HINDI ko inaakalang mararanasan ko rin ang mga eksena na napapanood ko lamang sa pelikula. Ang eksena na kung saa'y ang isang bida ay parang tangang pabalik-balik sa paglalakad habang hinihintay ang sasabihin ng doctor tungkol sa karamdaman ng kan'yang mahal sa buhay.
At ngayon nga'y nararanasan ko na ito at naiintindihan ko na rin kung bakit nila ginagawa ang bagay na iyon. Ang bagay na kung saa'y pabalik-balik sa paglalakad. And they're doing it to ease the uneasiness that they're feeling. O sa makatuwid, ginagawa nila ang bagay na iyon upang mai-distract nila ang sarili nila na ang taong mahal nila ay nag-aagaw buhay at nang sa gayon na rin ay mabawasan kahit papano ang kaba na nararamdaman nila.
Kanina pa akong parang baliw na naglalakad pabalik rito. Same destination lang ang nilalakaran ko kaya naman parang baliw talaga ako rito and for sure, kung hindi mo ako kilala, I am one hundred percent sure na aakalain mo talagang baliw ako o takas mental.
Sa itsura ko ba naman ngayon, sino ang hindi mag-aakala na takas mental ako? Napakagulo ng buhok dulot ng pag-iyak ko, nagkalat rin ang make up ko sa mukha dulot ng pag-iyak ko at isama mo na rin ang katotohanang para akong baliw na palakad-lakad rito habang hinihintay ang paglabas nong doctor sa kuwarto na kung saan naka confine si mama kaya naman nagmumukha talaga akong takas mental sa pagkakataon na ito.
Napaurong ako sa ginagawa ko at napatayo rin si Mona ng wala sa oras mula sa pagkakaupo niya ng bumukas ang pintuan, pintuan kung saan naka confine si mama.
Iniluwa ng pintuan na iyon ang dalawang nurse at isang doctor na lalaki at pogi. Wala akong oras na lumandi kaya hindi ko muna i da-day dream ang doctor na ito dahil para sa akin mas pogi pa rin yong lalaki kanina. Yong lalaking guardian angel ko dahil niligtas ako.
May kung anong sinasabi ang doctor sa mga nurse na kasama niya na siyang sinusulat naman ng mga ito sa papel na hawak-hawak nila. Papel na nakapatung sa lalagayan nito.
"Doc," agaw ko sa pansin ng doctor. Napalingon naman ito sa gawi ko dahil sa ginawa kung pagtawag sa atensiyon nito.
Ngumiti ito sa gawi ko bago binalingan ng tingin ang mga nurse na kasama niya. May kung ano siyang sinabi sa mga ito. Dahilan kung bakit nagsialisan ang mga ito.
"Yes miss? You're the daughter of Ma'am Estacia right?" tanong nito ng makalapit ito sa gawi ko.
Tumango naman ako, "And she is?" tanong niya ang tinutukoy ang pinsan ko. Nalaman ko na ang pinsan ko ang tinuturo niya dahil ininguso niya ang gawi nito.
"Pinsan ko po doc," sagot ko sa kan'ya na siyang nagpatango sa kan'ya.
"Ah okay," ani nito bago muling hinarap ang gawi ko.
"So how's my mom doc?" tanong ko sa kan'ya habang pilit na nilalabanan ang kaba na nararamdaman.
"She's okay honestly," parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko sa panimulang sinabi niya. Like, ho! Thank god, she's fine!
"Hindi naman ganoon kalala ang mga natamo niya. Since 'yong mga natamo niya lamang ay 'yong ilang pasa na napaka visible sa katawan niya. Pati na rin 'yong bukol sa likod ng ulo niya. but don't worry dahil wala kayong dapat na ipag-alala sa bukol na natamo niya. Dahil na ct-scan na namin ito. At ayon sa ct-scan ay ayos lamang ito. Mukhang side effect lang talaga ang bukol na iyon sa pagkakatama ng ulo niya sa sasakyan. But after all, she's okay. Kasalukuyan nga'y nagpapahinga na siya. And tomorrow morning maari na kayong i discharge, just pay the bills and then you can go," mahabang paliwanag ng doctor na siyang ikinahinga ng loob ko at ipinagpasalamat ko talaga ng tudo-tudo.
Akala ko na kasi talaga e. Akala ko talaga na may nangyari ng masama kay mama but thank god, because she's fine!
Dahil sa ginawa niyang pagpapaliwanag na iyon ay naliwanagan ang buong pagkatao ko. Ngunit may isang katanungan pa rin ang hindi na nasasagot sa utak ko at ang katanongan ko na iyon ay ang kung ano ba talaga ang nangyari? Sino ba talaga ang nakasagasa sa mama ko at bakit sabi ng pinsan koy mag-isa lamanfg na pumunta ang mama ko rito. At ang mga nurse na mismo ang tumawag sa pinsan ko upang ipagbigay alam na nandito ang mama ko at nasagasaan ito.
At mukhang iisa lamang ang taong makakasagot sa tanong ko na iyon at iyon ay ang si mama. Mama is the only one who can answer my damn questions.
"Maraming salamat doc," nakangiti kung pagpapasalamat rito. Nakangiti na dahil nga okay na si mama.
"You're welcome o siya't pa'no, mauuna na ako?" aniya na siyang tinanguan ko naman.
Pagka-alis niya ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto na kung saa'y naka confine si mama. At roon nga nakita ko si mama, nakahiga sa malambot at kulay puti na kama. Matuwid itong nakahiga, isang palatandaan na mahimbing ang pagkakatulog nito.
Kahit gustohin ko man talagang itanong kung ano talaga ang totoong nangyari rito ay hindi ko na lamang iyon ginawa dahil nga mahimbing ang tulog nito at napakawalang kwenta ko naman ata kung gigisingin ko ito, right? At saka isa pa right now, I am hundred percent sure that she really need to sleep in order for her to have a rest.
"Cous? Do you really know what happened to her?" tanong ko ng maramdaman ko kung paano umupo ang pinsan ko sa tabi ko.
"As much as I want to tell you but I really know nothing cous, I'm so sorry," hingi niya ng paumanhin na siyang tinanguan ko naman.
I know her all to well, and right now, I am one percent sure that she's telling the truth. May isa kasi akong palatandaan kapag nagsisinungaling itong pinsan ko at iyon ay ang pinaglalaruan nito ang mga daliri nito na tila ba'y hindi ito mapakali and right now, while she's saying those words, hindi niya pinaglalaruan ang kamay niya kaya I am one hundred percent sure that she's not lying.
Sabay kaming lumaki nitong pinsan ko kaya naman kilalang-kilala ko na ito at kilalang-kilala rin ako nito. Actually, tatlo kaming magkasabayan lumaki at 'yong isa? Ewan, hindi ko na alam kung nasaan na 'yon. Pero malakas ang kutob ko na patay na iyon. Which is good, because he deserves it thou. He deserves it because he is a damn freaking liar.
At oo, galit ako sa isang 'yon. Actually, hindi lang galit. Kundi galit na galit! Galit na galit ako e kasi naman, he ghosted me after I did tell him that I like—nevermind. Hindi siya worth it pag-usapan at isipin pa because ang mga taong kagaya niya ay dapat ipinapatapon sa North Korea.
"Saan ka pupunta cous?" rinig kong tanong nito ng makita siguro nito ang pagtayo ko.
Liningon ko ang gawi nito, "To the moon, skirt skirt broom broom. Ano sama ka?" gino-good time kung tanong rito.
Kinain ito ng pagtataka dahil sa sinabi ko, "Ha? May broom broom ba sa moon?" taka nitong tanong pabalik sa akin. Dahilan kung bakit ako napatampal sa noo ko. Tangina, bakit ko nga ba nakalimutan na hindi nabibiro itong pinsan ko dahil nililiteral nito ang lahat? Ghad bakit ko ba nakalimutan na wala pala itong sense of humour.
"Wala," sagot ko sa tanong niya sabay talikod sa gawi niya. At saka naglakad palabas sa kwartong iyon. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay gano'n-gano'n na lamang ang pagkatigil ko ng tawagin ako nito.
"Wait cous, sagutin mo muna ang tanong ko," rinig kong sigaw. Ito, dahilan kung bakit napatigil ako. Really? Dapat talagang sumigaw cous?
"Mamaya na, diyan ka muna! Bantayan mo muna si mama," pabalik kung sigaw rito bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.
Sa totoo lang, may dalawa akong rason kung bakit ko nilisan ang lugar na iyon. At iyon ay ang una, pupunta ako sa foodcourt nitong ospital, upang bumili ng makakain namin ni insan, gutom na kasi ako e. Wala pa kasi akong kain mula pa kanina. Ikalawa, ay pupunta rin ako sa billing section upang kunin ang bill statement namin. Dahil gaya nga ng sinabi no'ng doctor, bukas ng umaga ay ilalabas ko na si mama.
Kahit gustuhin ko mang panatiliin pa rito si mama ng ilang araw upang ma make sure talaga na okay na siya ay natatakot ako. Natatakot ako na lumubo ang bill namin, lalo nat mukhang mamahalin ang ospital na ito. Pang ritch kasi ang datingan e.
Hindi ko alam kung saan matatagpuan ang food court rito kaya nagtanong-tanong ako. At sa awa ng diyos dahil sa pagtatanong ko na iyon ay tuluyan ko ngang natunton ng food court.
Malawak ang kanilang food court. May mangilan, ngilan na kumakain rito obviously mga gutom rin ang mga ito kagaya ko. E kasi naman hating gabi na pero kumakain pa rin sila jaya isa lang talaga ang ibig sabihin niyon at iyon ay ang gutom rin sila kagaya ko.
Puro ang mga ito'y nakaputi, isang palatandaan na mga nurse at doctor ang mga ito sa hospital na ito.
Tanging dalawang cup noodles lamang at tubig ang binili ko. Actually, 'yong balak ko talaga sana ay kumain pero ng malaman ko ang presyo ng mga pagkain dito'y napa cup noodles na lamang ako. Tangina kasi e, nakaka wasak ng blusa ang price nila dito. Napaka mahal. 'Yong 1 cup of rice ba naman nila ay ang presyo 50, sino'ng bulsa ang hindi mawawasak no'n? Isama mo na rin ang katotohanan, na wala pa 'yong kasamang ulam. Jusko, ano ba'ng klaseng lugar ito at bakit ang mamahal-mahal ng paninda.
After magbayad kagaya ng sa plano'y ang sunod kong pinuntahan ay ang gawi no'ng billing, at dahil nga hindi ko alam kung saan nakalagay ang billing rito'y nagtanong-tanong ulit ako sa mga tao na nadadaanan ko. At sa awa ng mg diyos, dahil sa pagtatanong ko na iyon ay natuntun ko rin naman agad ang lugar na kinakalalagyan no'ng billing station.
"Hi, ma'am how may I help you?" rinig kung ani no'ng babaeng nurse na nakatingga sa billing station and in fairness ha, mababait sila. Hindi kagaya ng mga registrar na palaging nakabusangot ang mukha. Akala mo naman may kilay, e wala naman dahil sa sobrang nipis.
Ay wait lang, ba't ko ba naisama rito ang registrar, e sa school 'yon? Tas ito sa hospital. Tangina, ang bobo mo talaga self.
"Ahm kukunin ko lamang po ang bill ng patient na nasa room 216," sagot ko sa tanong nito.
"Okay ma'am, wait a minute," ani nito bago ito may kung ano'ng ginawa.
And just like what she had said naghintay rin ako. Naghintay kahit 'yong cup noodles na dala-dala koy malapit ng lumamig dahil sa sobrang tagal niya.
"Here's the initial bill miss," anito sabay bigay sa akin no'ng isang papel. At hindi ko inaakalang gano'n-ganon na lamang ang magiging panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang nakasulat roon.
Tangina! Initial? Initial patung bill namin sa lagay na ito?! Taena, binabawa ko na, ang sama-sama pala ng babaeng ito.
"Taena, initial?!" Hindi sinasadyang napalakas ko ang pagkakasabi ko sa mga kataga na iyon dahil sa pagkagulat.
"Yes miss, initial pa po yan, 'yong full bill niyo po ay makukuha niyo sa oras na lumabas kayo," nakangiti pa ring sagot no'ng babae.
Oh! Shookt! Initial pa raw, initial pa raw tong 100, 000 thousand na bill namin.
Hesus ko! Anong impyerno ba 'tong napasok ko. Este hospital.. Pero okay na rin yong impyerno dahil hindi yata sa sakit mamatay ang pasyente rito kundi sa laki ng bill. Ang mahal, jusko!
Nanlumbay ako dahil sa bill. Napabuntong hininga rin ako, "Okay miss, maraming salamat," bagsak ang balikat kong ani sa kan'ya bago nilakbay ang daan papunta sa room ni mama.
Taena, saan ako kukuha ng ganoon kalaki na pera? For pete's sake, wala akong gano'n kalaking pera kahit na pag isali ko pa ang savings ko. Wala talaga. Hindi aabot. And plus the fact na initial pa raw 'yon, so malaki ang tiyansa na mas lalaki pa talaga iyon. Jusko!
Oh! Shookt, saan ba ako kukuha ng pera?!
Naiiyak na ako sa mga oras na ito. Gustong-gusto ko ng umiyak sa totoo lang, dahil tangina, really? 100 thousand? Oh god, saan ako kukuha ng gano'n kalaking pera?
Oh god, please help me!
Tila dininig ng diyos ang hiling ko na iyon dahil may ideya na lamang na bigla-bigla na pumasok sa isip ko. Ang ideya na kung saa'y tanggapin na lamang ang alok ni Madam Stella. Basta may downpayment first. Ang alok niya na kung saa'y makipagtalik ako ng isang gabi do'n sa lalaking nag offer sa ng 500k sa akin.
Oh god, mukhang wala na talaga akong ibang mapupuntahan kundi ang tanggapin iyon. Because I was left with no choice. Wala na akong choice dahil wala talaga akong pambayad.
Nang dahil sa naisip ay mas binilisan ko pa ang ginagawang paglalakad ko. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko nang sa gayon ay maihatid ko na ang pagkain na binili ko. At nang sa gayon na rin ay makabalik na ako sa casino upang sabihin kay madam ang desisyon ko.
Kasi sa totoo lang, kahit ayaw ko wala akong ibang mapagpipilian kundi ang pumayag na lamang. Dahil, alangan naman na itakas ko si mama rito sa hospital, 'di ba?
Magandang ideya na itakas si mama rito sa hospital. Pero ang tanong, paano? Don't tell me ihuhulog ko siya sa bintana nitong hospital para lamang maitakas siya. E kasi kung sa exit kami dadaan paniguradong huli kami dahil sa mga security guard na nakaantabay do'n.
Napatampal ako sa noo ko, tangina! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?