Memories

1101 Words
Sa chapter na ito nakapaloob ang ilang bahagi sa nakalipas sa buhay ng pamilya Shau-chen at Mga magulang ng magkapatid na sina Brent at Spocky at pinagmulan ni lance ************** MEMORIES Sa malaking garden ng mansyon nakaupo si Mira. "Hintayin ninyo na lamang po dito si senyorita Ives pababa na po iyon," wika ng kasambahay habang inilalapag sa lamesa ang juice at cake. "Mag meryenda na po muna kayo." Alok ng maid. "Salamat po." saad ni Mira bago siya iwan ng kasambahay Habang hinihintay ni Mira ang pagbaba ng kaklase niyang si Ives, napagmasdan niya ang napakalawak na lupain ng pamilya ni Ives ganoon din ang Mansyon. "Totoo pa lang mayaman sila ni Ives, nakakalula naman yaman nila." sabi ni Mira sa sarili. Dito nila napagpasyahan gumawa ng project,magkaklase sa kolehiyo ang dalawa. "Grabe ang tagal naman ni Ives." Naiinip na sabi ni Mira. Upang matanggal ang bagot naisipan ni Mira na maglakad lakad at masdan ang mga naggagandahan bulaklak ng orchids sa garden. Nakapukaw ng pansin sa kanya ang papel na nakatupi sa mababang sanga ng maliit na puno. walang pag aalinlangan, kinuha niya ang upuan at tumuntong para kunin ang papel bigla na lamang gumewang ang upuan kaya siya mahuhulog sa kinatutungan. Isang lalaki na nakasuot ng polo barong ang nakasalo sa kanya. Matikas, matipuno ang pangangatawan at ang mukha'y parang mga matinee idol noon panahon ng 80's "Sino ka? ibaba mo nga ako!!" sigaw ni Mira sa lalaking parang ang sarap sarap sakyan at magpabuhat dito. Napansin niya na may pagka mestiso ito matangos ang ilong at tantalizing ang color brown na mga mata ng lalaki. "Ang sungit mo naman Miss kung wala ako bumagsak ka na sana dyan sa lupa." aniya. "Sabing ibaba mo na nga ako ang kulit mo." inis na sabi ni Mira. "O ayan na mahal na prinsesa." at maingat na ibinaba nito si Mira ng lalaking nasa edad ay bente singko. "Uli-uli wag kang tuntong sa upuan, palibhasa maliit kaya di kayang abutin matataas na bagay." sermon ng lalaki kay Mira. "Ang yabang mo magsalita kala mo kung sino kang matangkad." "Grabe imbis na magpasalamat nagsusungit pa rin hanggang ngayon." Sumbat ng lalaki kay Mira. "Edi, Salamat." masungit na sabi ni Mira. "Ang sungit talaga pero puwede na tatanggapin ko na pasasalamat mo." bahagyang nangiti ang lalaki. "O ano nginingiti-ngiti mo dyan." Sita ni Mira sa lalaki. "Ang ganda mo pala kahit nakabusangot yan mukha mo, mas gaganda ka pa siguro kapag nakangiti at hindi nagsusungit." Bahagyang namula ang mga pisngi ni Mira sa tinuran ng lalaki kaya mabilis siyang tumalikod upang maitago ang kilig niya sa lalaki. "Anong nangyayari dito?!" Isang mabagsik na boses ang gumulantang sa kanila kaya napaayos sila ng tayo. "Wala po Sir, nakita ko lamang po itong bisita na mahuhulog kaya sinalo ko kaagad." paliwanag ng guwapong lalaki. "At kanino ka namang bisita?" tanong ng lalaking nasa edad kuwarenta na mestisuhing din na halatang may lahing intsik. Magkasalubong ang kilay nito at halatang sa mukha nito ang pagiging strikto. "Magandang araw po, Si Ives po ang sadya ko, kaklase ko po siya." sagot ni Mira. "Papa, kaklase ko siya dito po kami gagawa ng project." Saad ni Ives na kararating lang. "Ganoon ba." matipid na sagot ng ama ni Ives. kaagad na kinuha ni Ives at papel na nakatupi na nasa kamay ni Mira. Napansin ni Mira ang patagong sulyapan ni Ives at ng lalaking nakausap niya. Malalagkit ang kanilang tinginan at tila napagtanto ni Mira na may uganayan ito. "Virgel samahan mo ko, aalis tayo." Sabi ng Ama ni Ives. "Sige po Mr. President." sabay patagong sinulyapan si Mira nitong matipunong lalaki at kinindatan pa. "Bye, Papa magiingat kayo." sabay halik at yakap ni Ives sa kanyang ama. Nang maka-alis na ang Papa ni Ives at lalaking nagngangalang Virgel. Kaagad na hinatak ni Ives si Mira para maupo sa lamesa maliit at may mga upuan. Dali-dali niyang binuksan ang nakatuping papel nakangiti pa ito habang binabasa. "Ang gwapo ni Virgel di ba, ang sweet pa." wika ni Ives. "Huh nobyo mo yun pero..." putol na sabi ni Mira na di makapaniwala sa nalaman sa kaibigan. "Oo magkasintahan kami, balewala lang sakin kung nagtatrabaho lang siya samin bilang bodyguard ko at ni Papa. Ang pinoproblema ko lang ang magiging reaksiyon ni Papa pag nalaman niya lalo na't ipinagkasundo na ko sa iba, na pagkagraduate ko magpapakasal na kami Juancho." Saad ni Ives sa kaibigan. "Si Juancho na presko at siga na apo ng may ari ng school natin." dugtong ni Mira. "Tama ka, hindi ko naman siya gusto si Vergel ang mahal ko, kaya namomoblema tuloy ako." Malungkot na sabi ni Ives kay Mira. ********** Naging mas malapit pa ang dalawang magkaibigan hanggang sa maging mag bestfriend si Ives at Mira. Tanging si Mira lang ang nakakaalam ng lihim na relasyon ni Ives at ng bodyguard nitong si Vergel. Di lingid sa kanilang kaalaman ay napapansin na ni Chairman Mao ang madalas na paglabas ng mansyon ni Ives at Virgel, dahil dito lagi nang isinasama ni Ives si Mira sa date nila ni Vergel upang di iisipin lalo ni Chairman Mao na may relasyon sila. Ngunit nagkamali sila kalaunan ay nalaman din ni Chairman Mao ang kanilang lihim na relasyon dahil may mga mata si Chairman sa paligid. Kaagad na pinadala sa Amerika ni Chairman Mao si Ives. Ginawa iyon ni Chairman Mao upang putulin ang namamagitan sa kanyang anak na si Ives at si Virgel pero ang pinaka mabigat na dahilan nito ay gustong maangkin at masolo ni Chairman Mao si Vergel. Labis na ikinalungkot ng dalawang magkasintahan ang nangyari lalo na si Virgel. Nagbitiw ito sa trabaho bilang bodyguard, dinamdam niya ang pagkawalay kay Ives at nagpakalango sa alak. Gusto niyang makausap si Ives pero hindi niya alam kung paano at ano ang gagawin. Mira pov Matapos ang aking klase sa araw na ito, napansin kong sobrang init ng panahon kaya nagdesisyon muna akong huwag munang umuwi. Nakita kong may mamang sorbetero ang pumuwesto sa park malapit sa kolehiyo na aking pinapasukan. Naisipan kong bumili ng sorbetes. "Mama pabili nga po sorbetes yun tag limang piso po." habang bumubunot sa pitaka ko para humugot ng barya. "Gawin mo ng dalawa manong." sabi ng isang lalaki sa aking likuran. "Virgel? Anong ginagawa mo dito?" Bahagyang akong nagulat nang bigla na lamang sumulpot si Virgel dito sa University "Heto makikibalita kay Ives." sagot niya. "Naku pasensya ka na ah, wala din akong balita kay Ives maliban na lamang kung tatanungin ko si Juancho at makikibalita kay Ives." Sagot ko. "Juancho? Sino si Juancho?" Nagtatakang sabi niya "k-kuwan kasi...."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD