"Josh!" tawag ko sabay kaway para makita niya kami ni Gwen.
Pababa ito ng hagdan ng College of Business Building at kasalukuyang tumatawa habang may kausap na mestizang babae.
He waved back to acknowledge na nakita niya kami pero tumigil muna sa baba ng hagdan. May sinabi pa ito sa kasabay bago nagpaalam at lumapit sa amin.
"Gwen! Dell! Kain muna tayo, nagugutom ako," aniya sabay akbay sa aming dalawa.
"Sino iyon?" paangil na tanong ni Gwen sabay siko sa kanya.
"Alin?" ganting tanong din ni Josh na patay-malisya.
"Yung white lady na kasabay mo bumaba."
"Ah, si Natalie? Kasamahan ko iyon sa Scholars' Society tsaka classmate ko sa Management. May group project kasi kami, nagtatanong lang," parang bale-walang sagot ni Josh sa kaibigan.
"Bakit may paghawak pa sa braso kapag nagpaalam eh pwede namang mag wave goodbye lang?" mataray na tanong ulit ni Gwen.
Napatawa lamang ako. Kakabati lamang nila last week at eto na naman.
"Eh bakit ang sungit mo?"
"Wala! Siguro kasi katatapos ko lang magkaroon!"
"Gwen, the other week sabi mo kaya ka masungit dahil magkakaroon ka. Last week sabi mo naman kaya ka masungit dahil meron ka. Tapos ngayon dahil katatapos mo lang? Aba, all year round ba iyan?"
"Eh sa may hormonal imbalance ako, may magagawa ka?"
'Wala!"
"Bawal bang magtanong kung sino ang kasama mo?"
"Hindi!"
"Yun naman pala eh!"
"Bakit, bawal na ba akong makipag-kaibigan sa iba? Bakit itong si Syndell, mas madalas pang kasama si Gavin nitong nakakaraan pero hindi ka nagagalit?"
Bigla akong naalerto nang marinig ang pangalan ko.
"Aba teka, bakit pati ako nakasama diyan?" tutol ko.
"Oo nga naman, kung may LQ kayo huwag ninyo kaming idamay!" sabat naman ng isang boses sa likuran ko.
"See what I mean?" ani Josh kay Gwen bago tumigil at humarap kay Gavin.
Gavin then raised his hands in surrender habang tumatawa.
"I come in peace, Pare," aniya.
He looked so damn cute sa itsura niya kaya hindi ko na rin napigilang tumawa.
"What do you need this time?" tanong ko dito.
Ngiti lamang ang isinagot niya.
Kaninang umaga ay galing ito sa classroom ko para humiram ng lapis na ikinatuwa naman ng mga classmate kong may crush sa kanya. At kanina lamang lunch break ay bigla rin itong sumulpot habang kumakain kami para naman humiram ng earphone.
"Katatapos lang ng Midterm exams ah, huwag mong sabihin na may matindihang assignment agad ang teacher mo?"
"Hindi Trigo. I need help sa Thesis ko."
May sasabihin sana ako pero biglang lumapit si Linley sa tabi ko.
"Hi Gavin! Did I hear that right? You need help sa Thesis?" tanong niya with pouting lips.
Tumango pero nawala ang ngiti ni Gavin.
"You know that I write for the school paper, don't you?"
Gavin stared at her blankly.
Ganito rin ang ginawa ni Linley kanina noong humihiram si Gavin ng lapis. She offered every school supplies in her bag but in the end wala siyang nagawa noong sinabi ni Gavin na 'I only need Grace's pencil. That's all.'
"I can help you with anything. I mean, if there's someone more qualified to check your thesis, I think that's me," alok niya nang hindi umimik si Gavin. She even touched his arm to make her point.
Show off!
Sanay ako na ganito si Linley, simula kasi First Year ay kaklase ko na siya. Pero bakit ngayon I have this sudden urge to swat her hand off Gavin?
"What do you think?" ulit ni Linley habang nagbubulungan ang mga alipores niya sa likod. Napansin ko namang nakaabang si Gwen at Josh sa sasabihin ni Gavin.
"Editor siya, Gavin. I think she's right," sabi ko para malaman niya na okay lamang sa akin.
Tiningnan niya ako ng matalim nang sabihin ko iyon bago ko naramdaman ang kurot ni Gwen sa tagiliran ko. Pinigilan kong magmura sa sakit ng kurot na iyon.
"Tempting offer, Miss Editor," Gavin finally said.
Linley smiled triumphantly.
Then Gavin turned to me.
"But it's nothing Grace and I cannot work on together," agad na dugtong niya.
Nagulat si Linley sa sinabing iyon ni Gavin pero hindi nagpahalata. Agad itong tumalikod pagkatapos akong irapan.
"Girl, he turned you down for Syndell, papayag ka ng ganoon? Masyado ka nang nalalamangan ng babaeng iyan ha," hindi kahinaang bulong ng kasama ni Linley na kasing arte niya.
Linley hissed at her as they turned to leave.
"Are you insulting me? What nerve! As if naman she's even a threat! Duh!"
Kumunot ang noo ni Gwen. Nagpanting din ang tenga ko sa isinagot na iyon ni Linley pero nagtimpi ako nang makita kong umigting ang panga ni Gavin. Agad kong hinawakan ang braso niya nang humakbang siya na tila susundan sina Linley.
"I'll pretend I didn't hear that. Just do the same," wika ko. Ang mga kagaya ni Linley, hindi sanay na pinahihindian, I have to understand that. Hindi siya dapat pinapatulan.
Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.
Umiling siya bago bumuntong hininga. I waited for his expression to soften bago ako bumitiw.
Tumikhim si Gwen to break the ice.
"Sinapawan ang away natin, Gwen," wika naman ni Josh bago kami nagkatawanan.
Kumain kami sa Mc Donalds sa kanto ng school bago inihatid ni Josh si Gwen sa boarding house. Naiwan pa kami doon ni Gavin para i-check ang thesis niya.
"Paki-check mo lang please yung grammar ko, spelling, tsaka figures na rin. Napasadahan ko na iyan pero baka may mga na-miss pa ako. Maaga raw ang checking ni Prof. Morales para maka-concentrate kami sa defense."
Iniabot niya sa akin ang laptop.
"Grammarian pala ang kelangan mo, tinanggihan mo pa si Linley," pang-aasar ko.
"Gusto mong ipaligo ko sa iyo iyang sundae na kinakain mo?" tinaasan niya ako ng kilay.
Binelatan ko siya.
"Bilis na, may Trigo pa tayo pagkatapos niyan."
"Akala ko ba walang assignment?"
"Wala nga, pero diba sabi mo dapat mataas ang grade ko kaya mag-aadvance tayo."
"Aba, masyado ka namang sinipag! Baka kung mapano ka niyan!" biro ko.
Tumawa siya bago ako bumaling sa laptop.
Nagpatuloy siya sa pagkain ng fries habang nagbabasa ako. Maya't maya ay tumitingin siya sa akin, probably observing my facial expression and reaction to what he wrote.
"Impressive," komento ko habang binabasa ang thesis niya about Possible Meaningful Employment of the Deaf and Mute.
"You really think so? O baka gusto mo lang magpalibre ulit ng sundae?" tanong niya habang nakangisi.
I smiled back eagerly.
"Okay lang ba? Pwede pa humirit ng isa?"
Bukod sa iilang spelling at typo error na nakita ko ay halos wala namang mali sa grammar niya. May ilang paragraphs lamang na sinuggest kong baligtarin ang sequence o i-rephrase ang agad naman niyang in-edit.
"Naka dalawa ka na, tama na iyon at baka ubuhin ka na. Sige ka hindi ka makakakanta sa Shelter."
Inilapag din niya agad ang laptop bago inilabas ang Trigo na libro.
"Try nga natin i-solve itong exercises," sabi niya pagbuklat ng textbook.
"Game!" sang-ayon ko. Sa pagtuturo ko kay Gavin ay natutunan ko na rin i-enjoy ang pagso-solve ng mga Trigo problems na ito.
"Let's compare our answers later ha," aniya.
"Pahiram ng calculator," kinalabit ko siya.
"Nasa kotse eh, iniwan ko sasakyan sa bahay."
"Kahit calculator na lang sa cellphone."
"Battery empty."
"Tss...walang silbi. Anong klaseng estudyante ka?" pang-iinis ko.
"Eh ikaw, nasan ang cellphone mo?" tanong naman niya.
"Naiwan ko sa bahay, muntik na kasi akong ma-late kanina."
Napakamot ako ng ulo sa pagsasabi noon.
"Tsk, tsk, tsk. Anong klaseng tutor ka?" ganti niya bago hinila ang upuan ko palapit sa kanya.
Hindi ko alam kung ganoon ba ako kaliit kumpara sa kanya o malakas lang talaga siya. Napakapit ako sa braso niya sa pagkabigla bago napansing may grupo ng estudyante na dumating sa gawing kanan ko.
"Umusog ka dito, marami pang uupo. Pero huwag kang mangongopya ha," sabi niya sabay kindat.
Nakakainis, ang gwapo talaga ng lokong ito, hndi tuloy ako masyado naka-concentrate sa problem solving.
"Ano, hindi ka pa tapos?"
Pang limang tanong na niya iyon simula nang ibaba niya ang ballpen sa mesa.
"Eto na nga, last number na. Kumain ka muna diyan," inis na sabi ko.
May pakindat kindat pa kasi siyang nalalaman, kasalanan niya ito kung bakit bumagal ako.
"O tapos na." I finally said sabay abot ng notebook na pinag-solve-an ko.
Nagpabalik-balik ang ulo niya sa dalawang notebook nang biglang kumunot ang noo.
"Mali ang number six mo," komento niya.
Sumilip din ako.
"Ikaw ang mali!" tutol ko.
"Tingnan mo ha, yung -"
"Teka, ako tutor diba, bakit mas marunong ka pa sa akin?" I cut him off.
"Makinig ka nga muna," saway nito sa akin.
Humalukipkip ako at nakasimangot na nakinig sa paliwanag niya.
"Pareho ang ratio na ginamit mo sa dalawang triangle but they're not the same. Iba ang height noong triangle sa cliff papunta sa tao compared sa triangle na na-form from the tree above the cliff. Dapat ni-less mo muna iyong dalawa para makuha mo iyong height ng tree lang. Tsaka mo pa gagamitin sa equation iyong known values."
I watched in awe as he continued with the solution and explained.
"Kaya ang sagot 50.6 meters," he finished.
Recovering from my frown, I smiled widely.
"Oo nga ano?! Di ko naisip iyon kanina. Ang galing galing mo na!" I exclaimed habang hinihila ang braso niya.
He smiled, obviously proud of himself and was about to say something when all of a sudden he looked over my shoulder and cursed.
"s**t!" marahas na sabi niya bago biglang tumayo at dali-daling lumabas ng Mc Donalds.
Nilingon ko ang tiningnan niya at nakita ang kotse niyang pula na naka-flasher sa kanto. Nakababa ang driver's seat window at dumungaw si Tyler mula sa loob.
Dali dali kong sininop ang ballpen, libro at notebook sa mesa. Niligpit ko na rin pati ang laptop ni Gavin na basta na lamang niya iniwan doon.
Gavin doesn't usually curse pero bakit nagmura siya? Anong problema?
Nang lumabas ako ng pinto ay nakita kong nakakunot ang noo ni Tyler. Never ko pa siyang nakitang ganito and I'm pretty sure he's upset.
"What do you want me to do? Nagpapanic na ang Mama mo!" tensiyonado ang boses ni Tyler.
"You could have called!" angil ni Gavin.
"Did you check your phone? We've been calling for an hour! Hindi ka namin ma-contact!"
"s**t!" Gavin cursed again. Naalala ko ang cellphone niyang battery empty.
Nang lumapit ako ay nakita ko kung gaano ka-stressed ang mukha ni Gavin. His face was a mixture of shock, confusion and fear.
"You should leave, Grace," he abruptly said without looking at me.
Napanganga sa kanya si Tyler.
"Gago ka ba? Kita mong wala nang tao sa kalsada iiwanan mo si Syndell diyan?"
"I'm not ready for this!"
Kitang-kita ko kung paano siya tiningnan ng matalim ni Gavin.
"Get in, Syndell. Delikado dito, gabi na." seryosong sabi ni Tyler sa akin.
I hesitated. Sanay akong sa easy-go-lucky na Tyler, parang hindi ko kilala ang kaharap ko. At si Gavin. Hindi ko alam kung anong problema niya. It's obvious na ayaw niya akong palapitin sa sasakyan.
"She can't go with us, Tyler. You know that," matigas na sabi ni Gavin, still avoiding my gaze.
"Mahalaga pa ba iyan sa ngayon? This is an emergency, Gavin, would you quit it?" tila nasasagad na ang pasensya ni Tyler.
"Kuya!" I suddenly heard a whimper at the backseat of the car.
Gavin heaved a sigh. Binuksan niya ang pinto sa likod at dumukwang sa loob.
"It's okay, it's okay. Andito na si Kuya," malumanay na sabi niya bago muling lumabas at marahang isinara ang pinto.
"Let's go, Syndell. Get in. May idadaan lang tayo sandali sa ospital tapos ihahatid rin kita right after," sabi ulit ni Tyler.
Hindi sumang-ayon si Gavin pero this time hindi na rin siya tumutol. Umikot siya sa driver's seat at binuksan ang pinto doon.
"Move, I'm driving," narinig kong sinabi niya kay Tyler.
"With that temper? No. I'm driving," giit naman ng isa.
Bumalik si Gavin sa passenger seat sa tabi ni Tyler bago tumingin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero alam kong may gumugulo sa kanya. Lumunok siya at huminga ng malalim bago ako sinenyasan na pumasok sa backseat.
May isang batang lalaki na nakatingin sa akin ng buksan ko ang pinto ng sasakyan. Sa tantiya ko ay mga walong taon siya, with Down Syndrome. Katabi niya ang isang mid-40s na babaeng kamukhang kamukha ni Gavin. Sigurado akong Mama niya iyon.
"Hi po. Okay lang po ba na makisabay ako?"
Tumango lamang ito at tumingin sa anak na nasa front seat. She looked so unsure kung kakausapin ba niya ako o hindi.
"Hello!" bati ko naman sa batang nakatitig pa rin sa akin. Kahit may distinct facial features ang mga batang may Down Syndrome, dominant pa rin sa kanya ang resemblance sa ina.
"Ako Gabby. Ikaw?"
Sa unahan ng sasakyan ay bahagya kong naririnig ang patuloy na pagtatalo ni Gavin at Tyler. Iniisip ko kung ano ba talaga ang problema nila.
"Ako si Ate Dell. Kumusta ka?"
"Masakit."
Bumaba ang tingin ko sa kaliwang braso niya na nakapatong sa kalungan ng Mama niya. May sugat iyon na tinalian ng panyo pero tumagos na ang dugo dito.
"Hindi lahat ng babae kagaya niya. She's different for God's sake!" naulinigan kong inis na sabi ni Tyler.
May isinagot si Gavin na hindi ko naintindihan sa sobrang hina bago ito lumingon ng saglit na wari'y nag-alala kung narinig ko ang pinag-uusapan nila.
"May sugat ka," sabi ko kay Gabby.
"Sugat," ulit niya bago iniangat ang kamay para ipakita sa akin.
"How would you know if you wouldn't tell her? It's time to be man enough to face your fears, 'tol," I heard Tyler hiss at Gavin infront. Mahinang bulong na naman ang tugon ni Gavin.
I tuned them out bago ko kinuha ang malinis na panyong nakatago sa bag ko at inabot ang kamay ni Gabby. Bumaling siya sa akin at ngpaubaya ng ibalot ko ang panyong hawak ko sa sugat niya.
"Galing na," wika niya at ngumiti.
Napangiti din ako at napatingin sa kanyang Mama na nakatawa rin sa akin.
Nang lumingon ako sa unahan ay nagtama ang paningin namin ni Tyler sa rearview mirror. Sa kabila ng pangit niyang mood ay nginitian niya ako bago tinapunan ng tingin ang katabing kaibigan na tulala sa kalsada at tila malalim ang iniisip.
"Ano pong nangyari sa kamay niya?" tanong ko nang makitang nagliwanag na ang mukha ng Mama ni Gabby.
"Nahiwa sa nabasag na aquarium. Pero may hemophilia kasi siya kaya nag-alala ako. Hindi namin mapatigil ang pagdugo kahit uminom na siya ng gamot."
"Iyon po iyong mabagal mag-clot ang dugo?" paninigurado ko.
Tumango siya.
Hindi na inalis ni Gabby ang kamay sa pagkakahawak ko hanggang sa dumating kami sa ospital. Unti unti na ring nababasa ng dugo ang ipinatong kong panyo kaya napa buntong hininga ako nang mapansing papasok na kami sa Emergency Room ng St. Raphael's Medical Center.
Nang bumaba ako sa sasakyan ay mabilis na lumapit si Gavin para alalayan ang kapatid pero ayaw nitong bumaba kahit anong amo ang gawin niya. Maya maya ay sinilip ako ni Gabby mula sa pagkakaupo at inilahad ang kamay na walang sugat. Bumaba siya agad nang abutin ko ito.
"Aba close na agad kayo ni Ate Dell," natutuwang komento ng Mama niya.
"Let's go, Ma," Gavin interrupted bago lumakad patungo sa pintuan ng ER habang akay si Gabby.
Nakita kong inihagis ni Tyler kay Gavin ang susi ng sasakyan bago bumaling sa akin.
"Halika na, Dell, ihahatid na kita. Si Gavin na ang bahala dito," yaya nito.
Hinintay kong tumingin si Gavin para magpaalam pero hindi siya lumingon. Alam kong masyado siyang nag-aalala kay Gabby kaya hinayaan ko na lamang siya.
Aalis na sana kami matapos kong magpaalam sa Mama ni Gavin pero nang makita ni Gabby na paalis kami ay bigla itong bumitiw sa kapatid at kumapit sa braso ko.
"Sama ka," malambing na wika niya.
Napangiti ako habang gulat na gulat naman ng mukha ni Gavin.
"Gabby!" tawag ni Gavin mula sa pinto ng ER.
"Wag alis," dagdag pa ni Gabby at yumakap sa bewang ko.
Hindi ko napigilang yakapin siya. Bigla kong naalala sa kanya ang mga bata sa St. Emiliani's at natunaw ang puso ko.
"Halika, sasamahan kita. Ipapagamot natin ang sugat mo ha," sabi ko sa kanya.
Pagpasok doon ay may ilang staff na bumati sa mag-kuya. Naalala kong nabanggit dati ni Tyler na dito sa St. Raphael's nagdu-duty si Gavin.
Nanatili kami ni Tyler sa gawing likod habang nilalapatan ng lunas ang sugat ni Gabby. Maya't maya ay sumisilip ito as if checking if I'm still here.
Nakita kong may itinurok sa kanya. Inisip kong gamot iyon para maampat ang pagdurugo ng sugat niya and I suddenly found myself praying for him.
Pinanood ko rin si Gavin habang inaasikaso ang kapatid. Ang mahinahon at puno ng pasensyang pakikipag usap niya dito, ang bawat paghaplos sa buhok ng kapatid niya, at ang paghawak niya sa kamay nito habang ginagamot. Kahit hindi ko maintindihan ang biglang pagbabago ng kilos niya kanina, I couldn't deny the fact that he's a very loving brother and I coudn't help but admire him for that.
Nakatulog na si Gabby habang pinagpapahinga sa ER. Lumabas si Tyler para sagutin ang tawag sa cellphone niya habang kumukuha naman ako ng iced white coffee sa vending machine.
Kakaupo ko lamang sa isang plastic na silya nang lumabas si Gavin sa ER.
"Hindi pa agad papauwiin si Gabby, kailangan pang obserbahan ng ilang oras ang sugat niya kung hindi na talaga dudugo," paliwanag ni Gavin na iwas pa rin ang tingin.
Hindi niya ako maderetso but I know it's his way of asking us to leave.
"Okay ka lang ba?" tanong ko habang nakayuko siya.
Tumango lamang siya.
"I can keep you company. Wala naman akong pasok bukas kaya pwe -"
"Just leave, okay?" mahina pero mariing sabi niya, cutting me off.
Hindi ko naitago ang pagkagulat sa sinabi niya.
"Ano ba talagang problema, Gavin?" di ko napigilang itanong.
"You don't have to be here, Grace," tila inis na sabi niya.
"But I want to be here for you! I want to make sure that Gabby's fine. I want him to see me when he wakes up, ayokong isipin niya na umalis ako na hindi nagpapaalam," giit ko.
Umiling siya at marahas na bumuntong hininga.
"You're just saying that."
"I meant what I said, Gavin. I understand," malumanay na wika ko matapos tumayo at ilagay ang kamay ko sa isang balikat niya.
With that, he finally lifted his head up and looked at me with accusing eyes.
"How would you know? You're someone who had life easy! You have no idea what I have to go through everyday."
He let out a humorless laugh as he said that, his voice dripping with sarcasm.
"How would I know if you wouldn't tell me?!" I slightly raised my voice on the empty hallway.
"You wouldn't understand. Sa ngayon, oo naaawa ka. Later on when you realize that this is my life, you'll eventually get tired and leave. Well, this is reality for me, Grace. I'm stuck here. But no, I'm not complaining. I love Gabby more than myself. That's why I don't want people judging him because of his condition. I want to protect him as much as possible. He gets attached to some people so easily and it breaks his heart when they leave. I can't stand here and watch it happen all over again."
It seemed as if he's talking more to himself than to me. His eyes were flashing with bitterness and his voice an evidence of bottled up anger.
Then it suddenly dawned on me that the reason for all this is Gabby.
He never wanted me to meet him. This is what he was not ready for. He's hiding Gabby to protect him.
From me.
I shook my head in disbelief, my mouth literally hanging open.
"Look, it's none of your business."
After saying that, he turned away.
"I can't believe you just gave me the biggest insult of my life," I finally said.
He was already at the ER door when he stopped.
"Ganun ba kababaw ang tingin mo sa pang-unawa ko?" I asked.
He didn't reply. He didn't move, he didn't look up. He just held on to the knob as I speak.
"In-assume mo agad na ija-judge kita o ang kapatid mo? What, because he has Down Syndrome? Ganoong klaseng tao ba ako sa palagay mo? O mali lang ba talaga na inisip kong may tiwala ka na sa akin?"
Naninginig na ang boses ko. Huminga akong malalim. I had to stop for a while before I break down.
"Alam mo kung anong masakit dun? You just made me realize na napakababaw pala ng pagkakakilala mo sakin. I thought we're friends, Gavin. Or was I wrong about that, too?"
With that, I left. Hindi ko na siya binigyan ng chance magsalita.
Nilampasan ko si Tyler na may kausap pa rin sa telepono nang lumabas ako. Nang may makita akong taxi ay agad ko itong pinara at dere-deretsong sumakay kahit naririnig ko si Tyler na tinatawag ako.
Hindi ko na rin napigilang mapaluha pag-upo ko sa taxi.
I lost that friendship before at buong akala ko ay natagpuan ko na ulit iyon.
But I was wrong.
I just lost it again.
Parang deja vu lang. I've seen this before. I've felt this way before. Hindi ko akalain na may sequel pa pala ang nangyari noong 2nd year kami...noong inakala ko na magkaibigan kami pero hindi pala.