Chapter 7 - the call

3390 Words
"Papa!" excited na sigaw ko nang bumukas ang gate Linggo ng umaga. "Kumusta ang anak ko? Have you been good?" tanong niya matapos akong yakapin at halikan sa noo. "As always!" sagot ko at sumaludo. Tumawa ito at sumalampak sa sofa pagpasok namin. Mukhang pagod siya, buti na lamang at nakaluto na ako. Ine-expect ko kasi talaga ang pagdating niya. Papa is already showing his age. Sa tuwing umuuwi siya ay napapansin kong parami ng parami ang puting buhok niya. "Wow, kare-kare!" usal niya pagkaupo sa mesa habang naghahain ako. Si Mama ang nagturo sa akin magluto niyon, paborito kasi iyon ni Papa. Kahit nakangiti siya ay bakas sa mata niya ang lungkot. Simula nang mawala si Mama after ko mag-graduate ng High School ay naging ganoon na ang mga mata niya. Hindi na muling nanumbalik pa ang kislap noon kahit halos apat taon na ang nakalipas. Isang beses sa isang buwan lamang umuuwi si Papa, minsan isa sa dalawang buwan, depende sa demand ng trabaho at sa location ng ongoing na project niya. Kaya sa tuwing umuuwi siya ay pilit ko siyang pinasasaya. Ipinagluluto ko rin siya ng mga pagkaing madalas iluto ni Mama para sa kanya noong nabubuhay pa siya. Naa-appreciate naman niya iyon just as long as we don't talk about how Mama died. Nagbo-bonding kami, remembering her and our happy times together but I learned from experience that veering away from that fateful incident is my best option if I don't want to ruin our very few weekends together. I just wish I knew how to make his eyes look happy again dahil kahit anong gawin ko, alam ko na hanggang hindi siya nagpapatawad, his eyes will never spark with happiness again. Sabi sa akin ni Mama noon, you shouldn't let anyone hold your happiness in their hands. Ikaw dapat ang may hawak noon. Pero siguro hindi niya nasabi iyon kay Papa. He still clings to her memories every second of his life. And when Mama died, Papa's happiness died along with her. Maaga din siyang umalis kinabukasan para sa trabaho. Isa o dalawang buwan na naman bago kami magkikita ulit. Pagkasakay ni Papa ay dumeretso na ako sa SC Office. 9am kasi ang meeting para sa Team Building ng Student Organizations at Student Council ang host kaya kailangan kong ayusin ang mga gagamitin sa presentation. Nandoon na sina Dale at Charlie at magkasunod naman kaming pumasok ni Faith. Naroon rin si Sir James na adviser namin. "Okay na ang presentation natin ng agenda, Dell?" business as usual na tanong nito nang makita ako. "Yup, na-finalize na po namin ni Rodge noong Sabado, naka-powerpoint na rin po at na-check na ni Pres Dale." Kasalukuyan kaming nagse-set-up ni Charlie ng projector nang mag-umpisang magdatingan ang ibang officers ng SC at mga adviser or representatives ng iba't ibang Students Org. Nilapitan agad ako ni Megan ng Honor Society. Huli kaming nagkita ay noong nagmamakaawa akong bigyan ng ibang tuturuan huwag lamang si Gavin. "Kumusta tutoring mo Dell, okay na ba?" "Oo, okay na. Wag ka na mag-alala." Ngumiti siya bago umupo sa tabi ni Ms. Ember, and adviser ng school newspaper na The Ledger. Kinawayan ako nito. Sa tabi naman niya ay ang Sports Editor nilang si Linley na ngumiti naman ng plastic sa akin. Bandang 8:40 ay pina-route ko na ang folder para sa attendance at inihanda na rin ang laptop at notebook na gagamitin ko para sa minutes ng meeting. Sunod na pumasok sina Harris at Zander ng Dance Troupe. Sinadya kong kay Harris iabot ang folder pero lumapit pa rin sa akin si Zander. "Nagtatampo ako sa iyo, hindi ka pumunta noong birthday ko," aniya. "Pasensiya ka na, busy talaga ako. May klase kasi ako ng Sabado." Sinadya ni Zander na hawakan ang kamay ko ng ibalik sa akin ang attendance sheet pero hindi ko na lamang iyon pinansin. "Sino pa ang kulang?" tawag ni Faith, ang VP namin. "Sports Committee at Campus Chorale," tugon ni Charlie. Late na naman si Coach Nick at Tyler. Minsan ay iniisip ko na kaya laging isinasama ni Coach si Tyler ay para hindi magalit sa kanya ang mga ka-meeting tuwing nale-late siya. Nauna nang dumating ang Chorale representative. Nang umugong ang bulungan mayamaya ay lumingon ako. Alam ko nang si Tyler ang reason sa commotion na iyon. Tumayo ako para papirmahin sila sa attendance pero nagulat ako ng hindi si Coach Nick ang sumunod sa kanyang pumasok kundi si Gavin. Anong ginagawa niya dito? Never pa siyang umattend ng Org meeting kahit nasa Sports Committee siya. As usual, nag-offer agad ng upuan si Linley para sa kanilang dalawa. Halos puno na ang long table at iyong sa tabi ni Linley na lamang ang bakante. Flirt alert. Flirt alert. From the corner of my eye ay alam kong hinihintay ni Gavin na tumingin ako sa kanya para siguro batiin ako pero umiwas ako, ayokong pag-initan na naman ako ni Linley, especially not in a major meeting like this one. Pagka-abot ng folder ng attendance kay Tyler ay bumalik na ako sa tabi ni Dale para makapag-umpisa na ang meeting. Nag-welcome remarks lamang si Sir James at ipinasa na kay Dale ang meeting. "As we all know, the University President has been very generous to provide for this year's Team Building at the end of this Sem. The funding usually comes from a certain amount collected from students pero since galing mismo kay President ang allowance this time, I ask all of you to cooperate and help out para ma-maximize natin ang budget," umpisa ni Dale. "I'll cover the event," excited na sabi ni Linley. "Very good," Dale responded politely. It's probably the first time that I feel like arguing with Dale. Anong very good doon? Natural, kaya ka nga nasa school paper siya, hindi ba? Pasikat. Yumuko na ako at nag-type sa keyboard kesa pagtuunan ko ng pansin ang maya't mayang paghawak ni Linley sa braso ni Gavin sa tuwing may sasabihin siya dito. Ayaw ko rin magpa-distract kay Tyler na panay naman ang ngisi sa akin simula nang mahuli niyang tinitingnan ko ang dalawa sa tabi niya. It was then discussed kung sino ang mag-aasikaso ng food and transportation. What's good about Dale is that he 's highly respected. People listen to him kaya mabilis ang usad ng meeting. Attendants cooperate and volunteer willingly without so much prodding. "With regards to ocular visit," ani Dale. Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat ko bago nagpatuloy. Saglit naman akong nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko sa laptop para i-acknowledge siya. "I personally assigned Syndell here to go to Sariaya, Quezon. She's good with documentation at nag-research na rin kami ng venue na papasyalan. But I don't want her to go there alone, I need someone from any committee to accompany her." Awww, concern siya. "Okay lang ako Pres, isasama ko si Gwen. Taga-Quezon kase siya, mas kabisado niya yung lugar," baling ko kay Dale while silently praying na siya na lamang ang magprisintang sumama. "Yes, you may do that pero I still want someone from other Org para hindi masabi na Student Council lang ang nag-decide para sa venue. I also talked to Sir Chris of Facilities Department, pwede nilang ipahiram yung isang school vehicle pati driver. Naisip ko pwede na rin isabay yung pagbili ng mga materials and supplies na gagamitin for the activites and games, provided of course na hindi perishable." "Sasamahan ko si Dell!" excited na offer ni Zander and I looked over to Dale, my eyes pleading for help. "Wala ka bang klase? Thursday naka-schedule ang ocular," pormal na tanong ni Dale. Napakamot sa ulo si Zander at nakahinga naman ako ng maluwag. "Hindi pwedeng ibang araw yan, Dell?" tanong ni Megan. "Thursday lang kase wala akong pasok nun," sagot ko. "Sayang, may klase ako." "Anyone else na free on Thursday?" "Teka, Linley, diba classmates kayo? So wala ka rin klase sa Huwebes, pwede kang sumama kay Syndell," adviser ng The Ledger na si Ms. Ember ang nagsalita. She was caught off guard pero agad na nakabawi ng poise si Linley. Alam kong ayaw niya akong kasama and the feeling is mutual. "Marami pa kasi akong kailangan ayusin sa Research ko, naka-schedule ako pumunta sa National Library on Thursday," the good liar said. I silently heaved a sigh of relief. Ngayon lamang ako natuwa sa pagsisinungaling niya. "Tayo na lang, Faith," kinalabit ko siya. "Akala mo ba hindi ko tinanong kay Dale yan? Hindi raw pwede, pareho kasi tayong taga Student Council." "I'll go with her." Nagtinginan lahat sa nagsalitang lalaki. Halos malaglag naman ang panga ni Linley na katabi niya. "O.M.G. Your ex to the rescue," exaggerated na bulong ni Faith bago ko tinapakan ang paa niya. Gavin looked bored and never uttered a word simula nang umupo siya sa meeting at ngayon nagpi-prisinta siyang samahan ako? He shrugged his shoulders and leaned forward on the table, looking at me. "Looks like she will need someone to carry the materials anyway. So I guess Tyler and I can tag along. We're going with her." "We are?" nagtataka ring tanong ni Tyler na tila hindi maintindihan kung paano siya nadamay sa usapang ito. Gavin threw him a meaningful look. "Yes, we are," anito sa kaibigan. "Diba may duty ka sa St. Raphael?" malakas na bulong ni Tyler. "I can request for a change shift," he reasoned. Hindi na rin nakatiis si Linley. "On second thought baka naman matapos ko ng maaga yung research ko or I can re-sched para masamahan ko si Syndell. I can still manage to fit it to my sched," offer niya but nobody paid much attention. Oh, please. If that wasn't obvious desperation, I don't know what that is. I can't help but roll my eyes at the thought. Tyler caught me again and laughed bago bumaling kay Dale. "Alright, we're going with her." "Okay, then! Write it down, Dell. Gavin and Tyler are going to the ocular visit with you on Thursday." *** - *** - *** "Shampoo, 112.50. Conditioner 116.75. Bath soap 62.25," dikta ni Gwen kay Josh habang naghihintay kami sa Batibot, ang mahabang concrete bench sa baba ng College of Accountancy Building na karaniwang tinatambayan ng mga estudyante ng Perpetual University. "Nasa 300.00 na yun. Ano pa?" wika naman ni Josh. "Deodorant, 145.50. Sanitary napkin, 45.75 times 2 kase hindi kasya ang isang balot lang." "Tsss. Talagang kelangan mo pang i-mention na napkin? Pwede naman sabihin na lang na personal items," napapailing na tila nandidiri si Josh. "Ang arte mo! Akala mo naman hindi gumagamit noon ang Nanay niya! Pinapabili ka pa nga sa tindahan!" Napa-angat ako ng tingin mula sa Theology book na binabasa ko at napatawa sa dalawa. "Ano ba yan?" tanong ko. "Ang matipid kasi nating kaibigan dito, Miyerkules pa lang paubos na ang allowance. Kung ano-ano kasing binibili, yun pala paubos na yung mga personal na gamit na dapat inuna niya." Dumikit si Gwen kay Josh at inakbayan ito. "Kaya nga nandiyan ka diba, Bes? Syempre papautangin mo ulit ako." "Ayoko. Nagkaka-amnesia ka tuwing pinapautang kita. Hindi ka nagbabayad," sagot nito bago inalis ang kamay ni Gwen. Tawa lamang ang iginanti ni Gwen sa kanya. "O bilis na, magkano na?" "Estimate 550.00." "Bakit estimate? Kelangan exact amount, kita mong tight ang budget eh! Accountancy ang course di makapagbigay ng accurate computation?" reklamo ni Gwen na nakasimangot. "Aba, Accountancy student ako Gwen, hindi calculator!" banat naman ni Josh. Tawa ako ng tawa sa bangayan nila nang biglang tumabi sa akin si Gavin. Naka uniform siyang puti at ang bango bango niyang tingnan. "Mukhang bati na talaga ang dalawa ah," siniko niya ako. "Oo, yan ang normal nila," tumango ko. Tumayo si Gwen nang makita si Gavin. "O ayan, andito na pala ang inaantay mong tutee, pwede na kaming umalis." "Tama, uuna na kami. Sa grocery na kami magtutuos ng gastadorang ito," sang-ayon ni Josh. Tatalikod na sana si Gwen pero humirit pa ito. "Hoy Gavin, wag kang masanay na late dumarating ha. Kung hindi lang si Dale ang nagkumbinsi na mag-tutor si Dell, malabong magturo yan. Pasalamat ka crush niya iyon. Kaya wag mo abusuhin." Napanganga ako sa sinabi ni Gwen at nagpapanic na lumingon sa paligid kung sino ang nakarinig. What was that for??? Pasalamat na lamang ako at may mga accountancy students na maingay na naglalaro ng charade sa bandang kanan kaya natabunan ng tawanan nila kung anuman ang sinabi ni Gwen. Bruha! I signed up sa tutorial on my own! And how dare you tell Gavin na crush ko si Dale? Humanda ka sakin mamaya! I turned to my other bestfriend who is obviously more sane. "Josh, pwede bang kaladkarin mo na ang isang 'yan? Nag-iimbento na ng kwento." Nang makaalis ang dalawa ay dumeretso kami sa Library. Late si Gavin ng 30 minutes pero dahil nag-aaral din naman ako ng dumating siya ay hindi nasayang ang oras. "So, si Dale rin ba ang dahilan kaya ka tumakbong Secretary ng Student Council?" out of nowhere na tanong niya habang ina-analyze ko ang sample problem sa Trigo na libro. Magkaharap kami sa mesa and when I looked up, nakita kong nakatingin siya sa cover ng textbook na hawak ko na may pangalan ni Dale. Nagmagandang loob si Dale na ipahiram iyon sa akin, alangan namang hindi ko gamitin? I gave him a blank stare. He strikes me as someone na walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Maliban sa meeting noong Lunes ay hindi siya uma-attend ng school functions unless required o involved ang Sports Committee. Never ko pa rin siyang nakita sa mga school dance. It's a surprise that he knows I'm the Student Council Secretary. Siguro nga ay noong meeting lamang niya nalaman. "How dare you question my motives for running as Secretary?" I asked back, pretending to be hurt. "Syempre, ibinoto kita kaya kelangan kong malaman kung tama ba o mali ang ginawa ko." Ibinoto niya ako? Talaga? "Nandito tayo para mag-discuss ng assignment mo, hindi ng lovelife ko. Off limits yun," defensive na sagot ko. "Wow, lovelife ba kamo? Baka lack of it. Unrequited love ba ang drama mo?" he asked with a smug smile plastered on his handsome face. Hinarap ko siya na kunot ang noo, hoping he'll just drop the topic pero lalo lamang siyang ginanahan. "What do you like so much about him?" usisa pa niya, looking amused. Humalukipkip ito at sumandal sa silya na parang inip na naghihintay ng sagot ko. Muli kong itinaas ang libro at sinubukang mag-concentrate pero hinila niya ito at ibinaba sa mesa sa gitna namin. "Paki mo ba?" mataray na tanong ko. Lalo lamang siyang ngumisi. "Bilis na, I'm just curious," pangungulit niya na may kasama pang kalabit ngayon. Mukhang hindi talaga siya titigil. Mauubos na naman ang oras namin sa kulitan. "What's not to like? He's smart, he's kind, he's dependable, he's goodlooking, he's caring, he's humble, he's responsible, he's - " "And the endless list of his positive traits goes on. Sigurado ka bang tao iyon? Walang mali sa kanya?" putol niya sa sinasabi ko. Tingnan mo ito, tatanong-tanong, kapag sinagot, hindi naman ako papatapusin. "I think he's perfect, if you ask me." "Walang taong perfect. Eventually madidiscover mo na mabaho pala ang paa niya, o humihilik pala siya ng malakas, o gay pala siya, o hindi pala-" "And the list of all imperfections you can think of goes on," pambabara ko. "Even so, I still like him," giit ko. Umiling siya habang nakangisi, halatang hindi naniniwala. "Ganoon ka ka-inlove sa kanya?" "Crush ko siya, wala akong sinabing inlove ako sa kanya. Kapag gusto mo ang isang tao, package deal iyon, hindi pwedeng pipiliin mo lang lahat ng maganda sa kanya, dapat pati mga mali niya, tatanggapin mo. Si Dale, kaibigan ko siya at alam kong mabuti siyang tao kaya I respect him enough to still like him despite his imperfections." "Tss. Ang dami mo agad sinabi," reklamo nito. "Sabagay, he's a lot more likable compared to Zander," dagdag niya na nakangiwi. "Bakit alam mo din yung kay Zander?" He raised his eyebrows. "Don't we all?" Stupid me. Oo nga naman, officer siya ng Sports Committee, syempre he knows. Siguradong nandoon siya noong niyaya ako mag-date ni Zander sa harap ng madlang people. Bigla ko tuloy naalala na nakita ko nga rin pala sila nina Tyler, Stan at Noel sa Resto na kinainan namin ni Zander noong "date" namin. Hindi kami in good terms noon pero somehow I felt safe na nandoon sila just in case sapian ng masamang espiritu si Zander. "Eh ikaw, what's not to like kay Linley? Ang daming nagkakandarapa sa kanya pero obvious naman na ikaw lang ang hinihintay niya. Hindi ka naman siguro manhid para hindi makahalata. It's impossible not to be attracted to her, she's beauty and brains." "Yeah, she's beauty and brains. And she knows it. Kaya puro ere ang laman ng ulo niya," halos walang emosyon na sabi ni Gavin. "Napansin mo din pala?" natatawang komento ko. "O sige na, i-solve mo na iyan," agad na sabi niya at itinulak palapit sa akin ang libro sa mesa. Ngumuso ako. "Ang galing! Kapag ikaw ang may ayaw sa pinag-uusapan, change topic agad. Kapag ako, hindi tinitigilan." "You said it yourself, we're here for my assignments," nakangiti niyang sabi sabay kibit-balikat. Inirapan ko siya bago yumuko muli sa libro. Sinubukan kong basahin at i-solve ang number 12 na sinasabi niyang mahirap. Tsk. Mahirap nga. Tumikhim siya mayamaya. "What do you think?" "Tricky yung problem. Sabi mo di mo ma-solve ito?" tanong ko. "Oo, hindi ko ma-solve," ulit naman niya. "Well..." humugot ako ng malalim na hininga. "Well?" nakataas ang kilay niya at naghihintay na magpatuloy ako. "That makes two of us," I finished then gave him a sheepish smile. Medyo napalakas ang tawa niya kaya napalingon sa amin ang Librarian. Matagal na panahon na noong huli ko siyang marinig na tumawa ng ganoon, yung totoong tawa. Then I realized that other than hearing him laugh, what I missed more is making him laugh. "Sorry ma'am," agad naman niyang apologize sa Librarian bago tumayo at lumipat ng upuan sa tabi ko. "Come on, pagtulungan na lang natin," he suggested, still smiling at me. Halos 8 pm na nang makalabas kami ng Library. Na-solve naman namin ang Trigo problems na assignment niya. Totoo nga siguro na two heads are better than one. "Uuwi ka na ba?" tanong niya habang naglalakad kami sa harap ng lobby. "May dadaanan pa ako sa SC Office," sagot ko. "Sus! Baka sisilipin mo lang si Dale," kantyaw niya. Hinampas ko siya sa balikat. "Sira, wala kasi akong locker kaya yung ibang gamit ko doon ko iniiwan. Tumawa siya. "Sige samahan na kita para sabay na tayo umuwi, promise hindi ako titingin kapag nag- goodbye kiss ka sa kanya." Sasagot sana ako nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bulsa at tiningnan. Hindi ko alam kung sino ang nakita niyang caller pero biglang sumeryoso ang mukha nito. His amused smile suddenly turned into a worried frown. "Hello?" sabi niya sa kausap. "Anong oras pa po? Na-check ninyo temperature niya?" Hindi ko malaman kung aalis ba ako o hindi. Awkward makinig sa conversation na alam mong personal pero parang kabastusan naman kung aalis na lang ako ng hindi nagpapaalam. "Bakit ngayon lang ninyo ako tinawagan?" he asked while rubbing his temples. "Opo, may tutoring, but that doesn't mean you can't call me. Sorry. Sige po, papunta na ako diyan." Sumulyap siya sa relo sa braso bago bumuntong hininga. "I'm sorry, I have to go," baling niya sa akin. Kanina he's funny and sweet, ngayon naman he's serious and sad. "Sure-" Bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko ay tumakbo na siya papunta sa parking lot. Ilang saglit pa ay nakita kong humarurot ang kotseng pula bago tuluyang nawala. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya at kung ano ang nangyari, but I know something is wrong and I silently uttered a prayer that everything will turn out okay. The scene was so familiar. The two of us laughing together, then he'll receive a call and everything will change. I've seen this before. It happened several times noong classmate ko pa siya sa Chemistry. And the last time I saw it happen was two days before his birthday... right before he shut me out of his life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD