GARNET III: Ang Nakaraan

1242 Words
Still on Day One... (Epal ni San Pedro: "Ang slow ng progression. Tsk. Tsk. Tsk.") +++ THE ANGELS "ANO bang pinagsasabi nyo?" nagtatakang tanong ni Uno sa dalawang, 'di mapuknat-puknat ang ngiti sa labi. Nang 'di sumagot ang mga ito ay biglang inagaw ni Uno ang iPhone ni Tres, kung saan naroon nakasave ang kaninang iniisip ni Gare. "Bantayan nyo si Nurse Gare ha." Hirit pa nya at puwesto na sa malapit na upuan para panoorin ang memory ni Gare. "Uie! Patingin rin." Hirit naman ni Dos. "Oh Tres, toka mo muna ha." Utos ni Dos sa napasimangot na anghel. Wala namang magagawa si Tres kundi sundin ang mga ito. Ang flashback ay nagsisimula na... "Miss Garcia? Will you answer the question please?" walang sagot mula sa tinawag... "Miss Garcia?" ulit na tawag ng teacher. "Gare, tawag ka ni Mrs. Blanca." Siniko ng lalaking nerd ang kaibigang katabi, na gayon nga'y nakatulalang nakatingin sa labas ng classroom. Nasa tapat kasi ng room ang open court nila sa school kaya malaya itong nakakasilip mula sa second floor na room nila doon sa court. Natauhan naman ang siniko at hinarap ang galit na mukha ng teacher sa harapan. "Sorry, teacher. A-ano po u-ulit yun?" natarantang sabi ng 17 yrs old na babae. She's in the senior year sa high school pero hindi sya yung typical na estudyanteng malaya at happy-go-lucky. Member sya ng nerd students na laging nakayuko lang kung naglalakad, super mahiyain at ang kaibigan lang ay ang mga libro. Ahh may kaibigan nga pala sya. Si Elijah, ang nerd bestfriend nya. Lagi nga silang tinutuksong bagay sila dahil para daw silang si Betty La Fea at yung kaibigan nya. Nakabraces rin kasi ang magkaibigan at may bangs rin si Gare. She's not ugly pero her nerd look ang binabasehan nila para tuksuhin ito. Member rin si Gare sa mga nakahiligang tuksuhin ng mga kaklase. Sa madaling salita, bullied sila. Dalawa sila ni Elijah at marami pang weaklings sa Victoria Boarding School. (A/N: VBS? Hehehe. Opo, ginamit ko na rin dito. Napagod na akong mag-isip pa ng mga lugar at pangalan kaya expect na lang po ninyo na mabubuhay lahat ng mga characters at lugar na nabasa nyo sa stories ko, in this story. Enjoy reading! *grin*) "Are you daydreaming in my class, Miss Garcia?" medyo galit na tanong ng teacher kay Gare. "Nagde daydream na naman sya kay Elijah, teacher!" sigaw ng isang kaklase nila. Siniship talaga kasi sila ni Elijah ng mga classmates nila. "T-talaga, Gare?" bulong naman ni Elijah sa kaibigan. Parang tanga namang naniwala si Elijah sa mga kaklase. Pulang-pula naman si Gare while shooking her head at napayuko. Narinig yun ng mga kaklase nila at naging tampulan na naman sila ng tukso. Namumulang kamatis ang dalawa. Hiyang-hiya sa nangyayari. Buti na lang napatigil ang mga ito ni Mrs. Blanca. Pinaupo na ni Mrs. Blanca si Gare na namumula pa rin mula sa pagkakapahiya. Yes, she was daydreaming. Tama naman sila dun pero hindi dahil kay Elijah. Kundi sa taong nagbabasketball kanina. Sa long time crush nya at badass sa school. Hindi alam ni Gare kung bakit sa gang leader pa sya nagkagusto. There is something about her na nagbibigay ng t***k at kilig sa puso nya kahit pa nga ito'y isa sa mga kinakatakutang estudyante dito sa VBS. Yes, her crush was a she. And Gare thinks hindi lang yun normal crush, palagay nya'y mas higit pa. Pero dalawa lang sila ni Elijah ang nakakaalam nun. That was their deepest secret at nangako si Elijah na 'di nya sasabihin kahit kanino man. And Gare was holding to Elijah's promised. The bell ring signaling na tapos na ang klase nila for today. May last subject pa na P.E. si Elijah and invited Gare to watch their basketball match. Ihahatid rin kasi sya sa dorm nito, na nakasanayan na ring gawin sa kanya ni Elijah. Kahit naman kasi medyo lampa ang kaibigan ni Gare pero magiting naman itong pinagtatanggol sya kahit minsan bugbog-sarado ang abutin nito, lalo na sa mga gang member ng crush nya. Mahilig talaga kasi silang pagtripan ng mga hoodlums na yun. Kaya ayun, Gare was on the vacant bench sa taas ng court, malayo sa mga estudyanteng wala ng ginawa kundi mag-magaling sa isa't isa. Mayayaman rin kasi ang mga mag-aaral sa VBS and don't spare the bitchy attitudes. May mga ganun pa rin. May mga mababait naman pero mas marami ang mga bully and worst, member ng Gang. Hindi nga alam ni Gare kung panu natatago ng Gang Leaders yung mga ganitong bagay sa management but well, money works, ika nga. Nagsimula na nga yung game ng boys pero Gare was reading. She was drawn reading her books about medicine. Gusto nya kasing maging Doctor. Lalo na isang mission Doctor. Gusto nyang tumulong o manggamot sa mga lugar kung saan 'di naabot ang panggagamot. Basa pa rin ng basa si Gare pero hindi nya napigilang makinig sa usapan sa isang kumpol ng mga estudyanteng malapit sa kinauupuan nya. Ang topic nila ay about sa pag-ibig. Student 1: Ang pag-ibig parang rubber band na hawak ng dalawang tao on both ends. Kapag bumitaw yung isa, yung naghold-on ang masasaktan. Other Students: Owww... So deep. Gare tried not to smile but she agreed sa sinabi ng estudyante. Student 2: Oh ako naman. Ang pag-ibig... parang parking lot. Minsan puno - kailangan may umalis munang isa, bago ka makapasok. Other Students: Tama. Tama. Tumango naman si Gare para pagsang-ayon dito. Student 3: Oh eto naman sa akin. Ang pag-ibig parang sports. Ang hirap ipanalo ang laban kung reserba ka lang. Other students: Oh... May pinaghuhugutan... ambitter! Binatukan sya ng mga kasama. Naawa si Gare sa bitter na student. But they just all laugh, nagkakasayahan lang ang mga ito. Student 1: Okay eto pa. Ang pag-ibig parang cellphone na nahulog sa kubeta. Hindi mo makukuha kung wala kang lakas ng loob. Other students: Ang lalim talaga. May pinagdadaanan rin. Galing ni student #1, parang inlove. Relate much masyado ang nerd. Student 2: Guys, ang pag-ibig parang picture. Bawal ang tatlo - yung gumigitna, namamatay! Tawanan sila. Natawa na rin ng mahina si Gare. (A/N: The quotes came from the book, THE MORNING RUSH TOP 10, BOOK 2 :D) Hindi na nga nakaconcentrate si Gare sa pagbabasa ng may tumayo sa harap nya. Napatingala ito sa taong yun at sa gulat nya'y ang crush nya pala ang nasa harapan nya. Her heartbeat was beating so fast. Kinakabahan sya ng sobra, lalo pa't ngumiti ito sa kanya... +++ "Uno! Bakit mo pinause?" umangal na sabi ni Dos. Inis na inis ito kay Uno. "Eh makati yung daliri ko sa paa." Maktol naman ni Uno. "Pakikamot Dos, please." Puppy eye nya sa kaibigan. Inis namang tumalima si Dos. Pinagbigyan nya na lang ang kaibigan dahil 'di nya matiis ang cute puppy eyes nito. "Saan dito Uno?!" pagalit na sabi ni Dos pero nasa paanan na ni Uno. "Sa hinlalaki po, sa left side. Opo, ayan. Ahhh.. Ahhh.. Oo dyan nga.. Ahh sarap..." sabi ni Uno na may papikit-pikit pang nalalaman. Taka namang napatingin si Tres sa ginagawa ng mga kaibigan. Akala nya'y may milagro ng ginagawa pero nakita ngyang kinakamot lang pala ni Dos ang kuko sa paa ni Uno. Tong si Uno naman kasi, kung makaungol, wagas! Higit pang merong ginagawang kababalaghan. As for nurse Gare, she's busy checking the files left out from last night's shift. "Oh 'lika na Dos, watch na tayo." Malapad ang ngiting sabi ni Uno sa nakabusangot na si Dos. Naisahan sya ni Uno ng 'di nya nalalaman. Mentally, sumayaw si Uno sa tagumpay. Lumapit ng mabuti si Uno kay Dos at humilig pa sa balikat nito habang patuloy nilang nireview ang memory ni nurse Gare.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD