GARNET
NAALIMPUNGATAN ako sa mga boses na naririnig ko. It was something like their battling for some reason while I could barely understand what they're talking about dahil parang umiikot ang mundo ko at blurry pa ang vision ko.
But later on, I can clearly hear what they are saying and they really seem to fight over something. I still can't recognize them, I'm still gathering my thoughts.
"Yani, pag nakita ka ni bossing sa ginawa mo sa babae nya, nakuuuu lagot ka talaga." I heard familiar voices. And what... Yani?
"Oo nga, Yani. Bakit naman ginanyan mo ng karga si nurse. Para tuloy syang baboy." sabi ng isa pang pamilyar na boses. I think I know them.
"Eh sabi ni boss dalhin lang daw sa kwarto nya. Wala namang sinabing specific instruction kung panu dadalhin si Gare dun. Narinig nyo ba kung meron?" nagpatuloy ang pag-ikot ng paningin ko. Nahihilo na talaga ako pero pinilit ko pa ring makinig sa usapan nila. I tried to open my eyes pero lalo lamang akong nahihilo kung binubuksan ko ito. What is happening? Anong tinutukoy nila? Palagay ko, lumilindol sa paligid dahil hindi ako makatingin ng maayos.
"W-wala naman pero ang harass mo pa rin." sagot naman ng isa. Kilala ko talaga ang mga boses na to eh. Isip. Isip. Isip, Gare.
Bumuntong hininga naman yung isa. Ba't parang mas naririnig ko ito kaysa sa dalawa? As if ang sobrang lapit ko dito? I tried to open my eyes again at para makakita lang ng blurry red color. I don't understand my vision, as if my whole world was being swayed.
"San na nga ulit daw yung kwarto ni boss?" narinig kong tanong ng lalakeng mas malapit sa akin. Medyo clear na yung vision ko and I saw that the red color I was referring kanina ay isa palang color ng tee shirt. Kaya yun lang ang nakita ko kasi nakaharap ang mukha ko dun mismo while my hands and hair are dropping downwards as I realized na likod pala to ni Yani at para nga akong towel na sinukbit sa balikat nito.
What the hell! Kaya pala hilong-hilo ako dahil ganun ang posisyon ko. I saw two pairs of legs accompanying Yani, sigurado akong si Empoy at Bentong ang mga yun. 'langya naman tong mga to. Kasabwat pala nila si Faena. Ano kayang binabalak nila? Are they going to hurt me? Knowing Faena's a master of all evil, wow! Of all evil talaga? 'kay, hindi naman but she's a gang leader and the hell na hindi ko nalaman man lang na gang member pala nya tong tatlong ungas na to'y nagmukha akong estupido sa kanilang apat.
"Sa kanang gitna daw. Yung sa master's bedroom." narinig kong sagot ni Tong.
I need to get out of here. Syempre, alive and safe. I wonder what they will do to me? Are they going to gang rape me? Magagawa ba to ni Faena sa akin? Magagawa ba to ng tatlo sa akin? Hindi ko na alam kasi nawalan na ako ng tiwala sa kanila. They probably can do that. Nagsinungaling nga sila sa akin 'di ba? The thought scares me but I needed to keep calm. Hindi ako makakatakas sa mga halang ang kaluluwang, mga taksil na akala ko'y mga kaibigan kong to, kung maghehysterical ako dito. So, nagpanggap pa rin akong walang malay at grabe, hilong-hilo na talaga ako. May times pa na 'di sinasadyang matama ako sa pwetan ni Yani. Gawd, maawa naman kayo sa akin.
"Oh, dito na ata." narinig kong sabi ni Empoy kasabay ng pagtigil nila.
"Malamang. Ito lang naman yung nasa gitnang kwarto sa kanan." bara ni Tong. Eto talagang dalawang to.
"Tss." yun na lang nasabi ni Poy.
"Buksan mo na. Ang bigat na eh." reklamo ni Yani. Hala! Ako? Mabigat? Ang sexy ko kaya! Para nya na ring sinabing mataba ako. Hmp!
"Wala akong susi. Nakalimutang ibigay ni Boss." si Poy. Nagnanakaw ako ng tingin sa mga ginagawa nila. Gosh, ang sakit na ng leeg ko. Nangangalay na ako.
"Think, Poy. Ang bobo mo talaga. Para ano pa't naging ganito tayo kung mangangailangan pa tayo ng susi? Common sense nga." si Tong.
"Oo nga ano." parang natauhan na sabi ni Poy. Oo nga, ano nga ba sila? Professional gang members? Mga most wanted sa bansa? Mga halang ang kaluluwang kriminal? Akyat bahay? Rapist? Snatcher? Drug addict? Drug pusher o user? Kasabwat sa human trafficking? Eh ba't parang proud pa sila kung anuman sila ngayon? I can't believe I'm associating with criminals!
Lakas makajudge! They look like one, anyway! 'kay!
"Ayan bukas na." Poy announces. Bumukas nga. Wala man lang akong narinig na ingay except sa isang pitik na parang nanggaling sa daliri ni Poy. Whoa! Maybe they're magicians? Great. Andami ko ng assumptions. Kung anuman ang mga taong to, one thing I'm certain, I cannot trust them!
Tuloy-tuloy na silang pumasok at ako naman ay umaktong natutulog pa rin. Marahan akong hiniga ni Yani sa malambot na kama then silence fell. Magmumulat na sana ako ng mga mata para maudlot lang ng narinig ko ang pag-uusap nila. Hindi pa pala sila umaalis.
"It’s so nice in here, guys. Kitang-kita ang magandang dagat from here." bulalas ni Empoy. "Ito ba yung tinutukoy mong pinuntahan ni Boss the other week, Tong?" dagdag pa nito.
Out of curiosity, I peek kung nasaan sila and be relieve na nakatalikod pala ang tatlo sa akin habang nakatingin sa labas ng sliding door, extending maybe into the porch.
"Yes. Isn't it breathtaking? Isn't it amazing? Pagkaanindot jud diari, igsoon." Huh? Ano raw? Nahh, nevermind. Tutal busy naman tong tatlong to, I probably can sneak out. Mukhang manghang-mangha pa kasi ang tatlo sa nakikita sa labas eh.
Kaya naman, hinay-hinay akong bumaba habang nasa vigilant mode na tumatakas sa tatlong lalaking panay ang puri sa nakikita sa labas ng sliding door. Maganda nga yung view, kasi nakasilip ako ng kaunti pero chapa muna kasi I needed to get away from here. Away from them. Away from her.
Nagtagumpay akong makahakbang hanggang gitna ng kwarto ng biglang sumigaw si Poy.
"Tatakas sya!" I heard him say. Walang lingong likod akong tumakbo papuntang pinto pero mabilis na naharangan ako ni Yani.
"Paanong---?"
"Hindi ka makakatakas, nurse." mariing sabi nito. Ibang-iba ang Yaning nakikita ko ngayon, nakakatakot ang seryosong mukha nito.
"Yani, lemme out!" I demanded. Kahit natatakot ako ngayon sa mga ito'y hindi ko papayagang ganituhin nila ako. Lalaban ako!
"Don't be so stubborn Gare kung ayaw mong masaktan." banta nya sa akin. Well, first time to and I can sense Tong and Poy was behind me, so wala na talaga akong kawala sa mga ito. But as the saying goes, Habang may buhay, may pag-asa! Erap para sa masa! Kaya ko to.
"Please Yani. Please, lemme out. Magkaibigan naman tayo 'di ba? Hindi nyo kilala si Faena. She's a rude person. Masama syang tao. Kayo, mababait kayo. Don't let her poison you. Please guys." So, I'm pulling the pacute at paawa card here. Sana umubra!
I saw Yani, soften his features. It's working. Yes! Lalo akong nagpaawa, puppy eyes plus pout. Oh, I know I'm adorable. They can't resist this angelic face.
"Okay, nurse." maya-maya'y sabi ni Yani. Muntik na akong maglulundag sa tuwa.
"Yani! Lagot tayo kay boss nyan!" si Poy.
"What the hell dude! Boss will kill us!" si Tong.
Hindi ko pinansin ang dalawa. Tutal naman, parang si Yani ang leader nila, so mas need ko ang approval nya. "Pakakawalan mo na ako? Pauuwiin mo na ako? Yepee! Thank you, Yani. Alam ko namang mabait ka. Thank you!" at akma ko syang yayakapin when he stretch his hands and press it against face. Napaatras tuloy ako. Ang choosy ni Yani. Sya na nga tong yayakapin!
"Who said you're going home?"
"But you said okay!" protesta ko.
"I did pero I'm not done talking." sagot nya. Napasimangot ako. "Sabi ko, okay nurse but you can't go home. Not yet. You need to be here. Your safer here. Kapakanan mo lang ang sinasaalang-alang ni boss." seryosong sabi nya.
Ano raw? Safer? Kapakanan? My god, 'di nya alam ang sinasabi nya. It'll be more dangerous for me being with that gangster. They didn't know her. She's a heartless b*tch!
Dahil iniwan ka, heartless na agad? Oo! Kaya tumahimik ka!
"Nooooo!" I cried. "Aalis ako! Uuwi ako and no one can stop me!" sabi kong nagpumilit lumabas but epic fail. Yani was blocking the door way. "Yani! Alis dyan!"
"Nurse, please. Calm down. Maniwala ka, mas makabubuting dumito ka muna." I heard Poy said. I snap my head to him and throw him my stare daggers. Akala ko, sya ang maasahan ko dito pero sya rin pala ang isa sa mga sinungaling na taksil! Sincere lang naman itong nakatingin sa akin but I can't help na magalit dito.
"Come on, Gare. Wag ng pachoosy. Tinutulungan ka na nga. Tss." sabi ni Tong na mukha ng inis. Reresbakan ko sana ito ng naramdaman kong may humawak sa braso ko. Agad akong napalingon dito. Si Yani lang pala.
"Enough of this drama." sabi ni Yani and snapping his fingers in front of me. I was about to say something pero dahil sa pitik ng kamay nyang yun, I lost my vision. Nahimatay na pala ako.