Chapter 12 - glenda and me

3101 Words
I had a splitting headache when I woke up the next morning. But my heart ached much much more. Mabuti na lang at wala akong pasok. Nang dumating si Gwen para mangulit bandang 10am ay nakahiga pa rin ako at hindi pa kumakain. "May sakit ka ba?" tanong niya nang buksan ko ang pinto na pupungas-pungas. "Wala, napuyat lang ako." Umupo ako sa dining table matapos mag-toothbrush at maghilamos. Kumuha ako ng dalawang cup noodles sa kitchen cabinet at iniabot ang isa kay Gwen bago kinuha ang thermos. "Bakit ka napuyat? Late na kayo natapos mag-aral ni Gavin?" usisa niya. Tumango ako. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang mga nangyari kagabi, baka mapaiyak lamang ako. Hindi naman siya nakahalata. Masyado siyang abala sa paghihimutok dahil hindi siya sinamahan ni Josh mag-grocery kanina. "Tuloy kaya ang quiz bukas sa Theology? May bagyo raw ah, baka walang pasok," ani Gwen sabay dampot ng remote control ng TV nang maupo kami sa sala. "Mag-aral ka na para sigurado. Hindi naman mapapanis iyon," biro ko. "Kapag naulanan ako malilimutan ko rin agad ang inaral ko," sagot niya sabay kindat. "Dell, signal number two daw dito." "O anong gagawin ko?" "Nevermind, kahit naman hindi bumabagyo relief goods ang pagkain mo," dugtong niya habang tumatawa. Napatawa rin ako bago ko siya binato ng unan mula sa sofa. I suddenly remembered that I've thrown the same pillow at Gavin the last time he was here, noong tawang-tawa siya sa pagkanta ko ng Heart Attack. Ibang-iba ang Gavin na iyon compared sa Gavin na kausap ko kagabi. Napalingon si Gwen sa akin nang bumuntong-hininga ako pero agad kong iniba ang usapan. Kahit napilitan ay nag-aral rin si Gwen para sa quiz kasabay ko. Nagsawa na rin siya sa paulit ulit na balita tungkol sa bagyong si Glenda. Nang umalis siya noong hapon ay tiningnan ko ang relief goods ko sa cupboard. May instant noodles at biscuits doon. Kapag mag-isa ka sa bahay ay nakakatamad magluto kaya madalas iyon lang ang mayroon ako. Sa ref ay may isang balot naman ng hotdog, gatas, at cheese. May kandila at lighter na rin ako at may battery na ang flashlight. Kung sakaling bumagyo, I'm as ready as I can be. Bumalik na sa boarding house si Gwen bandang hapon. Marami-rami rin akong na-encode para sa Research ko bago umakyat sa taas ng bahay. Kung totoong may bagyo nga ay hindi pa halata dahil sumilip ako sa bintana ng kwarto ko bago mahiga at wala ni ambon man lamang. Nagpabali-baligtad ako sa kama pero hindi na naman ako dalawin ng antok. Sabi ni Mama magaling daw akong gumawa ng tulog pero kung nakikita niya ako ngayon, I'm sure sasabihin niya na this night is definitely an exception. Bumalikwas ako at inabot ang lumang radyo sa side table ko. ♫ Step one, you say, "We need to talk." He walks, you say, "Sit down. It's just a talk." He smiles politely back at you You stare politely right on through Some sort of window to your right As he goes left and you stay right Between the lines of fear and blame You begin to wonder why you came ♫ Parang nag-flasback na naman ang nagdaang gabi sa isip ko sa kantang iyon. ♫ Where did I go wrong? I lost a friend Somewhere along in the bitterness And I would have stayed up with you all night Had I known how to save a life ♫ Gusto ko ring itanong iyon, where did I go wrong? ♫ Let him know that you know best 'Cause after all you do know best Try to slip past his defense Without granting innocence Lay down a list of what is wrong The things you've told him all along Pray to God, he hears you And I pray to God, he hears you ♫ Kumusta na kaya si Gabby? Magaling na kaya siya? Bakit hinusgahan agad ako ng Kuya niya? ♫ And where did I go wrong? I lost a friend Somewhere along in the bitterness And I would have stayed up with you all night Had I known how to save a life ♫ Anong ipinakita kong mali para isipin niya na ganoong klaseng tao ako? ♫ As he begins to raise his voice You lower yours and grant him one last choice Drive until you lose the road Or break with the ones you've followed He will do one of two things He will admit to everything Or he'll say he's just not the same And you'll begin to wonder why you came ♫ Siguro nga hindi na dapat nagpumilit si Tyler na isakay ako sa kotse ng gabing iyon. Dapat nakahalata ako na ayaw ni Gavin at umuwi na lang ako. I wasn't supposed to be there. ♫ Where did I go wrong? I lost a friend Somewhere along in the bitterness And I would have stayed up with you all night Had I known how to save a life ♫ Pero anong problema kung malaman ko na may kapatid siyang may Down Syndrome? Inisip niya na pagtatawanan ko si Gabby o mag-iiba ang pagtingin ko sa kanya? How could he? Nakatulog na ako sa pag-iisip at nagising na lamang nang may maramdaman akong tubig na tumatalsik sa mukha ko. Napabalikwas ako sa higaan para isara ang naiwan ko palang bukas na bintana. Malakas na ang ulan at sumisipol ang hangin sa labas. Totoo na ito, may bagyo nga. Hindi ako matatakutin. Hindi rin ako takot sa dilim, sa kulog at sa kidlat. Pero kapag gabi at bumabagyo, medyo iba ang dating, medyo nakakakaba rin. Inabot ko ang cellphone sa bedside table para tingnan ang oras. Almost 1 o'clock a.m. Bakit ba naman kung kailan madaling araw at sobrang dilim ay tsaka naman dumating si Glenda na ito? May dalawang text messages rin sa inbox ko. Gwen: dell, signal#3 n tyo. r u ok? Josh: dell, u ok? txt me if u nid anything. Na-touch naman ako sa texts ng dalawang bestfriend ko pero hindi ko maintindihan kung bakit parang na-disappoint ako na walang text na galing kay Gavin. Come to think of it, why would I even expect? Nag-reply ako sa text ng dalawa para hindi sila mag-alala. Pagkatapos ay bumaba ako para i-check ang bahay. Tumutulo na naman sa may kusina. Nakalimutan kong sabihin at ipaayos iyon kay Papa noong umuwi siya. Nilagyan ko ng balde ang tapat ng tulo at pagkatapos ay tiningnan ang mga bintana. Sa sobrang lakas ng hangin ay tila may nagbubukas ng pinto ng CR at gustong kumawala. Kinailangan ko rin lagyan ng basahan ang mga siwang ng pinto. Nag-uumpisa nang pumasok ang tubig sa ilalim nito dahil na rin sa lakas ng hangin at ulan. Kasalukuyan kong pinupulot ang mga nalaglag na bote ng shampoo at conditioner na nilipad sa banyo nang marinig ko ang kantang Falling ng Keahiwai. Iyon ng ringing tone ko at halos madapa ako sa hagdan sa pagmamadaling umakyat sa pag-aakalang si Gavin ang tumatawag pero nang makita kong si Kuya Marcus ang caller ay kinabahan ako bigla. "Kuya! May problema ba? Ang mga bata, okay ba sila? Si Nana?" dere-deretsong sabi ko without saying hello. "We're safe Dell, huwag kang mag-alala." Maganda ang lugar ng St. Emiliani's Shelter for Children. Maliban sa kubong pahingahan sa labas ay sementado naman ang bahay dito. Ilang bagyo na rin ang dumaan pero hindi naman ito binabaha. Kahit na kapag umuulan ay malakas ang tubig na nanggagaling sa bakanteng lote sa likod nito, nababakuran naman ito ng pader na sumasangga sa Shelter kaya lumilihis ang tubig at hindi nakakapasok dito. "Hindi ba kayo pinasok ng tubig diyan?" tanong ko. "Hindi pa. Pero bumigay iyong pader sa likod kaya ihinahanda rin namin ang mga bata kung sakaling tumaas ang tubig." "Annooo???" halos sigaw ko. "Kaya ako tumawag, Dell. Hindi ko ma-contact ang Homeowner's Association dito sa Village. Pakitulungan mo ako kung sino ang pwedeng hingian ng tulong kung sakaling i-evacuate ang mga bata at kung saan sila pwedeng dalhin." May jeepney ang Shelter. Pero sa ganitong panahon ay saan nga ba sila pwedeng dalhin? "Sige Kuya hahanap ako ng tulong," pangako ko. "Ipinapasabi rin ni Nana na huwag kang pupunta dito, delikado sa labas. Tulungan mo lang kami sa phonecalls, kami na ang bahala dito. Sobrang lakas ng bagyo na ito kaya sa loob ka lang ng bahay. Nandito rin si Ms. Amy at ang asawa niya kaya huwag kang mag-alala." Si Ms. Amy ang Social Worker ng St. Emiliani's. Siya ang nagha-handle ng cases ng mga bata sa Shelter. It' s a relief na nandoon sila pero hindi ako umimik. Hindi ko alam kung kaya kong ipangako ang sinasabi niya. Gusto kong makita ang mga bata, gusto kong makasiguro na safe sila. "Syndell!" ulit na tawag ni Kuya Marcus ng hindi ako nagsalita. "Oo Kuya," pagsisinungaling ko para mapanatag siya bago tuluyang nagpaalam. Naisip kong tawagan ang barangay officials na nakakasakop sa St. Emiliani's pero tumingin ako sa wall clock at nakitang alas kuwatro pa lamang. Siguradong walang tao doon. Nang tawagan ko ang Police Station ay agad namang may sumagot. Ni-refer nila ako sa City Disaster & Risk Reduction Management. Kinuha nila ang buong pangalan ko at agad kong ibinigay ang address ng Shelter. Nag warning tone na ang cellphone ko matapos kong makausap ang police officer. Nagtext ako ulit kay Kuya Marcus para ibalita iyon at nagreply naman siya agad. Muli niyang pinaalala na huwag akong pupunta. Nagpalit na ako ng damit. Nag-jeans ako, sweatshirt at rubbershoes. Kinuha ko rin ng windbreaker sa cabinet. Hinahanap ko sa drawer ang charger nang tumunog ulit ang message alert ko. "Tss. Ang kulit talaga ni Kuya Marcus," sabi ko sa sarili habang isinasaksak ang charger sa plug. Nang i-unlock ko ang cellphone ay lumabas ng pangalan na kanina ko pang hinihintay. Gavin: Grace, -- Pero hindi ko pa nababasa ang text niya ay namatay na ang cellphone ko. Inabot ko ang connector ng charger para isaksak dito nang biglang dumilim ang paligid. Great! Just great! "Naman!!! Talagang ngayon ka pa nag-brownout?!?" di ko mapigilang sabihin sa gitna ng dilim. I was dying to know kung ano ang sinabi ni Gavin sa text pero wala na akong magagawa. Iniwan ko ang cellphone sa table katabi ng kama. Dead bat na rin naman iyon at baka mabasa pa sa ulan. Pinili ko ang sa tingin ko ay pinakamatibay naming payong bago dumungaw sa bintana. Madilim pa rin ang langit pero kalmado na ang panahon. Umaambon pa rin pero tahimik na ang hangin. Mukhang nakalampas na ang bagyo. Sasamantalahin ko ang paghupa ng bagyong ito para makapunta sa Sheler. 5am na, mayamaya ay magliliwanag na. Tamang tama. Kipkip ang flashlight na lumabas ako ng bahay. Ini-lock ko ang pinto at isinara ang gate bago tinahak ang daan palabas ng Sta. Cecilia. Medyo mataas na ang tubig sa kalsada kaya kahit gusto kong bilisan ay hindi ko magawa. Wala rin ni isang tricycle na dumaan. Paglabas ko ng village ay nag-umpisa na namang umulan. Naramdaman kong palakas ito ng palakas pero sayang naman ang nilakad ko kung babalik ako. Hindi rin ako matatahimik na walang balitang natatanggap tungkol sa mga bata mula kay Kuya Marcus. Tinawid ko ang kalsada na hanggang tuhod ang baha papasok sa katapat na subdivision kung saan may short cut papuntang St. Emiliani's. Mabuti na lamang at naka-rubber shoes ako dahil hindi lamang limang beses nahulog ang paa ko sa kanal habang nangangapa sa daan. Nang lumakas muli ang hangin ay nabaligtad na ang payong ko. So much for choosing the most durable umbrella. Nagpatuloy ako sa paglakad at ginamit ang 'matibay' kong payong bilang tungkod para hindi ako mag-shoot sa mga open manhole kung mayroon man. Nang matanaw ko ang gate ng Shelter ay napa-buntong hininga ako. Hindi naman iyon ganoon kalayo kapag nilalakad ko under normal circumstances pero ngayon ay parang ten years bago ako nakarating doon. Nakita ko ang isang L300 Van na may salitang Rescue sa gilid katabi ng jeepney ng Shelter. I heaved another sigh of relief at sight of that. Walang laman ang kalsada, walang sasakyan o ibang taong dumadaan kaya nakita ako agad ni Kuya Marcus na papalapit kahit bahagya pa lamang lumiliwanag. "My goodness Syndell! Ang tigas talaga ng ulo mo!" sigaw niya habang nakapamewang. Mula sa van ay bumaba naman si Nana Ces. "Ikaw na bata ka! Paano ka nakarating dito? Nilakad mo?" Tumawa lamang ako habang papalapit sa kanila kahit sa totoo lamang ay ginaw na ginaw na ako. Tinagos na rin ng tubig pati ang windbreaker ko. "Ate! Ate Syndy!!!" Nakita kong sakay na ang mga bata sa loob ng van at jeepney. Nagtayuan sila at gustong bumaba ng ilan pero hindi sila pinayagan ng Rescue officer. "Ate, ang manika ko naiwan!" "Yung memory box Ate, mababasa!" "Ate yung picture ni Mommy hindi ko nadala!" "Yung huling damit na bigay ni Tatay Ate hindi ko nakuha!" Hindi magkamayaw ang kanya-kanyang sumbong ng mga bata sa loob ng sasakyan. May umiiyak, may natatakot, ang iba naman ay wala pang muwang sa nangyayari. "Marami pang gamit ang mga bata sa loob?" tanong ko kay Nana. "Iyong mga damit na malinis nakuha ni Marcus pero iyong ibang gamit hinayaan na." "Life conservation ang priority natin dito," singit ng isang officer. "Kailangan na nating umalis, bago pa lalong tumaas ang tubig," sabi ng isa pa. Mabilisan akong ipinakilala ng social worker na si Ms. Amy sa Rescue Team at napag-alaman kong isa sa kanila ang nakausap ko sa telepono kanina. Ini-start na ng driver ang van at ganoon din ang ginawa ni Kuya Marcus sa jeep. "Halika na, Syndell, sakay na," yaya ni Nana Ces. "Dito po muna ako," sagot ko. Iniisip ko kung kakayanin kong kunin ang mahahalagang gamit ng mga bata sa loob. Kabisado ko ang bahay at hindi pa naman sobrang taas ng tubig. "Dell, halika na!" sigaw ni Kuya Marcus mula naman sa jeep. Nang hindi pa rin ako natinag sa pagkakatayo ay isang Police Officer na ang lumapit sa akin. "Tayo na, Miss. Pataas na ang tubig at kailangan na ring ialis ang mga bata. Hindi ba iyon ang dahilan ng pagtawag mo kanina?" Noon lamang ko sumunod. Sumakay ako sa unahan ng van katabi ang tatlo sa Rescue Team. Napag-alaman ko na sa Elementary School na pinaka malapit muna nila patutuluyin ang mga bata. Safe daw doon at malapit lamang sa Police Station kaya mababantayan rin nila. Sa main road ang daan kapag may dalang sasakyan. Nang sabihin kong ibaba na lamang nila ako sa kanto papuntang Sta. Celicia ay tinanong muna nila si Nana na nakaupo sa loob ng van kasama ang mga bata kung talagang taga roon ako. Pinigilan ako ni Nana pero nagpumilit ako at nagdahilan kailangan ko rin i-check ang bahay. Nangako akong pupuntahan sila kapag umayos na ang panahon. Pumayag naman ito. Tinigilan rin ako ni Kuya Marcus para paalalahanan na mag-ingat. Pagkababa ng sasakyan ay inihatid ko sila ng tanaw. Panay ang kaway ng mga bata kaya't hindi ako umalis sa pagkakatayo hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Tsaka lamang ako tumalikod at muling tumawid sa katapat na subdivision the moment they were our of sight. Kung kanina ay hanggang tuhod ng tubig, hanggang hita ko na iyon ngayon. Pero mas tukoy ko na ang daan, alam ko na kung saan may kanal at kung saan patag. Maliwanag na rin, siguro ay 7am na pero wala pa ring nagtatangkang lumabas ng kalsada sa gitna ng bagyo. Nagsungit na naman si Glenda. Panay ang buhos ng malakas at parang umuusok ang ulan. Kinailangan ko ring kumapit sa mga nadaraanang gate dahil kasabay ng ulan ay ang hampas ng hangin na tila umiikot at paiba-iba ang direksyon. Itinulak ko ang gate ng Shelter nang marating ko ito. Tanaw ko ang bumagsak na pader at ang lakas ng lagaslas ng tubig sa likod mula sa gilid ng gym. Kung magtutuloy tuloy pa ang ulan ay walang duda na kaya nitong gawing aquarium ang bahay. Naalala ko ang mga gamit na iniiyakan ng mga bata. Ang manika ni Sandy, bigay iyon ng Mama niya bago ito namatay. Ang damit ni Cyril, ala-ala iyon ng tatay niya noong matino pa itong ama at hindi pa nalululong sa droga. At ang tinatawag naming Memory Box, nandoon lahat mga pictures at souvenirs ng mga magulang at mahal nila sa buhay. Hindi lamang basta materyal na gamit ang mga iyon para sa kanila. Parte iyon ng buhay niya. I felt an adrenaline rush after that thought. And with renewed strength, dali dali kong pinasok ang bahay na ngayon ay hanggang bewang ko na ang taas ng tubig. Kinuha ko ang mga itim na unused garbage bag sa loob ng kitchen cabinet at isa isang hinanap ang mga gamit na may sentimental value sa mga bata. Ang iba ay nasa mga drawer habang ang iba naman ay nakalutang na. Inilagay ko sa loob ng plastic ang mga iyon. Inabot ko sa taas ng book shelves ang Memory Box at inilagay din iyon sa loob ng itim na plastic bag. Itinali ko ang mga ito ng mahigpit bago pinalutang at hinila palabas. I can do this, I can do this, paulit-ulit kong bulong sa sarili through chattering teeth. Matagumpay akong nakalabas ng bahay pero nang lingunin ko ang likod paglabas ng gym ay nakita ko ang lumulutang na yellow t-shirt ni Cyril. Na-trap iyon sa gilid ng laundry area malapit sa natitirang parte ng nawasak na pader kung saan nanggagaling ang tubig. Itinaas ko ang dalawang malaking plastic sa ibabaw ng maliit na stage sa gym bago bumalik sa labahan. Kapag hindi ko binilisan ay tuluyan na iyong maanod ng tubig. Hanggang dibdib ko ang tubig pagbaba doon at naramdaman ko ang hirap sa paghinga. Sa pagmamadali ay sumabit ang paa ko sa isang bakal at di ko napigilang mapamura sa sakit pero nakakapit ako sa kahoy na poste ng sampayan kaya hindi ako nabuwal. Tuwang tuwa ako nang mahawakan ko ang dilaw na t-shirt. It will all be worth it kapag nakita kong sumaya ang mga bata dahil dito. Nilabanan ko ang agos ng tubig na saliwa sa pupuntahan ko. Hinigpitan ko ang kapit sa gilid ng labahan pero nagkamali ako ng mapatuon ako sa natitirang pader sa kaliwa ko. Isang mariing hawak lamang ay bumigay ang natitirang hollow blocks doon at bumagsak. Nalasahan ko ang sarili kong dugo kahalo ang tubig ulan at nahawakan ang mahapding sugat sa kaliwang bahagi ng noo ko. Bigla ring kumirot ang paa kong kanina'y nasabit sa bakal. Then suddenly I felt weak. Somebody help me please...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD