"I can choose to let my humiliation define me and confine me. Or I can choose to move on and leave it behind me."
Ilang beses kong inulit ulit iyon sa sarili ko bago ako umalis ng bahay kanina pero up until now ay hindi pa rin ito tumatalab, ayaw mag sink in.
Iyong incident sa gym is one of the things na gusto ko na sanang ibaon sa limot if only the people around would let me.
Everybody, and I mean everybody, is either asking how I was or laughing at my expense. Low profile lamang ako even if I have plenty of friends and a lot of people know me dahil nasa Student Council ako pero bigla yata akong sumikat for all the wrong reasons nang tamaan ako ng lintik na bolang iyon.
Kasali ako sa topic sa lahat ng subjects maghapon, si Manong Guard ay inaasar ako sa tuwing dadaan ako sa gate, si Aling Baby na naglilinis sa school grounds ay kinukumusta ako. Pati ang dati kong suitor na member ng Dance Troupe na si Zander ay pinuntahan pa ako sa classroom kanina. At ang dalawang naturingang bestfriends ko, they thought the whole thing was hilarious.
Kasalanan lahat ito ni Gavin Mateo. Intentional or not, kasalanan pa rin niya.
Nagdadalawang isip tuloy akong pumasok sa SC Office. Kung hindi nga lang nagpatawag ng meeting si Dale ay hindi muna sana ako magpapakita doon ng ilang araw dahil siguradong ire-relive na naman nina Charlie at Rodge na Treasurer at Auditor namin ang incident.
Si Dale ang unang bumati sa akin nang itulak ko ang pinto. Nakangiti siya sa akin pero hindi gaya ng ngiting aso ng dalawang mokong sa kaliwa niya. Nang akmang bubukas na ang bibig ni Charlie to say something ay isang matalim na tingin ang itinapon dito ng Vice President namin na si Faith kaya't agad din niyang isinara ito. Mabuti na lang dahil marami nang tao sa mesa at pati mga taga Honor Society ay nandito. I have to thank Faith later.
"Syndell, how are you? Wala na bang masakit sa 'yo?"
At least isa si Dale sa mga concerned.
"Other than my ego, wala naman."
Napatawa si Rodge sa sagot ko kahit hindi naman ako nagpapatawa at nakahalata lamang nang irapan ko siya.
Totoo naman ang sinabi ko. Ego ko lang ang napuruhan sakin. Namula lang naman talaga ang pisngi ko matapos mawala ang pagkamanhid. Tinapos ko pa nga ang game kahit nagyayaya na rin si Josh umuwi. Hindi naman kasi papayag si Gwen na umalis kami nang hindi niya pinagsasawaan si Tyler na pinapangarap niya. Sukdulang maglagay daw ako ng supot sa ulo kung nahihiya ako pero hindi kami aalis. Ganoon niya ako kamahal at ganoon siya ka-concerned sa nararamdaman ko.
Pag-alis namin ng gym ay naramdaman kong medyo humahapdi na ang pisngi ko pero dahil hindi naman sensitive ang balat ko, nilagyan ko lang ng yelo pag-uwi at okay na ulit ito kinabukasan. Kung hindi nga lang ipinapaalala ng mga nakakasalubong ko ay pwede namang isipin na walang nangyari, gaya ng treatment ni Gavin sa buong pangyayari. Deadma lang.
Pero hindi nakisama sa akin ang pagkakataon. Bawat pumasok sa pintuan ay kinukumusta ako. Not that it was bad. In fact, most of them are genuinely concerned gaya ni Dale. I don't mind telling them over and over again that I'm fine but the thing is, everytime na may nangungumusta ay nag-fa-flashback sa isip ko ang scene sa gym and I couldn't help but be reminded of how Gavin turned his back on me without even the slightest hint of being apologetic.
I was thankful when the meeting finally started dahil nabaling na ang topic sa main agenda, far away from my case. I started jotting down notes for the minutes habang nakatayo si Dale sa unahan.
The meeting went smoothly. Yung proposed project ng Honor Society last year na Free Tutorial will be implemented this Sem at isinali ang SC officers. Hindi na kaya ng schedule nina Dale at Faith pero dahil naka-sign up na ako as volunteer last school year pa ay hindi ko na binawi. Sabi nga ni Mama sakin, 'never miss an opportunity to be a blessing to others'. Final year ko na rin naman ito sa University at isang oras lang ang tutorial three times a week, kaya ko pang isingit iyon sa vacant period ko o after class. Marami rin kami na volunteers kaya tig-iisang student lang ang kailangan naming turuan.
"So we're all set. Tutoring starts next week, umpisa ng midterms. Paki-check nyo na rin yung Prelim class standing ng mga students na assigned sa inyo para malaman kung gaano ka-intensive ang tutorial na kelangan with each of them. May permission na ito ng Faculty, thanks sa Honor Society, pero Syndell I want you to make a formal letter para documented. Kahit ako na ang magpa-sign sa kanila."
Tumango lamang ako kay Dale kahit na parang gusto ko siyang yakapin at sabihing ang galing galing niya. Laging may sense ang mga sinasabi niya at madalas ay helpful ang mga bagay na lumabas sa bibig niya. Those are just some of the many things that make me admire him more.
Napakarami niyang good qualities. For one, he's very reliable. Kapag sinabi niyang gagawin niya, gagawin niya talaga. Totoo iyon during the Student Council campaign hanggang ngayon. Very pleasant at transparent rin ang ugali niya, hindi mo kailangang hulaan ang bawat galaw niya o ang iniisip niya. He speaks his mind kaya alam mo kung saan ka lulugar. Dependable siya, maaasahan mong hindi ka iiwan basta basta sa gitna ng laban.
Unlike Gavin.
Nang matapos ang meeting ay nagpa-iwan ako sa office para gawin ang letter na nabanggit na iyon. Wednesday kasi ngayon at wala akong klase tuwing Huwebes kaya mabuting iwan ko na ito sa table ni Dale para mapirmahan niya sa umaga at maibigay sa mga teachers before the weekend. Dedicated SC Secretary lang ang peg.
I spent the next few minutes writing the memo bago ko binisita ang webpage ng Student Council. Sinagot ko ang ilang queries doon na authorized akong sagutin at gumawa ng summary para sa ilang questions na kailangan ko munang iverify kay Dale. Nang matapos ay nagprint ako at iniwan iyon sa table ni Dale, katabi ng memo na ipinapagawa niya. Sinigurado ko na na-shut down ng maayos ang PC bago ko pinatay ang ilaw at tuluyang ini-lock ang office.
I was thinking what I'll have for dinner habang bumababa ako ng hagdan ng marinig kong tinatawag ako ng isang medyo pamilyar na boses.
Nilingon ko ang pigura ng isang matangkad na lalaking tumatakbo palapit sa akin. Naka maroon na jersey ito, puting basketball shorts, at nag uumapaw sa kagwapuhan.
Si Tyler.
Halatang fresh from the shower ang itsura niya. Sayang at pinauna ko nang umuwi sina Gwen.
Sinalubong niya ako sa baba ng hagdan bago iniabot ang isang supot habang nakangiti.
Hindi ko alam kung bakit nandito siya and I was also puzzled kung ano ang laman noon pero kinuha ko pa rin iyon ko at naramdamang malamig ang laman nito.
"Peace offering," aniya.
Kahit hindi ko buksan ay alam kong isang pint ng ice cream ang laman noon kaya hindi ko napigilang gantihan ang ngiti niya.
"Hindi naman ikaw ang bumato ng bola sakin, bakit ikaw ang nakikipagbati?"
Pabiro kong sinabi iyon but his expression turned seriously apologetic. Mabuti pa siya nakaisip gumawa ng paraan para bumawi.
"It wasn't intentional. Pero ayoko ng inasal ni Gavin kaya ako na ang humihingi ng pasensya on his behalf."
Nagtaas ako ng kilay.
"Kailan pa naging transferrable ang pagso-sorry?"
Napakamot sa ulo si Tyler.
"Sige na, huwag ka na magtampo. Kagabi pa nga sana kita bibigyan ng ice cream pero bigla na lang kayo nawala after ng game. Kumusta ba ang pisngi mo, masakit pa ba?"
It felt good that it matters to him na hindi ako nagtampo at nasaktan, unlike Gavin. Mabuti pa si Tyler, hindi nagbago sa akin.
Umiling ako.
"Okay lang ako, huwag mo nang isipin iyon. Honestly I'd rather not talk about it, kalimutan na lang natin that it happened. Mas maraming bagay na nangyari sa buhay ko na mas masakit pa doon. Wala iyon kaya sige na nga, apology accepted."
"Ang lalim naman ng sinabi mo. Medyo natunaw na nga yata iyan, i-freezer mo na lang. Kanina pa kasi kita hinihintay pero noong nakasalubong ko sina Josh, sabi nila may meeting daw kayo. Nung nakita ko naman yung mga officers, wala ka din kaya pinuntahan na kita dito."
"Oo nga, medyo ginabi ako. May tinapos kasi akong memo na kelangan bukas."
"Uuwi ka na ba? Sabay na tayo, palabas na rin ako," alok niya.
"Sige," simpleng sagot ko as if karaniwan sakin na masabayan ng isang campus heartthrob. Gwen would definitely kill to be in my place.
Lumabas kami sa building at nag-umpisang maglakad sa concrete walkway sa gilid ng soccer field.
"Salamat dito ha." Itinaas ko ang supot at sinilip kung ano ang flavor noon.
Coffee Crumble.
Parang piniga ang puso ko.
Hindi ko sinasadyang mapangiti ng malungkot nang nilingon niya ako.
"Yan ang favorite mo diba?"
Tumango ako at napakagat labi.
"Naalala ko kasing nabanggit dati ni Gavin na mahilig ka sa ice cream at iyan ang kinukwento niyang flavor na gustong gusto mo. Sabi mo daw kasi lahat ng problema, ice cream lang ang katapat kaya naisip ko na yan ang ibigay to make you feel better. Pero mali yata siya. Bakit parang mas nalungkot ka?"
Umiling ako. "Hindi, okay lang ako. Favorite ko talaga ito."
Mabagal lamang ang lakad niya kaya hindi ako nahirapang sabayan siya kahit malalaki ang hakbang niya sa gilid ko.
"Alam mo, hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako sa friendship ninyo. It's sad that you two drifted apart."
He sounded so sincere, it made my heart ache.
Bumalik na ang tingin niya sa unahan nang makalampas kami ng soccer field.
"I still don't know what went wrong," halos pabulong na wika ko.
Hindi ko talaga alam.
Second Year kami noong maging classmate ko si Gavin sa Chemistry. Noong mga panahong iyon naglalaro na siya ng basketball kaya kilala na siya ng mga estudyante. He would always come to class na naka-headset at aalisin lamang niya iyon pag pumasok ang professor. He doesn't seem interested in making friends at nagsasalita lamang siya kapag may tinatanong ang prof namin.
Naisip ko noon na baka na-a-out of place lamang siya dahil hindi naman B.S. Psychology ang course niya unlike the rest of us sa klase. Naligaw lamang daw ito sa section namin dahil iyon lamang ang pwede sa schedule niya na hindi conflict sa basketball practice.
Ilang weeks din siyang ganoon. Maging ang flirt techniques ni Linley na column writer ng school paper at pang-beauty queen ang dating ay hindi umubra sa kanya. Parang wala talagang pakiramdam. I mean, sinong lalaki ang tatanggi kay Linley? Eh kahit maarte yun, maraming nagkakandarapa dahil siya ang crush ng bayan.
Suplado at may sariling mundo si Gavin kaya noong na-assign kami na maging Lab partner ay hindi na ako nag-expect. Iniisip ko noon na alam niyang sikat siya kaya siya suplado. Pero nag-try pa rin ako. Sinubukan ko siyang kausapin, kulitin at patawanin. Noong una ay parang pipi lang siya dahil tango at iling lamang ng isinasagot niya sa tuwing may itatanong ako pero paglaon ay unti-unti na siyang sumasagot. Masaya na ako noon kapag naririnig ko siyang mag 'uhmm' , 'yup' at 'ok' . Kahit limitado ang mga reply niya sa one-syllable words, at least may sound na.
As time passed by, he became more comfortable. He would pull out his earphones kapag tumabi na ako sa kanya sa table. I noticed him using it less and less until it was totally gone. We would hang out kapag wala siyang practice, kumakain kami ng ice cream sa kanto o kumakanta kasabay ng mga music sa playlist niya. Noon ko rin naging kaibigan si Tyler dahil siya ang madalas nitong kasama. It felt as if I made a tunnel to enter the wall he has built around himself. Sabi ni Gwen, I was able to tear down his defenses.
I enjoy talking to him and I consider him a special friend. He especially enjoy topics about sports, nature and dogs. He loved dogs. I was so sure he does because he told me he'd love to have one. That's the reason why I even spent my savings para maibili siya ng beagle puppy for his birthday.
Noong araw ng birthday niya ay sinorpresa ko siya sa bahay nila. Inalam ko pa sa secretary ng Sports Dev't Office ang exact address niya. I was so certain he would love my present kaya excited ako na ibigay iyon.
But his reaction was far from what I expected.
Yes, he was surprised. But he was far from pleased. Iritado siyang lumabas ng bahay at hindi man lamang ako pinapasok. Naisip ko that it was probably just bad timing. Saglit siyang natigilan noong iniaabot ko sa kanya ang beagle na dala pero mabilis ding kumunot ang noo niya. I have memorized our unpleasant conversation sa daming beses ko ba namang inulit ulit iyon sa isip ko, hoping to find out what really went wrong.
"What are you doing here? Hindi ka na dapat nag-abala."
His tone was so cold it made me shiver. Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit siya
"It's your birthday. Tsaka diba you like dogs? I know gusto mo mag-alaga. Hindi ba?" nangulit pa ako kaya siguro lalo siyang nainis.
"You know nothing about me. Umalis ka na, you're not supposed to be here."
Then he walked away.
He didn't return the dog, though. I didn't know what happened to that poor little beagle.
Akala ko noon mainit lang ang ulo niya o may pinagdadaanan siya pero I was wrong.
He never talked to me again after that. At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang ikinagalit niya dahil kahit saang anggulo ko tingnan, ang babaw niya.
Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Tyler sa ulo ko. Napapansin kong napapadalas ang panggugulo niya sa buhok ko.
"Guluhin mo na buhay ko, wag lang buhok ko," biro ko sabay tapik sa kamay niya.
"You just spaced out," natatawang sabi niya.
"I did not!" tutol ko.
Ganun katagal ba akong nakatulala at hindi ko napansing nasa kanto na pala kami?
"May alam ka ba?" di ko napigilang magtanong.
"Honestly, oo. Kahit wala siyang sinasabi I think I know the reason. Pero ayokong pangunahan si Gavin. I know him too well to know when to shut my mouth. He values his privacy. I'd rather you hear it straight from him."
"How is that possible? Alam mo na sinubukan ko siyang kausapin noon pero wala akong napala."
He did not attend Chem the following three consecutive classes kahit na nakikita ko siya sa campus. May kung ilang beses kong sinubukang kausapin siya pero panay ang iwas niya. Ginawa ko ring hintayin siya after his basketball practice but he never once showed any interest in talking to me. Kahit mukha akong tanga sa pag-aabang sa labas ng locker room nila, nagtiyaga akong magbantay doon pero binalewala lamang niya ako. Then he started attending our classes wearing his headset again up until the semester ended. Sa tuwing makakasalubong ko siya, I'd hope that he would at least throw me a glance but he would always just look straight ahead as if I wasn't there, as if he never knew me.
"Napagod na rin ako Tyler," I said finally.
Umiling si Tyler bago bumuntong hininga.
"Gavin is very private person. There are a lot of things that he prefer to keep to himself because he strongly believes na yun ang kailangan to protect the people he loves."
Lalo lamang akong naguluhan.
"Protect them from what?"
"I can't tell you. To be honest I don't think he always make the right decisions pero bilang kaibigan niya, obligasyon ko na respetuhin iyon at suportahan siya. As you know, Gavin doesn't have many friends. Bukod sa mga varsity, he seldom hang out with anyone else. Nagulat nga ako nung naging close kayo-"
"But not for long," singit ko.
Isang sem lang kaming naging magkaibigan. BS Occupational Therapy ang course niya and I never saw him in any of my classes again.
Tumango si Tyler.
"You know what, I like him better noong magkaibigan pa kayo. Seryosong tao kase iyon pero simula nung makilala ka niya, naging masayahin siya. Ngayon-"
Tumigil siya sa pagsasalita.
Itinaas ko ang kilay ko, prompting him to continue.
"Ngayon?" ulit ko sa naputol na sasabihin niya.
"Gumagabi na, baka hinahanap ka na sa inyo," wika niya.
"So ngayon itinataboy mo na ako," I said pretending to be hurt.
"Oo, umuwi ka na at baka kung ano pang sikreto ang masabi ko sa 'yo." sagot niya while laughing.
Na-appreciate ko na nag-abala pa siyang itawid ako at ihatid sa sakayan ng tricycle, like the way Gavin used to do.
Nagpasalamat ako sa kanya bago nagpaalam.
Tumango si Tyler bago muling sumeryoso ang mukha.
"Syndell, the only truth I can tell you is that Gavin has a lot of fears," tahimik niyang wika habang nakapamulsa.
"And you're one of them," he finished.