GARNET III (2): Ang Nakaraan Ulet

1798 Words
THE ANGELS Flashback continues... "Hi! Ako nga pala si - " "Fernanda. Y-you're Fernanda, I am G-gare. G-garnet, I mean." Tarantang sabi ni Gare na napatayo na. Ninenerboys sya dahil sa mag-aanim na taon nya sa VBS ay ngayon pa sya kinausap ng crush nya. Parang syang hihimatayin sa tuwa! "Hehe. You can call me Faena na lang." napakamot naman sa batok na sabi ng babae. Natulala naman si Gare dahil sa ganda ng nasa harap nya. Nagsasalita si Faena pero parang walang narinig si Gare dahil tutok na tutok ito sa mga labi ni Faena. She was starting to day dream again. Na hinahalikan daw sya ni Faena, instead na kinakausap sya. Sa bawat buka ng bunganga ni Faena, pinangarap ni Gare na sinisip-sip ni Faena ang mga labi nya. Yung mapusok na pagkakahalik pero may softness pa rin. Napapapikit pa yung nerd ng pikpikin ng mahina ni Faena ang kanang pisngi nito. "Nakikinig ka ba?" natatawang tanong ni Faena dito. Hiyang-hiya naman si Gare na napayuko. Alam nyang pulang-pula sya sa pagkakapahiya. Gare mentally scolded herself kung bakit sya nag-isip ng ganun. And she realized, hindi nya lang crush si Fernanda Paris "Faena" Jimenez, kundi chubachuchu inlalaboy sya dito. Oh gawd! "You're so cute. Anyway, dun sa tanong ko. Please, pakisagot." Dun na napatingin si Gare dito. The girl was still smiling, as usual. Ang ganda talaga nito sa malapitan. Gare said in her mind. Tsaka hindi sya napapagod ngumiti ngayon ah, ibang-iba sya ngayon compare nung mga nakaraang taon na astig look lang, pero mas maganda sya ngayon dahil nakangiti sya. Hayyy... "Gare?" tawag sa kanya ni Faena. "Ayy oo, nakikinig ako." Gulat na sabi naman nya. Natawa ulit si Faena. "Oo tanong ko nga yun pero yung tanong ko about sa date. Would you like to go out with me tonight?" At ayun, natulala uli si Gare. A date? With her? Is she asking me on a date? OH.MY.GOD! Waaaaahhhh!!! Sa isip to ni Gare. With an open mouth, parang tangang nakatingin lang si Gare kay Faena at hindi makapaniwala sa sinasabi nito. Long silence. Cricket sound. Owls whispering... Loading Gare... Loading... "I guess, silence means yes eh?" basag ni Faena sa katahimikan. Nakanganga pa rin si Gare. 'di makapagsalita. Nastarstruck eh. Kaya mas nagulat pa sya sa sunod na ginawa ni Faena sa kanya. Hinawakan nito ang baba ni Gare at hinalikan ito sa pisngi, sabay bulong ng mga katagang, "Susunduin kita mamaya sa dorm room mo. Bye." Gare thought she was going to faint. Nakaalis na't lahat si Faena'y nakatayo pa rin sya doon. When she realized everything that has happened, hindi na nya napigilang maglulundag at mapasigaw sa tuwa. Bulong-bulungan naman ang ibang mga estudyante pero wala ng pakialam si Gare. Akala naman ni Elijah, nagcheer si Gare sa kanya dahil sa hinaba-haba ng pagbabakasakali nya, nakatyamba syang naka-shoot. Ang saya rin ng nerd. Parang naging fairy tale ang lahat. Ang bilis ng pangyayari, after that date with Faena, inaya na syang maging girlfriend nito, na hindi na hindian ni Gare. Faena was Gare's everything kahit pa nga she has to deal with her bad reputations sa school. Wala na ngang nambully sa kanya at kay Elijah. Hindi naman sang-ayon si Elijah sa relasyon ng kaibigan but wala na syang nagawa dahil ginusto na yun ni Gare. Laging nasasabak sa gulo si Faena. Umuuwi ito sa dorm room ni Gare na laging may pasa. Tigagamot naman nito si Gare. Gare never ask sa mga affairs ni Faena at wala namang sineshare si Faena kay Gare. Imbes na doctor ang kunin ni Gare sa college eh nag-iba ang naging desisyon nya dahil na rin sa always na kalagayan ng girlfriend, so mas pinili nyang maging nurse. Nagtagal naman ang relasyon ng dalawa. Faena was also a sweet lover and she never fail to make Gare felt that she's so special to her. Hanggang isang araw, nawala na lang si Faena na parang bula after they have this one time, long passionate love making. Hindi na ito nagpakita kay Gare. Hindi na rin ito nagpakita sa entire school. Then Gare learn from Elijah na dahil lang pala sa pustahan kaya sya niligawan ni Faena. Tinukso kasi ito ng isa pang gang leader na duwag. Kaya napagkasunduan nilang pagpustahan kung makukuha ni Faena si Gare para mapatunayang 'di duwag ang gang leader at nanalo nga ito, plus a bonus na nakuha nya ang virginity ni Gare. Simula nun, kinamuhian at kinalimutan ni Gare si Faena pero hindi nya akalaing ipagpapatuloy nya pa rin ang pagiging nurse nya. +End of flashback+ "Huhuhu! Ang sakit sa apdo. Bakit naman ganun si Faena?!" exaggerated na react ni Uno pagkatapos nilang mapanood ang memory ni Gare. "Awts nga. Kawawa naman si nurse Gare. Kaya pala nya sinampal kanina yung nakasombrero. Si Faena pala yun." Sabi naman ni Dos na nakatingin na sa busy'ng nurse. Awang-awa syang nakatingin sa nurse. "Huwaaaa!!! I can't get over it. I'm heartbroken. Ang sakit sa lungs! Huwaaaa!" iyak ni Uno na pinalo-palo pa ang pader. "Hoy! Tumigil ka nga. Kung makaiyak naman akala mo may lalabas na luha." Tres interrupted at kinuha ang iphone kay Uno. Baka kasi ito pa ang mapalo ni Uno sa pader. "Eh ganito 'di ba ang initial reaction ng tao? Nagpapakatotoo lang ako sister! Huwaaa!" rason naman ni Uno. "Hayaan mo na sya Tres. Masakit naman talaga yung nalaman natin sa past ni Gare." Sisinghot-singhot na sabi ni Dos, na waring iiyak na rin. "Huwaaa! Comfort me Dos." Sabi naman ni Uno na yumakap kay Dos. Nagyakapan naman ang dalawa at malakas na humihiyaw na parang namatayan. "Juice colored! Bakit nyo naman po ako biniyayaan ng mga hunghang na mga kaibigan?" nakatingin pa sa ceiling na sabi ni Tres. Minsan kasi nakakabaliw na rin ang kaartehan ng dalawang kaibigan nya. Patuloy pa rin ang exaggeration ng dalawang anghel at walang kamalay-malay na nakalapit na pala si Doc Kiko kay Gare. "Hi Miss Gare." Bati ng Doctor sa nurse, na ngayon nga'y napatangang nakatingin sa Doctor. Perhaps, not believing that the Doctor was talking to her. Nakatunog naman si Tres kaya hinila na nya ang dalawang kaibigan sa kaartehan nila at sinabihang tumahimik at makinig sa usapan ng Doc at Nurse. Natigil naman ang dalawa. "Y-yes Doc? M-may kailangan po ba kayo?" nag-stutter na sabi ng nurse. "Ayy, nabubulol. Bet nga nya ang doctor." Epal ni Uno. Syempre pwede silang makaepal, hindi naman sila maririnig ng mga ito. "Shhh..." sabi ni Dos at Tres sa maingay na si Uno. Hindi na nga nagreact si Uno. "Uhm, I think it's about time to ask you on a date, Gare. Ang tagal ko na sanang gustong gawin to pero nahihiya talaga ako pero maglalakas loob na ako. Please go on a date with me?" the doc said with a sheepish smile. Yung reaction ni Gare, parang hihimatayin sa kilig pero nagpipigil lang. Tsk! Babaeng to. Tumango naman ang nurse with a lip biting smile. "Inaakit nya ba yung doctor? Ang landi." Epal ulit ni Uno. "Wag kang maingay!" si Dos na 'di nakatiis at pinalo ang maingay na si Uno sa braso. Re-react na naman sana ito pero nazipper na naman yung bunganga nya at si Tres pa rin ang may kagagawan. Tres glared at her kaya parang tuta na natahimik lang ito sa sulok. Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa. Flirting with each other. Naging masaya ulit ang mood ni Gare dahil tonight, may date sila ng doctor. Ang saya naman ng nurse at nagpaalam na sila sa isa't isa as they exchange numbers. "Oh, may progression na. One week lang ata tong mission na ‘to, matatapos na tayo." Nakangiting malapad na sabi ni Tres. "Oo nga." Masayang sang-ayon ni Dos. "Ano sa tingin mo, Uno?" baling nito sa kanina pa tahimik na kaibigan para lang matawa sa nakikita. Uno was making faces of resentment habang nakazipper pa rin ang bunganga. "Oo nga, Uno. Ba't ba ang tahimik mo?" takang sabi naman ni Tres at tumingin sa gawi ng kaibigan. "Oops, sorry. Oh ayan." Dagdag nya na tinanggal na ang pagkakazipper sa labi ni Uno. "Kay FPJ pa rin ako." Atungal ni Uno. "Eh hate nya yun eh." Si Dos na nginuso ang nurse. "Tsaka okay naman si Doc Kiko. Bagay naman sila." "Malakas ang feeling ko guys eh, kaya 'di pa nagkakaroon ng love life yang si nurse Gare dahil may feelings pa sya kay FPJ." Si Uno. Nakikinig lang si Tres sa kanila, as usual. "Yan ka na naman sa feelings, feelings mo eh. Baka ikapahamak na naman natin yan." Si Dos. "Hindi. Malakas talaga kutob ko..." pagpupumilit ni Uno. "Okay. Enough. Baka saan naman mapunta yan." Pigil ni Tres sa dalawa. "I got a plan." "Ooh interesting." Sabi ng dalawa. Minsan lang kasi magsuggest tong si Tres. Usually, si Dos ang laging may plano. "Ganito. Why not, tig-isa tayo ng task? Like, may magbabantay kay Gare, kay Doc at kay FPJ." Sabi nya. Tumango naman ang dalawa. What a bright idea! "Tama! Para mas madali ang mission." Bulalas ni Uno. "Pero guys..." si Dos na nakatingin sa phone. "Nagtweet si San Pedro." Dismayadong sabi nya. "Anong sabi?" sabi ng dalawa na lumapit kay Dos to peek sa phone nito. "Sabi nya, dahil group mission ito, bawal tayong magseparate. Nandoon daw yun sa booklet. Number 21. #booklet #CalendarGirls #groupeffort." Sabi nya. Nanlumo naman ang dalawa sa narinig. Silence... "So, anong gagawin natin ngayon?" basag ni Uno sa katahimikan. Walang sumagot. Bigla namang tumayo si Uno at naglakad palabas ng hospital. "Saan ka pupunta?" sabay na tanong ng dalawa pero sumunod na rin. "Pupunta kay FPJ. Huhukayin ko sya este hahanapin ko sya." Pagpapatuloy ni Uno habang nakasunod ang dalawa. "Hala. Baliw ka ba? Eh ayaw na nga ni Gare dun sa tao? Hello?" sabi naman ni Dos. "Gusto ko lang naman malaman kung ano talaga ang nangyari. As I saw in the memory of Gare, masaya naman sila ni FPJ, I mean Faena. We shouldn't call her that baka multuhin pa tayo ng tunay na FPJ." Sumegway na yung sinasabi ni Uno. "Uno, stop!" pigil naman ni Dos sa mabilis na paglalakad ni Uno. Nasa national highway na sila at dinaan-daanan lang ang mga sasakyan. Tumigil naman ito. Ganun din si Tres. "Make it straight to the point para 'di masayang ang oras natin. Tandaan mong may time frame tayo. We cannot make mistakes here kasi sa Sheoul ang bagsak natin kung 'di natin to matatapos." Uno sigh before speaking, "My point is, how can Gare be totally happy if she's still living in the past? Magiging useless ang pag-ibig na ibibigay natin sa kanya with Doc Kiko kung may mga issues pa sya sa nakaraan. She didn't fully move on and that's so obvious." Napaisip naman si Dos sa sinabi ni Uno. Natigil lang sya ng pumalapak si Tres. "Galing! Nag-iisip ka rin pala, dude? Wow. That's deep." Akbay ni Tres kay Uno. Ngiting accomplishment naman ang huli. "Okay, suportado kita. Let's go?" dagdag ni Tres. Tumango si Uno at nagsimula na uli silang maglakbay. This time, lumipad na sila. Walang nagawa si Dos kundi sumunod. Talo sya eh. Two versus one ang labanan tsaka may point din si Uno. ‘Di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD