Chapter 4 ‘Di makalimutang Nakaraan

1632 Words
Kenny POV “Mr. Mendoza, someone posted on social media that she was looking an Engineer to build the building she was going to build and thought were the right one there it to build,” sabi sa akin ng aking secretary at ipinakita sa akin ang post. Tiningnan ko ito at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot at saya ngunit mas nangibabaw ang nararamdaman ko na poot at hinanakit ng makita at mabasa kung sino ang nag post. It is Alexes Sandria Viera ang babaeng kauna-unahang minahal ko at the same time siya rin ang babaeng nagbigay ng sobrang pait at sakit sa buong buhay ko. Agad ko namang kinuha ang social media account nito at nag comment ako sa post na iyon. Pagkatapos ay sinimulan ko na ang trabaho ko. Buong araw na subsob ako sa trabaho. Nakaupo na ako ngayon sa hanap ng mesa ko dito sa loob ng opisina ko. Hindi na ako umuwi pa sa Condo Unit ko dito na ako matutulog may sarili namang silid-tulugan ang opisina ko. By the way ako nga pala ang ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Family Company branch namin dito sa America. Napahawak ako sa sintido ko at minasahe ko ito dahil nakakaramdam ako ng kaunting sakit dito ng maalala ko ang ginawa kong pag-comment sa post ni Alexes. Binuksan ko ang aking cellphone at hindi ko akalain na ako ang napili niyang maging Engineer sa ipapatayo nitong building. Napangiti ako ng mabasa ko ang kan'yang reply sa comment ko. “Ito na ang oras na hinihintay ko. Humanda ka sa pagbabalik ko Alexes. I will return all the pain you give it to me at may sisingilin pa akong interest nito. Wait for my revenge my Bhaby Alexes!” napapangiting sambit ko sa sarili at nanumbalik sa aking isipan ang nakaraan. FLASHBACK Eleven years ago Excited ako na lumabas ng classroom matapos ang aking mga exams. Pupuntahan ko kasi ang babaeng pinakamamahal ko. Doon kami magkikita sa lugar kung saan kaming dalawa lang ang nakakaal. Pagdating ko ay nakita ko na naghihintay na siya sa akin. Masayang-masaya ako kasi pumayag na sina Ate, Mommy at Daddy na magpapaiwan ako dito sa Pinas. Hindi na nila ako pipiliting sumama sa America para mag-migrate at doon na manirahan dahil ayaw ko na iwanan ang babaeng pinakamamahal ko. Masaya akong kinausap siya ngunit naglaho ang kasiyahang iyon ng sabihin nito na nakikipagbreak-up na ito sa akin at ang mas masakit pa ng maring kong ang mga sumunod na sinabi nito kung ano ano ang dahilan kung bakit ito nakikipag hiwalay sa akin. Sobra-sobrang sakit ang naramdaman ko. Gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko ito. Sayang at sasabihin ko pa sana dito ang good news ngunit hindi na kailangan pa. Iniwan ko nalang siya sa lugar na iyon dahil sa pag-aakala at pagkakaalam ko iyon ang nararapat kong gawin. “Bakit mo ito nagawa sa akin Alexes. Bakit? binigay ko anvl lahat-lahat sayo. Ikaw lang ang babaeng minahal ko pero bakit pinaglalaruan mo lang pala ako. Naging tapat ako sayo pero niloloko mo anko. Bakit? Bakit?!” paulit-ulit ko na sigaw habang nagmamaneho pa rin. Di ko namalayan na may isang malaking aso ang nasa daanan ko. Hindi ko na makaya pa ang gumamit ng prino nang motorsiklo dahil sa napakabilis na pagpapatakbo ko nito. Wala akong magawa kundi ang kabigin ang manobela nito at... “Booogggsss!” nabangga ako sa isang poste. —————————— Nagising ako sa isang kwarto na may mga nakakabit na aparatus sa akin. Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa gilid ng hinihigaan ko na sa tingin ko ay nasa 50's ang edad nito. “Sino ka?” agad kong tanong. Mabilis na niyakap ako ng matandang babae. “Anak iho salamat at gising kana!” masayang sabi ng matangdang babae. “After one month nagising ka na. Matagal kang nakatulog. Salamat talaga!” naiiyak na sabi nito. “One month akong nakatulog?” tanong ko rito. “Yes iho. Mabuti at nagising ka na. Akala ko matatagalan ang paggising mo!” naiiyak paring sabi nito. “Teka lang po naguguluhan ako. Hindi ko po kayo kilala pati narin po ang sarili ko. Wala akong maalala. Sino po kayo at sino ako?” nagtatakang tanong ko. “Iho ako ang Mommy mo at ikaw naman si Kenny Mendoza ang aking anak. Isa akong Doctor at ako ang nag-aalaga at nagbabantay sayo kasama ko ang Ate mo isa din siyang Doctor,” saad nito. “Iho temporary lang ang Amnesia mo. Babalik din ang mga ala-ala mo. May maliit kasi na dugong namuo sa utak mo kaya naging dahilan iyon ng pagkaroon mo ng Amnesia at na comma ka sa loob ng isang buwan. Wag ka mag-alala iho magagamot pa ito sa pamamagitan ng mga medications at memory therapy. Nawala ang ala-ala mo dahil sa pagkakabangga mo!” mahabang paliwanag nito. Limang buwan ang lumipas na wala parin akong maalala. Kahit na ano ang pilit ko sa sarili ko ay wala akong matandaan sa mga nakaraan ko. Dahil sa hindi masyadong advance ang mga equipment dito sa Pilipinas para sa brain therapy ko ay napagkasunduan nila Mommy, Daddy at Ate na dalhin ako sa America upang doon ipagpatuloy ang pagte-therapy ko. Dahil sa napagkasunduan ng mga magulang ko ay nakaramdam ako ng kalungkutan na ‘di ko alam ang dahilan. Nababagot na ako dito sa loob ng mansion. Simula kasi noong magising ako mula sa pagka-comma ay hindi muna ako pinapayagang lumabas mag-isa nila Mommy dahil baka daw ano na naman ang mangyari sa akin dahil hindi pa ako magaling. Ipinasyal ako nila Mommy at Daddy sa mga kung saan ay parati naming pinupuntahan noon pero wala talaga akong maalala. Lumabas ako ng silid ko at nadatnan ko si Mommy na naghahanda na para pumasok sa trabaho. “Good morning Mom,” bati ko. “Good morning Son,” sagot nito. “Amm, Mommy. Lalabas pomuna ako p'wede po ba?” wala sa loob na sabi. Hindi ko mawari ang sarili ko pero may kung ano ang nagtutulak sa akin para pumunta sa lugar na nais kung puntahan. “But Son, wala kang makakasama. Wala ang Daddy at Ate mo saka hindi p'wede na aabsent ako sa akin.” sabi ni Mommy. “Don't worry Mom, walang masamang mangyayari sa akin. Mag-iingat ako. Hindi po ako lalayo. May gusto lang talag akong makita,” sabi ko pero hindi ko alam kung ano at saan iyon. “Okay, sige. Basta magpapasama ka sa driver natin,” sabi ni Mommy. “Yes Mom. Thank you ” sabi ko sabay halik sa pisngi nito bago ako lumabas ng mansion. “Senyorito, saan ho tayo pupunta?” tanong ni Mang Tonyo, ang familiy driver namin. “Hindi ko po alam Mang Tonyo, basta ipagdrive n'yo nalang po ako,” sabi ko. Itinuro ko nalang ang daan kung saan tayo pupunta. ~~~~~~~~~~ “Mang Tonyo, dito nalang po tayo,” sabi ko. “Senyorito, wala namang katao-tao sa lugar na ito. Saka, ano ho ang gagawin n'yo sa lugar na ito na napakalawak?” nagtatakang sabi ni Mang Tonyo. “Hindi ko rin po alam Mang Tonyo, basta ito ang lugar na gusto kong puntahan. Sige po, hintayin n'yo nalang po ako dito sa kotse,” sabi ko at bumaba na ng kotse at may kung ano na nagtuturo sa mga paa ko kung saang direksyon ako papunta. “Huwag kang lalayo Senyorito!” sigaw ni Mang Tonyo. “Opo Mang Tonyo. 'Wag po kayo mag-alala babalik po ako!” sigaw ko rin. Wala talaga akong maalala kung ano ang dahilan kung bakit andito ako sa lugar naito kung saan nagpapabilis ng t***k nang puso ko. Sa aking paglalakad ay may nakita ako sa unahan na isang napakagandang babae na sa tingin ko ay nasa trese hanggang katorse anyos na ito. Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko ang mukha nito. Abala ito sa paglilinis at pagkuha ng mga matataas na d**o sa ligaw na mga bulaklak kaya hindi niya ako napansin. Napakaganda niyang tingnan. Ang kan'yang mukha ay parang kay tagal ko na itong napagmasdan. Pero bakit parang kinurot at nadurog ang puso ko ng makita ko na natigilan ito at umupo sa isang malaking bato. Kitang-kita ko sa mukha nito ang lungkot na nararamdaman. Gustong-gusto ko siyang yakapin at e-comfort ngunit hindi makagalaw ang mga paa ko. Parang napako ang mga paa ko sa lupa at hindi ko maiangat. Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang mga luha ko ng makita ko na umiiyak ito. Nakita ki na pinupunasan nito ng kulay pink na panyo ang kan'yang mga luha. “Sana ako nalang ang taong pumupunas ng mga luha mo,” sambit ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasambit iyon. “Sino ka ba at gan'yan ang dating mo sa akin at bakit ako nandito sa lugar na ito?” tanong ko sa sarili. Nakita ko na tumayo ito kaya dali-dali akong nagtago sa isang puno. Nalulungkot ako na tinatanaw ito habang naglalakad papalayo. Nang wala na siya ay lumabas ako sa puno na tinataguan ko at lumapit sa bato na kanina ay inuupuan nito. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko dahil kahit na ano ang gawin ko ay hindi ko mapigilan ang lungkot na aking nararamdaman. At kusang pumapatak ang mga luha ko. Nang uupo na sana ako sa bato, ng makita ko ang panyo na gamit nito kanina. “Alexes,” basa ko sa nakasulat na naka-embriodered. “Hmm, baka pangalan n'ya ito,” sambit ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang ang tagal na itong nakabaon sa puso at isipan ko ko ang salitang, Alexes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD