GARNET II: Ang Tagapagligtas

1615 Words
GARNET January (Day One) WHAT a beautiful day! Happy new Year! Sa isip nya. Pasipol-sipol pa sya at sumasabay sa kanta ni Chris Brown, Lil Wayne at Busta Rhymes na Look At Me Now. Sinasabayan nya ang rap at walang pakialam sa traffic na hinaharap ngayon. Basta alam nya masaya ang araw nya dahil magkikita sila ni Doc Kiko. What she mean is, makikita na naman nya ang crush nyang Doctor. Sa isipin pa lang na yun eh, kinikilig na sya. Lakas ng tama no? Though inappropriate yung bitter song, eh hindi nya mapigilang sumabay sa kanta dahil isa yun sa paborito nyang genre. She loves to rap pero walang nakakaalam nun sa LGH at wala syang balak ipakita ang talent na yun. Asoos, may pinaghuhugutan talaga yan. Hala, si brain umeepal. Ano daw? May pasayaw-sayaw pa sya sa loob ng Audi nya, na buti na lang tinted kaya hindi sya nakikita ng mga motorist sa labas. Ahh basta, masaya sya. Period. Nakarating sya sa harap ng LGH at binigay sa guard ang susi ng sasakyan para ito na ang magpark. Nakalabas na ako't lahat-lahat ng biglang tumunog ang cellphone ko na hindi ko alam kung saan ko nilagay but I was sure na nasa bag ko lang ito. Napatigil muna ako sa harap ng hospital at hinanap sa bag ang iphone kong ayaw magpakita. "Ano ba... Nasaan ka na ba? Baka si Doc yung tumawag..." chos! Ambisyosa lang. Nangangarap na tawagan ni Doc Kiko. Haha! Sa katunayan nga, sa dalawang taon, ni kausapin lang sya ng isang minuto ay 'di pa nangyayari. Hindi naman sa snob si Doc Kiko pero sya lang ang problema dahil sinasadya nyang umiwas. Eh sa nahihiya sya. Kaya ayun, patingin-tingin na lang sya sa pinapantasyahang Doktor. Hanap pa rin sya ng hanap sa iPhone sa kanyang bag. Sobrang gulo rin kasi sa loob ng bag nya dahil nilagay nya lang ng nilagay yung mga gamit nya without arranging it. Nabigla na lang sya ng parang bula na nawala ang bag nya sa mga kamay. Tulala syang hinahagip sa isipan kung anong ng nangyari. Nang marealize nyang ninakawan pala sya'y, yun pa ang time na nakareact sya. "Magnanakaw! Magnanakaw!" she scream her lungs out. Naroon lahat ng importanteng ID's nya. Ang precious nang picture na nasa wallet nya. Huwaaaa! Hindi yun pwedeng mawala! Panay ang hingi nya ng saklolo pero yung mga magagaling na mga tao sa paligid ay 'di man lang sya tinulungan. Nakakainis! Wala na talagang mababait na mga tao ngayon na handang tumulong sa kapwa. Omigosh, yung picture. Huwaaaa! Naiiyak na lang syang nakatingin sa likod ng papalayong snatcher nang magulat pa syang may sumuntok dito. Hayaaa! My knight and shining armour! May nagmagandang loob nga na tumulong sa akin. Ang saya ko lang dahil may naiwan pa palang mababait na mga nilalang sa earth. Nakasuot ito ng maong na jacket na kupas, puting t-shirt sa looban, kupas din na jeans na may mga sira-sira na rin, lumang converse shoes at nakasombrero. Ang astig lang! Ang lapad pa ng ngiti ko na parang nagdeday dream habang nakatingin sa knight ang shining armour ko. Ang kisig nitong lumaban at ang tapang kahit pa nga naglabas ng patalim yung snatcher. Pero wala itong naging panama sa FPJ move ng hero ko. Hayyy, sya na ba Lord? Yay! Ano ba tong iniisip ko? Ayun, jumbag lang ng jumbag yung hero ko sa kawawang snatcher na wala palang binatbat. Ang laki lang ng katawan pero natalo lang sa malalakas na suntok ng hero ko. Hayyy Lord, sya na siguro? Ayeeee... Nung umikot ito ng 360 degrees para sa final punch nya ay nagpigil pa ako sa paghinga dahil sa sobrang excitement sa gagawin nya pero yun pala'y pinitik nya lang ng mahina ang noo ni snatcher at natumba na itong duguan ang mukha at kahit na sinong pintor ay 'di na kayang ipinta ang mukha nito. Waaah! Rejoice! Rejoice! Ang galing ng hero ko. Kaya naman parang tuod na akong nakatayo sa kinatatayuan ko kanina while he was approaching to me. Pero teka... did he just sway his hips? And am I clearly seeing this, na parang ang feminine naman nya maglakad pero sa labanan nila kanina ng snatcher ay super astig naman ito. No! Don't tell me, he is-- No! No! No! Gay alert! Gay alert! Sabi ng utak ko. Nooooooo!!!! Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala ito. "I believe this is yours, Miss." I heard her say. What? Her? Hindi ako nakaimik. Inaaninag ko ng mabuti ang mukha nito dahil hindi ko ito nakikita ng maayos dahil sa sombrero nito. "Nice to see you again, Gare." Dagdag pa nya, na ikinagulat ko mismo. Did she know me? The odd feeling was her voice sounds familiar. Omigosh! Sana hindi sya ang iniisip kong sya. Then my mouth drop when my hero unveil her face na tinanggal ang sombrero sa ulo nito, revealing her long raven black hair na bumagsak na sa balikat nya. Natulala ako at lalong 'di makaimik. Ang kaba sa didbid ko ay superb. Sya nga! OH.MY.GOD. Sya nga! She was cutely smiling at me just like before. Just like before... Just like before... Nang matauhan ako'y, in impulse, bigla ko na lang syang sinampal at hinablot ang bag ko't dali-daling pumasok sa LGH na parang hinahabol ako ng sampung demonyo. Omigosh! This is not happening again. Nooo! It can't be! Hindi ko na alam kung anong nangyari sa tumulong sa akin, basta all I care was to get away from her presence, away from that evil creature. +++ THE ANGELS "'tang-i--" 'di natapos ni Uno ang sasabihin dahil tinignan na sya ng masama ni Dos at Tres. "Tang na juice! Flavor ay pineapple! Anyare?!" sabi na lang nya. Palusot ang peg. XD "Palusot pa more." Dos snorted. Hindi talaga kayang linlangin ni Uno ang mga ito. "Napapadami yung pagsasalita natin ng bad words ah. Lagot na naman tayo nito kay San Pedro. Alam kong nakatutok na naman yung mga mata nya sa name list natin. Tsk! Tsk!" troubled na sabi ni Tres. Inakbayan naman sya ni Uno. "Wag kang mag-alala, bru. Hindi na maaulit yun. I promise na hindi na ako magsasalita ng bad words." Sabi pa nito na tinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Weeh?" sabay na sabi ni Tres at Dos. Halatang 'di naniniwala sa sinasabi ni Uno. "Luhhh, 'di kayo naniniwala?" Uno acted as if she was hurt sa disbelief ng dalawa. "Magtigil ka nga dyan Uno. Wag kang nangangako dahil puro naman napapako." Sabad ni Dos. "Awts!" sabi ni Uno. "Eh bakit? Napangakuan na ba kita kaya ayaw mong maniwala sa akin?" resbak ni Uno. Napaisip naman si Dos. Sa isip nya'y, napangakuan na nga ba sya ng kaibigan? Ang tagal nyang 'di nakasagot. "O wala naman pala. Wala kang ebidensya." Diniinan ni Uno ang pagkakasabi ni Uno sa ebidensya,na ginaya pa si Mommy Dionisia. Reresbak na sana si Dos ng nagsalita na si Tres. "Titigil ba kayo dyan o tatadyakan ko kayo sa mukha?" sabi nitong nakatingin sa iphone. Parang walang interes lang yung pagkakasabi nya pero natakot ang dalawa sa malamig na boses ni Tres. Tumigil nga ang mga ito at nagsubukan na lang ng tingin. Nagbangayan through making mocking faces. "Di nyo ba talaga titigilan yan? Ipagpapalit ko yang mukha nyo sa isa't isa." Babala nya ulit. Kahit nakayuko ito'y alam nya ang ginagawa ng dalawang nagsa-silent war. "Ehehe. Wala naman tayong ginagawa 'di ba, Uno?" hilaw na ngumiti si Dos kay Uno. "Oo nga. Nagmamahalan lang naman kami ni Dos, Tres." Plastic rin ang ngiting sabi ni Uno na inakbayan pa si Dos. "Gross!" bulong naman ni Dos dito. "Happy you!" ganti ni Uno. Tres just rolled her eyes at nagsimula ng maglakad. "Uie! Saan ka pupunta?" tanong ni Uno kay Tres. Sumunod na rin ang dalawa sa kanya. "Kay Gare. May mission tayo, right?" straight face naman na sagot ni Tres at nagpatuloy na sa paglalakad sa LGH na nilagpasan lang ang mga tao sa daan. "Oo nga pala." Sang-ayon ng dalawa na mabilis na sumunod kay Tres. Sa LGH... Habang naglalakad sila at hinahanap si Nurse Gare ay may napansin si Dos. "Uno? Anong ginagawa mo dyan sa pader? Bakit ka nagtatago dyan?" takang tanong ni Dos sa kaibigan. Para kasing pulis si Uno sa porma, na ingat na ingat na nakadikit sa pader at takot na takot na baka makita. Tinaasan lang ito ni Tres ng kilay at nagpatuloy na sa paglalakad upang hanapin si Nurse Gare. "Sssshhhh! Wag kang maingay! Baka may makakita sa atin. Malaman pang anghel tayo. Ssshhhh!!!" bulong ni Uno. Babatukan na naman sana ni Dos ang kaibigan pero tinignan sya ng masama ni Tres kaya hindi na lang nya ginawa. Ugh! Kampihan? Sa isip ni Dos. "Idiota! Nakaangel mode tayo kaya 'di tayo makikita. Imbecile!" sabi na lang ni Dos. Para namang natauhan si Uno at patikhim na inayos ang sarili. "Oo nga ano." She murmured at sumabay na sa paglalakad ng dalawang kaibigan. Dos just rolled her eyes at si Tres naman ay panay ang tingin sa iphone. "Nahanap mo na?" naiinip na tanong ni Dos. "Hmmm... Fourth floor, Nurse Station Three." Sagot ni Tres at tumigil sa harap ng elevator. "Ayos. Tara na." excited na sabi Uno na akmang papasok na sa elevator. "Magteleport kaya tayo para mas madali." Si Dos na pinigilan si Uno. "Mag-elevator naman tayo para mas masaya." Insist ni Uno. "Teleport! Late na tayo sa events ni Nurse Gare." Matigas rin na sabi ni Dos. "Elevator!" "Teleport!" "Elevator!" "Teleport!" "Elevator!" "Teleport!" At ayan nga po, nagsimula na naman ang dalawa. "Araray naku!" they scream in pain. Inuntog na kasi sila ni Tres. "Narito na tayo." She announces, na parang walang ginawa sa dalawa. Nakarating nap ala sila sa 4th floor ng 'di namamalayan dahil sa pag-untog ni Tres sa dalawa. Tumalikod na ito at bago pumunta sa gawi ni Nurse Gare ay nagbanta pa, "Umayos kayo kung ayaw nyong gawin ko ang banta ko." Tsaka ito lumakad sa nurse station three. Napalunok lang naman ang dalawa at tahimik na sumunod kay Tres kasi alam nilang 'di ito nagbibiro. *chills*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD