Muli naman siyang umiyak at, "Oo tama ka Dino, sa relasyong ito ay gusto ko nalang paniwalain ang sarili kong mahal pa din ako ng Papa mo. Na wala na sa kanya si Clarisse at ang dati mong asawa ay isa lamang pagkakamali para sa kanya. Na si Clarisse ay isa lamang babae na marahil ay naging katuparan ng pantasya niya." Muli ay litanya niya.
Natawa naman ako sa mga sinabi niya. Na sa kabila ng mga pag-iyak niya at mga drama niya ay bakit hindi mawala ang pagkamuhi ko para sa kanila...
"Dahil kasalanan mo din ito Mama! Na kung akala mo ay kahabag-habag na ang itsura mo dahil sa ginawa ni Papa, at napakalinaw pa din sa akin na kaya nagloko si Papa ay dahil din sa panlalalake mo!!" Muli naman akong humitit ng sigarilyo bago naman tuluyang itinapon sa sahig ang upos nito. Tsaka naman mabilis na tumayo at,
"Maari mo na akong iwan Mama, dahil sa tingin ko ay hindi naman nakakatulong yang mga ginagawa at sinasabi mo kahit kaunti para sa akin." Sabi ko pa.
Agad naman siyang napailing sa mga sinabi ko.
"Dahil ba pati ikaw ay naniniwalang nanlalake talaga ako huh? Na ganon na ba kababaw ang pagkakakilala niyo sa akin? Siguro nga nagkamali din ako, na nagkasala din ako sa Papa mo dahil nawalan ako ng oras sa kanya. At sa halip na asikasuhin ko siya ay pinili kong maging masaya sa labas kasama ang mga kaibigan ko sa zumba." Muli namang sabi niya.
Nagbugtong hininga naman ako.
"Patawa ka din Mama eh noh. Don't tell me na deny to death ka ngayon tungkol sa panlalake mo Mama?... Pwede bang umuwi kana lang siguro Mama, dahil wala akong masyadong pagtitimpi ngayon para sakyan ang mga pagsisinungaling mo!"
Napakuyom naman ang mga palad niya at bahagya pang tumitig sa akin.
"Siguro nga ang kasalanan ko lang ay ini entertain ko ang mga panunuyo nila. At ganon din naman ang mga nabuo naming friendship. Subalit maniwala ka at sa hindi ay hindi naging kami ng zumba instructor na yon. Na tropa tropa lang kami, pero oo nagpakita siya ng interest pero kahit kelan ay hindi ko siya pinatulan." Pangangatwiran pa niya, na sinadya pamg hindi banggitin ang pangalan ng lalake.
Muli naman akong natawa.
"At ano Mama? Tapos kana ba diyan sa pantasya mong wala kang bahid dingis huh? Dahil kung tapos kana ay umalis kana dahil madami ako kailangang gawin dito sa Paresan. Hindi mo ba nakikita? Na halos naging kalunos lunos na ang paresang ito na dati ay pinipilahan ng tao?" himig pagtataboy ko pa sa kanya.
Muli naman siyang nagtangkang lumapit sa akin.
"Kung ganon ay hayaan mong tulungan kita Dino. Na tulungan kitang muling magsimula. May mga naipon ako at sa tingin ko ay makakatulong ito upang makapagsimula tayo, tama ba?" sabi pa niya na bahagyang nagpangiti naman sa akin.
"As in magsimula tayo Mama? As in tutulungan mo akong maibalik ang paresan ko?" halos hindi naman makapaniwalang tanong ko.
"Oo Anak. Bakit ayaw mo ba? Dahil sa tingin ko ay sa ganito lang ako makakabawi sa iyo. At tama, siguro nga ay kasalanan ko din naman kung bakit nga ba nagkaganito ang lahat." patuloy pa niya.
Muli naman akong ngumisi at,
"Okay Mama, now sabihin mo akin.. Totoo bang hindi ka talaga nanlalake?" tila paninigurado ko pa.
Bahagya naman siyang ngumiti sa akin..
"Oo nga, mahirap bang paniwalaan ito Anak? Marahil sa mababaw na pananaw ay siguro nga ay oo, subalit sa katotohanang naging kami ay may mga nangyayari sa amin ay hindi talaga. At mahirap din bang paniwalaang naging masugid kong manliligaw ang Zumba Instructor na iyon, sa kabila ng pagtanggi ko sa kanya at sabihing maging magkaibigan nalang kami. Dahil sa ganitong paraan ay masasamahan ko siya." sabi pa niya.
"Siguro nga Ma, dahil ito ang pilit na isiniksik sa utak ko ni Papa." sabi ko pa.
"Oo dahil mas pinili kong hanapin ang saya ang labas. Habang ang Papa mo naman ay unti-unti ng mawawalan na ng gana sa akin... Until maramdaman ko ngang may iba na siya. Natakot ako oo.. Kaya siguro hindi ko na din inalam kung sino nga ba ang kabit niya. Kahit na bilang babae, at pilit akong itinuturo ng kutob ko sa Asawa mong si Clarisse, at pilit ko pa din itong iwinaksi sa isip ko, dahil para sa akin ay napakatinong babae ng asawa mo Dino. Na hindi ko naisip na magagawa niya ang mga bagay na ganyan. Subalit napatawad ko na siya. Sa ngayon ay alam kong matagal pa bago ko muling makuha ang loob ng Papa mo pero umaasa akong darating ang panahon na ako na ulit ang mahal niya. At handa akong maghintay sa panahong yon." patuloy na lintanya niya at syempre habang umiiyak.
"Siguro ay pwede pa kitang mapatawad Mama dahil sa mga ipinagtspat mo, subalit hindi si Papa at Clarisse. Dahil magbabayad sila ng mahal sa ginawa nilang pagtataksil sa akin!" galit na sabi ko.
"Utang ng loob Anak, alisin mo na ang galit sa puso mo at kalimutan na din ang mga nakaraan upang makapagsimula ka. Tutulungan kita Anak, sasamahan kita kung ito ang gusto mo..." muli ay umiiyak na sambit ni Mama.
Kalimutan ang lahat?
Kalimutan na ngayon ay wala na sa akin Clarisse dahil sa kagagawan ni Papa?
Hindi.. Hindi ko sila mapapatawad dahil gagantihan ko sila...
Lalo na si Papa...
"Salamat Mama. Pwede ba kitang i-hug kahit saglit lang?" paglalambing ko pa sa kanya.
Mabilis naman siyang yumakap sa akin. At ganon din naman ang ginawa ko.
Mahigpit na mahigpit, halos mapipi nga siya ng mga braso ko dahil sa higpit nito.
"Basta ipangako mong sasamahan mo ako Mama, mangako ka..." bulong ko pa sa kanya.
"Oo Anak, pangako yan..."