Chapter 4 - giving him away

2285 Words
I was paralized. What did I just hear him say? "I need you, Syndell Grace." I noticed that the noise inside the classroom died down and everyone was watching us. I suddenly became aware of my hands pressing on his chest and became conscious of his hands around me. I abruptly pulled away and he blinked. I looked over my right shoulder, over to my left, then back to the drop dead gorgeous guy infront of me again. He's talking to me, right? He closed his eyes shortly and shook his head. "It came out wrong, I'm sorry." I knew it. "What I mean is I need you to help me with my lessons. Can you be my tutor?" I heard multiple sighs of relief behind my back. Right. What would Gavin need me for other than that? "Ahh, sure," I replied feeling stupid. Nag-umpisa na muling umingay sa classroom. Ang ilan ay naglabasan na. "Syndell, okay ka lang?" Hinawakan ni Gwen ang braso ko. Tumango ako at ngumiti ng pilit. "Hinihintay ka na ni Josh. I'll see you tomorrow." Pinisil nito ang braso ko at tinapunan ako ng makahulugang tingin bago lumabas ng pinto. Gavin offered to carry my books matapos niya itong pulutin but I refused. I need to hold on to something bago pa niya mahalatang nanginginig ang mga kamay ko. "To be honest, I expected to teach a Freshman or a Sophomore. Final year mo na, hindi ba? Ang alam ko, more on field work at thesis na kayo. Anong ituturo ko sayo eh graduating ka na?" Naglalakad na kami sa hallway papuntang College Library. "May dalawang math subjects akong naiwan dahil conflict sa schedules ng practice ko noon. Hindi ako pwedeng sumablay sa Plane Trigonometry this Sem, otherwise hindi ako pwedeng kumuha ng Statistics next Sem dahil pre-requisite iyon. Delikado rin baka mawala ang scholarship ko kapag hindi ako umabot sa maintaining grade. And I might not be able to graduate because of that. " Why does that sound as if kasalanan ko kung hindi siya makaka-graduate? Habang nag-eexplain siya ay panay ang pa-cute ng mga nakakasalubong naming female and gay students. Okay lang naman sana dahil alam ko namang head turner talaga siya pero habang kumukislap ang mata nila kay Gavin ay panay naman ang tapon nila irap sa akin. "Well then I think you came to the wrong person. Nakalimutan mo na bang Psychology ang course ko?" Tumigil ako sa paglalakad sa tapat ng lobby bago pa kami dumating sa Library. Mas mabuti sigurong sa iba na lamang siya magpatulong. Bukod sa wala naman rin akong alam sa ipinapaturo niya ay talagang napaka-awkward ng sitwasyon na ito. Tumigil din siya sa harap ko, inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa at sabay na itinaas ang mga kilay sa akin. "If I remember it right, when I asked you earlier if you could be my tutor, you said yes." Shit, ganito na ba talaga siya ka-gwapo noon pa? Nahihirapan tuloy akong mag-isip ng palusot. "Ano namang malay ko sa Trigo? Ni wala iyon sa curriculum namin, noong High School pa kami huling nagkita noon," pangangatwiran ko. Nagkibit balikat lang siya. "Then you'll be my study buddy. We'll learn it together," he replied casually. Kumunot ang noo ko. Dalawang taon niya akong hindi kinausap, binato niya ako bola last week without apologies, at ngayon gusto niyang i-tutor ko siya? Ano siya, sinuswerte? "Niloloko mo ba ako?" I dared to ask. It's a known fact that he seldom smiles but when his expression turned serious, I stepped back. With that, he stepped closer, cupped my face with both hands and pierced me with his Zac Efron eyes. "Do I look like I'm kidding?" he asked without even a hint of humor. Oxygen! Oxygen! Hindi ako makahinga! "Bitiwan mo nga ako!" Kahit gusto kong alisin ang pagkakahawak niya sa pisngi ko ay hindi ko magawa dahil ayaw kong malaman niyang nanlalamig ang mga kamay ko. He just smirked at me. "Why would I do that?" "Dahil ayaw ko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay." "What???" he asked in confusion. Ngumuso ako para ituro ng ilang admirers niya sa paligid na masama ang tingin sa akin. Marami naman akong kaibigan sa buong campus kahit sa iba't ibang courses pero mukhang mas marami siyang fans. Kahit iyong mga freshmen na dati ay binabati ako at tinatawag na 'ate' ay nakasimangot na ngayon sa akin. Buti na lang tapos na ang Student Council election dahil kung nagkataon, imposibleng iboto ako ng mga ito. "Kapag hindi mo ako binitiwan, nararamdaman kong in 5 minutes kukuyugin na nila ako." "You're exaggerating. Nobody will hurt you." Actually you did, two years ago. "I said bitiwan mo ako," ulit ko through gritted teeth. "Promise you'll be my tutor first." Wala na akong choice. Ito lamang ang paraan para matapos ang freak show na ito. "Okay! Promise!" He pulled away from me and put his arms across his broad chest. Then he gave me a smug smile. "Time always flew fast when I'm with you. Tingnan mo ubos na ang isang oras natin sa pagtatalo. Next session na lang tayo mag-aral." After that, he turned and walked away. "Freak!" I muttered under my breath. "I heard that!" walang lingon na pahabol nito habang naglalakad palayo. My mouth literally hanged open while I watch him disappear on his way to the gym and I shook my head in disbelief as I made my way home. Anong nakain niya at bigla na lamang niya akong kinausap? I spent another sleepless night nang gabing iyon, thinking of a way to get rid of Gavin. I have always been a person who trusts easily pero hindi ko maiwasang magduda sa intentions niya. If this is not a game for him, what is this? Ang alam ko lang , kung anuman iyon, hindi maganda ito. Alam kong may pinaplano siya pero hindi ko alam kung ano. Kinaumagahan ay naupo ako ng walang pahintulot sa tabi ni Tyler. Napansin kong tumikhim at nagtaasan ang kilay ng mga babae sa kalapit na table pero wala akong pakialam. I'm on a mission. "Anong sinabi mo kay Gavin? Anong pinaplano ninyo?" Napakamot sa ulo si Tyler sa tanong ko. 7:30 am pa lamang ay nasa school na ako kahit 10 am pa ang umpisa ng klase ko kaya inabutan ko siyang kumakain sa foodcourt ng school. May duda ako na may alam na naman siya. I have to know what he's up to. Pero nang tinanong ko siya kung bakit gusto akong maging tutor ni Gavin ay muntik na siyang nasamid. "What???!!!" Inabot niya ang bote ng tubig sa harap. I crossed my arms and looked at him eye to eye. Alam kong narinig niya at naintidihan ang tanong ko. "Gagawin ka niya kamong tutor sa Math? Are you sure?" ulit niya sa sinabi ko pagkatapos lumunok. He sounded surprised and genuinely clueless. I rolled my eyes. "Oo nga, Plane Trigonometry daw." Tumawa siya umiling bago muling sumubo ng kanin at tapa. Halatang namamadali siya sa pagkain. "Wala akong kinalaman doon, maniwala ka sakin. Diba sabi ko naman sa iyo, hindi nagkukwento yang taong yan? Hindi siya humihingi ng opinyon ng iba sa mga desisyon niya." Inumpisahan na niyang ilagay sa tray ang pinagkainan niya. Clean as you go kasi ang policy sa foodcourt namin. Hindi ako umimik, hinintay ko lamang siyang magpatuloy. "But I have two words for Gavin in this matter," Bumuntong hininga ako. "Ano naman yun?" Inubos muna niya ang isang boteng mineral water bago ako muling hinarap na naka ngiting aso. "Desperate measures," tapos nito bago tumawa ng malakas. Sumimangot ako habang naguguluhan sa sinabi niya. At bakit naman magiging desperate measure iyon? Siguro dahil desperado siyang pumasa. "Alam mo gusto ko pa sanang makipagkwentuhan, favorite topic ko yang mga ganyan. Pero I really have to go, may klase ako ng 8 am," aniya matapos sulyapin ang relo sa braso. Tumayo na ito pero ako ay naiwang nakaupo pa rin at nag-iisip ng ibang solusyon sa problema ko. So much for my so-called mission. Akala ko pa naman ay may mapapala ako kay Tyler. As usual ginulo na naman niya ang buhok ko bago ngumiti. Suminghap ang mga tagahanga niya malapit sa amin na halatang naiinggit dahil tila close kami. "Relax, he's one hell of a good student. Tsaka it's about time he does something, don't you think?" Kumindat pa ito sa akin bago tuluyang tumalikod at umalis. Kumuha lamang ako ng iced white coffee sa vendo machine at lumabas na rin patungong Student Council office. Wala na akong inabutan doon kagabi pagkatapos kong kausapin si Megan ng Honor Society. Unfortunately, wala nang ibang tutor na available kaya hindi na daw ako pwedeng mag back out. "Dale, I really really need your help," wika ko agad agad pagpasok ng SC office. He's always dependable, iyon ang isang quality na gusto ko sa kanya kaya ko siya naging crush. "Mukha nga, wala man lang good morning eh," natatawang wika niya. "Ano yun, ha?" usisa naman ni Faith na noon ay nagtitimpla ng kape sa pantry. "Tutoring dillema," sagot ko. "Iisang session pa lang kayo, problemado