1
LE-ANNE
Sabi nga ay masarap daw magmahal, lalo na kung love ka din naman ng taong pinag-uukulan mo nito. Yung eksaktong mutual feelings. Yung eksaktong, yung taong kinakikiligan mo ay lihim din naman palang may gusto sa iyo. O diba ang sarap sa pakiramdam? May ibang saya itong dulot sa ating pakiramdam diba?
But... The question is, lahat nga ba ng pagmamahal ay pwede? Na since the feelings is mutual nga, is bahala nalang si batman? Ganon.
Paano naman yung mga taong masasaktan mo pala at the end of the day?
Sapat na ba yung mga kilig at sayang nararamdaman mo upang ipagwalang bahala mo nalang ang iba para naman for your own sake?
Well, hindi ko talaga alam. Sabi nga nila ay napakabata ko pa daw at masyado pang inosente sa lahat ng bagay.
Subalit matatawag pa nga bang bata ang isang 19 year old college student? At matatawag pa nga bang inosente ang isang kagaya ko? Na ilang beses na din naranasan ang tunay na saya bilang isang babae?
Tama. Ipinaranas sa akin ni Kuya Dino kung gaano nga ba kasarap maging babae.
But... Ipinaranas din niya sa akin ang kauna-unahang sakit na masasabi kong noon ko lang talaga naranasan.
Ang paasahin lang at pangakuan ng mga bagay na hindi naman pala talaga dahil sa "love" kundi dahil sa isang katotohanang gusto lang pala niya akong matikman.
(Tang***#+* niya.)
🥹✌️
Kaya naman... Gusto kong maging mas matalino na this time. At kung maaari ay gusto kong mag focus nalang sa pag-aaral ko at tsaka na muna siguro yung relasyon na yan. Dahil tama si Nanay, love can wait and still ay mahalaga pa din namang makatapos muna ako.
At sabihin na ding, dito ako babawi sa kanila... Para kay Nanay at syempre para kay Ate Clarisse...
"Bumaba kana diyan Le-Anne.. Ano pa ba ang hinihintay mo diyan?"
"Opo Tita, bababa na po ako..."
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang i unlock ang seatbelt mula sa kinauupuan ko sa passenger's seat mula sa isang mamahaling sasakyan.
Nakakapagod ng sobra... To think na halos so many miles ang binyahe namin mula sa amin to Ilocos. Masyadong toxic, masyadong nakaka drained ng utak.
Subalit sabi nga ni Nanay ay wala naman akong choice kundi ito lang. Well, kabayaran na din ito sa mga nagawa kong kasalanan. At siguro nga ay mabuti ito upang hindi na kami magka encounter pa ni Ate. Dahil I can't imagine kung ano nga ba ang maaari niyang gawin sa akin. Lalo pa nga alam na niya na inahas ko siya, dahil naging kami nga ng asawa niyang si Kuya Dino.
Huminga pa ako ng sobrang lalim bago naman tuluyan ini open ang door ng car at tuluyang bumaba rito.
At mapamangha sa isang napakagandang bahay na sumalubong sa akin.
"Seryoso? Ito na po ang bahay niyo Tita Lorraine?" Halos hindi makapaniwalang tanong ko pa sa kanya.
"Oo.. E bakit parang hindi ka makapaniwala diyan, Le-Anne?"
"Ahh ehh wala lang Tita, alam ko naman super rich na kayo, but I didn't expect na ganito pala kayo mas kayaman pa sa ini expect ko." I said.
She sighed a little bit and then..
"Papaalalahanan lang kita Le-Anne na hindi ka naririto para magbakasyon! Pinapunta ka dito ng Nanay mo para matuto kang magtrabaho sa sarili mo at hindi pakikipaglandian lang ang alam mong gawin." Direktang sagot pa niya sa akin.
Hindi ako kumibo at kinuha ang backpack ko at isinukbit ito sa sa likuran ko.
Kilala ko naman kasi si Tita, semi strict siya. Pero since na nga sister naman siya ni Nanay ay closed din naman ako sa kanya somehow.
Or must say na kilala ko naman siya na super cool at mabait din naman kahit papaano.
Dumiretso kami sa loob ng bahay ni Tita, until mamangha ako sa interiors nito. Na para bang yung bahay na nakikita ko lang sa mga kdramas. Maayos, malinis and well organized ang lahat. Meron din naman silang kasambahay kaya siguro well maintained talaga ito at sobrang linis.
"Maupo ka muna diyan sa sofa Le-Anne. Teka at tatawagin ko lang si Tito Billy mo, para makita ka." Sabi pa niya tsaka tumalikod sa akin at sumigaw pa ng...
"Honey, nandito na kami. Saan ka?"
At agad na marinig ko din naman ang masiglang tugon nito na...
"Yes, I know Honey, wait bababa na ako..."
Muli namang bumalik sa akin si Tita Lorraine at naupo sa tabi ko.
"Dahil pamangkin naman kita Le-Anne, ay hindi naman ako papayag siyempre na maging simpleng staff ka lang sa supermarket namin at lalo namang hindi Yaya gaya ng gusto ni Ate, ng Nanay mo nga. At since nag-aral ka naman ay gusto ko sanang maging checker ka don at maging mata na din naman namin mula sa mga pasaway na staffs namin supermarket. Sa madaling salita ay may karapatan kang utusan sila basta ba may kinalaman sa negosyo at hindi personal, maliwanag ba?"
"Yes po Tita." Magalang namang sagot ko sa kanya.
"Ay teka eto na pala ang Tito Billy mo, siya ang magpapaliwanag sa iyo ng iba pa." Sabi pa nito sa akin tsaka naman bumaling ang tingin nito sa isang lalake na ngayon ay nasa harapan na namin.
Naka urvan shorts lang ito at plain na shirt. Subalit mukha pa din siyang mayaman kahit ganito lang ang outfit niya at higit sa lahat ay mabango talaga siya. Literal na amoy mayaman.
Gwapo din naman siya kahit sa tingin ko ay nasa early 40's na siya na kagaya ni Tita.
"Hello po T-Tito B-Billy.. Nice meeting you po."
Naiilang man ay inilahad ko ang kamay ko sa kanya na agad naman niyang inabot at hinawakan ang kamay ko.
"You must be Le-Anne, the niece of my wife Lorraine? Nice to meet you too, Hija."
"Y-Yes po Tito..." Naiilang na tugon ko.
"Oh siya, since nagkita na kayo ay siya na din ang bahala sa iyo Le-Anne. Dahil si Tito Billy mo din naman ang Operations Manager doon. Kaya naman siya na din ang magpapaliwanag pa sa iyo ng ibang mga detalye tungkol sa magiging trabaho mo don."
Tama, ngayon ko lang nakita ang asawa ni Tita, dahil sa tuwing uuwi sa amin ay hindi naman niya ito kasama...
"Yes po Tita Lorraine..."