Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Lutang ang isip ko sa mga sinabi ni Tyler, lalo pa at patuloy na ume-echo sa tenga ko ang huling sinabi niya...
"Gavin has a lot of fears...and you're one of them."
What is it in me that he has to fear?
Oo, alam kong hindi ako kagandahan pero hindi naman yata nakakatakot ang itsura ko. Hindi ako matangkad pero sabi ni Papa maganda raw ang tindig ko. Hindi ako masyadong maputi pero medyo makinis rin naman ang balat ko. Hindi tuwid ang buhok ko pero maayos at makintab ito. At sabi ni Mama maganda daw ang laging nakangiti kong mga mata at ang manipis na labi ko. Not that it counts dahil siyempre, nanay ko siya. Every child is beautiful in their mother's eyes sabi nga nila. Pero noong tinanong ko si Gwen dati kung 'pretty' ba ako o 'pretty ugly', pretty naman ang isinagot niya. Nabingi ba ako sa sagot niya o nagsisinungaling lang siya?
Pagpasok ko sa maliit na gate ng apartment ay wala pa rin ako sa sarili. Madilim pa ang harap ng bahay dahil hindi ko pa nabubuksan ng ilaw. Ang tanging nagbibigay ng bahagyang liwanag ay ang ilaw sa receiving area sa loob ng bahay ng may ari ng paupahang duplex na ito.
"I hate you!!!" isang sigaw ang gumulantang sa pagmu-muni muni ko.
"Langya! Gwen!?!" napamura ako sa gulat. Nakita kong may isa pang anino ng lalaki sa tabi niya. Si Josh.
"Bakit ka hinahanap ni Tyler my inspiration kanina? At bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na kanina pa kami nagtitiis sa mga lamok dito?! Magkasama kayo ano? Umamin ka! Umamin ka!"
"Gwe-"
"First year pa lang tayo alam mo nang Tyler is my everything tapos...tapos...of all people na mali-link sa kanya, ikaw pa! Ikaw pa na bestfriend ko! Alam mo ba kung gaano kasakit yun?" saglit siyang huminto at huminga.
"Nagkaka-"
"Hep! Hindi pa ako tapos!"
Tss. Hindi talaga ako makasingit.
She lifted a finger in the air, warning me not to talk until she's done.
Umiling ako at binuksan ang screen na pinto bago kinuha ang susi ng main door sa bag ko. Kailangang sa loob kami mag-usap bago pa lumabas si Aling Martha, ang may-ari ng bahay o ang masungit na anak niyang si Corinne. Siguradong pagsasabihan ako noon sa lakas ng boses ni Gwen at isusumbong kay Papa pag-uwi niya.
Walang tigil ang bunganga ni Gwen hanggang sa loob ng bahay at sinundan ako sa kusina.
"Mas matatanggap ko pa Syndell kung si Linley ang lumandi kay Tyler pero ikaw?! How could -"
Isang malakas na batok ang dumapo kay Gwen mula kay Josh.
"Langya! Ang sakit nun ha!" galit na baling nito sa kanina'y nananahimik naming kaibigan.
"OA ka na! Makasabi ka ng malandi dyan, akala mo hindi mo kilala yang kausap mo. Tinanong lang satin ni Tyler kung nasan si Syndell, malay mo ba kung magkasama nga sila?"
Marahas na bumungtong-hininga si Gwen at humalukipkip.
"Hinahanap ka ni Tyler kanina. Nagkausap ba kayo?" baling sakin ni Josh.
"Oo. Actually siya nga ang kasama ko pe-"
"Kita mo na!" mabilis na sumbat ni Gwen.
Dali daling hinila ni Josh si Gwen at tinakpan ang bibig nito.
"Go on, Dell."
Huminga ako ng malalim.
"Pero hindi kami naglandian. Nag-apologize lang siya sa nangyari kahapon."
Sa sinabi kong iyon ay biglang binitawan ni Josh ang maligalig na si Gwen at itinulak ito papunta sa akin.
"Talaga?" tila nahihiya ang tono ni Gwen, ibang-iba sa palengkerang kaharap ko kanina.
"Oo naman."
"Sana ako na lang ang tinamaan ng bola."
Napatawa ako sa sinabi niya, lalo na nang bigla niya akong yakapin. Ganoon lamang talaga si Gwen, impulsive kung magalit pero mabilis din mawala. Kaya sanay na ako sa kanya, pinababayaan ko lang siya at kapag kalma na siya, tsaka lamang ako magpapaliwanag. Si Josh naman, kahit mas kilala niya sa Gwen, minsan hindi rin makatiis. Sabi niya siya daw ang taga-gising ni Gwen sa kahibangan.
"Hala, nakakahiya," usal ni Gwen habang nakasubsob sa balikat ko.
"Buti alam mo," singit ni Josh.
"Baliw!" hinampas ko ang balikat nito.
"Hoy Gwen," tawag ni Josh. Ihinagis niya ang packbag na hawak at agad itong sinalo ni Gwen.
"Sa lahat naman ng taong galit na galit, ikaw lang ang makapal ang mukha na nakapag-baon pa ng damit para makitulog sa taong kinagagalitan mo."
"Dito ka tutulog?" natutuwa kong hinarap si Gwen.
Tumango naman ito.
"Wala naman tayong pasok bukas. Tsaka kelangan mong ikwento sakin lahat ng napag-usapan ninyo ni Papa Tyler."
"Ikaw, dito ka na rin matulog!" alok ko kay Josh.
"May pasok ako, baka nakakalimutan ninyong B.S. Accountancy ang course ko," sagot niya habang umiiling.
"Eh di umalis ka nang maaga, problema ba iyon?"
"Di pwede eh, nasa apartment si Mommy, wala siyang kasamang lalaki sa bahay."
"Sus, akala mo naman napaka macho at may magagawa kapag may nagtangkang masasamang loob!" sabat ni Gwen.
Nagmamalaking itinaas ni Josh ang braso niya sa harap ng kababata at ngumibit.
"Muscles 'to hoy! Lean lang ang katawan ko pero muscles yan! Akala mo yang Tyler mo, kayang kaya yun itumba gamit ang mga muscles na ito!"
"Muscles mong mukha mo, paano ka magkaka-muscles eh wala kang ibang alam na exercise kundi Dota?"
"Alam mo, hindi mo naitatanong pero madalas ako sa gym kapag-"
"O sige naniniwala na kami. Umuwi ka na, gabi na kasi," pagtataboy ko habang tumatawa. Kung hindi ko aawatin ang dalawang ito ay aabutin ng 10 years ang pagtatalo at pagpapayabangan nila. Nilingon ko ang wall clock sa taas ng pinto nang tumayo si Josh at tumigil doon at nakitang 10pm na pala. Hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras.
"I love you bestfriend!" sigaw ni Gwen kay Josh habang ihinahatid ko papuntang gate.
"Ikaw na bahala sa baliw na kaibigan natin ha. Kapag nagwala ulit tawagan mo lang ko, magdadala ako ng tali at sako," natatawang bilin naman ni Josh bago tuluyang umalis.
Magdamag na dumaldal si Gwen tungkol sa pagkahumaling niya kay Tyler pero konti lamang sa mga sinabi niya ang na-absorb ko because my mind was occupied by something else, or should I say someone else. Halos mabingi na rin ako sa kakukulit niya sa pinag-usapan namin at ipina ulit-ulit sa akin ang kwento hanggang kinabukasan.
Puyat na puyat ako nang bumalik sa school ng Biyernes dahil kay Gwen at humihikab pa nang madaanan ko ang varsities na nagkakatuwaan sa isa sa mga bleachers ng covered court. Napansin kong nakalapag sa upuan ang familiar na gitara ni Gavin habang nagkakantyawan sila. Naka uniform sila at mukhang nagre-relax after a practice kaya sinadya kong gumilid ng daan para hindi nila ako mapansin on my way to the Student Council office na nasa itaas ng building na iyon.
"Dell! Dell!"
Wala akong balak na batiin sila at gusto ko na sanang magkunwari na lamang na hindi ko narinig ang pagtawag sa pangalan ko kung hindi lamang nagpa-ulit ulit si Tyler. Hindi pa siya nakuntento. He jogged closer and pinched my arm before giving me a friendly smile.
Nagtaas ako ng kilay to acknowledge him at ngumiti nang linggunin ko siya. Pinilit kong sa kanya mag-focus kahit from the corner of my eye ay nakikita ko si Gavin na nakatingin sa amin with his usual blank expression.
"Suplada. Kanina pa ako tawag ng tawag ah! Kumusta epekto ng ice cream sa iyo?"
Gusto kong sabihin na nagustuhan iyon ng husto ni Gwen pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Okay na ako. Sorry hindi kita agad narinig."
"Nabingi ka ba dahil sa tama ng bola?" he asked and laughed at his own joke.
"Sira. May iniisip lang."
It wasn't a total lie, totoo naman na may iniisip ako pero hindi na niya kailangang malaman kung sino.
"Sino? Isa ba sa mga nakaupo doon?" nakangising tanong niya bago lumingon sa mga kaibigang iniwan niya sa upuan.
Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy niya at nakitang hawak na ni Gavin ang gitara at nag-umpisang mag-strum ng isang pamilyar na kanta. Isa iyon sa mga kanta ng paborito naming banda.
"I need to go Ty, sa ibang araw na lang tayo magkwentuhan, may importante kasi akong tatapusin sa office bago mag-klase," I said abruptly and turned to leave.
Ayokong marinig kumanta o mag-gitara si Gavin. It reminds me of so much memories na hanggang ngayon ay masakit pa.
"Listen to his song, Dell. Who knows, it might be for you," pahabol pa ni Tyler pero hindi na ako muling lumingon.
Yeah, right. Gavin wouldn't even talk to me, there's no way he'd bother singing me a song.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pa nalakalayo nang mag-umpisa siyang kumanta. Kung hindi lamang masyadong obvious ay gusto ko sanang takpan ang tenga ko para wala na lang akong maalala.
My heart started beating triple time and I quickened my pace while silently cursing Tyler for making me think that the song might be for me.
When I reached the stairwell leading to the SC Office, I had no choice but to turn around. Baka naman mahulog ako kung magmamatigas ako at aakyatin ang mga baytang ng patalikod. Pero bago ako humakbang ay hindi ko napigilang tingnan ang varsities sa bleachers. Abala na ang ibang players sa kung anumang pinagtatawanan nila sa tablet na hawak ni Noel pero si Gavin ay tuloy pa rin sa pagkanta habang nag-gigitara.
Medyo malayo ang pagitan namin pero sigurado akong sa akin siya nakatingin. I stood there for a while dahil alam kong hindi siya tatagal at iiwas siya ng tingin. He coudn't stand looking at me in the eye. Ilang beses ko nang nasubukan iyon sa tuwing makakasalubong ko siya.
But this time he just stared without blinking and I had no choice but to listen as he continued singing.
♫ That I loved you more than you'll ever know
A part of me died when I let you go ♫
It was me who turned away first. Defeated na kung defeated pero parang biglang nanghina ang tuhod ko sa titig niya kaya nang maabutan ako ni Charlie sa baba ng hagdan at kumapit ako sa kanya paakyat.
"Thank God it's Friday!" full of energy na bati sa amin ni Faith ng pumasok ako sa SC Office.
Pinilit kong ngumiti at alisin sa isip ko ang mga mata ni Gavin kahit na alam kong hanggang sa pagtulog ko mamaya ay maalala ko iyon.
"Nangangamoy gimmick ah," komento ko habang ibinababa ang ilang libro na iiwanan ko bago pumunta ng klase.
"Mamaya ang debut ni Zander sa Clubhouse ng BF Residences diba? Hindi mo alam? Imposible," sabi sa akin ni Rodge.
"Ah, mamaya ba iyon?" patay malisya kong tanong.
"Don't tell me hindi ka invited?" nagdududang usisa ni Charlie.
Nang pumunta sa classroom ko si Zander para kumustahin ako after ng incident sa gym ay binanggit na niya iyon. Sinabi ko na titingnan ko para tumigil na siya pero wala talaga akong balak pumunta.
"Hindi ako mahilig sa night life. Tsaka may pasok ako bukas, ayokong magpuyat, aantukin ako sa klase."
"O baka may grand invitation pa sa iyo si Zander para sa birthday niya in front of the whole school na naman?" Faith eyed me suspiciously.
I cringed at the thought. I hope not.
Naging classmate ko si Zander once sa Asian History. Sinabi niya sa akin na crush niya ako pero likas siyang bolero kaya hindi ko iyon pinapansin kapag niyayaya niya akong lumabas, akala ko ay pinagti-tripan lamang niya ako. Pero last year niyaya niya akong mag-date in front of all officers during the School Organizations' General Assembly. Ayaw kong mapahiya siya kaya um-oo ako kahit ang totoo ay gusto ko siyang sipain for putting me into that humiliating situation.
"O umiiwas ka lang na baka yayain ka niya ulit sa isa pang date at hindi ka na naman makatanggi?" Rodge asked as if reading my mind.
"That was very childish of him , if you ask me. Ginawa niya iyon dahil alam niyang hindi ugali ni Syndell na manghiya ng tao. She was cornered and I think everybody knows that," si Dale na ang nagsalita.
That's Dale, my defender.
I still regret why I didn't have enough courage to say no to him that time. Gwapo siya at magaling magsayaw kaya maraming nagsabi noon na tanga na lang ako kung aayaw pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag. Medyo naawa lang ako at inisip ko na bigyan siya ng chance maging kaibigan. Problem is, he's way too much to handle. He's a funny guy kaya mabenta siya sa mga girls but he's also manipulative as I have observed. Very nice siya on the outside but I can't seem to trust what's going on in his mind. He doesn't like rejection and he's someone who thinks he should always win.
May pagka-p*****t pa ang loko. Kakasundo pa lamang niya sa akin sa bahay ay gusto na agad akong halikan. Mabuti na lamang at bago pa ang gabing iyon ay tinanong na niya ako kung saan ko gustong kumain and I intentionally chose a place na maraming tao just to be on the safe side. I was totally on guard the whole time and was very thankful that it ended up peacefully. Ayokong pumunta sa birthday niya because I don't want to fall into his trap again. Baka next time hindi na ako makaligtas.
Nagpaalam na ako habang nag-uusap pa sila. Magagalit na naman ang teacher ko kapag late akong dumating at sesermonan ako na dapat ay priority ko pa rin ang pag-aaral kesa sa extra-curricular activities ko. I won't let my SC duties interfere with my studies as much as possible.
Nakasalubong ko si Josh na kakahatid din lamang kay Gwen sa classroom namin. Kagabi lamang ay inis na inis siya sa luka lukang bestfriend niya pero ngayon kung maka-asta ay akala mo mawawala si Gwen sa campus kung hindi niya ihahatid from classroom to classroom.
Hindi naman ako na-late sa klase pero antok na antok ako as I dragged my self to each and every class that day. Hindi pa rin ako nakakabawi ng tulog sa pagpupuyat ko noong huling matulog si Gwen sa apartment namin. Kahit ang kakulitan niya ay ayaw tumalab sa akin. Bakit ba kasi parang ang bilis bilis ng araw kapag weekends? Tapos kapag oras ng lecture parang ang bagal bagal?
"Hoy, umayos ka nga!" kinurot ako ni Gwen sa braso bago pa man bumagsak ng ulo ko sa antok.
Nagulat ako. I straightened up and willed myself to listen. Last subject na namin ito for the day at ilang minuto na lamang ay 5 o'clock na. Yipee!!!
"Kasalanan mo ito kung bakit antok na antok ako. Sa tuwing tutulog ka sa bahay pinupuyat mo ako." I hissed.
"Weh. Kasalanan ko ba na tulala ka sa kisame hanggang umaga? Ako nga ang napuyat kasi pabali-baligtad ka sa kama. At alam ko kung bakit hindi ka mapakali."
"Talaga lang ha? Eh sino ba ang inubo ng inubo magdamag dahil sa katakawan sa ice cream? Kung hindi kita inawat ni hindi ako makakatikim."
"Sorry naman, kay Tyler my dream kasi galing ang ice cream mo kaya na carried away ako." bumungisngis na siya.
Nang matapos ang lecture ay nagmamadali kong niligpit ang aking gamit. Noon lamang ako medyo natauhan na may mahalagang mission nga pala ako starting today.
Ngayon ang first session ng tutorial at ayokong ma-late. Dadaan pa ako sa office ng Honor Society para alamin kung sino ang tuturuan ko. Iyong iba kasi ay may mga preferred tutor dahil classmate nila, kaibigan o relative pero ako ay wala which is okay dahil sabi nga ni Mama, you shouldn't choose who you would help. Just help.
"I'll go ahead, kakausapin ko pa si Megan, yung leader ng Honor Society. Umuna na kyo ni Josh umuwi, 5:30 to 6:30 ang tutoring ko."
"Opo teacher," sagot nito na may halong pang-aasar.
Hinampas ko siya sa balikat bago isinukbit ang aking bag at tumayo.
Maingay at halos puno pa ang classroom namin, karamihan ay nag-aayos ng gamit gaya ni Gwen, ang iba ay nagre-retouch gaya ni Linley, at ang ilan naman ay nagkukwentuhan pa.
Excited na rin ako. Hindi naman siguro masyado mahirap mag-tutor dahil college student naman ang tuturuan ko at hindi Grade 1. I'm also psyched up with the fact na magiging part ako ng pag-iimprove niya sa mga subjects kung saan nahihirapan siya. It's a great opportunity to help and it makes me feel good inside.
I walked in a hurry towards the door and was about to grab the knob when a jerk from outside suddenly and carelessly pulled it wide open.
I lost my balance pero agad naman akong nasalo ng jerk na iyon.
Ramdam ko ang isang kamay niya sa aking bewang at ang isa pa sa aking balikat. Napako naman ang mga kamay ko kanyang dibdib. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na sa dibdib niya ako napasubsob sa halip na sa sahig.
When I looked up, his eyes met mine and I almost fainted.
Ang gwapong jerk naman nito.
I can't believe I'm looking straight into those intense eyes which reminds me most of Zac Efron's.
I can't believe how my anger totally vanished when I realized he was holding me so close with his strong arms.
I can't believe how I suddenly felt blissfully dizzy at the smell his perfume.
I know I should move away but his mere presence makes me weak, I can't even lift a finger.
"Gavin?" I almost croaked, still holding his stare.
"Grace," he whispered huskily.
Bukod kay Mama, nobody else calls me by my second name.
Si Gavin lang.
I know Grace is such a common name pero bakit ganoon, the way he says it suddenly make it sound special.
Pero anong nakain niya at nandito siya ngayon? He never bothered to talk to me in years, let alone call me by my name.
I was extremely surprised to see him face to face in my classroom, but it totally freaked me out when he said those words that I never thought I would ever hear from anyone. Especially not from him.
"I need you, Syndell Grace."