Aizen pov
SAGADA EXPEDITION part 1
"Saklolo, help, tulungan niyo ko ayoko pang mamatay."
Pilit akong kumapit sa mga ugat ng puno sa gilid ng bangin, habang ang isang kamay ko'y nakakapit sa bato. Puno na ng dugo ang aking kamay dahil sa matitihas na ugat na aking kinakapitan, ayaw kong bumitiw. Hindi pa ko handang mamatay.
"Saklolo tulungan niyo ako, God please help me ayoko pang mamatay! Tulong saklolo!"
Bumuhos ang mga luha ko sa takot ng masilip ko napakalalim na bangin babagsakan ko. Pilit ko pa rin inaabot ang pinaka malaking ugat ng puno, ngunit ang lupang nasasayaran ng aking katawan ay malapit ng gumuho. Nawawalan na ko ng pag-asang makaligtas, habang akoy umiiyak isa-isa kong naalala ang mga di ko malilimutan pangyayari sa buhay ko, ang pamilya ko, ang kaibigan kong Kisky, si Brent na pinakamamahal ko. Paano na kung hanggan dito na lang buhay ko.
"Aizen, abutin mo ang kamay ko, kumapit ka lang wag kang bibitaw!" sigaw sakin ni Brent.
Kumapit akong mabuti sa kamay ni Brent, bigla siyang naglaho at ang mga kamay na hawak ko na ay naging kay lance. Nakakakilabot ang mga ngiti niya nakiusap akong tulungan niya ko ngunit dahan-dahan niya ko binitiwan.....
"Huwaaaagggg!!!!" sigaw ko nang maimulat ko ang paningin ko.
Bigla akong nagising nakita kong nasa tabi ko si Kiskey at Brent. Ibinangon ako sa maliit na convertible bed couch sa likod ng customize van, napagtanto kong bumabyahe pala kami papuntang Sagada.
"Nanaginip ka ay Aizen." sabay akbay sakin ni Brent at hinalikan ako sa noo.
"Sobrang pagod at puyat mo na Aizen, mas mabuting dito na lang tayo sa Benguet at mag check in tayo sa hotel. Magpahinga ka na muna." sabay abot sakin ng tubig ni Kisky.
"2 hours or 3 hours na lang malapit na tayo kaya bakit pa tayo hihinto? Second gusto ko maiabot ng pormal sa tribo yun mga handog natin sa kanila kapalit ng alinuoy fabric at yun plano para sa tulay na gagawin. Remember sabi ni Kapitan di basta-basta nakikipag usap chieftain ng tribo nila sa kung sinu- sino."
"Sige tatawagan ko na si Kapitan at mga tour guide para mag ready na sila sa pagdating natin." Sagot ni Kiskey
"Baka magkasakit ka naman sa sobrang sipag mo." pag aalala ni Brent.
"Once na makuha natin itong miracle fabric." malaking breakthrough ito sa fashion at textile na yun tela na nila na pwede kahit na kahit anong season pa, kapag tag init malamig sa katawan ang tela or vice versa mangunguna ang company sa lahat ng textile manufacture industry."
"Pangako pag nagtagumpay tayo bago end of year magbabakasyon tayo sa States." Patuloy ko.
"Wow sama ako dyan." sabi ni Cedrick na nagmamaneho ng aming sasakyan
"Yehey may pa surprize ka naman pla best. Pero make sure na okay ka lang ha." Kiskey reminded me again.
Saglit akong natahimik di mawala sa isip ko ang panaginip ko, ano kaya ibig sabihin nun?
Nang marating namin ang Bontoc nagtagpo ang aming team at grupo nila Kapitan at mga kasama niyang tour guide ng Department of tourism at ilang kasandaluhan sa munisipyo. Ipinayo samin na kumain dito sa Bontoc Town dahil kelangan malakas kaming aakyat ng bundok, mula rito'y iniwan namin ang mga van at sumakay na ng tricycle. Natuwa ako sa hiyawan nang mula sa malayo nakikita na namin ang mga kakayuhan at bundok. Napahinto ang aming grupo dahil naisipan nilang kumuha ng litrato sa very captivating na tanawin. It is truely na isang great painter si God, para sa mga tourist at traveller dahil sa madaming napakagandang tanawin sa Pinas.
Mabilis akong hinatak ni Brent para magpicture kami ng solo at sumalisi pa to ng halik. Mabuti na lamang may pagka hokage siya at walang nakakita sa paghalik niya sakin.
Nagpatuloy pa ang aming pagbiyahe ng marating na namin ang isang nilikuan malaking kalye at isa-isa na kaming nagsibaba upang magtipon tipon kami at sama-sama kaming nanalangin para sa kaligtasan at mapayapa namin treaking.
Ibinigay sakin ni Brent ang kanyang camera, mga importanteng gamit at siya ang bumuhat ng napakalaking kong backpack. Ganoon din ang ginawa ni Cedrick kinuha niya ang mabigat na bag ni Kisky.
Habang sa paglalakad namin paakyat ng bundok di ko mapigilan pagmasdan si Brent Macho pero napakalambot ng puso, samantalang ako katamtamang lang ang height, payat pa para kaming si Incredible Hulk at Harry Potter. Napaka sweet niya sa akin palagi minsan napapaisip ko na hindi ako showy sa nararamdam ko sa kanya dahil minsan naiilang at nagiingat na may makakita samin. Parang ang unfair ko kay Brent. Ang hirap sa katayuan ko kaya naman nagpapakasubsob ako sa trabaho para makapag bakasyon kaming dalawa sa lugar na malaya ko maipaparamdam pagmamahal ko sa kanya yun walang makakakilala samin.
Speaking of lugar na walang nakakakilala samin pwde na tong lugar na to. kung wala lang kaming kasama eh, baka puwede na kami gumawa ng romance dito. Hottie guy in the forest ang naiimagine ko kay Brent.
Sa gitna ng day dreaming ko ginising na naman niya ko nang hawakan niya ang braso ko. Hindi ko napansis na napapalayo na pala ang agwat namin sa grupo.
"Zenzen, ang tagal mo maglakad bilisan natin baka mahiwalay tayo sa kanila."
Kinikilig ako ng sobra pag tinatawag niya ko ng "Zenzen".
"Eh ano naman kung mahiwalay tayo at least masosolo kita."
Tumingin siya sakin nang nakangiti.
"Nagiging cheesy ka na sakin ngayon ah." Kantyaw niya sakin.
"You dont want it okay di wag." sabay bilis ng lakad para makabol sa grupo.
"Tampo naman agad hintay baka madulas ka."
Brent pov
Nang maabutan ko na si Aizen at ang grupo, napahinto sila at may tinatanaw sa kabilang bundok ipinahiram ng mga sundalo sa iba angg binoculars nila. Samatalang ako naman ay batid ko na ang tinitingnan nila ang HANGING COFFINS
"Wag mo ng tingnan!"
Dagli ako lumapit kay Aizen
pilit niyang tinatanaw ang hanging coffins pero pinaliit nito lalo ang mata niya. Nalaman kong near sighted pala siya kaya naisipan niyang gamitin ang lente ng camera ko para makita niya pinagtitinginan ng grupo. Nagulat siya sa nakita niya huli na ng harangan ko siya napatigil siya at namutla sa takot.
"Sabi ko na sayo di ba. Baka di ka na makatulog niyan mamayang gabi." sabay akbay ko kay Aizen para maibsan ang takot niya.
"Malapit na po lumubog ang araw bilisan na po natin ang pag akyat, doon sa tuktok na iyon tayo magpapalipas ng gabi" sigaw ng isa sa mga Tour Guide.
"Nice mag cacamping tayo ang sarap talaga sumama sa mga ganitong lakad, bakit anong nangyare?" pansin ni Ced samin.
"Mukhang natakot lang si Zenzen sa hanging coffins." wika ko.
"Tara na malapit na magdilim. kalimutan mo na yun boss." Sabi naman ni Ced.