ang anak ninyo. Pero kung sa tingin mo ay inaakit ko si Sir Jacyd, huwag kang mag-alala kung makakahanap lang ako ng bagong trabaho aalis po ako dito para magkaroon kayo ng peace of mind.” Mapait akong ngumiti sa kanya.
“Sa tingin mo ba magkakaroon pa ako ng peace of mind, Marian?! Iyong asawa ko nakabuntis ng ibang babae, paano pa ako magkaroon ng peace of mind niyan?” aniya.
Talaga naman mahirap ang sitwasyon niya. Asawa niya iyon at mahirap tanggapin na pumatol sa ibang babae ang asawa mo.
“Ano ba ang kulang sa akin, Marian?! Bakit niya nagawang pumatol sa ibang babae?!” Muli siyang humagulgol sa iyak.
Actually, hindi ko rin inaasahan na ganoon ang sasabihin sa akin ni Madam Merce. Ang buong akala ko ay ipagptatabuyan niya ako pero sa tingin ko ang kailangan niya ngayon ay isang tao na dadamay sa kanya. Kailangan niya ng taong handa makinig sa kanyang hinanakit para mailabas niya ang kanyang sama ng loob.
“Wala pong kulang sa Inyo, Madam, baka sumobra po kayo. Sumobra sa ganda kaya hindi nakuntento si Sir Fernando. Minsan kasi sa lalaki naman talaga ang problema ‘e, hindi sila makuntento sa kanilang mga asawa kahit sa kanya na ang lahat-lahat. Boys are boys, kaunti nalang ang faithful sa mundong ito.” Tugon ko naman. Wala rin akong experience pagdating sa love life pero iwan ko nga kung paano ko nasabi ang bagay na iyon.
“Marian, alam mo ba kung ano pa ang pinaka masakit? Kaibigan ko ang babaeng nabuntis niya. Menopausal baby niya na ata iyon e! Kaya pinapangako ko sa sarili ko na simula ngayon ay hindi na ako magtitiwala pa!” Sabi pa nito.
Ramdam ko ang galit ni Madam Merce sa pananalita niya.
“Magpakatatag lang po kayo Madam Merce, lahat ng problema ay malalagpasan kung ipasa Diyos nalang natin. Nandito lang ako at handang makinig sa Inyo.” Niyakap ko siya ng mahigpit.
Hindi naman kumawala si Madam Merce sa akin. Basta naramdaman ko nalang na hinahaplos niya rin ang aking likuran at napangiti ako kahit na paano.