Chapter 5 - in the rain

2538 Words
Hindi na naman ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Ilang araw na akong ganito at kitang kita ang ebidensiya sa eyebags ko. Pilit kong jina-justify na okay lang na nasaktan ko si Gavin dahil sinaktan rin naman niya ako noon, hindi ba? Pero hindi pa rin ako matahimik. I don't like the feeling, knowing that I let someone down. It bothers me, even if that someone once let me down as well. "Ano, maghihintay ka ba ulit sa Library?" tanong ni Gwen paglabas namin ng classroom. Friday na. I haven't seen him since for almost a week simula noong sinumbatan niya akong ipinamimigay ko siya. Nagbaka sakali ako maghintay sa kanya noong Wednesday pero walang Gavin na dumating. "Try ko muna mag-stay hanggang 6 pm, kapag hindi siya dumating uuwi na rin ako." "Tsk. Nagtampo na nga siguro yung tao. Ikaw naman kasi." "Oo na! Ako na ang immature, ako na ang hindi professional, ako na ang reklamador. Uulit-ulitin pa natin?" Tumawa ito. "O sige uuna na ako ha. May project daw si Josh. Umuwi ka na rin kapag hindi pa siya dumating mayamaya. Mukhang uulan, baka wala ka na naman masakyan." "Hindi yan uulan, mamayang madaling araw pa ang prediction ko diyan." "Mas mabuti na yung nakakasiguro," pilit nito. "Yes, Ms. Weather Girl." Sumaludo ako bago kami naghiwalay sa lobby. Dumeretso ako sa Library at naupo sa mesa na nasa bungad ng entrance para mabantayan kung sakaling darating si Gavin. Maya't maya ang pagtataas ng tingin ko sa tuwing bubukas ang pinto at paulit-ulit din ang aking buntong hininga sa tuwing makikitang hindi iyon ang hinihintay ko. Tapos na ang assignment ko sa Politics & Governance at ilang pahina na rin ang nabasa ko sa Plane Triginometry textbook na ipinahiram ni Dale pero ni anino ni Gavin ko ay wala akong nakita. Napabuntong hininga na naman ako ng mapansing 6:20pm na sa wall clock sa taas ng pinto ng Library. Naisip ko na silipin siya sa gym at magbaka-sakali na may practice sila pero nagdalawang isip ako nang makitang madilim na rin sa labas at makapal na ang ulap, kailangan ko nang umuwi bago tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Umaambon pa lamang nang dumating ako sa terminal ng tricycle papasok sa Sta. Cecilia Homes pero wala na halos masakyan. Mahaba na ang linya ng mga pasahero pero iilan lamang ang tricycle na nakapila papasok ng village. Siguradong mamaya pa ako makakauwi. Maya maya pa ay tuluyan nang bumuhos ang ulan. Palpak na naman ang weather prediction ko, dapat talaga nakikinig ako kay Gwen pagdating sa bagay na iyon. Walang nagawa ang folding na payong ko sa bayo ng hangin na kasabay ng ulan at halos mabaligtad na ito kahit sobrang higpit ng hawak ko. Hinigpitan ko ang yakap sa aking bag. Pag nagkataon ay mababasa lahat ng libro at notebook ko sa loob noon. Ramdam ko na rin ang nanunuot na lamig lalo na sa likod ko dahil basang basa na ang uniform ko at sa gawing iyon nanggagaling ang hampas ng hangin. Nag umpisa na ring mangatal ang labi ko sa lamig. "Get in, ihahatid na kita." Hindi pa man ako nag-aangat ng tingin mula sa pagkakayakap sa aking bag ay alam ko na kung kaninong boses iyon. Kilala ko rin ang kotseng pula na nakatigil sa gilid ng kalsada sa tapat ng kinatatayuan ko. Lumingon muna ako sa magkabilang balikat bago humarap sa nagsalita. "I said get in! Basang basa ka na!" pasigaw na sabi ni Gavin. Akala niya siguro ay hindi ko narinig noong unang nagsalita siya dahil sa lakas ng ulan. Hindi ako makaimik. Ginaw na ginaw na ako at halos makagat ko ang sarili kong labi sa panginginig kaya sa halip na magsalita ay itinuro ko ang sarili ko at nagtaas ng dalawang kilay upang matiyak kung ako nga ba ang pinapapasok niya sa kotse. "Tsk!" ang impatient na sagot niya bago kunot-noong dumukwang at binuksan ang pinto ng passenger seat. Nagdalawang isip akong pumasok dahil siguradong mababasa lahat ng bagay na madikitan ko sa loob ng kotse niya pero na-realize ko na mas mabuting lunukin ko ang pride ko at huwag nang mag-inarte kesa mai-stranded ako at manigas sa ginaw dito kaya umupo na rin ako. Wala na rin naman akong ibang maisip na paraan kung paano makakauwi kaya kakapalan ko na lang muna ang mukha ko. Pagkaupong pagkaupo ko ay bumaling siya sa akin at tinitigan ako. "May diperensiya ba ako sa mata sa tingin mo?" "Ha?" Saan naman nanggaling iyon? I want to tell him that he owns the most beautiful pair of eyes on earth in my personal opinion, next to Zac Efron of course, pero nahunos-dili ako. "Of course not, bakit?" naguguluhan kong tanong. "Kasi everytime I try to talk to you, you look over your shoulders kahit obvious naman na sa iyo ako nakatingin." I hesitated. "For two years you acted like you didn't know me. Sinisigurado ko lang na ako talaga ang kausap mo," sagot ko. Hindi siya umimik but I noticed how his jaw tensed and for a while ay nagsisi ako kung bakit inungkat ko pa iyon. Mayamaya ay inabutan niya ako ng isang towel mula sa varsity duffel bag niya na nasa backseat. "Okay lang ba?" garalgal ang boses kong tinanong. Tumango lamang siya habang deretso ang tingin sa kalsada at muling ini-start ang sasakyan. My whole body was trembling, my clothes dripping all over his car seat. Pinunasan ko ang mga braso ko at ibinalabal ang towel niya. Sinulyapan ko siya at nakitang nakatitig siya sa mga kamay kong noon ay nanginginig pa rin. Umiling siya at pinatay ang aircon. Maya-maya ay naramdaman kong iginilid niya ang sasakyan. Pagtigil ng sasakyan ay mabilis niyang hinubad ang varsity jacket na suot niya at iniabot sa akin ng walang imik. Nakaramdam ako ng panliliit. If he's trying to kill me with kindness, it's working. "Huwag na, okay na ako dito sa towel," tanggi ko. "Mamamatay ka na sa lamig, paiiralin mo pa rin ang katigasan ng ulo mo," inis na wika niya. Kinagat ko ang labi ko pero hindi ako umimik. "Basa na iyang towel, lalo ka lang giginawin diyan." Nang hindi pa rin ako kumilos ay inalis niya ang kanyang seatbelt bago dumukwang palapit sa akin. Inalis niya ang basang towel at ibinalabal sa balikat ko ang kanyang jacket. "Put it on. You're shivering," mas kalmado na ang tono niya ngayon. He's definitely killing me with kindness. Muli niyang pinaandar ang sasakyan at isinuot ko naman ng maayos ang jacket niya. Amoy cologne niya iyon, I hate to admit it but I missed that smell. His jacket is comfortable too. And it immediately made me feel warm, inside and out. Hindi kalayuan ang Sta. Cecilia kung saan naroon ang duplex na inuupahan namin pero dahil malakas ang ulan at medyo tumataas na ang tubig sa kalsada ay ma-traffic na rin papasok dito. Sa sunod na subdivision naman ang bahay nina Gavin, lampas sa amin. Noong close pa kami at wala pa siyang dinadalang kotse ay nagkakasabay kami minsan sa tricycle pag-uwi, lalo na kapag umuulan. Mas marami kasing tricycle ang bumabyahe papunta sa kanila dahil mas malaking subdivision ang BF Residences kaya kapag walang tricycle sa amin ay isinasabay niya ako at pinakikiusapan ang driver na idaan ako sa amin. "Thank you, Gavin," usal ko when I finally found my voice. Hindi na ako masyadong giniginaw at hindi na garalgal ang boses ko. Salamat sa towel at jacket niya. Sumulyap lamang siya ng saglit sa akin, his expression unreadable. "And I'm sorry," I added in almost a whisper. He just stared silently ahead. Hindi siya lumingon pero nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela. Alam kong inis pa rin siya sa akin pero hindi niya ako natiis kanina noong nakita niya ako sa gitna ng ulan. "Alam ko napaka-immature ng inasal ko. And you were right, I didn't keep my word. I'm really sorry. If you still want me to be your tutor, babawi ako. I can't say na marami akong maituturo pero I'll try my best." "If you're suddenly saying that just because I gave you a ride, don't bother. Hindi ako naniningil." "Hindi!" I protested. "Gusto ko talaga mag-sorry sa iyo." Hindi na siya umimik. At least nag-sorry ako at nag-offer. Kung ayaw niya, wala na akong magagawa doon. Siya nga hindi man lang nag-apologize noong tamaan ako ng bola. Tumahimik na rin ako pero pagpasok ng village ay muli akong nagsalita. "Paki-kanan mo na lang diyan sa kanto tapos kaliwa sa pangalawang stree-" "I remember where you live, Grace. You don't have to give me directions," he cut me off, obviously irritated. Okay! Aba malay ko bang natatandaan pa niya. Nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng gate namin ay dali dali akong lumabas at muling nagpasalamat. "Lalabahan ko muna ang towel at jacket mo. Ibabalik ko rin agad bukas." Tumango lamang siya without emotion. Hinihintay ko siyang umalis pero hindi siya kumilos. "Baka gusto mong ipaglinis kita ng kotse bukas, sabihin mo lang," dagdag ko. Nakakahiya ang bakas ng tubig sa inupuan ko at ang maputik na carpet na aking tinapakan. Anyway 11am pa naman ang pasok ko kapag Saturday. Kumunot ang noo niya. "Don't be ridiculous, that's not necessary." Yumuko siya at may kinuha sa bag niya. "Hindi ko ma-solve yung problem number 7 sa page 58, paki-try mo," anito sabay abot sa akin ng Plane Trigonometry textbook niya. Napangiti ako. "Pumasok ka na," pautos na sabi niya. "Oo, pagka-alis mo," masayang sagot ko kahit hindi niya ginantihan ang ngiti ko. "Tss. Pumasok ka na sabi, magpalit ka ng tuyong damit." Ang sungit na naman nito. Pero mas mabuti na nga siguro iyon, sanay naman akong masungit siya. Mas hindi ko nagugustuhan ang pagbilis ng t***k ng puso ko kapag nagpapakita siya ng kabaitan. "What are you waiting for?" muling wika niya na nakataas ang mga kilay. "Eto na, papasok na po. Thank you ulit." Habang binubuksan ko ang gate ay ini-start na rin niya ang kotse pero umalis lamang siya ng makapasok na ako ng pinto. Napayakap ako sa sarili ko at napangiti matapos kong silipin sa bintana ang umalis na kotseng pula. Akalain mong gentleman din si sungit. Six days in a row na akong walang maayos na tulog pero that night I had a good sleep. Kung hindi lamang dumating sina Gwen at Josh ay hindi pa ako magigising. "OH. MY. GOSH!" maarteng wika ni Gwen pagpasok sa gate sabay takip ng isang kamay sa bibig. "Umamin ka, girl, nagsasama na ba kayo ni Gavin?! Nalingat lang ako ng isang araw!" halos pasigaw na dugtong niya. Kunot noo akong bumaling sa kung anong tinititigan nilang dalawa sa bandang gilid ng bahay at napatawa. Nakasampay doon ang varsity jacket na may malaking number 4 sa likod at ang blue towel ni Gavin. Kung hindi ko lamang dapat isauli agad ang jacket na iyon ay balak ko pa sana isuot sa pagtulog magdamag. Pero dahil nag-promise ako ay nilabahan ko agad iyon kagabi. "Ang bibig mo Gwen! Pumasok nga kayo dito at baka marinig kayo ng mga kapit-bahay, ma-chismis pa ako." "Pero kay Gavin nga iyong number 4 na jacket, hindi ba?" si Josh naman ang nag-usisa. Wala siyang pasok tuwing Sabado pero hinihitay niyang makalabas si Gwen hanggang 6pm dahil sabay silang umuuwi sa Lucban, Quezon every weekend. "Nandyan ba siya sa taas? Tulog pa ba? May nangyari na ba sa inyo?" bulong ni Gwen nang makapasok sa salas. Akmang sasagot na sana ako pero sumingit si Josh. "Ano naman palagay mo kay Dell, easy to get?" tanong nito. "Hindi naman sa ganoon. Nagtatanong lang ako kase interesado ako sa lovelife niya. Tsaka pag kasing gwapo ni Gavin ang boylet, why not diba?" defensive na paliwanag ni Gwen. "Hindi ganoong klaseng babae si Syndell, I'm sure may reason kung bakit nasa kanya ang jacket ni Gavin." Hinayaan ko lang muna silang magtalo. Ito ang isa sa mga palabas na enjoy na enjoy akong panoorin. "Ang ibig mong sabihin kapag pala niyaya ka ni Tyler na mag one night stand, papayag ka dahil lang sa gwapo siya?" Halatang iritado na si Josh. "Ahhmmm.... uhmm..." hindi malaman ni Gwen ang isasagot. Napa-face palm naman si Josh sa inis. "At talagang nag-isip ka pa Gwendolyn! Hindi! Hindi ang isasagot mo!" nagtaas na ito ng boses. "At bakit naman hindi? Ang yummy kaya ni Papa Tyler! Ang daming girls na nagkakandarapa para i-give up ang virginity nila para sa kanya. Kaya kapag niyaya niya ako, pagkakataon ko na iyon! Bakit ko sasayangin ang chance ko?" I can sense mischievousness sa mga mata ni Gwen, alam kong hindi siya seryoso. Pero gaya ko, ine-enjoy lamang niya ang sudden outburst ni Josh. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Tanga ka ba? Wala ka bang naalala sa mga pangaral ng nanay mo? Ibibigay mo ang sarili mo sa isang taong hindi mo sigurado kung mahal ka?" "Eh bakit sa mga movies, after nilang gawin yun, na-iinlove na sila sa isa't isa diba kase may attachment na sila, hindi ba?" Marahas na bumuntong hininga si Josh, halos umusok ang ilong nito sa galit. Hindi ba niya talaga nahalatang iniinis lang siya ni Gwen? "Tubig, Josh?" I interrupted pero tinapunan lamang niya ako ng isang 'Do you mind? I'm in the middle of something' na tingin at salubong ang kilay na umiling. Mainit talaga ang ulo ng lolo. "Makinig ka, Gwendolyn, at isaksak mo itong sasabihin ko diyan sa buhol-buhol na utak mo," umpisa ulit nito at saglit pero mariing idinuro ang hintuturo niya sa noo ni Gwen. Ayaw na ayaw ni Gwen na tinatawag siya sa buong pangalan but with Josh's mood at this moment, I don't think she will dare argue. Nahalata na rin yata ni Gwen na seryoso ang kababata niya kaya hindi na ito humirit ng kalokohan. "Ibibigay mo lamang ang sarili mo sa taong sigurado kang mahal ka, hindi iyong idadagdag ka lang sa mahabang listahan niya. Yung aalagaan ka, hindi iyong itatapon ka na lang sa isang tabi kapag nakuha na niya ang gusto niya. Yung seryoso sa iyo, pahahalagahan ka, iingatan ka, paninindigan at pasasayahin ka. At ibibigay mo lang yan kapag kasal ka na!" Oh my God, seryoso nga talaga si Josh. Naniwala talaga siya bibigay ng ganun ganun na lang si Gwen? "Naiintindihan mo ba?" Inantay ko ang sagot ni Gwen sa mga sinabi ni Josh. Dapat galingan niya ang sagot dahil isang maling hirit pa ay siguradong maghahalo na ang hindi dapat maghalo sa itsura ni Josh. "Yes, Father. Ilang Our Father, Hail Mary at Glory Be po ba ang kelangang dasalin ko?" Oh no. Iyon ng isinagot ni Gwen at pagkatapos ay bumunghalit ng tawa. That did it. Kitang kita ko kung paano nagdilim ang paningin ni Josh bago tumalikod at ibinagsak ang pinto. Tawa pa rin ng tawa si Gwen habang hinahabol ko si Josh na nag-walk out. "Nagbibiro lang siya, Josh. Ano ka ba?" sabi ko nang abutan siya sa gate. "Sabihin mo diyan sa magaling nating kaibigan na umuwi siyang mag-isa mamaya at maghanda na siya ng paliwanag dahil makakarating sa nanay niya lahat ng kalokohang pinag-gagagawa niya dito," asar na wika nito bago tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD