I'm still humming to the tune of You and Me ng Lifehouse kahit kanina pa kaming nakababa ng sasakyan. Na-LSS yata ako dahil buong biyahe akong nakinig sa playlist ni Gavin. Battery empty na kasi ang cellphone ko kaya ipinahiram ko sa kanya ang earphone ko pero inilagay niya ang isa nito sa tenga ko.
Nakakatuwa dahil parang playlist ko lang din ang pinapakingggan ko, minus yung mga kanta ni Taylor Swift siyempre. Pareho kasi kami ng taste pagdating sa music. Pareho naming favorite ang Lifehouse at Daughtry. Mahilig rin kami sa mga kantang napulot kung saan saan gaya ng movie at TV series soundtrack. It doesn't matter kung matagal na ang kanta o bago, kahit anong genre halo halo sa playlist namin.
Marami sa kanta doon ay narinig ko na sa kanya dati pero marami na rin ang nadagdag. Kapag nagkakasama kami noon, kumakanta kami. Pareho kaming mahilig sa music at mahilig kumanta. Ang pagkakaiba lang namin, may talent siya. At ako? Well, sabihin na lang natin that my hidden talent is better left hidden. Maganda ang boses ni Gavin, malamig at medyo husky na parang si David Cook kaya lalaking lalaki ang dating. In short, ang gwapo ng boses niya. Hindi ko alam kung pwede bang gamitin ang adjective na gwapo para sa boses pero sa kanya, swak na swak iyon. Hindi ko rin alam kung bakit may lakas ako ng loob kumanta kapag kasama siya kahit hindi kagandahan ang boses ko, siguro dahil nato-tolerate niya.
"Ano yan, Syndell, theme song ninyo?" Josh interrupted my thoughts.
"Theme song ka diyan. Last Song Syndrome lang," depensa ko.
"Ang akala ko ako ang magkaka-lovelife sa trip na iyon pero hindi pala. You stole the spotlight from me, Dell," singit ni Gwen habang nakangiti.
"It's her time to shine, anong magagawa mo? Yun kasing kanya hindi hinanahap pero kusang dumarating. Unlike sa iyo, nagpupumilit ka sa isang bagay na hindi naman para sa iyo," pambabara naman ni Josh habang naglalakad kami palabas.
"Talagang conclusion agad? Hindi pwedeng mag-analyze muna?" nairitang banat ni Gwen.
"Bakit, masakit pakingggan ang katotohanan?"
"Josh, will you chill out? Ine-enjoy ko lang ang araw ko kasama si Tyler, what's wrong with that?"
Tension is in the air. Nakakaramdam na naman ako ng upcoming war.
"Buti ikaw nag-enjoy! Ako pagod na pagod."
"Duh! Sino bang nagsabi sayo na sumama ka? Kung umattend ka na lang ba kase ng klase hindi ka sana napagod."
"At anong gusto mo, pabayaan na lang kita sa mga kalokohan mo?"
"My God, Josh I'm 20! I can take care of myself and fight my own battles! Kesa buntutan mo ako 24/7, you should get a life, Bes."
Sarcastic ang tono ni Gwen, maski ako, hindi ko iyon nagustuhan.
Tinitigan ko si Josh. Mukha nga siyang pagod, physically and...emotionally? Bakit ganoon ang mga mata niya, parang may iba? Parang in pain?
Hindi kaya?
Nah, imposible.
Iwinaksi ko ang ideyang naglalaro sa isipan ko at pumagitna sa dalawa.
"Pagod lang kayong dalawa. We all are. Maybe it's better kung magsi-uwi na muna tayo at bukas na lang kayo mag-usap, okay?"
Yumuko si Gwen.
"I'm sorry, Bes," aniya kay Josh.
"Sorry din. I'll see you tomorrow," anito.
Tinanguan niya ako at tinapik ang balikat ni Gwen bago tumalikod.
*** -- *** -- ***
♫ Never put my love out on the line
Never said "Yes" to the right guy
Never had trouble getting what I want
But when it comes to you, I'm never good enough ♫
I belted out a song habang hinihila ang sofa papunta sa gilid para malinis ang ilalim nito. Kapag weekdays kasi ay yung mga nakikita ko lang na kalat ang nililigpit ko pero kapag weekend, general cleaning dapat. At syempre para ganahan ako, I need Demi Lovato's help sa background.
♫ But you make me wanna act like a girl
Paint my nails and wear high heels
Yes, you make me so nervous
That I just can't hold your hand ♫
Gusto ko nga sanang i-full blast ang volume ng music player pero syempre hindi pwede, baka kase tulog pa si Aling Martha at ang prinsesa niyang anak sa kabilang bahay, siguradong magigising iyon dahil pader lang ang pagitan.
Inumpisahan ko nang mag-mop ng sahig at ginawang mic ang dulo nito.
♫ You make me glow,
But I cover up
Won't let it show,
So I'm...
Puttin' my defenses up
'Cause I don't wanna fall in love
If I ever did that
I think I'd have a heart attack ♫
♫ I think I'd have a heart at -- ♫
"Grace!" naudlot ang diva moment ko nang may biglang tumawag mula sa gate.
I wiped the sweat from my forehead and opened the screen door.
"Gavin?" tanong ko nang makita siyang nakangisi.
"May concert pala dito, hindi ka nang-imbita!" aniya habang nakasandal sa poste ng gate. Naka black shirt siya na may drawing na gitara at maong na cargo shorts. Simpleng porma lang pero bakit ang gwapo niya? Sabagay, kahit yata basahan ang isuot nito gwapo pa rin.
"Anong ginagawa mo dito?" sunod na tanong ko habang binubuksan ang maliit na gate.
"Midterm exam ko na bukas sa Trigo, kailangan mo akong turuan," aniya.
"Aba, hindi ka rin demanding ano? Hindi ka ba nagbasa ng Tutorial Guidelines? Sabi doon one hour three times a week based on agreed schedule. MWF tayo friend, at Linggo ngayon kaya day off ko sa iyo."
"Baka nakakalimutan mong may utang kang dalawang session sa akin noong ipamimigay mo sana ako kay Linley at hindi kita sinipot sa Library," he retorted
"Hoy hindi ko kasalanan kung-" I stopped mid-sentence and stared at him.
"Alam mong naghintay ako sa Library?"
"Oo." simpleng sagot niya.
Hinampas ko siya sa braso.
"Aray!"
"Eh bakit hindi ka nagpakita kung nandoon ka pala?"
Nagkibit balikat lamang siya at ngumiti.
"Para ma-guilty ka. Effective, diba?"
"Ikaw na - "
"Ano ba Syndell ang ingay ingay mo diyan!" singit ng matinis na boses mula sa pinto ng kadikit na bahay.
Pinandilatan ko si Gavin bago bumaling kay Corinne na pupungas pungas pa.
"Naku pasensiya ka na, may asungot kasi dito sa gate. Pero huwag ka mag-alala, aalis na rin siya," sabi ko.
"Anong aalis, kadarating ko lang ah. Hindi mo pa nga ako pinapainom ng juice," tutol ng lalaking mas makulit pa pala kesa sa akin bago pumasok ng gate.
Biglang napa straight body si Corinne nang makita niya si Gavin.
"Syndell, ano ka ba? Baka isipin niya na hindi tayo marunong tumanggap ng bisita dito," wika nito bago lumapit sa akin at inakbayan ako.
"Pagpasensiyahan mo na itong kaibigan ko ha, palabiro kasi ito," baling niya kay Gavin.
Remind me please, kelan pa kami naging close?
Ngumiti hanggang tenga si Gavin showing perfect teeth behind his perfect thin lips.
"Salamat, Miss-"
"Corinne! Corinne," hindi halatang excited na dugtong ng new friend ko bago inilahad ang kamay niya na inabot naman ni Gavin.
"Kaibigan mo, Syndell?" tanong niya sa akin.
Tumango ako.
"Tinu-tutor ko. Start na kasi ng Midterms bukas," paliwanag ko
"Medyo mataas na ang sikat ng araw, are you not going to invite me in?" Gavin nudged to me with a teasing smile.
"Pumasok ka na, Gavin. Make yourself at home," sagot ni Corinne para sa akin bago ito iginiya papunta sa pinto at binuksan ang screen door.
Bahay niya???
Basically oo, pero hindi ba kami ang umuupa dito?
Nang makapasok si Gavin ay pasimple akong hinila ni Corinne sa gilid ng pinto.
"Sigurado kang hindi mo boyfriend iyan ha?" anito.
"Hindi nga. Nagpapa-tutor lang siya sa Math kaya siya nandito."
Nagtataka ako kung anong nakakatawa sa sinabi ko dahil bigla siyang bumungisngis.
"Oo nga naman, bakit naman magkakagusto sa iyo ang isang kasing-gwapo niya?"
Bruha.
"Dito lang ako sa kabila if you need anything ha," sinilip pa nito si Gavin bago umuwi sa kanila.
"Mabait pala iyong Corinne. Anak ng may-ari?" tanong ni Gavin matapos kong ibagsak ang screen door.
"Mabait lang siya sa mga gwapo. Ngayon nga lang ako inimik noon." tamad na sagot ko.
"So you think gwapo ako?" nakangiti niyang tanong matapos umupo.
Ano ba iyong sinabi ko, para tuloy inamin ko na nagu-gwapuhan ako sa kanya.
"She thinks na gwapo ka," sagot ko stressing the word she.
Luminga linga siya sa bahay, noon lamang kasi siya makapasok dito.
"Mag-umpisa ka na magbasa para mamaya yung mga hindi mo maintindihan yun na lang ang i-discuss natin," pag-iiba ko ng usapan.
Hindi naman siya nakinig. Bagkus ay tumayo at pinakialaman ang playlist ng music player ko.
Nakakalat pa ang mga ginamit ko sa paglilinis kaya mabilis kong tinapos ang pagma-mop at itinabi ito sa kusina.
"O bakit mo itinago ang mic mo?" pang-aasar niya.
"Nakita mo iyon???" nanlaki ang mata ko.
Tumawa siya ng malakas.
"Langya, kanina ka pa sa labas? Bakit hindi ka kumatok?"
"Kumakatok kaya ako, pero hindi mo narinig agad."
Nakakahiya. Nakakainis. At nakakatawa.
Nadala na ako sa pagtawa niya hanggang sa binato ko na sila ng throw pillow para tumigil.
"Ano nga ulit yung kinakanta mo? Heart Attack?" aniya habang naghahanap sa music player. Agad niyang pinatugtog ng makita iyon.
"O bilis, ulitin mo," utos niya.
"Ayoko. Kinanta ko kasi iyon dati sa videoke, sabi sakin ni Josh at Gwen magkaka-heart attack daw ang makakarinig. Sinusubukan ko nga kanina kaso ang hirap talaga nung chorus."
"Timing lang sa breathing iyon para hindi ka kapusin. Kaninong gitara iyon?" aniya nang makita ang gitarang nakasandal sa ilalim ng hagdan.
"Akin, regalo ni Papa noong Christmas. Pero konti lang alam ko, hanggang strumming lang kasi ako, di ako marunong mag-plucking."
Tumayo siya para kunin iyon at in-adjust ang tono nito.
"Kakantahin ko muna tapos mamaya sabayan mo ako ha," sabi niya.
"Yung Heart Attack? Pag girl na kanta iyon hindi ba? Bakit mo alam? Don't tell me-"
"Umayos ka nga," he interrupted.
"May cover noon ang Anthem Lights, pang-lalaki na version."
"Ahhh..."
Nang mag-umpisa siyang mag-strum ay tumahimik na ako. Na-miss ko ito. Naalala ko kami noon kapag tumutugtog siya tuwing nagpapalipas kami ng oras sa tagpuan namin doon sa gilid na table sa labas Ice Cream House malapit sa University.
♫ Never put your love out on the line
Never say yes to the right guy
Never had trouble getting what you want
Somehow you still feel like you're not enough ♫
Mas mellow ang version na sinasabi niya, parang ginawang ballad. Bagay na bagay sa gwapong boses niya.
Habang kumakanta siya ay kumuha ako ng juice sa ref at naglabas ng biscuits. Iyon lamang kasi ang meron ako sa bahay.
♫ But I wanna make you feel like a girl
Paint your nails and wear high heels
Yes, I want to treat you right, girl
Just give me your hand ♫
Eto na ang chorus kaya nagmadali akong bumalik sa sala.
♫ I'll make you glow, but you cover up
Won't let it show
You keep puttin' your defenses up
Like you don't wanna fall in love
If you ever did that
You think you'd have a heart attack
You think you'd have a heart attack
You think you'd have a heart attack ♫
Ang galing, bakit kapag sa kanya parang walang effort eh ako halos mapatid ang litid sa leeg kanina.
Hindi ko naman sinasadya pero hindi ko mapigilang matulala sa kanya. Tapos ngumiti pa siya sa akin bago nagpatuloy.
♫I never break a sweat for the other girls
But then you come around and change my world
All you have to do is be yourself
It's always alright just let me help ♫
♫ It's just not fair
I hate to see you when you're hurting
I gasp for air
Together we'll be worth it ♫
He's making gestures para sumabay ako pero ayaw ko na. Ayokong sirain ang kanta, mas gusto kong pakinggan siya.
♫ But I wanna make you feel like a girl
Paint your nails and wear perfume
Yes, I want to treat you right, girl
Just give me your hand ♫
♫ I'll make you glow, but you cover up
Won't let it show
You keep puttin' your defenses up
Like you don't wanna fall in love
If you ever did that
You think you'd have a heart attack
You think you'd have a heart attack
You think you'd have a heart attack ♫
Nang matapos niya ang kanta ay napa-buntong hininga ako at napa-ngiti.
"It's about time someone sings that song for you," aniya habang nakatitig sa akin. Bigla tuloy akong nag-recall ng lyrics at namula.
"Oh my goodness, you can also play the guitar?" Corinne suddenly exclaimed at the door.
Panira ng moment talaga ito.
"Dinalhan kita ng meryenda, I mean kayo, marami kasing niluto si Mommy," aniya sabay abot ng macaroni salad kay Gavin.
Chinita si Corinne, maputi at makinis ang kutis. Maganda siya lalo na ngayong naka-yellow sun dress siya at halatang bagong ligo.
Bigla tuloy akong napalingon sa reflection ko sa salamin ng kitchen cabinet at nanliit.
Ngayon ko lang na-realize na ang g**o g**o pala ng buhok ko. I bet pati compass ay malilito dahil hindi magkaintindihan ang north, east, south at west. Ni hindi ko ma-identify kung saan ang hawi ko, kung kanan ba o kaliwa. Naka loose na violet t-shirt ako na kupas at may butas pa sa balikat tapos leggings na kanina ay puti pero ngayon ay brown na ang kulay sa dumi sa paglilinis.
Nakita kong naiilang si Gavin pero nginitian nito ang bagong admirer. Kumuha muna ako ng platito at tinidor bago sila iniwan doon.
Mabilis akong umakyat sa kwarto para kumuha ng damit bago muling bumaba para maligo. Ni hindi nila ako napansin o inalok man lang nang lampasan ko sila papuntang banyo. Kahit bukas ang shower ay rinig kong kumakanta si Gavin ng Running Around in my Dreams ni Tyrone Wells habang nag-gigitara siya mula sa sala. Soundtrack iyon ng isang movie na na-download niya at pinanood namin magkasama.
Pagkatapos noon ay isinunod niya ang Just So You Know ni Jesse McCartney.
Akala ko ba pumunta siya dito para mag-aral? Ano ito at puro pagkanta naman ang inaatupag niya? Nakakita lang ng mestizang singkit nawala na sa focus.
Hmmp. Pasikat.
Nang lumabas ako ay kumakanta pa rin siya pero wala na si Corinne sa tabi niya. Saglit akong umakyat para ayusin ang sarili ko at kunin ang aking backpack.
♫ And I don't know how to be fine when I'm not
'Cause I don't know how to make a feeling stop ♫
"O, nasaan na ang heiress ng duplex na ito?" tanong ko habang nagsusuot ng rubber shoes.
Lumingon siya sa akin pero hindi sumagot at hindi rin tumigil sa pagkanta.
♫ Just so you know
This feeling's taking control of me
And I can't help it
I won't sit around, I can't let him win now
Thought you should know
I've tried my best to let go of you
But I don't want to
I just gotta say it all
Before I go
Just so you know ♫
Kahit napasukan ng tubig ang tenga ko, ang ganda pa rin ng boses niya sa pandinig ko. Eh di siya na nga ang acoustic prince.
♫ This emptiness is killing me
And I'm wondering why I've waited so long
Looking back I realize
It was always there just never spoken
I'm waiting here...been waiting here ♫
Humalukipkip ako at naghintay ng sagot pero tinitigan lamang niya ako habang kumakanta.
♫ Just so you know
This feeling's taking control of me
And I can't help it
I won't sit around, I can't let him win now
Thought you should know
I've tried my best to let go of you
But I don't want to
I just gotta say it all
Before I go
Just so you know, just so you know ♫
Talagang tinapos muna niya ang kanta at ibinaba ang gitara.
"Saan tayo pupunta?" taong niya nang mapansing nakabihis ako. At least malinis na pants at shirt na ang suot ko ngayon.
"Correction, hindi tayo. Ako lang. May pupuntahan lang ako saglit pero babalik agad ako. Kung gusto mo umuwi ka muna at bumalik ka mamaya. Pwede rin bukas sa school, 10am pa naman ang klase ko. O kaya naman mag-aral ka na mag-isa, tutal malaki ka na."
Nakapangako ako na dadalaw sa ampunan today kahit saglit lang, kaya maaga akong naglinis ng bahay. Nakapag-review na rin naman ako dahil I hate cramming. A week before ng exams ay inuumpisahan ko nang balikan ang mga lessons na maco-cover dahil nagsusulputan din naman ang mga quizes during that time kaya double purpose na rin. Mamaya pag-uwi ay papasadahan ko na lang ulit ang ilang topics na hindi ko pa masyadong kabisado para sa mga subjects na naka-schedule para bukas
Umiling siya.
"None of the above. Sasama na lang ako sa iyo tapos tsaka tayo mag-aral," aniya sabay tayo.
Napataas ang kilay ko sa suggestion niya.
"Huwag na, baka mainip ka lang doon. Tsaka dapat nag-aaral ka na, sayang ang oras mo."
"Dami mo pang sinasabi, halika na! Promise hindi ako maiinip. Hindi rin ako manggugulo. Behave lang ako."
Nag-iisip pa ako ng ibang dahilan nang mapagtuunan ko ng pansin ang macaroni salad sa ibabaw ng center table. Walang bawas iyon. Pero ubos ang laman ng baso sa gilid nito na pinaglagyan ko ng juice kanina, katabi ang balat ng biscuit na inilabas ko.
"Bakit hindi mo kinain yung salad?" nagtatakang tanong ko.
"Sa iyo na," sagot niya.
"Ayoko, dinala iyan dito ni Corinne para sa iyo, baka may gayuma pa iyan."
Lumapit siya sa akin at hinarap ako bago ako pinanliitan ng mata.
"Yung juice ba na binigay mo sa akin, may gayuma iyon? Para kasing may kakaibang nararamdaman ako - "
"Gago! Wala akong inilagay doon ha! Tira tira nga lang namin nina Gwen iyon kahapon," depensa ko bago siya tumawa ng malakas.
"Sige na umuwi ka na muna, ang kulit mo!" agad na pagtataboy ko habang nag-iinit ang pisngi sa biro niya.
"Ang kulit mo din, sabing sasama ako," came his reply.
Aangal pa sana ako pero binitbit na niya ang backpack ko at lumabas.
There's no use arguing kapag ganoon ang mood niya.
Isinara ko ang mga bintana at pinto bago lumabas na may dalang payong.
"Mukha namang hindi uulan ah," komento niya nang makita ang dala ko.
"Mahirap na, baka biglang umulan at mabasa ka," sagot ko.
Tumaas ang kilay niya.
"Baka dumami ka, mahihirapan ako masyado," I finished.
Then he laughed.