7

1125 Words
SOPHIA Sa tulong ng tiyaga at pagsisikap ay naitaguyod namin ng Anak kong si Dino ang itinayo naming kainan. Na higit pa nga sa dati lang na simpleng paresan. Dahil nga maliban dito ay nag serve na din kami ng mga pambalot na ulam, mga lutong bahay na sa tingin ko ay pumatok naman sa panlasa ng aming parokyano. Na sa tulong na din ni Steven na walang pagod na pagtuturo sa akin kung paano pa ba mas mapapasarap ang aming mga putahe ay nagawa ko naman. At masarap din isiping patok na patok sa kanila ang specialty namin. Ang pambatong recipe ng aking Asawa. Na naging trademark na din naman ng aming kainan. Na hindi nga maaring wala ito sa aming inihahanda sa bawat araw. Ang kanyang Mechadong Baka... "Ma ako na muna diyan dahil pagod kana malamang sa kakahalo diyan sa niluluto mo." Halata ang sigla sa mga mata ni Dino ng mapasukan niya sa ako sa kitchen area ng aming kainan. "Kaya ko pa naman Dino don't worry about me, yung pagkuha mo ng mga orders ang iyong asikasuhin, lalo na din ang mga lista ng bawat orders nila sa bawat table number." Sabi ko pa habang patuloy akong nakaharap sa malaking talyasi at naghahalo ng sarsa. Bahagya naman siyang napangiti at kinuha ang face towel ko mula sa mesa at pinunasan pa niya ang butil butil kong pawis sa noo. Dahilan upang upang magulat din ako, na ng mahimasmasan nga ako ay napangiti nalang sa kanya. "Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa din nasasanay sa akin Ma? Napansin ko lang kasi ang pawis mo sa mukha kasi." Pangangatwiran pa nga niya bago namam muling ibalik ang towel sa mesa. "Well, sa araw-araw mo ba namang ginagawa ito sa akin ay hindi pa ba naman ako masasanay noh." Sabi ko pa. Natawa naman siya. "Sus... Sabi mo lang yan Ma, pero ang totoo ay napapaigtad ka pa din sa tuwing gagawin ko ito." nakangiting sambit pa niya. Tama naman siya, nakakaramdam naman talaga ako ng pagkailang sa tuwing gagawin niya ito. Marahil ay hindi pa din ako masanay sa other side niya. Yung soft side niya na ngayon ko lang naman talaga namamalas sa kanya. Marahil ay hindi naman talaga siya malapit sa akin before. At siguro nga ay dahil sa madalas na din naman naming pagsasama dito sa kainan ay masasabi kong nagkakapalagayan na din naman kami ng loob. Siguro ay dahil na din sa mga efforts niya. At masabi din naman sa sariling sweet din naman pala si Dino. At masaya akong maranasan ang ganitong side ng panganay kong Anak. "Minsan naman kasi ay unpredictable pa din ang mga galawan mo kaya. Tulad niyan bigla bigla ka nalang papasok at gagawa ng mga ka-sweetan na gaya niyan. Sino naman kasi ang agad agad masasanay diba?" Napapailing pang sambit ko. "Dahil ba nasanay kana na si Papa lang gumagawa sa iyo ng ganito?" Tanong pa niya. Bahagya naman akong tumango at tumingin sa kanya. "Nga pala Dino, may nahanap kana bang makakatulong natin dito sa kusina? Siguro nga kasi ay panahon na din naman upang kumuha tayo ng makakatuwang natin." Pagbabago ko naman ng usapan. Tinugon naman ng pagtitig ang pagtingin ko sa kanya na sinasabayan pa nga niya ng matamis na ngiti. "Don't tell me Mama na sumusuko ka na huh? Akala ko ba ay kailangan nating magtipid at hanggat maari ay magtiyaga muna tayong ganito, para din hindi masyadong malaki ang babayaran natin sa pagpapasweldo?" Natawa naman ako. "Oo sinabi ko yon, pero sa tingin ko ay kailangan na nating talaga para naman mas mapabilis pa ang pagse serve natin." Pangangatwiran ko pa. Napakibiti balikat naman siya at hinila pa nga ang silya at naupo siya rito habang nakamasid pa din sa akin. "Pwede naman yung sinasabi mo Mama. Pero mas gusto ko muna kasi yung ganito tayo." Tugon niya na agad namang nagpakunot ng aking noo. "Huh? Eh bakit naman?" Nagtatakang tanong ko. Huminga naman siya ng malalim at, "Wala lang, kasi kapag may mga kasama na tayo dito sa kusina ay mawawalan na din tayong dalawa ng bonding. Na hindi na sa akin iikot ang buong atensiyon mo sa akin, dahil may mga tao na tayo dito." Pangangatwiran pa niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. "At talagang gumaganyan kana ngayon Dino, at ano naman kaya ang nakain ng Anak ko para naman magpaka sweet siya ng ganito sa kanyang Ina." Sabi ko pa tsaka naman ako lumapit sa kanya. Kinuha ko face towel at ako pa nga mismo ang nagpunas ng mga namumuo niyang pawis sa kanyang mukha. "Masaya lang kasi kapag ganito tayo Mama, siguro ay dahil ito ang mga bagay na missed ko sa iyo dati." Sabi pa niya. "Dahil nga mas nahilig kapa sa lansangan kesa naman sa bahay no. Tapos ay maaga ka ding nag-asawa kaya naman ganon." Tugon ko habang nakangiting nakamasid sa kanya. "Kung ganon Mama, ay gusto mo pa din bang kumuha ng mga tao para dito sa kusina?" Pangungulit pa niya. Muli naman akong tumawa at umiling. "Hindi na, dahil sabi mo nga ay mas gusto mong ganito lang tayo diba?" Sabi ko pa. Nagliwanag naman ang kanyang mukha sa sinabi ko. "Pero kung nahihirapan ka naman talaga Mama, ay pwede naman nga siguro. Naisip ko din naman na mas marami tayong oras siguro kung may makakatuwang ka. Pero sa isang kundisyon..." sabi pa niya. Agad namang napakunot muli ang aking noo. "At ano naman ito huh Dino?" Naku curious na tanong ko. Umayos naman siya ng upo at. "Simula bukas ay ako na ang maghahatid at susundo sa iyo Mama para naman hindi mo na din inaabala pa si Papa... Sa tingin mo Mama?" "Huh? Eh bakit?... Hindi ba mas mahihirapan ka kapag ganon?" Nagtatakang tanong lo. "Pumayag ka muna Mama..." pangungulit niya na tila isang batang paslit. Natawa naman ako. "Pag-iisipan ko Dino. Una ay masyado kasi yong mahirap para sa iyo. Na dapat ay nagpapahinga kana tapos ay ihahatid mo pa ako." Sabi ko pa. "Oo nakakapagod siya, pero masaya naman yon para sa akin. Kasi nga ay mas madami tayong time para mag bonding Mama." Sa totoo lang ay nahihiwagaan ako sa nais niyang iparating, subalit... "Alam mo magpagupit kana Dino, ang haba haba na ng buhok mo kaya. Tapos mag-ahit ka din nga ng bigote mo dahil mas bagay sa iyo yung wala." Malayong sagot ko na ikinatawa naman niya. "Sige Mama, bukas paghahatid ko sa iyo, at dadaan tayo sa barber shop para samahan mo muna akong magpagupit." Napatango nalang ako. At siguro ay ito na din ang paraan ng pagpayag ko sa gusto niya. Na bagamat hindi ko pa talaga alam kung paano ko nga ito sasabihin kay Steven...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD