Chapter 1 Ang dahilan ng Pagluha

1174 Words
Alexes POV Mag-iisang b'wan na simula noong hiwalayan ko si, Kenny at ganoon din katagal na hindi ko s'ya nakikita. “Kenny, nasaan ka na ba? Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin? Ano ba ang nangyari sa iyo. Miss na miss na kita nang sobra-sobra.” malungkot na saad ko sa aking sarili. “Magpakita ka na sa akin, please.” malungkot ko pa ring saad sa aking sarili at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nakaupo sa malaking bato na dati ay inuupuan naming dalawa ni, Kenny ngunit ngayon ay ako nalang mag-isa. Sa mga oras na wala akong pasok sa school at wala akong magawa ay pumupunta ako sa lugar kung saan kaming dalawa lamang ni, Kenny ang nakakaalam. Ang secret garden naming dalawa ni, Kenny. At nandito na naman ako, naghihintay at umaasa na sana babalik siya sa lugar na ito. Ngunit lumipas lang ang mga oras at papalubog na ang araw ay walang dumating. Habang nakapikit ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang umiiyak. Kahit na ano ang gawin ko na palakasin at patatagin ang aking loob ay umaagos parin ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang mapatanong sa aking sarili. “What if, ipinaglaban kita, Kenny? What if, kung hindi ko sinunod ang mga magulang ko? What if, lumaban ako, edi sana masaya at magkasama pa tayo ngayon sa mga oras na ito, Kenny.” malungkot na sambit ko at nanumbalik sa aking isipan ang nakaraan na mga pangyayari. FLASHBACK “Pak! Pak!” tunog ng dalawang sampal nito sa magkabila kong pisngi. Napahawak ako rito. Gulat na gulat ako. Habang naglalakad ako papasok ng mansion namin ay nakita ko na nag-aabang sina, Mommy at Daddy sa may pintuan. “Mommy, Daddy mano po,” sabi ko at ng aabutin ko na sana ang kamay ni, Mommy para magmano ay bigla na lamang niya akong sinampal. “Huhuhu, ang sakit nu'n, Mommy. Bakit po?” nagtataka kong tanong. Kahit kailan ay hindi ako sinaktan at pinagbuhatan ng mga kamay ng aking mga magulang lalo na si, Mommy. Ngayon palang. “Mom, why? May nagawa po ba akong mali? Ano po ba ang kasalanan ko?” umiiyak ko paring tanong. “Choose, Alexes Sandria Viera!” buong sambit ni, Mommy sa aking pangalan. Alam ko na seryoso at galit ito kasi buo niyang tinawag ang pangalan ko. Napatingin ako kay, Daddy. Sinyales na humihingi ako ng tulong at sempatiya ngunit sa halip na tulungan ako ay tiningnan niya ako nang masama. Naguguluhan ako at hindi ko maunawaan kung bakit ganito ang salubong nila sa akin pagdating ko mula sa paaralan. Kadalasan kasi, yakap at halik ko sa kanilang mga pisngi ang salubong ko matapos magmano pero ngayon dalawang sampal na hindi ko alam ang dahilan. “Huh? Ano po?” nagtataka ko paring tanong. “Just choose, break-up that boy or else i cut all your inheretance from us and i send you to Canada!” galit na galit na sabi ni, Mommy at nanlilisik pa ang mga mata nito. “Mom, Dad, mahal na mahal ko po s'ya!” umiiyak na sabi ko. “That is not a point Sandria!” galit na sabi ni, Daddy sa second name ko. “Lahat ng ito ay ginagawa namin para sayo. Ayaw namin na mapahamak ka. Ang bata-bata mo pa para makipagrelasyon. Kailangan mo pa ang mga gabay namin para hindi ka maliko ng landas. Buong buhay namin ay nakalaan at umiikot lang sayo, Alexes. Mahal na mahal ka namin at wala kaming ibang hanggad kundi ang mga pangarap mo. At hindi kami papayag na ang pagmamahal na iyan pa ang sasagabal sayo!” galit paring sabi ni, Mommy. “Kaya mamili ka. Hihiwalayan mo ang lalaking 'yon o ipapadala ka namin sa Canada at doon ka na for good!” pagbabanta ni, Mommy. Dahil sa narinig ko ay natakot ako. 'Di ko kayang isipin na mapalayo ako sa taong pinakamamahal ko. Iniisip ko palang na hindi ko na makikita si Kenny kahit kailan, ay parang binibiyak na ang puso ko. Kaya nakabuo ako agad ng desisyon at ito ay ang hihiwalayan ko si, Kenny. Masakit man atleast kahit papaano ay makikita ko parin siya. Matatanaw ko parin ito kahit nasa malayo dahil iisa lang ang pinapasukan naming school, kahit hindi kami magkasama at magkausap ay makikita't makikita ko pa rin siya. Kaysa naman na ipapadala ako sa Canada at hindi ko na s'ya makikita pa. Napayuko na lamang ako habang pinupunasan ang mga luha ko. “Mom, Dad, I'm sorry for disappointing you.” malungkot kong sambit. Wala akong narinig na sagot o salita man lamang mula sa kanila. Nagpapahiwatig na galit parin sila. “Sige po, Mommy, Daddy, aakyat na po ako sa silid ko,” paalam ko at naglakad paakyat sa aking silid. Nang makapasok na ako sa silid ko ay padapa akong sumampa sa aking kama. Tinakpan ko ng kumot ang ulo ko at kinagat ang unan saka sumigaw ng sumigaw. Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Iniisip ko palang na makikipaghiwalay ako kay Kenny ay sobrang sakit na, papaano pa kaya kapag hiniwalayan ko na siya. Hindi ako makapag-isip ng tama, wala akong ibang iniisip kundi kung papaano ko sasabihin kay, Kenny na maghihiwalay na kami. Puno ng mga luha ang mata ko. “Senyorita Alexes, kakain na po.” sabi ni, Manang. “Hindi po ako nagugutom, Manang. Pakisabi kina, Mommy at Daddy, na mamaya nalang po ako kakain,” sabi ko. “Oh sige, Senyorita. Sasabihin ko,” sagot naman nito at narinig ko na ang mga yapak nito papalayo. Hindi dahil sa busog pa ako kaya ayaw kong kumain, ayaw ko lang bumaba dahil ayaw ko na makita ng mga magulang ko na namumugto at namumula na ang mga mata ko sa kakaiyak. Bumangon ako at umupo sa aking kama. Napaiyak ako ng titigan ko ang singsing sa aking daliri. Napakaganda nito. Kumikinang ang pendant nito na brilyanteng kulay pula. Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Isinukbit ko ang aking bag sa aking dalawang balikat at patakbong pumunta sa waiting shade kung saan ako susunduin ng driver namin. END OF FLASHBACK Dahan-dahan ko itong hinubad sa daliri ko at inilagay sa isang kahon kasama ng mga cards at litrato. Walng patid sa pagpatak ang mga luha ko habang isinasara ko ang kahon at inilagay sa ilalim ng kama ko. “Mananatili ka nalang ba na ala-ala o may pagkakataon pa ba sa huli?” malungkot kong tanong sa sarili habang unti-unti kong tinatago ang kahon. “Mahal na mahal kita Kenny, ngunit kailangan ko na sundin muna ang mga parents ko. Kasi baka nga tama sila, 'di ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko man maintindihan sa ngayon kung bakit kailangan kong makipaghiwalay sayo, sana dumating ang araw na kapag naintindihan ko na kung bakit, nand'yaan ka parin. Sana mapatawad mo ako.” sabi ko at patuloy sa pag-iyak hanggang sa makatulog na ako. END OF CHAPTER 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD