GARNET II (2): Ang Nakaraang Iniirog

1521 Words
GARNET "KANINO ako a-assist, Josie?" badtrip na tanong ko sa kasama kong nurse. Na late ako ng 5 minutes dahil sa insidente sa baba kanina. Badtrip na badtrip pa rin ako. Of all people, bakit sya pa?! "Wa lang bang good morning dyan Gare? Wow ha, sambakol ang mukha." Tukso nito sa akin. "Pwede ba tigilan mo ako. Wala ako sa mood. Sabihin mo na lang kung kanino ako assign ngayon." Sabi ko sa kanya na inayos ang gamit ko. "Woah. Chill. Wala kang assist ngayon dahil absent si Doc Ramirez pero ewan ko lang mamaya." Sagot naman nya. I was really having a bad day. Ang saya pa naman ng araw ko. Sinira lang ng tonta na yun! Ugrh! Tumango lang ako bilang sagot dito at naupo sa bakanteng silya. Kunwari nagchecheck sa mga records ng mga nurse kagabi. "Alis muna ako. Ako assistant ni Doc Molina eh." Josie's voice was teasing again. Alam nyang may long time crush ako kay Doc Kiko Molina. She was a trusted friend at sya ang isa sa mga close ko dito sa LGH. Kung noon pag ganitong tinutukso nya ako sa Doktor na crush ko eh, kinikilig ako pero hindi ko maintindihan ngayon ang dapat maging reaction ko dahil super wala talaga ako sa mood. Hindi rin pala alam ni Josie na malapit na akong manakawan. "Josie malapit na akong manakawan." Wala sa sariling sabi ko sa kanya. "What? Ano? Nasaktan ka ba? May ginawa ba sya sayo? Okay ka lang? Nirape ka ba nya? Lapastangang, hinayupak na animal na hayop na yun! Ipapakulong natin sya. Magdedemanda tayo. Tatawag ako ng pulis, attorney, 911, ambulance, doctor, nurse at blah blah blah..." ayun, nataranta na ang kaibigan ko. Napangiti na lang ako sa concern nito pero alam kong 'di yun umabot sa mga mata ko. "Okay lang naman. May tumulong naman sa akin. Nakuha ko nga ulit yung bag ko." Sabi ko naman. "Kaya pala badtrip ka at wala sa sarili. Buti naman may tumulong sayo." Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Oo nga." Nalungkot sya nung naisip nya kung sino ang tumulong sa kanya kanina. "Sige na, baka hinahanap ka na ni Doc." Taboy ko sa kanya at pilit na pinasaya ang tono ko. "Sure ka bang okay ka lang? Pahinga ka na lang muna kaya. 'lika samahan kita kay Head nurse para magpaalam." "Hindi... Okay na ako. Buhay pa naman ako 'di ba?" kumbinsi ko dito. May pagkamakulit din kasi itong kaibigan ko na to. "Josie, hanap ka na ni Doc." Biglang sulpot ng isang kasamahan naming Nurse na agad ring nawala. Nagmamadali much? Medyo busy rin kasi. "Sige na alis na. Okay lang ako." Taboy ko sa kanya. Tinignan nya lang ako ng mariin at halatang 'di kumbinsido sa tinuturan ko. "Sige na." taboy ko pa rin sa kanya na inabot na ang records sa mga kamay nya. Bumuntong hininga naman ito at nagsimula ng maglakad. Nagkunwari na lang akong nagchecheck sa mga gamot na naroon nang tawagin nya uli ako. Lumingon ako dito at nakatayo pa pala ito sa 'di kalayuan. "Happy new year nga pala." Si Josie. "Happy new year din." Pilit ang ngiting bati ko dito. Tumango lang ito at umalis na. Oo, new year nga ngayon pero may trabaho pa rin. Kailangan eh. Public servant kami kaya kahit mga ganitong mga araw ay kailangan naming magduty, kasi mas kakailanganin yung serbisyo namin. Saklap ano? Pero ganun talaga. So far, wala naman masyadong mga nasaktan at naputukan this year. Maliit lang kasi ang mga nagpunta sa LGH para magpagamot. Buti na lang natakot yung mga tao sa banta ni Mayor, I mean ng Vice nya, kaya medyo matiwasay ang hospital ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang 'di maisip yung tumulong sa akin kanina. She hated herself bakit for all these years, ganito pa rin kabilis tumibok ang puso nya pagnaiisip ito. 8 years na 'di sila nagkita tapos ngayon, in just that unanticipated event, ganito pa rin ang nararamdaman nya. Oh God! While biting her thumb, the memory from the past was coming back to her thoughts. Again. +++ DOS "Ano nang nagyayari, Tres?" narinig kong tanong ni Uno dito. Nasa tabi lang kami ni Nurse Gare, na hayan nga't nakaupo at nagdeday-dream. "Mamaya ka na magtanong. Sinisave ko pa memory nya eh." Nakukulitan namang sagot ni Tres. Nagre-relive kasi sa past si Gare at ginagather ni Tres yung past memory nito. Pwede naman sana naming pasukin na lang ang memory ni Gare pero nag-iingat na kami ngayon. The last time na ginawa namin yun ay halos 'di kinaya ng naging subject namin at malapit ng nabaliw. Buti na lang narescue kami ni San Pedro. Kaya ngayon, ingat na ingat kami sa paggather ng information. Kung anong nangyayari sa utak ng subject, eh yun na lang din ang kinukuha naming info. "Ano na kaya iniisip nya? Sino kaya yung babaeng nakasombrero kanina? Galing nung babae, parang si FPJ lang. Whoosh... Bakit nya kaya sinampal?" hindi mapakaling lakad pakanan at kaliwa ni Uno. Nakakahilo na ito but I decided to shut up, kasi I was assigned to gather info sa love interest ni Gare na si Doc Kiko. Okay naman pala tong si Doc Kiko. Graduate sa Harvard University at dun na rin nagmasteral at doctorate. 27 years old and a bachelor. Mayaman, maraming negosyo, may isang babaeng kapatid pero hindi naman pinaalam dahil bastarda daw at tinatago sa madla dahil ayaw masira ng Doktor ang reputation ng namayapang ama. It was a hidden information pero I manage to get it, kasi naman anghel nga kami. We get what we wanted. Pero syempre ingat din kasi baka magkamali na naman kami at bang! Sheoul na talaga ang bagsak namin. "New year pala ngayon dito sa earth, mga bru." Kausap sa amin ni Uno pero busy kami, kaya 'di namin sya pinansin. As cheerful as she is, nagpatuloy pa rin ito sa pagdada kahit pa nga 'di kami nakikinig dito. "Happy new year, mga bru! Its plapla time!" sigaw nito na parang bata. Hindi ko sana ito papansinin pero ng mapatingin ako sa gawi nya'y may hawak nga itong plapla at akmang sisindihan. Agad akong nag-appear sa harapan nito at binigwasan ito sabay kuha ng plapla sa kamay. "Awwweeeee! Ansakeeet naman nuuun!" naiiyak na sabi nya. "Ang boba mo talaga! Totoong plapla ‘to! Panu kung may madisgrasya sa pagpapaputok mo! Ayp!" sabi kong inaktuhang sasapakin ito. Hinarang naman nya ang mga kamay sa mukha, pang defense sa gagawin ko pero 'di ko naman tinuloy. "San mo kinuha ‘to?" tanong ko na lang sa kanya. Nakakaawa kasi yung mukha ng bruha. "Dun sa batang naputukan. Ninakaw ko sa bulsa nya." Parang batang pinaglalaruan nya yung kamay habang nakayuko. She really look sorry for what she did but I know its just an act. "Tss. Patay ka kay San Pedro. Another de-merit na naman yan sa score mo sa mission na to. First day pa lang andami mo ng minus points. Pss. Individual scoring naman tayo, kaya bahala ka na nga dyan." Sabi ko sa kanya at pinadisappear na yung plapla sa kalawakan. Meanwhile, sa labas ng earth, dun sa kalawakan, pumutok ang plapla na hinagis ni Dos. Natamaan ang isang UFO. Nagkaroon ng turbulence sa spaceship at kinailangan ng alien na umalis sa spaceship gamit ng isa pang spaceship na mas maliit kasya lamang sa kanya at naglanding sa Pilipinas in a harsh way. Walang kaalam-alam yung tatlong anghel. Akala lang ni Dos, nadespatsa nya na yung plapla. Yun pala'y magbibigay lang ito ng malaking problema sa kanilang tatlo. Balik sa LGH... "Hindi individual ang rating sa atin girls. By group. Group effort ‘to." Sabad naman ni Tres na patuloy sa pagrerecord ng thoughts ni Gare. Nanlaki ang mga matang napatingin si Dos dito. "Basahin mo sa Cherubs mission, Project: Calendar Girls page three, number 20." Nonchalant na sabi ni Tres. Agad namang nag-appear ang booklet na sinabi ni Tres at binasa ni Dos sa kanyang mga mata. Nakibasa na rin si Uno. "Bakit 'di ko ‘to nakita agad?" dismayadong umupo ulit si Dos sa tabi ni Nurse Gare. "Pss. Matalino daw." Bulong ni Uno, tukso para kay Dos. Tinignan lang ng masama ni Dos si Uno, na patay maling parang 'di binuska si Dos. Disappointed si Dos dahil 'di pa nga sila nagkakascore kay Gare, negative na ang rating nila sa first day pa lang. "Ayan tapos na." announce ni Tres na mukhang masaya. Bumalik naman ang excitement sa mukha ni Uno. "Patingin ako." Agaw ni Uno sa iphone ni Tres. Agad namang inilayo ni Tres ang iphone para 'di maabot ni Uno. ‘Di mapuknat ang ngiti sa labi ni Tres. "Anyare sayo? Ba't ka nakangiti?" 'di na napigilang tanong ni Uno. Napatingin na rin si Dos sa dalawa at nakitang nakangiti nga si Tres. "Check the profile of Gare, Dos." Utos nito kay Dos. Kahit nagtataka'y ginawa nya pa rin ang sinabi ni Tres. Nagulat pa sya ng may makitang changes sa profile ni Gare. "May new love interest sya..." sabi ni Dos. Agad na napatingin si Uno sa nagsalita. "With FPJ initials." Pathrill pa na dagdag ni Dos. "Huwaaattt??? Nagkalove interest pa sya sa patay? What a girl!" bulalas ni Uno. "Uh-huh. She's a girl." Nakangiti na ring sabi ni Dos. "Interesting, right?" sabi ni Tres na nakatingin kay Dos. "Superb." Sagot ni Dos. Hindi mapuknat ang ngiti ng dalawa sa mga labi. Si Uno? Nganga... Hindi naintindihan ang conversation ng dalawa. Wawa naman. :D
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD