Chapter 6 - coffee crumble

2507 Words
"What do you have in there, Dell?" tanong ng classmate kong si Jana habang nakapila kami papasok sa Library para sa Research. Dala-dala ko sa isang paper bag ang jacket at towel ni Gavin pagpasok sa school just to find out na nasa field work pala ito at walang klase. Bitbit ko tuloy ito sa bawat lipat ng classroom dahil wala naman akong locker. Wala rin sa gym si Tyler o kahit sino sa varsity. Loko iyon, hindi man lang sinabi kagabi na wala siya sa University pag Sabado. Minadali ko pa naman ang paglalaba noon at inilagay pa sa dryer para lang madala ko agad. "Jacket lang naman ng point guard ng Raging Thunders," sagot ni Gwen bago ko pa siya mapigilan. "Jacket ni Gavin Mateo?!?" nanlaki ang mata nito. "Yeah, right. In your dreams," sarcastic na sabat ng hindi naman kinakausap na si Linley na nasa unahan namin. Oo nga naman, sino ba naman ang maniniwala na pinahiram ako ng jacket ni Gavin? Maski nga ako hindi makapaniwala. "Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin siya nakaka get over sa naudlot na friendship nila? Tinamaan na nga ng bola hindi pa rin natauhan?" she added, talking to no one in particular. Gusto ko sanang ilabas sa paper bag ang jacket at ihampas sa mukha niya pero alam kong ka-cheap-an iyon kung bababa ako sa level of thinking niya kaya nagkunwari na lamang akong hindi ko narinig ang sinabi niya. Anyway sabi nga ni Mama, 'It's better to be kind than to be right'. "Want to see the proof?" hamon ni Gwen pero hinila ko na siya at naupo. Kung hindi rin naman nananadya si Linley, she even sat on the table beside ours with her classy circle of friends. "Imposible nga siguro, kung ikaw nga friend hanggang ngayon hindi pa rin pinapansin ni Gavin after several attempts, siya pa kaya?" ani Jana kay Linley. Nagkuyom ng palad si Gwen pero tinapik ko siya. Totoo naman ang sinabi ni Jana, ano naman ng laban ng isang plain na Syndell kay stunning Linley? She's flawless. When she walks, people literally stop and stare lalo na ang mga lalaki. Kapag nagsalita siya, everybody listens dahil maganda siya. At hindi lang iyon, she's also got brains. She's great in writing kaya officer siya ng school paper. Samantalang ako? Never mind. "Don't you think you're running out of time, girl? Midterms na," dugtong ng isang alipores niya. I can see her flip her hair from the corner of my eye. "We still have the rest of the school year, may chance pa siyang mag-apply na boyfriend ko. But he has to hurry up, baka mainip ako at i-entertain ko na iyong ibang nakapila," confident na sagot ni Linley. "Shhhh!!!" saway ng Librarian. I stood up and headed to the Science section. I can't keep on listening to these garbage talk anyway. I picked three books and gently slammed it on the table when I got back. Itinulak ko ang isa noon kay Gwen at nag-umpisa nang magbuklat. "Nag-reply na ba si Josh?" bulong ko dito. Simula kasi ng mag-walk out siya kanina ay hindi na niya sinasagot ang mga text at tawag ni Gwen. He answered once noong tinawagan ko siya pero nang ipasa ko kay Gwen ay pinatay niya ng cellphone at di na muling sumagot sa tawag ko. Umiling lamang siya pero tuloy ang pagbabasa. "Lagot ka, mukhang tototohanin ni Josh ung sinabi niya kanina. Mukhang mag-isa ka talagang uuwi mamaya." "Nah. Bestfriend ko yun, hindi ako matitiis noon," walang alinlangan na sagot ni Gwen. "Eh paano kung natiis ka nga niya, anong gagawin mo?" "Wag ka ngang paranoid. Paglabas natin naghihintay na iyon sa gate." She sounded so sure but I shook my head unconvinced. Gustong gusto kong mag-take down ng notes pero hindi talaga ako makapag-isip, naalala ko kasi si Josh. Noong kausap ko siya kanina ay seryoso talaga ito. Kinukunsinti nga naman niya si Gwen sa lahat ng kabaliwan nito kay Tyler pero hindi daw niya akalain na wala na sa katinuan si Gwen at pati values nito ay babaguhin ng kagagahan niya. Naalala ko tuloy noong sinamahan niya manood ng NCAA games sa MOA Arena si Gwen, nag-cutting classes pa ito para lamang pagbigyan ang hibang na kaibigan. All for Gwen's happiness. Yun nga lang, bago pa ako makapag-explain na hindi naman seryoso si Gwen ay inagaw na ito ng luka-luka kaya pinatay na ni Josh ang phone. "Ano ba!?" saway ko sa paulit ulit na pagkalabit ni Gwen. "Kitang nagsusulat ang tao, ang kulit -" napatigil ako ng mapansing may dalawang kamay na nakatuon sa mesa sa harap ko. Dahan -dahan akong nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko sa pagsusulat at nakita si Gavin na nakatitig sa akin. Agad akong bumaling ko kay Gwen at bumulong. "Kanina pa siya diyan?" "Medyo," sagot ng gwapo sa harap ko. He was wearing a red shirt, faded blue jeans and a lopsided grin. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa kanya, ako nga yata ang huling nakapansin na nandoon siya. I gave him a sheepish smile. "Masyado ka kasing seryoso sa research mo ," natatawang sabi niya sabay kuha sa notebook ko. Bigla akong nahiya dahil wala naman talaga akong nasulat na notes doon, puro doodle lang ng pangalan ko, flowers at butterflies. Ibinalik naman niya agad iyon at humila ng chair para maupo sa tapat ko. "Tungkol ba sa flowers and butterflies ang topic ng research mo?" biro niya bago ko dali-daling dinampot ang notebook. "Kailangan ko pala yung jacket, may Friendship & Solidarity Cup game kami sa Alabang bukas," wika niya. Noon ko lamang ulit naalala ang jacket niya. Kinuha ko ang paper bag sa gilid ng bag ko, iniabot sa kanya at nagpasalamat. Inilabas naman niya ang jacket at agad na isinuot. "s**t Linley, jacket nga ni Gavin ang laman noon!" di mapigilang mura ni Jana habang si Gwen naman ay naka ngiting aso sa tabi ko. Kung narinig man iyon ni Gavin ay hindi niya pinansin. Hindi naman nag-sayang ng oras si Linley. "Hey Gavin, ipi-feature ko kayo ni Tyler sa Campus High Profile next issue ng The Ledger, is that okay?" aniya complete with flipping hair and fluttering eyelashes. "You should ask Coach Nick first," tipid na sagot ni Gavin bago muling bumaling sa akin. "Are you done here? Isasabay ko na kayo ni Gwen palabas if you want," alok nito. I heard multiple gasps behind me. "Ha? Ano kase-" "Oo tapos na kami, lalabas na nga kami talaga!" sagot ni Gwen sabay ligpit ng gamit niya. "Okay then, let's go." With that, agad niyang dinampot ang paper bag na may lamang towel niya ganoon din ang bag ko na nasa ibabaw ng mesa. "Teka," awat ko pero naglalakad na siya papuntang exit kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. Ramdam na ramdam ko na parang bumabarena ang tingin ni Linley sa likod ko habang nililigpit ko ang naiwang gamit sa mesa hanggang sa pagpila namin sa counter para mai-record ng Library Assistant ang mga librong ilalabas ko. Hindi ko na inalam ang reaction niya nang damputin din ni Gavin ang mga librong hiniram ko matapos dumaan sa scanner ang barcode ng mga nito. I tried to snatch my bag from his grip pagkalabas namin ng pinto ng Library pero hindi ako nagtagumpay. Itinaas pa niya iyon at ayaw ibigay sa akin. Hiyang hiya naman ang 5'3" kong height kumpara sa 5'11" niya kung pipilitin kong abutin iyon "Akin na nga iyan!" sigaw ko. "Bakit ba? I'm trying to be a gentleman here." "Hindi mo ba talaga alam o nananadya ka lang para awayin ako ng mga admirer mo?" "Ipagdadala ko ng gamit kahit sinong gusto ko, wala silang pakialam doon." There's no use arguing dahil hanggang sa nakarating na kami sa kotse niya ay hindi niya iyon binitiwan. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inilagay ang gamit ko doon. Hindi naman ako ganoon ka-slow para hindi maintindihan na doon niya ako pinapaupo. "Halika na, Gwen," sabi ko nang lingunin siya sa likod. Kung kanina ay masaya ang mukha niya, ngayon ay nagbago na. Medyo nasi-sink in na siguro sa kanya na baka mali siya sa pag-aakalang nagbibiro lamang si Josh. Umupo siya sa back seat na walang imik. "Okay ka lang, friend?" tanong ko pagkaupo niya. "Hindi pa rin siya nagrereply, Dell. Pero hindi bale, baka battery empty na siya, nasa gate na siguro iyon." Nag-aalala na ang tono niya, hindi na confident gaya ng kanina. Hindi kasi siya sanay na hindi agad nag-rereply si Josh kapag nagte-text siya. Sa gate palagi naghihintay si Josh kapag umuuuwi sila ng province dahil ipinagbibitbit pa niya ng bag si Princess Gwen pero walang Josh na naghihintay doon nang dumating kami. I knew it. Shock ang initial reaction ni Gwen. Hindi niya akalain na tototohanin talaga ni Josh ang sinabi nito kanina na iiwan siya. Nakita ko ang panic sa mata niyang naluluha kahit ayaw niyang ipahalata. "Dito na lang kami sa kanto, Gavin. Isasakay ko muna ng bus papuntang terminal si Gwen, uuwi kase siya sa Quezon. Salamat." Iginilid niya ang kotse at nagpasalamat din ang mangiyak ngiyak na ngayon na si Gwen. Hindi na ito nagsalita ulit at alam kong iiyak na siya anytime kaya hinayaan ko na muna. Hinihintay kong umalis si Gavin dahil kakawayan ko sana siya pero nagulat na lamang ako ng bumukas ang pinto sa driver's seat at bumaba siya. Itinaas ko ang kilay ko sa kanya. "Saan ka pupunta?" "Hihintayin na kita, sabay na tayo umuwi," casual na wika niya. Kung nasa mood si Gwen ay siguradong marami na itong interpretation sa mga ikinikilos ni Gavin pero distracted siya and to say that she's not herself will be a total understatement. Lalo tuloy akong nag-alala sa kanya. Pinara namin ang unang aircon bus na dumaan. Sinabi ko na ihahatid ko siya kahit hanggang terminal lamang pero tumanggi siya at sinabing gusto niya munang mag-isa. Hindi naman ako makakasama sa probinsya nila dahil darating si Papa bukas. Ramdam ko na hindi lang iyong takot niya sa pagbibiyahe mag-isa ng gabi ang issue niya ngayon. Mas dinaramdan niya na nagawa siyang iwanan ng bestfriend niya. At alam ko rin na na kung pipilitin ko pa siya ay iiyak na ito sa awa sa sarili. Malayo na ang bus pero nakatingin pa rin ako doon. Natauhan na lamang ako ng hawakan ni Gavin ang braso ko. "Gusto mong mag-ice cream?" tanong niya. Natulala ako. Matagal na panahon na nang huli kong marinig iyon mula sa kanya. Tinanggap ko na rin sa sarili ko na hindi na mauulit iyon pero heto siya, ang Gavin na kilala ko noon. Nginitian ko siya at tumango. Lumakad siya papunta sa 7-Eleven na hindi pa rin binibitiwan ang braso ko. Pagpasok ay dumeretso kami sa freezer sa bandang likod. Hindi na siya nagtanong kung anong flavor ang gusto ko, alam na niya iyon. Bumalik kami sa kotse niya pero hindi agad kami pumasok. Naupo lamang kami sa gilid ng kalsada, sa walkway ng University. Binuksan ko agad ang pint ng Coffee Crumble na iniabot niya at inumpisahan nang kainin iyon gamit ang plastic spoon na hiningi niya sa convenience store. "The way you eat ice cream never cease to amaze me," wika niya. Pinapanood pala niya ako habang kumakain. "Bakit naman?" tanong ko with mouth full. "Kasi you always look like it's your first time na nakatikim ng ice cream kahit lagi mo naman kinakain yan," he replied with an amused smile. Ginantihan ko naman ang ngiti niya. "I'm in a bad need of comfort food at this moment," sabi ko. "Masayahin kang tao but you worry too much about your friends," komento niya mayamaya. Marahil ay napansin niyang panay ang check ko sa cellphone kung may text o incoming call galing sa mga kaibigan ko. "May bad experience kase si Gwen sa pagbabyahe ng gabi kaya may phobia siya. Malayong byahe din iyon kaya worried ako sa kanya. Hindi naman ako nag-aalala ng ganito kapag magkasama sila ni Josh umuwi kaso nag-away sila kaninang umaga. Dapat yata nagpumilit akong samahan siya." Hindi ko na idinetalye sa kanya na ang kabaliwan ni Gwen kay Tyler ang dahilan at hindi naman siya nag-usisa. "Now I understand," tahimik na sagot niya. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga subjects ko, sa field work niya at binigyan din niya ako ng ilang informative facts na makakatulong sa research ko. Kasalukuyan naming pinagtutulungan ang assignment niya sa Trigo nang mag-ring ang cellphone ko. "Dell!" Napatayo ako nang marinig ang boses ni Gwen na umiiyak sa kabilang linya. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya pero parang sumakit ang dibdib ko sa pag-aalala. "Gwen, hindi kita maintindihan! Nasan ka na? Okay ka lang? Anong nangyari?" halos pasigaw na sabi ko. Tumayo na rin si Gavin sa tabi ko. "Si Joshua kase! Nakakainis! Akala ko talaga iniwan na niya ako!" garalgal ang boses niya sa galit pero bigla itong huminahon. Noon lamang ako nakahinga ng maluwag at hinayaan ko siyang magpatuloy. Sinulyapan ko si Gavin na mukhang naghihintay rin ng balita at napabuntong-hininga siya nang ngumiti ako at sumenyas ng thumbs-up. "Pero nandito siya sa terminal ng bus, hinintay niya ako. Sabi ng dispatcher dito kanina pa daw siya akyat baba sa bus, sasakay tapos magbabago ang isip pag paalis na ang bus at bababa ulit. Hindi niya ako natiis!" dugtong niya habang umiiyak pa rin sa magkahalong inis at tuwa. "Ang kapal ng mukha ng Gwendolyn na ito. Kaya kitang tiisin ano! Ayoko lang mag-alala ang nanay mo," singit ni Josh sa tabi niya. Napatawa ako sa dalawa. Mahal na mahal talaga ni Josh si Gwen. Swerte siya at si Josh ang bestfriend niya. Nang i-end ko ang call ay nakangiti na rin si Gavin. Niyaya ko na siyang umuwi dahil gabi na. Dalawang oras na pala kaming naroon. He drove quietly, glancing at me every once in a while. It was a silent trip. But this time, it wasn't awkward. Wala ring traffic kaya mabilis kaming nakarating. I thanked him for the ice cream and for the ride before I gathered my things. "I meant to ask you something kanina pa," biglang sabi niya pagkababa ko ng kotse. Yumuko ako at dumungaw muli sa bintana. "Ano yun?" tanong ko. He hesitated and put his hand at the back of his head. "Ahmm-" he can't seem to decide whether to say it or not. I raised my brow to prompt him to go on. He heaved a sigh before he continued. "Did you ever worry about me too? Back then when we were friends?" Natigilan ako sa tanong niya. Nang hindi ako agad umimik ay umiling siya. "Never mind, you don't really have to answer that," bawi niya na parang biglang nahiya at ini-start ang kotse. "Sige, pumasok na. Uuwi na rin ako." Bumuntong hininga ako. "Actually Gavin, I did. A lot." I admitted quietly and bit my lip. Tumango siya at ngumiti ng malungkot. "I'm sorry for making you worry," halos pabulong na wika niya bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD