"Ano bang laman ng bag mo, bato?" reklamo ni Gavin habang palabas kami ng gate.
"Sino ba kasing may sabi sa iyo na bitbitin mo ang bag ko? Akin na nga iyan!"
Pilit kong inaalis ang pagkaka-sukbit ng backpack ko sa likod niya kahit alam kong imposibleng makuha ko iyon kung hindi niya kusang ibibigay.
"Dito tayo sa kaliwa!" sigaw ko habang isinasara ang gate nang makitang naglalakad na siya papunta sa kanan.
"Andito malapit sa Chapel ang kotse ko, hindi ako maka-park diyan, baka magalit landlady ninyo kapag humarang ako."
"Naglalakad lang ako kapag pupunta doon sa pupuntahan ko."
"Natin. Pupuntahan natin," pagtatama niya.
"Huwag mo na dalhin ang kotse, sayang ang gas," suggestion ko.
"Mainit na para maglakad, 10am na," angal naman niya.
"Ang arte mo!"
"Ang kulit mo!"
"Bakit kasi sasama ka pa kung naiinitan ka?"
Baka may pag-asa pang mag back out ang mokong na ito.
"Hindi ba pwedeng minsan mag-agree ka na lang?"
"If you want someone na o-oo na lang nang o-oo sayo, marami akong kilala. You can go with them," pang-aasar ko.
He shook his head defeated.
Hah! Mukhang effective. I think he changed his mind.
"O siya, siya, maglilitanya ka pa. Let's just go. Maglalakad na tayo kung maglalakad."
Or not.
Naglakad siya pabalik sa kinatatayuan ko at ibinulsa ang car keys na nilalaro niya kanina.
Hihirit pa sana ako ng ibang ideya nang biglang umambon. Mabilis na kinuha ni Gavin ang payong na hawak ko at binuksan iyon.
Napaka unpredictable talaga ng weather ngayon. At naiinis ako dahil ayaw nitong makisama sa akin.
"Shall we?" anyaya niya habang magkasukob kami sa payong at naging ulan na ang ambon.
Napakagat labi ako. Totoong naglalakad lamang ako sa tuwing pumupunta sa orphanage at nag-eenjoy ako dumaan sa floral walkway nila pero kapag umuulan ay nagta-tricycle ako dahil maputik doon at medyo madulas.
"Ahhmm...." umpisa ko habang kumakamot sa ulo at hindi umaalis sa pagkakatayo.
"Yes?" nakangiti ang mata niya na tila nababasa ang iniisip ko.
"Yung ano kasi, yung kotse mo..." hindi ko maituloy tuloy ang sasabihin sa hiya.
"So can we take the car now ?" tanong niya na ngayon ay nakatawa na.
"Yes, please?" I replied in a small voice.
Muli siyang tumawa at iginiya ako papunta sa kotse niya.
Lumakas pa lalo ang ulan habang nasa biyahe kami at binibigyan ko ng direksyon si Gavin. Malapit lamang ang ampunan pero nasa loob ito ng isa pang subdivision kaya maraming liko. Maputik na rin at naramdaman kong bahagyang madulas ang daan nang binagalan ni Gavin ang patakbo ng kotse.
Tumigil kami sa gate ng orphanage. Laging sarado ang gate ng compound for safety purposes. Nagbaba ng bintana si Gavin at mula sa loob ay lumakad naman palapit ang isang lalaking nasa mid-30's na may dalang malaking payong.
"St. Emiliani's Shelter for Children," basa ni Gavin habang tinitingala ang arko sa taas ng gate.
"Sino si St. Emiliani?" agad na tanong niya.
"Patron Saint ng orphans," sagot ko.
"Orphanage ito?" sunod na tanong niya?
"Hindi, tindahan ng payong!" biro ko at ngumisi sa kanya.
"Gusto mong maglakad sa putikan pauwi?" ganti niya.
"Ito naman, napaka-serious! Oo na po."
Bago pa siya muling makapag-salita ay dumungaw na sa gate ang isa sa katiwala sa ampunan.
"Kuya Marcus!" malakas kong bati habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan.
Bumaling sa akin si Gavin.
"Nakalunok ka ba ng megaphone?"
Inirapan ko siya at binelatan.
"Tingin mo maririnig ako kung bubulong ako? Ang lakas kaya ng ulan!"
"Oy, Syndell, ikaw pala!" nakangiti si Kuya Marcus at dali daling binuksan ang gate nang makita ako.
Nang ipasok ni Gavin ang sasakyan at iparada ito sa gilid ng gym ay isa isa nang lumabas ang mga bata, kasunod si Nana Ces na tagapag-alaga ng mga ito.
"Ate Syndy! Ate Syndy!" halos sabay sabay na tawag ng mga bata bago nagsilapit at niyakap ako.
"Bakit ngayon ka lang, Ate?" tanong ni Chloe habang hinihila ang laylayan ng t-shirt ko.
"Oo nga Ate Syndy, yung project ko hindi masyado mataas ang score kasi hindi kasing ganda nung ginawa natin dati," dagdag naman ni Mandy.
Tumawa mula sa likod si Kuya Marcus.
"I did my best, Dell. Pero hindi daw ganoon ang gawa ninyo," aniya habang umiiling at lumapit sa tabi ko. Napatawa na din ako.
"Ang tagal mong hindi pumunta, Ate!" ani Cyril na tila nagtatampo ang tono.
Nilapitan ko siya at kinalong.
"Huwag ka nang magtampo. Sampung tulog lang iyon, busy lang talaga si Ate last week," sabi ko habang inaamo siya.
"Naku, panay ang tanong ng mga iyan kung bakit hindi ka dumalaw noong isang Linggo," wika naman ni Nana Ces habang hinahawi ang kanyang bahagyang maputi nang buhok na nililipad ng hangin.
Nilapitan niya ako at hinagod ako sa likod. Tumayo naman ako at inakbayan siya. May ngiting naglalaro sa mga labi niya.
"Manliligaw mo ba iyong kasama mo?" bulong niya.
Hala, may kasama nga pala ako!
Bigla akong lumingon sa likod nang maalalang kasama ko nga pala si Gavin. Nagtama agad ang paningin namin.
He's been watching me. And smiling.
"Ipakilala mo naman kami sa manliligaw mo, ka gwapong bata," ulit ni Nana Ces.
"Hindi ko po siya manliligaw, kaibigan ko lang po," paliwanag ko.
"Yang mga ganyan ka-gwapo Nana, hindi kailangang manligaw. Malamang, sanay yan na siya ang nililigawan," singit naman ni Kuya Marcus bago bumaling sa akin.
"Mai-rephrase ko lang ang tanong, Dell, siya ba ang nililigawan mo?"
Hinampas ko ito ng malakas sa balikat at nginusuan.
I can still hear both of them laughing habang naglalakad ako papunta kay Gavin.
"Sorry ha, naiwan pala kita diyan. Halika, ipapakilala kita sa kanila," yaya ko.
"At home na at home ka dito ah," komento niya bago humakbang.
'Dito ako nag-OJT last summer. Pero kahit tapos na iyon madalas pa rin akong pumasyal dito."
"I see. Kaya pala hindi kita nakita sa school buong summer."
He noticed?
Nilingon ko siya pero hindi ako nagsalita.
"Just an observation. Nagtataka lang ako kasi nakita kita noong enrollment tapos buong summer wala ka naman sa campus," aniya, shrugging his shoulders.
Ipinakilala ko siya una kina Nana Ces at Kuya Marcus. Both of them kept on throwing meaningful glances at me habang abala ako sa pag-iintroduce kay Gavin isa isa sa mga bata. He's very good with names, natatandaan niya talaga lahat ng pangalan ng mga bata kahit noon lamang niya nakilala.
"Siya nga pala, may dala kaming pasalubong!" excited kong wika sabay hila ng bag sa likod ni Gavin. This time ibinigay naman niya ito without objection.
"Ano iyan Ate?" masayang tanungan naman nila.
"Yung bilin ninyo na marbles!" I exclaimed happily sabay taas ang plastic na naglalaman noon.
"Tapos may iba't-ibang smooth na stones, pwede ninyong gamitin sa Sungka na ginawa ni Kuya Marcus. Itapon nyo na iyong mga pinulot ninyo sa kalsada ha, madudumi iyon. Marami ito, yung iba pwedeng gawing decoration sa aquarium sa sala."
Nagtatalon ang mga bata sa tuwa habang inilalabas ko ang mga plastic mula sa bag ko. It never cease to amaze me kung gaano kababaw ang kaligayahan ng mga bata.
"So I was right, bato nga ang laman ng bag mo," natatawang sabi ni Gavin habang tinutulungan ako.
Tumawa lamang ako bago binuksan isa isa ang mga plastic ng marbles at bato.
"Salamat Ate Syndy! Salamat Kuya Gavin!" anila bago naghiwa-hiwalay para maglaro.
"Sa may bubong lang kayo ha, walang lalabas sa ulanan!" sigaw ko para marinig ng lahat.
Lumingon sa akin si Gavin, halatang nalakasan na naman sa boses ko.
"Eh paano ako maririnig nung mga nakaalis na kung di ko isisigaw?" depensa ko.
"Doon muna tayo sa loob at makapag-kape. Halika sa loob, Gavin, pumasok ka," anyaya ni Nana Ces. Agad namang lumapit si Gavin at sinabayan ito. Panay naman ang siko sa akin at ngisi ni Kuya Marcus habang sabay kaming naglalakad sa likuran.
"House Rules," ani Gavin habang nakatingin sa puting kartolina na nakakapit sa dingding ng sala.
"Maganda iyan, basahin mo," I encouraged.
"Number one, always pray. Um-attend sa daily group prayer."
Tumango siya bago nagpatuloy.
"Number two, laging sundin ang mga payo at pangaral ng mga care taker at social workers. Huwag pasaway."
He chuckled softly after reading that.
"Number three, mag-aral mabuti at gawin ang assignments."
"Lahat ba sila pumapasok?" tanong nito.
"May ilang toddlers na hindi pa. Yung mga infants namin dati inilipat na sa ibang orphanage, yung mga licensed magpa-adopt."
"Number four, makisama ng maayos sa lahat na parang kapatid. Huwag mang-aaway."
"Nasusunod ba nila lahat ito?" usisa niya.
"Most of the time," natatawang sagot ko.
"Bata din sila, hindi maiiwasan yung minsang away pero di naman madalas nagkakasakitan," dagdag na paliwanag ko.
"Number five, kapag may nag-sorry, forgive him/her."
"Number six-"
"Heto na ang kape, Gavin," alok ni Nana Ces na galing sa kusina sabay abot ng isang tasa.
Hinayaan ko muna silang dalawa sa sala at tumungo ako sa kusina para tulungan si Kuya Marcus sa paggagawa ng turon. Ipinasok din namin iyon agad nang maluto at tinawag ang mga bata.
Maingay na nagsipasok ang mga ito pero tumahimik din agad nang sawayin ni Nana Ces. Matapos ang meryenda ay saglit kaming nagkantahan at naglaro. Maging si Gavin ay halatang nag-enjoy lalo na ng ilabas ni Kuya Marcus ang bola mula sa bodega. Tinuruan nilang dalawa ang mga bata ng basketball habang tinutulungan ko naman si Nana na magluto ng lunch. Doon na rin kami inabot ng tanghalian.
"Kumakain ka ba ng gulay?" tanong ko habang naglalagay ng mga plato sa mahabang mesa.
"Oo naman," agad na sagot niya.
"Madalas kasing gulay at isda ang ulam nila dito. May magdedeliver din naman ng karne pero bihira lang. Hindi naman kasi pihikan ang mga bata dito."
"No problem," aniya habang naglalagay naman ng baso.
Gaya ng meryenda, masaya at maingay ang kainan. May kanya-kanyang kwento ang mga bata tungkol sa school, sa mga napanood nila sa TV at sa mga laro nila kanina.
Pasado ala una na nang umalis kami sa Shelter. Kung wala lamang exam kinabukasan ay ayaw pa sana naming umalis.
"Pwede naman tayo mag-stay pa ng ilang oras, konti na lang naman yung hindi ko maintindihan sa Trigo," hirit pa ni Gavin pagkasakay ng kotse.
"Hindi pwede, kailangang mataas ang makuha mo ngayong Midterms para mabawi mo yung grade mo ng Prelim," katwiran ko.
Ngumiwi siya at kumamot sa ulo.
"Alam mo kung anong grade ko ng Prelim?"
"Natural, tinanong ko kay Prof. Abrigo. Allowed kaya ang tutors tingnan ang grades ng tinuturuan nila. Hmmm, hindi ka talaga nagbabasa ng guidelines."
Muli kaming kumaway sa mga taga Shelter bago tuluyang nilisan ang compound ng St. Emiliani's.
"Tapos na ang OJT mo pero madalas ka pa rin pumupunta sa orphanage?"
"Oo. Napalapit na rin kasi sila sa akin kaya every week pumapasyal ako. Madalas Sunday, minsan Thursday kasi wala akong klase pero hapon ako pumupunta kapag nakauwi na galing school ang mga bata."
Saglit na sumulyap si Gavin sa akin na napapangiti.
"Ano? Bakit?" tanong ko nang wala siyang sinabi.
"Ang cute ng tawag sayo ng mga bata, Ate Syndy."
I wanted to tell him that I liked the way he calls me Grace better. But I didn't dare.
"Si Nana ang nakaisip ng nickname na iyon. Noong bata kasi ako, kapag isinasama ako ni Mama dito para maglaro, lagi akong nadadapa at naiiwan ang tsinelas. Cinderella ang tawag nila sa akin noon tapos naging Syndy noong narealize nilang katunog ng pangalan ko."
Bahagya siyang napatawa sa kwento ko
"Si Gwen at Josh isinasama mo dito?"
"Oo, kapag hindi sila umuuwi ng province. This week hindi sila umuwi kasi exams pero Cramming Princess si Gwen kaya hindi rin siya makasama."
"Si Josh?"
"Ayun, dakilang tutor ng bestfriend niyang mahilig mag cramming."
Muli siyang tumawa.
"Pwede bang mag-music?" tanong ko. Nag-uumpisa nang mag build up ang traffic nang makalabas kami sa main road.
"Be my guest," he replied pointing to the car stereo.
♫ Been running from this feelings for so long,
telling my heart I didn't need it.
Pretending I was better off alone,
but I know that it's just a lie. ♫
♫ So afraid to take a chance again,
so afraid of what I feel inside... ♫
"Go ahead," ani Gavin.
♫ But I need to be next to you,
Oh I, oh I
I need to share every breath with you. ♫
"Huh?" I asked in confusion.
♫ I need to know I can see you smile each morning,
look into your eyes each night for the rest of my life.
Here with you, near with you
Oh I, I need to be next to you. ♫
"You were humming. Huwag ka nang mahiya, sige na, kumanta ka na."
"Ayoko, baka lalong sumama ang panahon, sisihin mo pa ako."
"As if naman hindi ko narinig na kumakanta ka kanina? Tsaka sanay na ako sa boses mo. Sa dami ba naman ng kinanta mo sa mga bata, immune na kaya ako!"
Hinampas ko siya and we shared a good laugh.
Tapos hindi na nga ako nahiya at kumanta na. Kinuha ko ang isang ruler na nakita ko sa ibabaw ng dashboard niya at ginawang mic.
♫ Right here with you is right where I belong
I lose my mind if I can't see you
Without you there's nothing in this life
That would make life worth living for
I can't make it if you're not there
I can't fight what I feel any more ♫
Pagdating ulit sa chorus ay sinabayan na niya ako. Inilapit ko sa labi niya ang ruler turned microphone at tawa siya ng tawa habang kumakanta.
♫ Cause I need to be next to you
Oh I, oh I
I need to share every breath of you
Oh I, oh I
I need to know I can see you smile this morning
Look into your eyes each night for the rest of my life
Here with you, near with you, oh I
I need to be next to you ♫
Nang matapos ang kanta ay masakit na ang tiyan ko sa katatawa.
"I missed this," he suddenly said seriously out of nowhere nang tumigil kami. Traffic na at bahagya nang umuusad ang sasakyan.
"The traffic?" I joked.
But he didn't laugh.
Instead he turned to look at me and reached out to squeeze my hand.
"I missed us."
Teka, may 'us' ba? Kelan pa?
"This is what I've been missing since we drifted apart. I missed laughing like this with you. I missed singing and having conversations with you. I missed having you beside me."
He sounded so sincere I almost felt like crying. Ito ang friendship namin noon, revived. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya noon kung bakit niya ko nilayuan pero sa nararamdaman kong saya ngayon, hindi na iyon mahalaga. What's important is he's here, we're here, now.
"I missed our friendship," he finished.
Ahhh...iyon naman pala. Akala ko kung ano na eh.
"I missed us, too," I agreed while nodding.
There was an awkward silence after that.
We held each other's gaze for a while until...
Beep! Beep! Beep!
Sa lakas ng sunod-sunod na busina ng SUV sa likod namin ay pareho kaming nagulantang.
Sabay kaming kumurap.
Then together we laughed again.