Chapter 8 - too close for comfort

3915 Words
"Now I know that everything happens for a reason, my friend," ani Gwen pagdating. Muntik na akong mahulog nang bigla niya akong niyakap. Nakaupo kasi ako sa tabi ng nakabukas na pinto ng van at inaantay ang mga kasama ko sa ocular visit para sa venue ng Team Building habang si Manong Abet na driver ay nagkakape sa hindi kalayuan. I threw Josh a questioning look but he shrugged his shoulders, looking totally clueless. "What was that for?" tanong ko nang bitiwan niya ako. Ibinaba niya ang bag sa upuan, katabi ng backpack ko at saka dramatic na humarap sa akin at hinawakan ang balikat ko "It's my thank you hug, Dell! This is the reason why I met you and why we became friends! Akalain mo na ikaw pala ang gagamitin ng universe para magkalapit kami ni Tyler my destiny? At sa Sariaya, Quezon pa kami gagawa ng memories? It's all because of you! I knew it, ikaw talaga ang Guardian Angel ko!" Mula sa likod ay bahagya siyang itinulak ni Josh. "Tigilan mo na nga yan! Iyan din ang sinabi mo sa akin nung nag-cutting class ako para samahan ka manood ng laro ng Raging Thunders!" Napatawa ako kahit medyo pagod ang pakiramdam ko. Puyat na puyat kasi ako dahil naglaba ako hanggang 12 midnight. Naipon lahat nang labahin ko dahil hindi ko naasikaso iyon noong Linggo na umuwi si Papa at hindi ko naman malalabahan ngayon dahil sa ocular visit. And add the fact na kahit pagod ako nang humiga, I just can't get Gavin's worried face out of my mind. I tried to fight it but that all too familiar fear crept over me kaya hindi ako nakatulog at hanggang ngayon ay hindi ako dalawin ng antok. Lalo ngayon na wala pa sila ni Tyler. 5am ang call time pero 5:30 na at ni anino ng dalawa ay wala pa. Kinakabahan ako na kagaya ito ng nangyari noon. That after the call last night, he'll never show up today. Or ever. Bumaling ako kay Josh to take my mind off my worries. "Teka, bakit ka nga pala andito? Diba may pasok ka?" "Sasama ako, maluwag pa naman ang van diba?" Nakita kong sumimangot si Gwen. "Bakit ka sasama? Diba okay na usapan na kami na lang? Hindi ko pababayaan yang bestfriend mo, pumasok ka na lang, baka magalit sa akin ang mga teacher mo," sabi ko. "Oo nga, malaking hadlang ka lang sa amin ni Tyler my soulmate," singit ni Gwen. "Noong um-oo ako, hindi kasama si Tyler sa usapan. Mahirap na, nakapangako ako sa Nanay niyan na babantayan ko siya. Baka sa Quezon pa yan magkalat, nakakahiya." Napa-iling ako. Akala mo boyfriend na maagawan ng girlfriend kung makabantay ang taong ito. Biglang tumayo si Gwen at lumapit kay Josh. Ini-ankla niya ang kamay niya sa braso ni Josh at nginitian ito ng matamis. "Alam mo Bes, okay lang talaga ako. Promise magbe-behave ako. Isang tunay na dalagang Filipina ang makikita ni Tyler kaya huwag kang mag-alala. Hindi mo na kailangang sumama. Wala ka bang tiwala sa akin?" "Wala!" deretsang sagot ng isa at inalis ang pagkakahawak ni Gwen. Bumusangot na naman ulit ang isa. "Aba teka, sinisimangutan mo ako? Baka nalilimutan mo na lahat ng number ng Nanay mo at mga kuya mo meron ako at sabi nila I can text them anytime kapag may problema sa iyo. Huwag mo akong i-provoke, baka madulas ang daliri ko at mai-text ko na papunta kang Quezon ngayon. Wala akong natatandaan na nagpaalam ka." Kumapit ulit si Gwen sa kanya. "Ikaw naman Bes, hindi na mabiro!" "Syndell, ano ka ba? Siyempre isasama natin si Josh, hindi kumpleto ang buhay ko kapag wala ang bestfriend ko!" baling naman nito sa akin na tumatawa. Nang lumingon ako sa bandang kaliwa ay nakita ko agad si Tyler, kasama ang tatlo pang varsity players ng Raging Thunders. But Gavin was nowhere in sight. Tama ako, hindi siya darating. "s**t! Ang gugwapo!" kinikilig na sabi ni Gwen habang naglalakad palapit sina Tyler. Bumaba ako mula sa pagkakaupo at pinilit kong ngumiti para salubungin sila. "Dell, okay lang bang sumama sila?" itinuro niya ang tatlong kasama. "Hindi kase tuloy ang practice kasi hindi kami kumpleto eh walang magawa itong mga ito, gustong sumama." Tumango ako. "Basta may permission ng teachers. Maluwag pa naman ang van." "Ayos! Road trip ito!" wika ni Matt na center ng Raging Thunders bago nakipag-high five sa akin. "Thanks, Dell," tinapik naman ako sa balikat ni Noel. "Libre ba pagkain?" tanong naman ni Stan bago siya binatukan ni Tyler. "Uhmm...si Gavin?" halos pabulong na tanong ko. Nahihiya akong hanapin siya pero kailangan. Halos 6am na at malayo pa ang biyahe namin. Napakamot sa ulo si Tyler. "Si Gavin?" he asked back. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano kasi, he's not-" "I'm coming!" someone yelled from afar, cutting him off. Bigla akong nakaramdam ng tuwa nang makita ko si Gavin na tumatakbo palapit sa amin. Relief washed over me dahil hindi nagkatotoo ang kinatatakutan ko. Nakita ko rin ang pagkabigla ni Tyler nang makita siya, I noticed him shaking his head while smiling bago nito sinalubong ang kaibigan at tinapik sa balikat. Naka burnt orange shirt si Gavin, jacket na gray, khaki shorts at sneakers na navy blue. Tila kumikinang ang moreno at makinis niyang balat sa tama ng sumisikat na araw. His hair was still wet at tila hindi pa niya nasusuklay iyon pero lalo lamang dumagdag sa pagiging manly ng dating niya. Shit, ang gwapo. I heard myself echoing Gwen's words in my mind. Tumikhim si Gwen at siniko ako. "Describe Gavin in one word," she said when Tyler was out of earshot. Hot. Iyon ang unang pumasok sa isip ko pero hindi ko kayang sabihin iyon kahit kay Gwen. "Late." Napatawa si Josh sa sagot ko while Gwen rolled her eyes. "KJ ka talaga, manhid, bulag at kung ano-ano pa," anito. Bago ko pa maipag-tanggol ang sarili ko ay nasa harap ko na si Gavin. Napansin kong malalim ang mga mata niya, halatang puyat pero masaya. "Sorry, I'm late. Shall we go?" yaya niya na hindi man lamang nag-abala magpaliwanag. Wala rin naman ibang nag-demand ng explanation dahil halos lahat sila ay excited na nagsipasok sa loob ng van. Kinawayan ko si Manong Abet at sinenyasan na aalis na kami habang sina Noel, Matt at Stan ay nag-uunahang pumasok sa likod na upuan ng van. Nag-uusap pa ng sarilinan sina Tyler at Gavin sa gilid kaya tumalikod na ako. Dinampot ko ang backpack ko sa tabi ni Gwen at inilipat iyon sa unahan, katabi ng driver seat. Baka mainip at antukin si Manong, mahirap na kaya dito ako para kukwentuhan ko siya. Kasya na silang lahat sa likod, medyo maluwag pa nga. Three to four ang capacity bawat row ng upuan. Apat na row ang van pero sadyang inalis ni Manong Abet ang upuan sa pinakahuli para malagyan ng mga bibilhin pagkagaling namin sa Quezon. Tatlo na sila sa pinakahuli at sa gitna naman ay nagtatalo pa sina Gwen at Josh. "Usog sabi," may pagbabantang wika ni Josh kay Gwen. "Ikaw nga dito sa bintana, sa gitna na lang ako," giit naman ni Gwen. "Diba gusto mo lagi sa bintana? Kapag umuuwi tayo ng Quezon doon ka palagi pumupwesto hindi ba? Kaya umusog ka." "Bus iyon, Bes. Kapag van gusto ko sa gitna ako." Naaliw na naman ako sa kanila. Obvious naman na gusto ni Gwen sa gitna para katabi niya si Tyler kapag sumakay ito at iyon naman ang iniiwasan ni Josh na mangyari. Ang tatlo naman sa likod ay abala sa harutan at asaran kaya wala ring pakialam sa dalawa. "Hindi ka uusog?" "Sige na Bes. Pleeaaasseee??? Promise mamaya pagbalik sa bintana na ako pupwesto. Ano ba ang gusto mo? Ililibre kita ng lunch ng isang Linggo, pagbigyan mo lang ako," Gwen offered, her eyes pleading. "Ang kapal ng mukha mo, paano mo ako ililibre? Nakalimutan mo na bang wala ka nang pera? Ako na nga ang nagbayad ng lunch mo kahapon! Now, move!" Sumimangot si Gwen at tiningnan ng masama si Josh bago kumapit ng mahigpit sa upuan, refusing to move. Sakto naman binuksan ni Tyler at Gavin ang pinto ng van. Inantay ko kung ano ang gagawin ng dalawa. Umayos ng mukha si Gwen at ngumiti kay Tyler pero hindi umalis sa kinauupuan. She's smart but Josh was smarter. Inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa at nginitian si Gwen. Umakma itong mag-tetext at nakuha naman agad ni Gwen ang ibig niyang sabihin. "Bes! Ano ka ba naman, nakaharang ka diyan, hindi makapasok sina Tyler at Gavin, o! Halika nga dito," plastic na wika nito sabay usog sa tabi ng bintana habang hila si Josh sa kamay. Halos maluha ako sa pagpipigil ng tawa kaya bago pa mahalata ng iba ay tumalikod na ako. Sumakay na rin si Manong Abet. Kasalukuyan akong naghahanap ng magandang FM station nang bumukas ang pinto sa kanan ko. "Dito na lang ako, masikip sa likod," ani Gavin sabay upo sa tabi ko. I moved to the left to make some room bago muling pinindot ang radyo. "Sira iyan, Dell, wala kang makukuhang istasyon," ani Manong Abet. "Nge, kaya naman pala." Nag-umpisa na akong humikab habang inilalagay ang earphone sa tenga ko. Nang umadar kase ang sasakyan ay bigla na lang akong nakaramdam ng antok, hindi ko alam kung dahil parang idinuduyan sa byahe ang pakiramdam ko o dahil nandito na si Gavin and I felt at peace. I always worry about my friends, natural lang na mag-alala ako sa kanya. "Mag-share ka naman diyan, hindi lang ikaw ang mahilig sa music," biglang sabi ni Gavin sabay hila sa isang earphone at inilagay sa kaliwang tenga niya. Uminat siya at ini-stretch ang kaliwang braso sa likod ako. Nakakahiya dahil kinabahan ako at akala ko ay aakbayan niya ako pero ipinatong niya iyon sa sandalan ng upuan namin. "Meron kang sa iyo diba?" angal ko. "Naiwan ko sa bahay ang headset, cellphone lang ang dala ko," paliwanang niya. Magdadamot pa sana ako pero nang makita kong pagod siyang pumikit at sumandal sa upuan ay nakaramdam ako ng awa. I know he's going through something, nararamdaman ko. Pero kung ayaw niyang sabihin, I'll respect that. Tama si Tyler, he's a very private person. Kahit noon he seldom mentioned anything personal. Kilala ko siya pero wala akong alam sa personal na mundong ginagalawan niya. Other than his choice of music, topics he enjoyed talking about and his passion for basketball, I realized I know nothing about his real world. *** --- *** --- *** "Gago wag kang maingay, baka magising sasapakin tayo niyan!" "Bilisan mo kasi, iyang sa iyo ang gamitin mo, huwag cellphone ko. Ayokong magtago ng ebidensiya." "Akong bahala sa inyo!" Nakatulugan ko na ang boses nina Matt, Noel at Stan na nagkakatuwaan sa likod ng van. Tahimik na nagmumukmok si Gwen sa tabi ng bintana habang casual naman na nag uusap sina Tyler at Josh. Mas malakas pa ang mga boses nila kesa sa music sa kanang tenga ko. Nakasama na nga sila sa panaginip ko at ngayong naalimpungatan ako, boses pa rin nila ang naririnig ko. In fairness, ang sarap ng tulog ko, parang nakabawi na ako sa puyat kagabi. Ang lamig ng aircon ng van pero hindi ako gininaw dahil may nakayakap sa balikat ko at malambot ang sinasandalan ng pisngi ko. Teka... May nakayakap sa balikat ko??? May malambot na sinasandalan ang pisngi ko??? Biglang nagising ang diwa ko with that realization at nagmulat ako ng mata. Gustuhin ko mang gumalaw ay parang maparalisa ako sa nakita ko. I was covered with a gray jacket, Gavin was holding me tight, his arms wrapped around my shoulders while my face was burried in his chest, a little too close for comfort. I can smell his cologne, feel his muscles and literally hear his heartbeat against my ear. "Good morning , Dell. Good morning, 'Tol," Tyler's voice suddenly interrupted my thoughts. Inangat ko ang ulo ko mula sa dibdib ni Gavin at naramdamang nag-init ang pisngi ko nang makitang nasa pinto silang lahat at pinanonood kami. Shit! Anyare??? Kanina lang nasa sandalan ang braso niya hindi ba? "Sarap ng tulog ninyong dalawa ah!" pati si Manong Abet ay nakisali. So much for my mission na kwentuhan sya para hindi siya antukin sa pag drive. Napakagat ako ng labi at iniwas ang tingin sa mga matang alam kong lahat ay nakatitig sa akin. Dahan dahan namang kumilos si Gavin nang kumalas ako sa pagkaka-akbay niya. Uminat ito at nagmulat ng mata bago nagsalita. "Are we here already?" casual na tanong niya bago tuluyang inalis ang kamay sa balikat ko. Wala man lang bahid ng pagkabigla sa mukha niya. Iyon lang ang reaction niya? Hinintay ko siyang makalabas ng van bago ako sumunod. Agua En El Sol, nabasa ko sa arko ng entrance nang tumingala ako. Kapansin pansin na mas malamig ang klima dito kumpara sa Maynila. Bukod pa doon ay medyo makulimlim na naman. Hindi ko man lamang namalayan na dumating na kami? Nakakahiya talaga. "Did you see him in your dreams, friend?" pang-aasar ni Gwen nang bumaba ako. "Kanina pa ba tayo dumating? Kanina ninyo pa kami pinapanood?" bulong ko kay Gwen habang naglalakad kami papasok. "Hindi naman masyado. Sapat lang para ma-picture-an kayo nina Tyler," nagpipigil ng tawa na sabi nito. "Ang next headline sa school paper, 'Gavin and Syndell slept together'!" biro ni Stan. Agad naman itong binatukan ni Gavin. "You just try pare, see what I'll do with you kapag kumalat yang picture na iyan." Alam niyang pini-picture-an kami? Bakit hindi niya pinigilan? He must have noticed my forehead creased with worry nang nilingon niya ako sa likod kaya tumigil ito sa paglalakad at hinintay ako. "Wag kang mag-alala, I have everything under control. Hindi lalabas sa sss yang picture na iyan. Subukan lang ng mga gagong iyan. Alam ko yata lahat ng kalokohan nila isang salita ko lang, mawawalan ng girlfriend mga yan." I was assured by his words pero nagulat ako ng biglang kinurot ni Gwen ang braso ko. Tsaka ko lang narealize na yung tungkol sa nabanggit na girlfriend ang concern niya. "Pati si Tyler ba may girlfriend?" deretsang tanong ko. Gavin narrowed his eyes on me. "Bakit interesado ka? Hindi ba si Dale ang crush mo?" "Naitanong ko lang, madami kasi kaming classmate na may crush sa kanya. Natural lang naman iyon diba, napaka-friendly kasi ni Tyler," palusot ko. He looked at me still unconvinced. "Walang girlfriend si Tyler, girl friends madami. Takot sa commitment iyan, hindi pa nakakahanap ng katapat niya." "Eh ikaw Gavin, may girlfriend ka na?" out of nowhere na singit ni Gwen. "Bakit, interesado ka?" baling ko naman kay Gwen habang pinandidilatan siya ng mata. "Syempre, yung ibang classmate natin diba mas gusto yung mga quiet, mysterious type na gaya niya?" anito. Bahagyang namula si Gavin. "Tayo na, naghihitay sila," pag iiba niya ng usapan. "Okay," sagot ko while Gavin was holding the door for me papasok ng lobby ng resort. Very accomodating ang Manager ng Agua En El Sol na siya mismong nag-tour sa amin sa activity areas ng resort. Tinitingnan namin ang area para sa obstacle course ng biglang umulan. On impulse ay sabay sabay kaming nagtakbuhan pero napatigil ako bago pa kami makasilong nang maramdaman kong may pumatong na malambot na tela sa ulo ko. Ang jacket ni Gavin. "Baka dumami ka, mahirap na, dadami ang makulit sa mundo," aniya sabay hawak sa kamay ko bago kami sabay na tumakbo. Binitiwan lamang niya ako ng makarating sa bubong ng Souvenir Shop. "Paano kapag umulan sa Team Building?" tanong ni Tyler sa manager ng resort. "August pa lang naman kaya tag-ulan pa. Hindi ba last week naman ng October ang schedule ninyo? Hindi na tag-ulan by that time kaya huwag kayong mag-alala." "And it if rains, what the heck, masaya nga eh!" sabat ni Matt. Hindi naman nagtagal at tumila rin. Nagpatuloy kami sa paglilibot at pagkuha ng pictures. Nagte-take down naman ako ng notes para sa iba pang dapat ayusin at i-finalize. The view is even better than the pictures from the internet, lalo na ng pumunta kami sa beach. "Nasan si Gavin?" tanong ni Noel kay Tyler. "May kausap sa cellphone," sagot naman ni Tyler habang ipinapakita kay Gwen ang mga pictures na nakunan namin kanina. Enjoy na enjoy naman ang bruha habang panay ang nguto ni Josh sa tabi ko. "Ano na, okay na tayo?" Gavin asked to nobody in particular nang bumalik siya. "Tumikim kami ng lupa," bigla kong sabi. Kumunot ang noo niya. Lahat sila ay tumingin sa akin pero walang umangal. "Ano???" "Sabi noong nakausap ko na naglilinis na matanda kanina, kapag daw bagong dating dito, para makaiwas sa engkanto, kailangan tumikim ng lupa as sign of respect," hindi ko din alam kung saan ko napulot ang naimbento kong kwento. "You're kidding. As in kakainin?" pagtataka niya. Tumango ako. "Oo, tumikim na nga kami. Parang pagbibigay galang daw iyon." Bumaling siya kay Tyler. "Tol? Talaga?" Saglit akong tinapunan nito ng tingin bago sumagot. "Oo, kanina noong wala ka." "Kalokohan," singhal ni Gavin. Nagkibit balikat ako. "Ikaw din, refuse at your own risk. Madalas daw kasi mga dayo ang kinukuha ng engkanto dito. Wala namang mawawala sa iyo kung titikim ka diba?" He pierced me with his eyes. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero yumuko siya at kumuha ng kaunting lupa. Huminga muna siya ng malalim at ipinikit ang mata bago inilagay sa bibig at ngumiwi sa pandidiri. Nakita kong yumuko si Stan sa likod ni Matt para sa hindi mapigilang pagtawa. "Hijo, anong ginagawa mo, bakit ka kumakain ng lupa? Naka-ready na ang lunch ninyo for taste test na rin, halina kayo," biglang sabi naman ng tagalinis kay Gavin. Lumapit siya kay manong na tagalinis at inakbayan ito, halatang itinatanong kung totoo ang sinabi ko. Maya maya ay biglang tumawa ang matanda at umiling. Naramdaman kong bumalik ang mata ni Gavin sa akin at biglang bumunghalit ng tawa si Tyler kasunod sina Josh at Stan. Mayamaya pa ay nagtatawanan na lahat hanggang pati si Gavin mismo ay tumatawa na. Inabutan naman siya ni Gwen ng bottled water para ibanlaw sa bibig. "Halina kayo at lalamig ang pagkain," tawag ng manager mula sa function hall. "That's cool, Dell!" tinapik ako ni Matt bago tumakbo papuntang dining hall. "Masaya ka pala talaga kasama Dell," si Stan ang sunod na lumampas. "Well, masayahin lang talaga itong kaibigan namin," Josh agreed. "Parang ako lang yan, kaya nga bestfriends tayo diba Dell?" singit naman ni Gwen. Tumawa lamang si Josh at inakbayan si Gwen. "Bes, si Dell masayahin. Ikaw, luka luka. Magkaiba iyon." Naningkit ang mata ni Gwen at tumakbo palayo si Josh habang hinahabol ng hampas ng kaibigan. Pagkaalis nila ay casual akong inakbayan ni Tyler habang naglalakad kami pabalik. "You know what, I really like Gavin better when you're in his life." "Bakit mo naman nasabi?" "Basta! He seemed happier. Kung kami ang nagbiro sa kanya, lulunurin kami niyan pero dahil ikaw ang gumawa, tinawanan lang niya." "May sense of humor naman yan, hindi lang madalas nagagamit," sagot kong natatawa pa rin sa hitsura ni Gavin kanina. May sasabihin pa sana si Tyler nang biglang nagsalita si Gavin sa likod ko. "Bakit may pa-akbay akbay ka pang nalalaman? Alisin mo nga iyan." "Bakit, inggit ka? Hindi mo naman girlfriend itong si Syndell ah, bakit ka epal?" nang-aasar ang tono ni Tyler. "Basta alisin mo iyan! May atraso sakin ang babaeng iyan kaya pagbabayaran niya." With that ay pinalis nito ang kamay ni Tyler at hinawakan ako sa braso. His grip was firm, but careful. Pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa dining table. "Upo," utos niya. Sumunod naman ako. Lahat ng klase ng putahe na nakahain sa mesa. May Paella, Adobo, Kare-kare, Sinigang, inihaw na isda at pusit, enslada at iba't ibang desserts. Amoy pa lamang ng mga pagkaing iyon ay nakakagutom na. Kumuha si Gavin ng plato at nilagyan iyon ng napakaraming pagkain, Pagkatapos ay sumandok sa kutsara na punong puno. "Nganga," sunod na utos niya. "Ayoko nga! Mabubulunan ako diyan!" tutol ko bago mahigpit na itinikom ang aking bibig. "Isusubo mo ito o ikukuha kita ng lupa sa labas?" "Whoa! It's payback time!" kantyaw ni Noel. Tinaasan ako ni Gavin ng kilay. "Ayaw mong ngumanga?" hamon nito. "Ayoko!" pagmamatigas ko. Ibinaba niya ang kutsara sa plato at sumandal sa silya. Pagkatapos ay itinulak palapit sa akin ang plato. "Okay, kung ayaw mo talaga, ako na lang ang subuan mo," aniya. Tsaka ako napanganga. "You're kidding," I stated. Gavin put his arms across his chest his head while smiling. "Pinakain mo ako ng lupa. That's not how you repay someone who has sheltered you from the rain and saved you from slamming your pretty face sa dashboard kanina." Sinabi niyang pretty ang face ko?!? Pero teka, mali yata, hindi dapat iyon ang priority question ko. Alam ko iyong sa ulan pero iyong sa dashboard daw kanina? Wala akong maalala. "Anong pinagsasabi mo?" "Ang sarap kasi ng tulog mo sa byahe kanina friend, yang ulo mo ilang beses nang halos humampas sa dashboard. Kinakalabit kita pero hindi ka magising gising, para kang may sapi, kaya hinawakan ka na lang ni Gavin." Gwen leaned and explained. Kaya pala ako lang ang nagulat noong magising na yakap yakap niya. I looked over to Gavin and smiled sheepishly. "Peace!" ang tanging nasabi ko sabay taas kamay na naka-peace sign. "Don't you think I deserve this sweet revenge?" tanong ni Gavin, looking adorable in his boyish smile. Nang magkatyawan sa table, I knew I was defeated. Hindi talaga siya nagbibiro. Nagpasubo talaga siya. Yes, up to the last bite. Yung laman ng plato? Naubos niya lahat. I can't believe someone with such perfect body could eat so much! I mean, I've seen his abs. Hindi dahil sa sinadya ko pero kapag nag-pa-practice sila sa gym na shirtless at lahat ng babae sa paligid ay iyon ang pinag-uusapan, alangan namang hindi ko din tingnan? Eh di hindi ako in? Palusot. "Pwede na ba akong kumain?" sabi ko pagkatapos ng huling subo niya. "Hindi pa ako ngde-dessert," reklamo niya. "Eh gutom na gutom na ako eh! 4:30 am pa kaya ang huling kain ko!" angal ko. Bigal akong nakakita ng awa sa mata niya. "Ganoon ba? Sabi ko naman sa iyo salo tayo eh ayaw mo naman." kurrrruuuuu...... Napapikit ako sa hiya, ang tiyan ko naghuhurumentado na kasunod ang tawanan nila. "Naniniwala naman ako eh, hindi mo kelangan maglabas ng ebidensiya," hindi mapigilang pang-aasar ni Gavin bago inabot ang Sans Rival na malapit sa kanya. "Uhmm, masarap!" aniya na parang nang-iinggit pa. "Here, tikman mo," alok niya sa habang nakataas sa tapat ng bibig ko ang tinidor. Syndell, walang malisya ito, don't panic. "Ahhh, bilis na, nagugustuhan mo ito," pilit niya. kurrruuuuuu......... Gutom na talaga ko. Kaya hindi na ako dapat mag-inarte. Nahihiya akong ngumanga. Shit, bakit ang hirap hindi lagyan ng malisya? Parang mabubulunan ako sa kapirasong pagkain na iyon, di ko malunok lunok. Medyo mali yata ang pasok ng pagkain sa lalamunan ko, di ko napigilang umubo hanggang nasamid ako. "Tubig!" tawag ni Gavin habang hinahagod ang likod ko. "Masyado naman ang gutom mo, bakit hindi mo nginuya?" tanong niya nang bumaling muli sa akin. "Dapat diyan binabatukan!" suggestion ni Stan. "Kung ikaw kaya ang batukan ko?" angil naman ni Gavin. Lumapit si Gwen sa akin dala ang isang basong tubig. "Ang bilis ng karma ano, friend?" tumatawang sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD