GARNET VIII (2): Pangingidnap Part 2

1986 Words
GARNET ANG sarap ng panaginip ko dahilan para ayaw ko ng bumangon at pumasok ngayong araw sa ospital. Paano ba naman kasi, sa panaginip ko, nasa iisang kwarto lang daw kami ni Faena at magkayap na natutulog sa aking kama. Ang saya, 'di ba? How I wish it was true. Kaya nga ayaw ko pang magmulat at sinisiksik ko pa ng mabuti ang mukha sa pagkalambot-lambot na unan na akap-akap ko ngayon. Ang bango ng unan ko ngayon, ibang-iba ang amoy sa fabcon na inaapply ng stay out housemaid ko sa usual pero hindi ko mas ikakailang mas mabango to ngayon. Perhaps, my stay out housekeeper change the fabcon na usual na nilalagay nito. Buti naman kung ganun. I need to thank that housemaid later for doing the good job here. Mas lalo ko pang hinigpitan yung pagkakayakap ko sa unan habang nakapikit na ninanamnam ang sandali. Mas naiimagine kong si Faena ang niyayakap ko dahil oh god, magkasing amoy sila. Mukha na talaga akong obsess sa babaeng yun. Hayy, kung ba't naman kasi bigla-biglang nang-iiwan eh. I clear my mind from those head aching thoughts dahil gusto kong ienjoy tong moment na to. Bahala ng malate ako sa LGH ngayon basta kahit ngayong oras lang, maramdaman ko namang parang nandyan lang yung babaeng minahal ko at mahal pa rin, kahit sa imagination na lang. Kahit ngayon lang. Inamoy-amoy ko na yung unan na kasing halimuyak ni Faena nang bigla kong narinig ang mahinang pagtawa ng... Unan? Bakit tumatawa si unan? God, obsess na nga talaga siguro ako kay Faena dahil pati unan, pinagkakamalan kung sya. Muli ko na lang siniksik ang mukha ko sa mabangong amoy ng unan ng narinig ko itong magsalita, kasabay ng mahinang tawa nya. "Babe, nakikiliti ako." tsaka gumalaw si unan at ramdam kong may mga kamay na humawak sa bandang ulo ko. Dun ako napamulagat at nakitang hindi pala unan ko ang kanina ko pa niyayakap. And it was not a dream folks! This is actually happening and all I could do was to look at the person to confirm its really happening. Sinalubong naman ako ng nakabibighani nyang mga mata, na sobrang nakakaaliwalas sa diwa sa ganitong magandang umaga. At kailan lang ako naging makata? Aish! Ano bang pinagsasabi ko? "Good morning, baby.'' Ubod ng gandang ngiti nya sa akin which causes my sleeping shallow heart, wakes up and dribble into a rapid beat. Grabe, heart attack lang ang peg? That's when I realized it's not really a dream, then the memory of the abduction came back rushing to my mind and in an instance, mabilis akong umalis sa kama na yun. "You kidnap me!" sigaw ko sa kanya. Oo, galit ako. Bakit ba? "Chill, babe. Balik ka muna dito. I'm still sleepy eh. Ang layo ng binyahe natin and I needed a lot of sleep to regain my strength. 'ge na, sleep muna tayo." sabi nya na humikab pa and she look really tired. But no, kahit she look so cute when she yawn, 'di ako bibigay. I need to know why she kidnap me. Sauce, pakipot pa to. Luhh, who's talking? Ang iyong magandang konsensya. Gosh, bumalik na naman sya. I'm always here. Never mind the konsensya. Papansin lang yan eh. Anyway, wow, nakatulog na naman ako? Nadadalas ata? Then I remembered the three at ang pitik ni Yani sa harapan ng mukha ko before I passed out. Is that just imagination or hallucination or probably black magic? How the hell did he do that to me? Seriously, in just a snap of his fingers, nahimatay na ako? That was really... Weird! "Baby, please. Come here na. Ang lamig ng pakiramdam ko na wala ka sa tabi ko." aww, nandyan pa pala sya? Ahh oo nga pala, kasama ko rito ang gangster na to. I look at her and nakapikit na ito when she was telling me that. Ang sweet lang ng gesture nya na kahit nakapikit ay nakaextend pa rin ang isang kamay nya na parang inaabot nya ako o hinihintay na abutin ko ito but no! Hindi ako padadala. Hindi ko sya pinansin. Instead, tumakbo ako sa pinto para madismaya lang na malamang nakalock ito from the outside. Eff! Paano kami lalabas nito? Really? Nakalock ang pinto from the outside? What is this lady thinking though? Ugh! Frustrated na pinilit kong buksan ang seradura pero another epic fail. Faena and the gang - 2, Garnet - 0. "It’s locked from the outside, babe. Nandyan si Yani, nagbabantay." sabi ni Faena pero nasa bed pa rin ito at nakapikit na nakaakap sa unan. She really, really look so tired. I can easily pass thru her dahil sa estado nya ngayon pero wala eh, prepared na prepared ito. At the same time, gusto ko ng tumalon sa tabi nya dahil nagselos ako sa unan na niyayakap nya. Oo, ako na ang weirdo. Hindi ko na lang uli ito pinansin and nag-iisip na lang ako ng paraan para makatakas dito when my eyes squint at the sliding door. Aha! Dun! Tapos nagtiptoe pa daw akong pumunta sa sliding door papuntang porch pero narinig ko lang na tumawa ito ng mahina sanhi para mapatingin ako ng balik dito pero nakapikit pa rin ito. Dreaming eh? Duhh, nevermind. Hindi naman ito nagsalita and this time nakatalikod ito sa gawi ko. This is it. Oras ko na to! Dali-dali akong pumunta sa porch at tinantya kung sobrang taas ng pwede kong lundagin mula second floor. Napalunok ako dahil medyo mataas nga, siguradong mababali ang paa ko pagtumalon ako pero desperada na ako. Umakyat ako sa railings and just when I'm about to jump ay biglang nag-appear si Tong na nakatingala sa akin. "Don't ever think about it, nurse!" sigaw nya sa akin habang sarap na sarap sa hinihigop na buko. I climb back in frustration and kahit na ang ganda nga ng tanawin mula rito, I can't appreciate it. Faena and the gang - 3, Garnet - 0. Bumalik na lang ako ng kwarto na nagdadabog at raratratan sana si Faena when I realized she was sleeping. Oo, tulog na tulog na ito. And gosh, she look so gloriously sleeping there. Then nahagip ng mga mata ko ang telephone. Yeah! Telephone! Tatawag ako ng 911! No, bad idea. Baka matunton nila si Faena at mahuli ito? Uyy concern. No, hindi ganun. Shatap! How about... yung boyfriend ko? Tama! May boyfriend nga pala ako, si Kiko! Tama, tama. I'll call him. Pero hindi, nagbago ulit isip ko. Eh bakit hindi? Mas gusto mo kasama si Fae ano? No! Ayoko lang mapahamak si Kiko. 'KAY! Si Josie na lang! Tama si Josie. Okay, dialing her number tapos ring...ring...ring...then picked up. "Josie, help! I'd been kidnap. Tulungan mo ako. Hanapin mo ako. Wag mong sasabihin sa pulis. Just hire a detective and blah blah blah." andami kong sinabi pero pabulong lang dahil ayokong magising si Faena. Baka mahuli pa ako, masira ang plano ko. "Josie? Josie? Naririnig mo ba ako? Josie!" hindi kasi ito sumasagot. Wala man lang nireact sa sinabi ko? Hello? Nakidnap na ako't lahat-lahat. Hmm. "Sorry, ang inyong tinatawagan ay kasalukuyang nagsesex. Tawagan nyo lang po sya pagkatapos nilang makaraos. O 'di kaya'y balikan mo na lang uli si bossing para maging happily ever after na tayong lahat at magkaroon ng forever!" namula ako sa galit sa narinig. It was Poy on the other line. Eff! Wala akong kawala sa mga ungas na to. Marahas kong binaba ang phone and frustrated na napasabunot sa aking buhok. Ang higpit nila kung makabantay. Kaya pala tutulog-tulog lang tong reyna dito. Faena and the gang - 4, Garnet - 0. Sige na, talo na ako. Suko na ako. With a frustrated face, tumingin ako sa gawi ni Faena and saw her still sleeping in her gorgeousness. Thoughts from the past came back to my mind. Its like a deja vu. Yung time na ganito, uupo ako sa gilid ng kama while watching her sleeping. Nagmature na nga ang mukha nito but not in a old mature way kundi I mean, mas gumanda ito ngayon. Yung baby face nya noon at ang double chin nya'y mas naemphasize na ngayon. Naroon pa rin ang magagandang freckles sa mukha nya. Other girls would find the freckles too annoying in their faces but for Faena, it looks perfect. Ngayon lang kasi ako nagkachance na makasama ito ng ganito kalapit. And I was beginning to be afraid again dahil I felt the familiar beat of my heart that only her has the power to awaken. I was mesmerized by her beauty. Captured by her innocent sleeping silhouette. Gusto ko syang hawakan. Haplusin ang magandang mukha nitong sobrang namiss ko. Halikan ang mga labing, ang tagal kong inasam na mahalikan uli pero pinigilan ko sarili ko. I had promise myself not to fall from her again. The pain she had caused me before was unbearable. Para rin akong pinatay nya nung bigla nya akong iwanan and until now, I can't deny, na hindi pa rin ako nakakamove on. I will not fall for her again. Never again she can hurt me. Kaya nga siguro wala na akong naging karelasyon after her, except for Kiko ngayon dahil nga hindi pa rin nawawala ang sakit na iniwan nya sa puso ko. I can't give my all to someone dahil binded pa rin ito sa kanya. I hate her so much because all this time, I thought I had regain my life. Matagal din na taon ang ginugol ko para bumalik sa normal ang buhay ko tapos ngayon, sa pagdating nya at kung anumang rason na pagbalik sa buhay ko'y nastir up ang lahat ng damdaming hindi ko akalaing nariyan pa rin. I didn't realize I was crying kung hindi ko pa nalasahan ang luha kong umagos tungo sa mga labi ko. I hate you, Faena! Bakit ka pa bumalik? Sasaktan mo ba uli ako? I hate you! I hate you till infinity! Sa isip lang ako naghurumentado. Then my cry turn into soft sobs as I was still watching her sleeping. Buti pa sya, parang wala lang sa kanya ang nangyari. Ang peaceful ng pagkakatulog nya. I hate her! Marahas kong pinahid ang luha ko pero patuloy pa rin ang pag-agos nito. Lumalakas ang iyak ko kaya tinakpan ko ang bunganga ko as I mumbled, "I hate you, Fae. I hate you so much." ito na yung resulta ng mga naghalong damdamin s***h emosyon na pinigilan sa mga taong nagdaan. Naging feeling strong kasi ako noon eh. Wala akong pamilyang matakbuhan dahil nasa states sila, iniwan ako ni Faena na kasabay na nawala ni Elijah. Kaya wala akong nagawa kundi kimkimin lahat sa sarili ko dahil wala akong ibang maasahan kundi ang sarili ko lamang. "I hate you. Bakit bumalik ka pa? I hate you!" mahinang sabi ko sa pagitan ng pag-iyak. I badly needed this release, tutal tulog naman sya. "I love you." narinig kong sabi nya. Napatingin ako dito and saw that her eyes was still close. Nananaginip lang siguro. Mas lalo akong naiyak at the same time nainis. Sino naman kaya tong sinasabihan nya ng 'I love you'? May karapatan ka mainis, ‘te? Umepal ka na naman. Moment ko to kaya tumigil ka dyan! Ngali-ngaling batukan ko ang natutulog na Faena dahil sa sinasabi. "I hate you talaga!" gigil na mahinang sabi ko. "I love you." sabi nya ulit. Tss! Kung maka-I love you sa panaginip oh, Egrr! "I hate you!" nakipag-away na ako sa tulog. Akma na akong tatayo when I felt her hands grab mine. I was shock. Akala ko--- "I love you, Gare. Kahit na iinsist mong you hate me, I will still love you. I really do." sabi nya na nakatingin na sa mga mata ko. At hindi na ako nakapalag when she pulled me closer to her and kissed me. Edi ako na yung nagulat at natulala pero at the same time, biglang nabuhay ang katawang lupa ko dahil hiling ko to kanina 'di ba? Tanda nyo? Kung hindi, basahin nyo ulit! Bahala na kayo. Edi lusaw lahat ng drama ko sa buhay. Oha! Kaya, Faena and the gang - 5, Garnet - WINNER!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD