Xavier’s Point of View KINA-USAP nga ni Mommy ang doktor; pinayagan naman niya akong umuwi. Binigyan niya naman ako ng reseta at ilang bilin habang gumagaling ang aking pilay. Sinabi pa ng doktor na… aabutin ng anim hanggang walong linggo ang kabuuan ng oras ng paggaling nito. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang maghintay. Ilang araw na rin naman bago ang semestral break. Akala ko ay makakauwi na ako nang tumawag ang Dean ng koleyo namin kay Mommy. Pinapapunta kami sa campus para pormal na magreklamo laban kay Paige. Napabuntong-hininga naman ako habang papalabas kami ng ospital. Sa sasakyan ay ka-chat ko si Mikael. Hindi ko alam kung bakit pero nakaligtaan kong banggitin sa kanya na… nakabalik na kami ni Xander sa mga orihinal naming mga katawan. “Pauw