ka na agad?" "Trigonometry ang pinapa-tutor sakin, anong ituturo ko dun?" reklamo ko. "Dell, you're a consistent Dean's Lister, you had good grades in all subjects, konting aral lang yan sa iyo. I don't think you'll have a hard time. Hindi rin naman kasi pwedeng mamili ng subject na ituturo diba? Nasa guidelines iyon. And if I remember it right, nag-contribute ka sa pagbuo ng tutoring guidelines na yan," hindi inaalis ni Dale ang kanyang mata sa laptop habang kinakausap ako. "Oo nga, kaso siyempre case to-" "Sino ba student hawak mo? Mahirap bang turuan?" putol niya sa sinasabi ko. "Si Gavin Mateo," halos pabulong na sagot ko. Just mentioning his name send me shivers. Biglang napaso si Faith sa iniinom na kape at napabuga sa sinabi ko. Pangatlo na siya sa mga nasamid nang sinabihan kong si Gavin ang itu-tutor ko. Iyon din kase ang reaction ni Gwen kagabi at ni Tyler kanina lamang. Si Dale naman ay biglang nag-angat ng tingin. "Yung ex mo na nakatama sa iyo ng bola?" nanlalaki ang matang tanong ni Faith habang dinadampi ng tissue ang bibig niya Pinandilatan ko rin siya ng mata. Classmate ko siya sa ilang subjects simula pa noong first year kaya alam niya na once upon a time ay naging close kami ni Gavin. Last week ay nanibago ako dahil ipinagtatanggol niya ako sa pang-aasar nina Charlie pero nag-iba na ulit yata ang ihip ng hangin. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong hindi ko siya ex?" angil ko. Ngumiti lamang ito at bumaling kay Dale. "What do you think, Pres?" Dale looked amused but maintained his composure. "Well, we're all seniors, Dell. Mature enough. I have a book in Trigo, dadalhin ko bukas, you can use that as reference. Just do your responsibility as a tutor. Anyway, you signed the agreement. Let's act professional here." Kapag ipinasok na ni Dale ang word na professionalism sa usapan, isa lamang ang ibig sabihin noon. Bear with it. End of discussion. Tapos ang usapan. I was sad when I left the office but not without hope. Sabi ni Mama, there's always sunshine after the rain, laging may solusyon sa lahat ng problema kaya hindi dapat nawawalan ng pag-asa. Nakakainis kasi si Josh. Akala ko siya na ang pag-asa ko dahil BS Accountancy siya pero sinubukan ko siyang pilitin kagabi na mag-sign up sa tutoring, ayaw naman dahil busy daw siya sa OJT niya. On second thought, naalala kong halos pingutin niya ang tenga ni Gwen tuwing magpapaturo noon ng Modern Math sa kanya. Baka nga hindi uubra. I still have time. Dumeretso ako sa headquarters ng The Ledger, ang school paper ng University namin. Halos tumakbo ako papunta doon. I don't usually ask favors from people na hindi ko naman masyado ka-close pero desperado na ako. Nakakadalawang hakbang pa lamang ako paakyat ng hagdan leading to The Ledger office nang may humatak ng braso ko. "Ga-" "Why are you giving me away?" Gavin's tone was accusing. Yellow ang kulay ng scrub suit na suot niya na lalong nagpatingkad sa moreno pero makinis niyang balat. Medyo magulo ang buhok niya at mukhang mag-du-duty sa ospital. "Anong-" "Akala mo ba hindi ko alam? Kinausap mo kagabi si Megan para hanapan ako ng ibang tutor. Kanina lang, kay Dale ka naman nagpapatulong at ngayon anong balak mo, ipamigay ako kay Linley?" How did he know all that? Is he stalking me? Pero yung kay Linley, kakaisip ko lang noon ngayon na ngayon lang. Can he actually read my mind? Nakupo! Nababasa rin kaya niya na iniisip kong ang gwapo gwapo niya sa scrub suit niya? "Ha?" parang tanga kong wika. Bumitiw siya sa pagkakahawak sa braso ko at ibinaling sa malayo ang tingin. "Look, your excuses are so lame. I know you're merely trying to get rid of me. But I would appreciate it if you would just tell it straight to my face that you don't want to waste you precious time helping me out with my subjects kesa naman nag-aabala kang hanapan ako ng ibang tutor." "Hindi naman -" Marahas niyang ibinalik sa akin ang tingin at Itinaas ang isang kamay to stop me. Did I actually see hurt in his eyes? "If you don't want to be my tutor, just say so. And please don't bother to find a replacement. I'll do that myself. Next time don't do me any favors. And don't make promises you cannot keep." Umiling siya at ngumiti ng mapait as if telling me that I was a big disappoinment to him. Then he left.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD