Chapter 2 The pain is still remain

1138 Words
Alexes POV Lumipas ang anim na buwan mula noong huli naming pagkikita ni, Kenny. At sa loob ng anim na buwan na iyon ay halos araw-araw ay pumupunta ako sa secret garden pagkatapos ng aking klase. Wala akong ibang hinagawa kundi alalahanin at gunitain ang mga araw na magkasama pa kami noon ni, Kenny. May pagkakataon pa na ginagawa ko nang mag-isa ang mga bagay na noon ay kaming dalawa ni, Kenny ang gumagawa. Tulad na lamang ng pangunguha namin ng mga matataas na d**o na tumutubo sa mga ligaw na bulaklak sa secret garden namin. “Gumaganda na ang tubo ng mga ligaw na bulaklak dito,” ang sambit ko sa sarili habang masaya kong pinagmamasdan ang mga iba't-ibang uri ng mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak. Ang ganda nilang pagmasdan na palipat-palipat sa mga petals ng mga bulaklak. “Sana paru-paro nalang ako, kasi ang simple lang ng mga buhay nila. Malaya silang mamili at dumapo sa mga bulaklak na gusto,” sabi ng isipan ko. Kasalukuyang nililinis at kinukuha ko ang mga matataas na d**o tulad ng ginagawa namin ni, Kenny noon. Napaiyak na naman ako ng maalala siya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka-move-on. “Nandito ka parin sa puso at isipan ko, Kenny. Kahit na tatlong buwan lang ang itinagal nang ating relasyon, ay para sa akin iyon na ang pinakamahabang mga araw ar buwan sa aking buhay. Sobrang mahal na mahal kita, Kenny. Sana, kung magkita man tayo sa huli ay mapatawad mo ako sa pagsisinungaling ko sayo. Nagsinungaling ako sayo na hindi kita mahal at sa mga sinabi ko sayo na ginagamit lang kita. Sana, malaman mo na ginawa ko lang na dahilan iyon para pumayag ka na hiwalayan kita.” nasambit ko sa aking sarili habang pinupunasan ko ng kulay pink na panyo ang aking mga luha. Isang araw, habang nasa school cafeteria kami ng kaibigan ko na si, Mitch. Tulala kong tinitigan ang mga pagkain na nasa harapan ko. Iniisip ko kasi na sa loob ng anim na buwan ay wala talaga akong balita pa kay, Kenny. Hindi na rin ito pumapasok at nagpapakita pa sa paaralan. Nasa malalim ang aking iniisip nang..... “Oyy gurl. Ano ba ang iniisip mo? Kanina pa ako nagsasalita. Hindi ka sumasagot.” sabi nito sabay pitik nito ng daliri sa hangin. “Ah, eh. Anong sabi mo?” nalilitong tanong ko. “Gurl. Sabi ko, alam ko na ang dahilan kung bakit no show na dito sa school si Kenny, your love!” excited na sabi nito. Si Mitch ang nag-iisang taong nakakaalam tungkol sa amin ni Kenny. Sa kanya ko sinabi ang lahat at alam din nito ang totoong dahilan kung bakit ko hiniwalayan si Kenny. Masaya ako sa aking narinig. “Talaga! Sa wakas makikita ko na siya. I'm so happy!” masaya kong sabi at napatayo pa ako sa aking inuupuan. “Saan? Ano? Kamusta na siya? Nagkita kayo?” sunod-sunod kong tanong. “Oo. Alam ko. Ewan at ewan.” sunod-sunod na sagot n'ya rin sa akin. Tumingin ako kay Mitch na naguguluhan. “Oh 'di ba, naguguluhan ka rin. Isa-isang tanong lang kasi friend, halata kang excited na malaman ak. S'ya at s'ya parin, ano?” balik nitong tanong sa akin at tumawa. Tumango na lamang ako, tanda nang pagsang-ayon ko sa sinabi niti at umupo akong muli sa aking kinauupuan ko kanina upang makinig sa sasabihin nito. “Ewan ko Mitch, kahit na saan ako pumunta s'ya ang nakikita ko. Kahit ano ang gagawin at isipin ko, si Kenny parin ang naaalala ko.” sabi ko. “Alam mo ba kung nasaan si Kenny?” malungkot ko na tanong. “Oum, nasa America na siya. Osinama ito ng kan'yang Ate na Doctor at nagmigrate na silang magpamilya sa America,” sabi nito. Nanlumo ako sa aking narinig. Pakiramdam ko para akong isang kandila na unti-unting natutunaw. Maraming katanungan ang pumasok sa isipan ko. “Bakit n'ya nagawang iwan ako ng ganon-ganon nalang. Hindi man lamang n'ya sinabi sa akin noon na may plano pala siya na sumama sa ate niya. Bakit? Pinili kong masaktan ako dahil inaakala ko na makikita ko s'ya kahit nasa malayo lang atleast alam ko na nand'yan lang s'ya. Hindi mawawala pero iniwan na pala n'ya ako. Ang sakit-sakit lang isipin na wala na pala akong halaga sa kan'ya. Hindi n'ya man lamang hiningi ang mga paliwanag ko. Hinayaan n'ya na sa gano'n lang matatapos ang lahat sa amin. Siguro sobra-sobra ang galit n'ya sa akin o hindi n'ya talaga ako minahal,” sabi ko at namalayan ko na lang na pinupunasan na ng bestfriend ko ang aking mga luha ng tissue paper. “I'm sorry girl, gusto kitang damayan sa pain na nararamdaman mo pero hindi ko alam kung papaano. Akala ko kasi magiging masaya ka kapag nalaman mo kung nasaan si Kenny, pero kabaliktaran ang nangyari. Sorry.” sabi nito at nagpeace sign ito. “Ano ka ba Mitch, okay lang. 'Wag kang magsorry. Alam ko naman na gusto mo lang akong mapasaya. Sobrang marupok lang siguro ako at hindi ko siya kayang kalimutan,” sabi ko habang tumutulo parin ang mga luha ko. Tumayo ito sa kan'yang upuan at pumunta sa akin at niyakap ako at nakikiiyak na rin. “Thank you at nandito ka para damayan ako, Mitch.” tanggi kong nasabi habang humahagolgol sa pag-iyak. “Oyy girl, tama na. Ang daming nakatingin sa atin oh.” sabi ni Mitch at inilibot ang paningin sa loob ng Cafeteria. “Ano ba naman kayo, parang ngayon lang kayo nakakita at nakarinig na na umiiyak na tao. Chismosang kapitbahay ho ba kayo? Alam n'yo namang umiiyak 'yong tao pinagtitinginan n'yo pa. Oo, brokwn hearted s'ya kaya umiiyak, alangan namang tumawa nang tumawa. Broken hearted nga 'di ba. So, ngayon alam n'yo na. May tanong kayo!” singhal ni Mitch sa mga nagbubulunan at nakatingin sa amin. “Mitch, hayaan mo na sila. 'Wag mo nang pansinin,” sabi ko. “Oo nga, pero tumataas na mga white blood cells ko sumusobra na ang plasma ko. Ha! Kairita naman oh! Ang sarap pa sana magdrama oh! Baka madiscover tayo pero ang daming palaka. Tama na nga, hahanap na tayo ng magaling na Director!” naiiritang sabi nito at itinaas pa ang kilay. “Hahaha! Ano ba ang mga pinagsasabi mo!” nakatawa ko nang sabi. “Oh ayan, tumawa ka na. Dapat ganyan ka palagi. Kailangan paminsan-minsan tumawa ka naman. Ako kasi ang nasasayangan sa mga luha mo gurl!” masaya na nitong sabi. “I don't know kung bakit ganito ang ugali ko, mabilis umiyak ngunit mabilis din tumawa,” sabi ko. “Kasi gurl, mabait ka pero ang rupok mo. Sobra.” sabi ni Mitch habang hinahatak na ako palabas ng Cafeteria. END OF CHAPTER 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD