Xavier's Point of View
PAGKATAPOS ng laro ay nagtungo kami nila Nico at Samantha sa isang kainan. Tanghali na rin natapos ang practice nila. Nagpaalam naman si Mikael na uuwi na muna siya upang maghanda sa paglabas namin mamaya.
“So, saan kayo pupunta ni Mikael mamaya?” ang tanong naman ni Samantha.
“Manonood lang ng movie,” ang tugon ko naman.
“Tapos?” ang sunod niyang tanong.
“Hindi ko sigurado,” ang muli kng tugin. “Uuwi na.”
“Sa bahay ni Mikael,” ang tukso naman ni Nico. “Mukhang may madidiligan.”
“Ano ba!” ang suway ko. Sabay naman silang tumawa.
“Since, hindi naman kami kasama; ilibre mo na lang kami ng inumin,” ang suhesyon ni Samantha na kaagad na sinang-ayunan ni Nico.
“Oo na,” ang pagsang-ayon ko. Nagsimula naman kaming kumain ng pananghalian. Nang matapos ay naglakad kami patungo sa dormitory. Pumasok kaming tatlo sa kuwarto. Nagpaalam naman si Nico na maliligo. Napatingin naman si Samantha sa akin.
“Hindi ka ba mag-aayos?” ang tanong niya.
“Ha? Para saan?” ang tanong ko naman.
“Manonood kayo ng movie ni Mikael, hindi ba?” ang tanong niya.
“Oo, bakit may mali ba sa suot ko? Sa itsura ko?” ang tanong naman ko naman sa kanya.
“Wala naman,” ang tugon niya. “Pero ayaw mo bang mas maging maayos sa paningin niya?”
“Gusto… pero hindi ko alam kung anong susuotin ko,” ang komento ko naman.
“Susme,” ang reaksyon naman niya. Tumayo naman siya at nagtungo sa aparador ko. Binuksan naman niya yun. “Ay, ang cute nito.”
Kinuha naman niya ang light pink denim jacket ko sabay abot sa akin.
“Sa tingin ko, okay na yang idagdag sa suot mo. Ayusin natin yang mukha at buhok mo,” ang komento niya pa sabay bukas ng dala niyang bag at linabas ang ilang bagay.
“Anong gagawin mo?”
“Lalagyan kita ng make-up. Kunti lang naman,” ang tugon niya.
“Ang ganda ng balat mo. Lagyan lang natin ng CC cream para may glow tapos powder,” ang sabi niya. Linagyan naman niya ng kung ano-ano ang mukha ko. “Tapos ito lip tint para kapag tinitigan ni Mikael ang mga labi mo; mate-tempt siyang tikman yan.”
“Samantha, kung ano-ano sinasabi mo,” ang komento ko.
“Asus, kinikilig ka naman eh,” ang tukso naman niya. Linagyan niya nga ang labi ko ng tint, unting eye shadow at inayos niya rin ang buhok ko. “Hala, Xavier!”
“Bakit?!!” ang nag-aalala kong reaksyon.
“Ang pogi mo!” ang reaksyon niya sakto naming lumabas si Nico mula sa shower room. Natigilan siya nang makita ako.
“Ang pogi naman ni bespren!” ang tukso niya nang makita ako. “Iba talaga pag inlababo!”
“Sira,” ang tugon ko. Natigilan naman ako nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko naman yun. Nag-text si Mikael. Nasa lobby na siya ng dormitory. “Nandyan na siya. Mauna na ako.”
“Good luck!” si Samantha.
“Enjoy!” si Nico. Lumabas naman ako ng kuwarto at dumeretso sa hagdanan. Natigilan ako nang makasalubong si Jace at Xander. Nagkatinginan kami ng kambal ko. Since wala naman akong pake sa kanya ay pinagpatuloy ko ang pagbaba sa hagdanan. Hindi naman nagtagal ay nakarating din ako sa lobby. Kaagad kong nakita si Mikael na nakaupo sa sofa. Napatayo siya nang makita ako. Ang gwapo niya sa suot niya. Naka blue and white stripe polo shirt siya, light blue skinny jeans at loafers. Naka-ayos din ang kanyang buhok. Lumapit naman siya sa akin.
“You look nice,” ang pagbibigay niya ng papuri sa akin.
“Ang gwapo nga rin eh,” ang tugon ko.
“Nagwagwapuhan ka sa akin?” ang tanong niya sabay ngiti.
“I said what I said,” ang komento ko naman. “Tara na nga.”
Sinundan ko naman siya.
“Hop in,” ang sabi niya nang tumabi siya sa isang kotse. Sumakay naman ako; ganun din naman siya. Nagsimula siyang magmaneho. Habang nasa biyahe ay pinapakinggan naming ang ilang awitin ni Lauv. Napatingin ako sa labas. May ilang rainbow flags sa ilang gusali.
“Pride Month nga pala,” ang komento ko sa aking sarili.
"Yuhp,” ang pagkumpirma ni Mikael. ‘It’s June.”
“Mikael, anong tingin mo sa mga..uhm,” ang hindi ko siguradong tanong.
“Sa Gay Community?” ang salo niya. Tumango naman ako. “Well, I’m fine with them. I don’t hate them or anything.”
“So, open-minded ka?” ang tanong ko.
“Oo naman,” ang tugon naman niya.
“Paano kung sa’yo nangyari yung nangyari kay Xander?” ang tanong ko.
“Well, I might reject him too,” ang tugon niya. Medyo nadismaya ako sa aking narinig. “Not because he’s gay… I mean, if that’s what you think. Si Blue kasi… he’s not my type.”
“So posibleng magkagusto ka sa lalake?” ang tanong ko.
“Well, life has a lot of possibilities. Sa ngayon, hindi ko masasagot kasi hindi ko pa nararanasan pero imposible ba? No.” ang tugon niya. Napangiti naman ako. “Love is genderless, Xavier.”
“Ikaw ba?” ang tanong niya sa akin.
“Anong ako?” ang tanong ko naman pabalik. “Ah… eh… wala rin naming problema sa akin.”
“Meron ka bang nagugustuhan ngayon?” ang sunod niyang tanong. Nagulat naman ako sa tanong niyang yun. Aamin na ba ako? Ito na baa ng tamang panahon? Tumango na lang ako. “Alam niya ba?”
“Uhm, hindi.” ang tugon ko.
“Bakit hindi mo sabihin na gusto mo siya?” ang tanong ulit niya. Daig ko pa ang criminal na nasa interrogation room sa rami ng tanong niya.
“Hindi naman ganun kadali yun, eh,” sa wakas ang tugon ko. “Hindi pa ako handa.”
“Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan,” ang komento naman niya. Napatango naman ako. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa sinehan. Pumila kami para bumili ng tickets. Nasa harapan ko siya. Ngayon ko napansin na sobrang tangkad niya. Nang makakuha ng tickets ay sunod kaming pumila upang bumili ng maiinom at popcorn.
“Anong gusto mong flavor ng popcorn?” ang tanong niya sa akin.
“Sour Cream.”
“My favorite,” ang tugon niya. “Gusto mo ng Orange soda?”
Tumango naman ako. Pumasok kami ng movie theatre at pumwesto sa bandang likod. Hindi nga nagtagal ay nagsimula na ang pelikula. Hindi ako mapakali sa aking upuan. Ang ginaw; kahit na nakajacket pa ako. Natigilan naman ako nang akbayan ako ni Mikael. Napatingin ako sa kamay niya; pagkatapos sa mukha niya na ang sobrang lapit din sa mukha ko. Napatingin siya sa labi ko. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang Adam’s apple. Nagkatitigan kaming dalawa. Kapwa naman kami natigilan nang may malakas na tunog ng pagsabog mula sa pelikulang dapat ay pinapanood namin. Napatingin kami sa screen. Ramdam ko ang init sa aking mga pisngi. Pinilit kong isa-walang bahala kung ano mang nangyari kanina. Pagkatapos ng pelikula ay lumabas kami ng sinehan.
“Nagustuhan mo ba yung movie?” ang tanong niya.
“Nagustuhan ko; ikaw?” ang tugon ko naman. “Meron pa akong nagustuhan.”
“Ano?” ang tanong ko naman.
“Ikaw,” ang tugon naman niya.
“Mikael!” ang reaksyon ko naman. “Grabe ka magbiro.”
“Sino ba kasi nagsabing nagbibiro lang ako?” ang tanong naman niya kaya natigilan ako at napatingin sa mukha niya. “Xavier, gusto kitang makilala pa ng lubusan. Okay lang ba sa’yo yun?”
Napangiti naman ako at tumango.
“Tara mag-dinner,” ang yaya naman niya. “Tapos ihatid din kita sa dorm niyo.”
Kaagad din naman akong pumayag. Masaya ako sa dahil finally nagkaroon na kami ng chance para maging malapit sa isa’t-isa. Dinala niya nga ako sa isang restawrant. Napatingin naman ako sa paligid.
“First time mo rito?” ang tanong naman niya. Tumango naman ako.
“Sigurado ako; magugustuhan mo ang mga pagkain dito,” ang komento naman niya. “So, can you tell me something about your family?”
“Uhm, pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. May Kuya ako at isang nakakabatang kapatid na babae,” ang tugon ko naman.”Si Momy at Daddy may maliit na negosyo. Eh, ikaw?”
“Si Dad, isa siyang doktor samantalang isang full time housewife naman si Mom,” ang sagot niya. “Mag-isang anak lang ako pero meron akong isang half-brother na hindi nakatira sa amin. Anak ni Dad sa ibang babae. Medyo nakakalungkot kasi mag-isa ko lang kapag nasa bahay ako. Siguro malapit ka sa mga kapatid mo. Mabait ka kasi and very approachable.”
“Malapit kami sa isa’t-isa nung bunso pero yung Kuya ko; hindi,” ang tugon ko naman.
“Ha? Bakit naman?” ang tanong niya.
“Magkaibang-magkaiba kasi kami ng ugali at mga gusto,” ang paliwanag ko naman. “Halos sa lahat ng bagay ay hindi kami nagkakasundo. Madalas din kaming magsagutan. Hindi ko alam kung bakit ganun kami.”
“Siguro hindi pa lang kayo nabibigyan ng tamang pagkakataon para maging malapit kayo sa isa’t-isa,” ang komento naman niya. Hindi ko alam kung magiging ka-close ko si Xander. Magugulat ang lahat kapag nalaman nilang kakambal ko siya. I don’t feel the need to tell everybody about my twin. Nang dumating ang pagkain ay nagsimula kaming kumain habang nagkwekwentuhan. Marami siyang tanong tungkol sa akin. Bumabawi naman ako sa pamamagitan ng pagbalik sa kanya ng parehong tanong.
“Ang ganda ng langit ngayong gabi,” ang komento niya. Napatingin naman ako sa kalangitan. Puno ito ng mga bituin. Kasalukuyan kaming nasa parking lot; papasakay ng kanyang kotse. “Nag-enjoy ka ba ngayon sa date natin?”
“Date?!” ang gulat kong tanong. Tumingin naman siya sa akin.
“I said what I said,” ang seryoso naman niyang pagkumpirma. “Ayaw mo ba?”
“Uhm, hindi naman sa ganun. Nakakagulat lang kasi,” ang tugon ko. Natawa naman siya at hinawakan ang aking baba.
“Ang cute mo,” ang sabi niya.
“Mikael!” ang suway ko naman sabay hampas sa dibdib niya. “Nakakahiya.”
“So, kelan ang susunod nating date?” ang tanong naman niya.
“Susunod?”
“What’s the sense of going out with you if we won’t do it again, right?” ang tanong niya. Napangiti naman ako at tumango.
“Uhm, sa susunod na Sabado?” ang tanong ko.
“Sounds good,” ang tugon naman niya. “Halika na. Ihatid na kita.”
Sumakay naman kami sa kotse niya; nagsimula siyang magmaneho patungo sa dormitory. Nagpark naman siya sa tapat.
“Mauna na ako,” ang paalam ko. Tumango naman siya.
“Xavier,” ang bigla niyang pagtawag sa akin. Natigilan naman ako sa pagbukas ng pinto ng sasakyan. “I’ll add your social media accounts to mine. Okay lang ba?”
Tumango naman ako.
“See you next week,” ang paalam niya.
“See you, Mikael. Salamat sa date natin,” ang nahihiya kong pasasalamat sa kanya. Bumaba naman ako ng sasakyan at kumaway habang nagmaneho siya palayo. Umikot naman ako para pumasok sa dorm. Natigilan naman ako nang makita si Xander sa entrance; nakamasid sa akin. Lalagpasan ko na sana siya nang nagsalita siya.
“Saan kayo pumunta?” ang tanong niya. Hindi ko naman siya pinansin. “Ha-vi.”
Ha-vi. Ang palayaw ko sa bahay. Mula sa pangalang Javier na pangalan ng lolo namin.
“It’s none of your business, Kuya Sonny,” ang tugon ko gamit ang kanyang palayaw. Naglakad naman ako papalayo. Nakakairita talaga pagkapakialamero ni Xander. Nagtungo ako sa kuwarto namin ni Nico. Nandun siya. Napatingin naman siya sa akin; naupo ako sa kama at nagtanggal ng sapatos. Kaagad naman siyang tumayo mula sa kama niya at lumipat sa kama ko.
“Kamusta ang date niyo ni Mikael?” ang tanong niya. Napangiti naman ako. “Kinikilig!”
“Nico, tumigil ka nga” ang suway ko sa kanya ngunit kahit na anong pilit kong itago ay hindi ko magawang ikubli ang kasiyahang nararamdaman ko. Hinubad ko ang jacket na pinasuot sa akin kanina ni Samantha. “Diyan ka na muna. Maliligo na muna ako.”
“Asus, akala mo makakatakas ka sa akin?” ang komento naman niya. “Dalian mo! Marami kang dapat ikwento sa akin.”
“Oo na!” ang pagsuko ko naman. Tumayo naman ako at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkalabas ko ay natigilan naman ako nang makita ang sari-saring snacks sa kama ko. “Nico! Bakit sa kama ko?!”
“Huwag kang umarte diyan! Dalian mo na at magkwento ka na,” ang utos naman niya. Napa-ikot naman ako ng mga mata. Naupo naman ako sa kama at kinuha ang isang pack ng chips. Inulan naman niya ako ng maraming tanong.